September 24, 2008

Unreliable

Nakakalungkot para sa isang taong walang kapansanan ang pagdudahan ang kanyang kakayahan. Pagdudahan na tila ba mangmang ka sa mundo at walang alam para maging daan sa ikabubuhay mo. Kulang na lang hamakin ang pagkatao mo at sabihing hindi ka dapat mabuhay.

Para kang sinabihang hindi ka marunong huminga at kailangan mo ng respirator.

Pero hindi ba mas masakit sa kalooban kung sasabihan ka ng mahal mo sa buhay, ang mga bagay na alam nilang hindi mo kayang gawin.

Tulad ni Aling Maring. Nakita niya akong naglalabas ng hotdog mula sa freezer, at itinatanong ko kung nasaan ang tinapay.

Aling Maring: "Bakit mo inilalabas yang hotdog? Marunong ka bang magluto niyan?"
Ako: "... "

Kung sa normal na pamamahay magaganap ang ganitong klase ng pag-uusap, malamang naglayas na ako. Pero dahil pinalaki ako ng matino ni aling Maring, tatanggapin ko ng buong-tapang at buong lakas ng loob ang mga sinambit niyang kataga.

Ayun, tinawanan ko lang.

25 Winners:

Mariano said...

PUTANGINANG YAN! HOTDOG NA LANG NASUNOG PA!

superboi said...

nasunog mo ang hotdog???

sos! kaya naman pala nagtanong eh.

Anonymous said...

hahaha. ang sama naman nun. pero ako hanggang ngaun di pa marunong magsaing. haha. XD

Anonymous said...

OO Samieboi, nasunog ko. Ahaha, tangina kasing apoy, malakas pala di nagsasalita.

Aba Lei, marunong akong magsaing! Ahaha. Madali lang yan, yung tubig sintaas sa pagitan ng dalawang guhit ng gitnang daliri mo. Gets mo? Rice-cooker!

UtakMunggo said...

mariano nakaka-turn off ka naman. perpekto ka na sana kaya lang hotdog lang di mo pa kayang gawan ng paraan. alam mo my dear, cooked meat na yan. ibig sabihin, pede mo nang lapain kahit galing pa sa freezer. o di sana indi ka na napagtripan ni aling maring.

yun naman eh kurokuro ko lang.. dahil madalas kong gawin yun noong birhen slash dalaga pa lang ako at tinatamad akong magluto. hindi naman ako nagka-indigestion or food poisoning so i guess it's safe.

ang mahirap eh kung makakain ako ng malinis. tiyak.. diarrhea ang kasunod.

*hinaan mo lang ang apoy sa susunod*

Anonymous said...

oo. masanay ka kay inay.
sos.

kase wag kang magmadali.

Anonymous said...

UtakMunggo, inaamin ko naman na isa sa kahinaan ko ang hotdog at malakas na apoy ng kalan. At alam ko naman na luto na din siya pero ayaw ko naman ng hotdog popsicle on a tasty bread. Meron din akong kaibigang ganyan na kumain ng hotdog straight from the freezer, at ayun, may trabaho na siya ngayon. Safe naman siya theoretically dahil nagkaasawa ka naman at siguro naman eh ginagawa mo pa din yun ngayon? Ahihi, joke lang. Minsan nga mas nakakapagpakasakit pa yung malilinis na pagkain para sa akin eh. Kaya nga bihira akong mangomunyon sa simbahan, baka ikalusaw ng makasalanan kong katawan. Salamat sa payo, sisiguraduhin kong tamang antas ng pagkasunog na ang magaganap sa susunod.

Oo nga, ganun nga si inay. Gusto niya lang pala akong ipagluto kaya niya naitanong. Ayaw pa ata akong pag-asawahin, di pa daw ako marunong magluto.

Jadeite said...

Hahahahah pati hotdog nasunog!

Tama yata yung sabi nila, sa susunod, kainin mo na lang kahit hindi pa luto. Heheheh

Anonymous said...

Ang galing naman, ang dami kong nalalaman na bagong info dito sa inyong blog. Salamat kay Utakmunggo, nalaman ko na puede palang kainin ang hotdog ng hindi pa luto. Oh my.. ang galing. :p Haha.

Magaling akong magluto ng hotdog kasi sa araw araw na ibinuhay ko e lagi yan ang ulam namin. Goodluck na lang sa susunod. :P

Anonymous said...

ako hindi talaga marunong magprito ng hotdog. nasusunog. kaya nilalaga ko na lang. ganun din naman lasa. bwahahahaha.

