Educational
Alam mo naman ang mga estudyante, mahaharot.
Di ko naman sinasabi na sinusutsutan ako nung mga babaeng talandi sa tuwing aakyat ako ng bahay na nakatapis lang ng tuwalya at nakabukol ang malaki kong tiyan.
Ang sinasabi ko lang eh alam ko na kung sino ang mabubuntis agad pagdating ng JS Prom nila.
Ayun, yung tatlong dalagitang napakalalakas tumili sa tuwing papatayin ng mga harot na binatilyo ang ilaw. Paulit-ulit pinapatay, paulit-ulit ding nagpapaluwa ng mga tinggle ang mga dalagitang malandutay kakatili. Tapos magaapiran sa isa't-isa. Ewan ko, baka mali lang ako, baka nagpapraktis sila ng role-playing. Rape-rape-an with the gym teacher. Magandang praktis sa teatro siguro pagdating nila ng college. Yun eh kung may balak pa silang mag-college o tumili na lang maghapon habang pinapatay-sindi ang ilaw.
O baka nagkakamali ako. Baka yung dalagang lumuluhod sa tuwing didilim ang kwarto. O baka naman yung isang babaeng nakangisi agad at matalas ang tingin sa lalakeng nasa harap niya.
Hindi ko alam. Basta ang alam ko magkakabuntisan yan sa JS Prom. Kahit yung pinakapangit pang babae. Lalo na yung isang napakakapal magpulbo na tuwing simula ng klase nagpupulbos ng mukha.
Akala ko nga remake ng Geisha ang napapanood ko. Sus, yun pala eh parang Johnson's & Johnson's Instructional Video On How To Abuse Face Powder lang pala.
Isa sa hamon ng buhay ko ay ang pagkakatayo ng eskwelahan ng Felix Memorial High School., dito sa tapat mismo ng bahay namen. Sana hindi na lang namatay si kauna-unahang Felix.
Matagal pa ang bakasyon at matagal ko pang aasahan ang isang matinding peace and quiet na idudulot ng pagbabakasyon ng mga impaktitang mga pag-asa ng bayan. Kung pwede lang pasabugin ko na 'to eh. Baka mamaya andyan pa yung isa sa kupal na magiging kurap na opisyal ng bayan at magpapabagsak ng ekonomiya ng Pilipinas.
Akala ko nung una, parang apartment complex lang para sa mga birhen ng mayor ang itinatayong gusali. Sayang tuloy yung dating nakabalandrang tennis court na nakatirik dun dati. May balak pa man din akong sumunod sa yapak ni Federer pero di na natupad.
Eto nga pala ang naturang building na naabutan na ng pagpapalit ng mayor mula kay Felix papunta kay Mon Ilagan. Limang kwento ang taas ng gusaling yan, sa pagkakaalam ko. Tapos yung puno ng aratilis dyan sa litrato, patay na. Pinatay ng ingay ng mga estudyanteng walang pagpapahalaga sa pera ng bayan.
Bale merong 5 palapag, times 7, so 35 rooms sa side namin. Siguro merong mga nasa 35 na katao ang isang kwarto, so humigit-kumulang maraming maiingay na estudyante ang namemerwisyo sa masarap na umaga namen.
Sa kasalukuyan, idagdag mo pa yung nakulong na pusa dun sa tambakan ng lumang silya nila na magdamag ingaw nang ingaw.
Malapit lang sa bahay yan. Pag medyo na-tripan mong lakasan ang dura mo, posibleng tumama sa mukha nung titser ng Araling Panlipunan tuwing alas-kwatro ng hapon.
May dalawa o tatlong taon na yatang nakatirik itong eskwelahan na ito dito. At naalala ko pang hindi naging maligaya ang unang araw ng pasukan dito para sa buong street namen. Lalo na sa akin siyempre.
May sumpa yata ng kabastusan na iniwan yung mga karpinterong gumawa ng building dun sa mga estudyanteng gumamit ng building. Akala mo mga pinalaki sa ilalim ng lupa. Hindi pa nakakatuntong sa kwartong kapantay ng bubong ng ibang bahay. Wala naman kameng magagawa kasi pag-aari ng gobyerno to, kesa magreklamo kame at ipasagot samen ang gastos ng building at ipaako ang edukasyon ng may isanlibong estudyante, hinayaan na lang namen.
