September 23, 2008

Ask For More

Minsan talaga eh hindi natin ugali ang magtanong.

Sabi dati sa eskwelahan eh dapat daw ay magtanong ng magtanong.

Tanda daw ito ng pagiging mausisa, at kung mausisa ka, meron kang taglay na isip ng isang magaling at matalinong tao.

Kaya lagi kang magtanong. Wag kang mahihiya at wag kang matatakot sa kung ano man ang dapat mong itanong.

Kagaya sa kaso ko.

Hindi ko tinanong kung kaninong tubig ang ininom ko.

Kasi minsan, baka lang naman ha, BAKA lang, as in maybe, sa pamangkin mo yung baso ng tubig at pinagbabaran ito ng kanyang toothbrush.

Tapos magtataka siya kung bakit nawala ang dapat sana'y itatapon niyang tubig sa lababo.

Kaya pala lasang strawberry yung tubig.

Flavored toothpaste.

8 Winners:

lucas said...

hahaha! nakakatamad kasi magtanong minsan... may mga bagay kasing 'understood' na...

at least flavored yung toothpaste, right? hahaha!

Axel said...

Wow, atleast flavored yung tubig na nainum mo M... hehehe..

Teka anu daw yun, Close-gate or Col-up??? lolz

Anonymous said...

aba masustansya rin naman sa katawan yung paminsan minsan eh nakakainom ng mga ganun bagay...

bibihirang pagkakataon ang mga ganun kaya dapat pasalamatan

UtakMunggo said...

"baka" nga lang ano. hmmm.. pano kaya kung talagang nangyare yung ganun? ano kayang magiging re-ak nung kawawang nilalang na nakainom ng pinagbabaran ng tutbras?

malamang ikukwento nya sa blog. hmmm.. pero "baka" lang naman yun.

Anonymous said...

Dapat kuya sa susunod e chocolate flavored naman yung toothpaste nyo dyan para sakali lang naman, at least mas masarap. :P wahahaha. magandang experience yan, di ko pa natatry, someday...

Anonymous said...

di bale na, masarap naman ung tubig. lasang strawberry. shawarma!

Anonymous said...

boss Ronieluke RN, totoo yon. Lalo na sa mall, ayaw kong magtanong. Nakakaabala sa mga gwardiya. Saka nauuhaw ako. Baka madehydrate ako kapag nagtanong. Oo nga, flavored naman siya at hindi plain.

Axel, Beam-up ata yung gamit nila. Dati may natikman pa akong cookies and cream eh. Yun baka masarap din sa tubig.

Wala na akong panahong magpasalamat Mami. Naiisip ko na lang kung tama ba yung ginawa ko o hindi eh. Pero okay na din siguro kasi gaya ng sabi mo mabuti din sa katawan yung ganun.

Palagay ko hindi niya iba-blog yun UtakMunggo. Sa palagay ko eh magmumukmok na lang siya sa sulok na parang batang babae na tila ba diring-diri siya sa sarili niya dahil sa nainom niya. BAKA lang naman siguro ganun ang nangyare.

Thea, haha, salamat sa pagdaan. Merong chocolate toothpaste galing sa Malaysia nung medyo kabataan ko pa. Hindi ko naman maalala kung nilulunok ko ba siya o hindi. Masarap kasi eh. Siguro kung magkakaron ka na din ng pamangkin, mararanasan mo na.

Oy Lei, hind ko maalala kung masarap. Ang alam ko lang hindi dapat iniinom yun pero nainom ko.

cheap viagra said...

hahaha! Kasi minsan, baka lang naman ha, BAKA lang, as in maybe, sa pamangkin aba masustansya rin naman sa katawan yung paminsan minsan eh nakakainom ng mga ganun bagay mo yung baso ng tubig at pinagbabaran ito ng kanyang toothbrush.
23jj