Anonymous said...

i feel you! haha! minsan talaga LIFE IS IMPAIR?=)

Anonymous said...

maligo ka daw muna ng regular
bago ka mag tangka na mag asawa

at matutong maghugas ng pupu ni alex
miss ko si alex.

Anonymous said...

ahhllliinggg maaahrrrinnnnnnnnnngggg...

ang galing ni aling maring me touch of concern sya sayo...siguro nakikini kinita na nya na masusunog mo ang had-dog...

PoPoY said...

aahahaha. dapat gayahin mo si xG kumakain ng hotdog straight from the freezer.wahahaha.

astig!

chroneicon said...

susmarya no, ok lang yan.

boil water! ahihihi...

Anonymous said...

hahaha! nakakatuwa si aling maring.

nexttime bili ka na lang sa 7/11. para luto na.

ako hinahawakan ko lang yun, naluluto na... i'm hot kasi eh. hahahha!

KABLAGAAAM!! [tinamaan ng kidlat.]

Mariano said...

oh Jadeite, sobra ka naman. Nasusunog naman lahat ng bagay ah? At oo, kanyang luto, kanyang kain. Sa kaso ko, sunog ko, luto ko.

Thea, utang natin kay UtakMunggo yung kaalaman na natuklasan natin. Straight out of the freezer and into the mouth pala eh pwede na. At nawa'y maging aral ito para sayo na hindi mo ako tutularan para di masunog ang hotdog. Pero perkpek ka na din dito malamang.

Oo, menos mantika pa yun Pedro, mas safe kainin. Pwede ngang microwaved hotdog na lang eh.

Life is impare yun Sah, hindi impair.

Marunong akong maligo ng regular dahil regular sa akin ang 4 days na hindi pagligo. Miss ka na ng tito ni alex.

Mami Lyzius, si alllllllihng maaaahring talaga ang nanay ko. Oo, yun nga, kilala niya ako bilang walang kwentang anak na nanununong ng had-dog.

Ayaw ko naman ng malamig na hotdog POpoy, at alam ko din ang trabaho niyang yun, na kumakain ng matigas at malamig na hotdog, gaano man kapangit pakinggan.

Boss Chie, buti nga kamo di pa ako nasusunugan ng tubig kahit kailan eh.

Yun nga din naisip ko Procky, tutal naman ganun na din yun, binibili din ang Bibbo Cheesedog. Siguro dapat palang ginawa ko eh dinala ko yung hotdog na hilaw para sa trade-in, hehe. Hot ka na talaga, tinamaan ka ng kidlat eh, ahihi.

Anonymous said...

wahahahaha


naalala ko lang, noong bata pa ako at nde pa sanay magcook (so conio) , nilagyan ko ng slits ang hotdogs gaya ng sa commercial at nakikita ko...

tapos nilagyan ko ng ASIN at pinirito...


...naisip ko kasing ang isda pag ginilitan, nilalagyan din ng asin. akala ko:

SLITS + ASIN = necessity

Anonymous said...

Ahahaha, bossing LV naglalagay din ako ng asin dati sa hotdog, kasabay kasi ng itlog ipinipirito eh. Mas masarap ata ang hotdog na may slits.

Anonymous said...

dami ko tlga natututunan sayo kuya mariano. un bang sinabi mong tubig kahit ilang gatang un? (hala, nagtanong na nga talaga) nevermind. haha. :)at least ako marunong magluto ng hotdog. kalahati sunog, kalahati hilaw. lols.

Anonymous said...

Langya yan Lei, haha. Rice cooker lang ang sagot diyan. Kapag di talaga magets, i-Google na yan!!! Mas marunong ka talagang magluto dahil sayo kalahati lang ang sunog, saken lahat.

Anonymous said...

[B]NZBsRus.com[/B]
Lose Idle Downloads Using NZB Downloads You Can Swiftly Find HD Movies, PC Games, MP3s, Software and Download Them @ Accelerated Speeds

[URL=http://www.nzbsrus.com][B]Usenet[/B][/URL]

Anonymous said...

Making money on the internet is easy in the undercover world of [URL=http://www.www.blackhatmoneymaker.com]seo blackhat[/URL], You are far from alone if you don't know what blackhat is. Blackhat marketing uses little-known or not-so-known avenues to produce an income online.

Generic Cialis said...

Tulad ni Aling Maring. Nakita niya akong naglalabas ng hotdog mula sa freezer, at itinatanong ko kung nasaan ang tinapay.

Leonard said...

Thanks so much for this article, quite useful piece of writing.
genie bra | eggies reviews | iheater 1500