May magagawa naman talaga ako siyempre. Kaunting timpla ng gasolina, gaas, pulburang Bulacan, teknolohiya ng intsik, saka kaunting dasal na Latin, pwedeng ganito ang mangyare sa eskwelahan na yan:
Sayonara Mrs. Mathematics. Sayonara Eric. Sayonara Jane. Sayonara Mark. Sayonara sa lahat.
Pero alam mo kahit minsan wala pa akong nakikitang magandang teacher dyan. Puro matatanda. Sila kasi yung may commanding power at may kamay na bakal laban sa kakulitan ng mga bata. Naalala ko si Miss Flora nung Grade 5 kame, nagwalk-out sa amin sa sobrang kaguluhan namin. Ewan ko kung naguumiyak siya sa CR sa sobrang inis sa amin pero kasi masyado pa siyang bagito eh isinibak agad sa kawalang-hiyaan namin. Pang-grade 1 lang ata ang pasensiya niya. O baka naman pang-grade 1 lang ang pang-aabusong kaya niyang isautak. Ayos pa man din ang teacher na yun, panalo sa ganda at mabait at mahinhin at bumubuka ang blouse niya sa mammary area kapag nagsusulat sa blackboard. Saka Filipino ang tinuturo niya kaya agad kong naging paborito ang Filipino sa edad kong yon.
At alam na din ng kaklase ko ang terminong walk-out nung panahon na yon.
Nung unang araw ng pasukan ang mga estudyante, para silang mga sisiw na bagong lipat sa kulungan. Maliliksi at maiingay.
At masarap ding tuhugin ng patpat at isugba sa apoy.
Ang isa sa mga bagay na naisipan nilang gawin sa unang linggo nila ay ang gamitin ang taas ng building para sa kanilang eksperimento.
Ang subject ng experiment: Aerodynamics.
Binilhan sila ng magulang nila ng mga notebook para gawing eroplanong papel na wala pang kalahating minuto ang itinatagal sa hangin. May gusto yatang mensaheng iparating sa mga bubong namin kaya panay ang subok nilang makalikha ng perpektong eroplanong papel. Dapat nagseminar muna sila samen para maturuan ko kung paano gamitan ng bolpen ang pakpak ng eroplano.
Maingay at magulo ng unang araw. Masarap silang batuhin ng patis, toyo, suka, paminta, bawang at sibuyas at gawing pulutan. Kilawing nguso ng maingay na bata.
Ang masama pa nito eh yung araw-araw na National Anthem. Nakaspeakers pa sa buong campus. Kahit Pilipino ako, di ko ipagpapalit sa nasyonalismo ang ilang oras ng tulog. Paano mo maiipagtanggol ang bayan kung puyat ka at walang maisagot sa exam dahil yung isang oras na itutulog mo, ikinanta mo na lang ng Lupang Hinirang.
Tapos siyempre ko-combo ng Panatang Makabayan yan at yung finale eh yung hymn ng eskwelahan na may kasama pang padyak sa mga bandang katapusan ng kanta. Mahigit-kumulang sigurong isanlibong estudyante ang sabay-sabay na papadyak. Harinawa'y malaglag silang lahat sa mga susunod pang padyak.
Wala ding makapalag dyan sa mga bata. Bata pa lang may mga pick-up line na. At tinetesting nila kay Aling Maring at sa kasambahay namin.
"Ate, ang ganda mo naman!"
"Nay, tingin ka dito, type kita."
Ang masama nito ni minsan hindi ako hiniritan ng ganun. Puro sutsot lang ako at hindi ko pa alam kung babae o matandang teacher ang gumagawa nun. Nakahubad na ako, miski man lang asarin akong may buhok ako sa utong, di ko narinig.
Yung kinakapatid kong kapitbahay namen, di na nakatiis. Pinagtestingan ng kwitis yung mga classrooms. Pero isang piraso lang naman, na lalo pang nagpa-ingay sa mga tiyanak na yun. Pero dahil alam mo namang kapag kinamot mo ang pantal, mangangati lalo, ayun, lalong umingay. Kaya naman di na nagdalawang-isip ang kinakapatid ko na ilabas ang pekeng toy gun. Oo, pekeng toy gun. Tinutukan lang naman.
Kaya naman nabahala ang mga teacher kasi hindi nila alam kung paano ipapaliwanag sa magulang ng mga bata ang butas na ulo o baga ng mga bata kung sakaling hindi nakapagtimpi si kinakapatid at kung sakaling tunay na real gun yun.
Hindi naman nagpatagal pa ng hustisiya si Aling Maring. Pinuntahan niya ang opisyales ng eskwelahan para kausapin ukol sa seryosong kalagayan ng mga nakatira sa street na katapat ng school. Mabait naman ang nakausap ni Aling Maring kaya nagawan na ng solusyon kahit paano.
Ang naging solusyon? Cabinet.
Nailagay na sa cabinet ang mga bata at nailibing na ng buhay. Iginapos na ang mga pinakamaiingay at pinagmumog ng kumukulong asupre. Yung mga nagpapalipad ng eroplano, diniretso na agad sa NAIA para igapos sa pakpak ng Cebu Pacific. Ang mga malalanding mag-aaral, nasa kwarto ko at naglilinis, pero di naman sila nakagapos. Gusto kong nasa tama silang pag-iisip at hindi drinoga kapag nasa bahay namin sila.
Sa ngayon, maingay pa din sila at wala na kameng magagawa. Matapos ang ilang taon, naging normal na din ang ingay at mas mukhang magiging sagabal pa sa pamumuhay namen kung mawawala sila. Kumbaga para na silang kulugo na tumubo sa balat. Nakakairita pa pero di naman masakit.
Naging normal na ang ingay at naging sanay na ang lahat sa munti nilang panggagago.
Pero ikinukunsidera ko pa ding bumili ng Airsoft o di kaya ng paintball gun. Mas mainam kung airgun.
Pero dahil sa nagtitipid ako ngayon, sumpit muna at karayom na kinalawang na sa pagkakababad sa ihi ng daga ang gagamitin ko kapag minsang inatake ako ng kawalang-pasensya.
Happy schooling to you children.
22 Winners:
langya naman. ang haba ng lumabas pag click ko sa elongate. SO LOOOOOOOOONG.
will be back. first sentence pa lang binabasa ko napapagod na ko. hahaha!
tinamad akong magbasa.
at syempre ispeysyal mensyon ang Felix. Mabuhay ang Bagong Cainta.
dapat wag kayong masanay dun sa katahimikan pag dumating na yung dalawang buwan na bakasyon ng mga bata. parang inasar lang kayo kasi 10 buwan naman kayong hindi patatahimikin.
naisip ko din yan eh. sobrang lapit nyo nga sa school. pano ang privacy? wala!
Naaalala ko si Ms. Flora! waaahhh! Imagine-in mo kung si Mrs. Valencia o si Ms. Marcelo ang pumalit sa kanya at ganun din ang nangyayari pag nagsusulat siya sa blackboard. Favorite mo pa rin kaya ang filipino? hehehe
pwede ba kitang murahin??
CH______KO!!!! hayup ka!
kagaya ng nabugahan ko ng coke ang laptop ko dahil sa pagbati mo ng "Happy Earth Day", ay nabugahan ko din ng usok ng yosi ang laptop ko nang mabasa ko ang "ikinulong sa cabinet at inilibing ng buhay"...
wahahaha ang lupet mo talaga magpatawa bossing. idol na idol kita dyan!
Naalala ko si ang guro namin sa Sibika nung grade 6, tawag namin FAR AWAY.hahahaha. kasi kapag naamoy namin yung pabango nya na yan (yung sa avon) ayun patay na kelangan mo nang huminga ng malalim dahil sya ang terror teacher namin nuon. wag kang maingay dahil kapag ginawa mo yun sapul ka ng upuan este ng libro este ng pambura ng blackboard.
naalala ko din si Ms. Pamitan, pinagdala nya kami ng itlog ng manok, ilalagay nya daw sa incubator tas ibibigay nya sa amin after mapisa. Napagalaman naming fiesta pala sa kanila nung weekend. Ginawa nya na lang leche flan.shet talaga. nauto kami.
Masayahin talaga at mga siraulo ang highschool. pinagdaanan mo din naman siguro yan M. Immune ka na sa ingay nila lols. :)
grabe sa rant.. tuwang tuwa naman ako sa pagkamatay ng puno ng aratiles.. at dahil dyan hihinay hinayin ko na ang boses ko.. baka may mamatay na mga puno.. hahaha
pati si aling maring ginulo? eh buti hindi ka nag-react. mas nag-react ka pa dahil ikaw ang hindi nila ginulo. eh baka natakot sa long hair mo. hehe
yung kwelahan ko rin nung college asa tabi lang rin ng mga bahay bahay kaya madalas kaming nakakakita ng mga bagay na hindi dapat nakikita at di dapat pinapanood o tinititigan ng matagal. hehe
subukan mo kayang magmumog sa umaga nang nakahubo. tingnan natin kung maeskandalo ang mga kinauukulan. right mo naman yun tutal bahay nyo yan at kung hindi nila itinayo ang iskool sa residential area e di sana na-spare silang lahat na makita ang buo mong pagkalalaki. (nagsa-suggest lang).. tiyak rin na hindi muna magreretiro ang mga matatandang teacher kapag inaraw-araw mo ang suggestion ko. hahaha
mag-hire ka na lang kaya ng suwesayd bomber...suggestion lang po....
pero patok din yung timpla mo ng gasolina, gaas, pulburang Bulacan, teknolohiya ng intsik, saka kaunting dasal na Latin....ahaha!
apir aydol!
parang naaalala kong kinukwento mo yang school na yan pag umaakyat ka ng bubong para magkasignal sa phone.
yan ba yun.
hahaha! nakwento ko ba sayo na yung bahay namin jan sa pilipinas eh katapat ng isang private pre-school? kaya tuwing umaga magigising na lang ako sa tunog ng mga matitining na boses na kumakanta ng lupang hinirang (na mali ang lyrics) at kung anong nursery rhyme naman ang pinagaaralan nila (karaniwan head-shoulders-knees and toes).
walang rin magawa. minsan nga naiisip ko masarap sagasaan yung mga bata, kapag nag back-out ng car dire-diretcho na lang sa bakod ng school hanggang sa classroom o kaya dun sa mga batang naglalaro sa playground. hay. pero pre-school lang yun, kaya mga 1 p.m. tapos na sila.
kawawa ka naman, alam ko feeling ng ganyan. mas worse pa sayo kasi high school pa yan. zeusdemet. hehe! next time ikaw na mag-sutsut ng mga dalagang dumadaan, baka nahihiya lang sayo. hahaha!
"Harinawa'y malaglag silang lahat sa mga susunod pang padyak."
HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAH
naalala ko yung theory ng isang warped columnist.
"china is directly opposite of u.s.a. there are so much billions more of chinese than americans. if all of the chinese jump at the same time, their impact will catapult all americans in space!"
pinagtiyagaan ko basahin kahit ang haba. nagka-hernia ako sa pagbasa pero sulit. enjoy! hahaha.
nyahaha... katawa!!! buti na lang naligaw ako sa blog mo...
mahal na mahal ko pa naman ang tulog ko, magkakatawang hayop din ako kung may magtatayo ng eskwelahan dito sa bahay namin...
kaaliw yung pasabog effect.. ahaha.. thanks!!! cheers!!-glesy the great
hindi naman halatang inis ka sa kanila...
pero tinapos ko hanggang dulo ha
lyzius
hahaha, tawa ako ng tawa habang binbasasa ko ang post mo at kung paano mo idescribe ang mga mahahandutay na estudyante akala mo ay kinikiliti ang mga tinggel kakatili... LOL!
at kung paano mong ninais na pasabugin ang kawawang paaralang Felix Memorial, kasalanan yan ni Felix, kung hindi sya namatay ay walang eskuwelahang Felix Memorial dyan, LOL!
Kung meron mang unang mabubuntis sa JS Prom, tingin ko ay yung mga mahihin (dutin) yown! hahaha!
tae ke haba. hahah
hahaha. ang haba nitong entry mo pero uber tawa ako dun lalo na dun sa may anthem with matching padyak pa. lols. wag mong sabihin na with taas kamay pa un na mala hitler. haha. uyyyy pero sa totoo lang, ang jologs nung kulay nung school. bwahahahaha. kahit un nalang siguro ang natitirang school sa mundo, pipiliin ko nalang maging home schooled. kahihiyan un kulay. lols.
Hoy Procky, wahaha, sorry naman sa haba, sana pagpasensyahan mo na. Magsama kayo nila mami lyzius at saminella, wahaha.
Anyway, anonymous, nakaranas naman ako ng privacy one time at hindi ko nga lang alam kung may nakakita. andun ako sa taas nun at gumagawa ng kalokohan. buti na lang weekend at walang pasok. sanay na kame kung sa sanay dahil ganun talaga ang buhay, dinadaan sa sanayan.
Susmaryosep, kilala mo pala sila Pampoy. Di ko akalaing makikilala mo si Ms. Flora the byutipol gerl. Putangina kung si Ms. Marcelo at Ms. Valencia rin lang, mas mabuti pang kumain na lang ako ng cactus no!
Bossing LV, pwedeng-pwede mo akong murahin, basta ikaw, murahan tayong dalawa. Patawarin mo na ako para sa laptop mo bossing, hindi ko sinasadya yan, kawawa naman siya sa iyo. Minsan kailangan mo atang gumamit ng binoculars para safe ang laptop mo, ahehe. Salamat bossing, xoxo!
Popoy, naranasan ko ring mabato ng kung anong hawak nung titser. Syempre kung ikaw ba naman wala ka ng magawa sa inis mo sa bata, eh di sige batuhin mo. Okay na yon kesa masira ang ulo mo diba? Pagkatapos nila akong batuhin gagawin nila akong paborito. Paboritong utusan at tagalista ng noisy at nips. Kung buhay pa yung titser mong nagpadala ng itlog, intayin mong mamatay siya tapos alayan mo ng itlog sa puntod at sabihin mong sa langit walang leche flan.
Ayz, bilang isang guro, nirerespeto ko ang boses mo at ang iyong commanding power. Di mo na kailangang sumigaw para lang makapanakot. Kindat lang sigurado ako susunod na sila sa takot nilang makaranas ng pagmamahal mo, ahehehe.
Mudraks UtakMunggo, sa palagay ko baka lalo akong idemanda ng magulang ng mga estudyante. Hindi dahil nilapastangan ko ang mga mura nilang pag-iisip kundi dahil nagkalat ako ng matinding sanhi ng diarrhea. Saka baka di ako kayanin ng mga matatandang teacher, bigla silang magtalunan sa bintana. Mahirap na eh, baka ako pa ang makulong. Ito naman eh hayskul pa, takot pang gumawa ng mga bagay na di dapat makita.
Idol from Norway, salamat sa pagbalik. Kung magha-hire ako, si Achmed the Dead Terrorist na lang ang ihahayr ko. Kulang pa nga ng Pawis ng arabo yang ingredient na yan eh.
Leyn! Korek ka dyan, ito na nga ang tinutukoy kong eskwelahan na naghehello sa maganda kong panaginip.
Aba Procky, nakaranas ka din pala ng kaparehong dilemma at alam mo na ngayon ang pangyayare sa umaga ha? Wahaha, good good! Kung nakikitaan mo na ng kapilyuhan at panggagago kahit bata pa lang dapat talaga inaatrasan na yan ng matindi. Sa susunod na may dumaang dalaga, duduraan ko na yon para tumingin.
WAHAHAHA LOUD!!! Syet, salamat salamat sa pagtatiyaga at sa pagshare mo ng kwento, haha. Totoo naman nga eh, malay mo ba kung kaya may hurricane kasi sabay-sabay silang humatsing diba? Ahaha, salamat. Palagay ko matagal pa bago malaglag tong mga to eh. Matibay ang building.
Glesy, salamat, salamat sa pagbisita. Ganun talaga pag naliligaw dito sa blog na to, di na nakakabalik sa katinuan. Kaya sorry for your sanity. Gusto ko na ngang magkatawang-daga at hukayin ang ilalim ng school para malubog na sa kakapadyak nila. Salamat glesy.
Oo sige mami, hindi ako naiinis, naa-annoy lang me.
Sir Bleue! Thanks thanks sa pagbisita, haha. Bakit sa dinami-dami ng mapapansin mo yung tungkol pa dun sa mga malandutay na babae aber??? HMMMMMNNNN??? Ahahaha, sige fine fine fine. Ayaw kong multuhin ni Felix kaya saka ko na papasabugin kapag patay na ang kaluluwa niya, hehe. Palagay ko din sir Bleue kung meron ngang mabubuntis, hindi yun yung matandang dalagang titser.
Mahaba ba talaga Samie? Ahihi. Salamat.
O, salamat Lei, siguro nagdaan ka din sa pagpadyak no? Hindi ko alam kung may taas kamay pero kung meron, wag na nilang ipalakpak please. Kulay dilaw diba. Meron ngang bumisita sa blog ko, kick out daw ng school na yan. Ayun, nasa ispeyts na ata siya ngayon. O diba, kung di siya nakickout, di siya makakarating sa ispyets.
jusme, tawa ko ng tawa dito. wahahaha.
Hahaha. Nakakatawa ka talaga. =D
see posted answer
or srmalt pen tankarat ang sa ko tanbako pon chintog canche ang torombolo. Thank you ! bogara pag ang ko.
Post a Comment