D B-I-L
Hi, hello sayo. Magandang araw at sana naman ay nasa mabuti kang kalagayan.
Alam mo bayaw, malaki ang respeto ko sayo. Ikaw ang isa sa hinahangaan kong tao dahil sa antas ng kakayahan mo at lalong-lalo na sa kagalingan na dulot mo sa iyong pamilya. Alam ko mapagmahal kang asawa dahil kahit kailan wala naman akong narinig sa aking ate tungkol sa kaso ng kabit, panlalake, o kaya rape. Alam kong responsable kang tao at isang tunay na disiplinadong indibiduwal dahil ang galing mong mag-flush ng toilet. Mabuti kang ama sa iyong mga anak at pinipilit mong maglaan ng panahon para sa kanila. Mapagmahal ka sa pamamagitan ng pagpapakita mo ng lambing sa kanila tuwing sabado at linggo, maging sa paraan mo ng pagtitimpla ng gatas nila.
Hinahangaan ko din ang iyong dedikasyon sa trabaho sapagkat base sa kwento ng aking kapatid, ikaw na daw ang gumagawa ng trabaho kung wala ang iyong mga kasama. Siguro pati lahat ng pagtatamad nila sa opisina ikaw na din ang gumagawa.
Taglay mo ang katauhan ng isang tahimik na tao. Bihirang nagsasalita at laging pangiti-ngiti lamang. Ang hirap tuloy malaman kung napaparami na ba ang kuha ko ng ulam sa mesa o di kaya eh kung kailangan ko na bang abutin ang kabilang dulo ng mesa na buhat-buhat mo. Madalas ay lagi ka lamang nanunuod ng telebisyon at hindi mo hilig ang makipag-usap sa mga kasama mo dito sa bahay. Siguro close talaga kayo ni Grissom kaya kayo na lang ang nagkakausap.
Malaki talaga ang respeto ko sayo, at alam kong mapagpatawad kang tao. Natatandaan mo pa ba nung inubos ko ang Nestlé Crunch na pinakatago-tago mo sa gulayan ng ref? Oo, galing pa man din yung ng states at padala ng iyong pinsan. Nagulat ka na lang ng malaman mo na wala na ito at hindi ka na yata nakatikim. Sa sobrang hiya ng biyenan mo eh binilhan ka ng isang supot ng parehong tatak sa supermarket, kahit di ito galing sa states. Buti na lang at hindi dugo ko ang siningil ni ate bilang kabayaran. Pinagsabihan niya lang ako nun.
Nahihiya na din ako sayo sapagkat isa ako sa malakas umubos ng mga pambaon ng anak mo. Sa mga oras na itong nagsusulat ako dito eh kinakain ko ang dalawang Nissin Chocolate Wafer at isang Skyflakes. Kapag nagutom pa ako mamaya eh kakainin ko naman yung Lemon Square Stuffin's Twin Choco.
Sana sabihan mo si ate na bumili naman ng iba minsan. Kahit man lang Fudgee Bar Caramel o di kaya eh Voice Combo Sandwich. Puro kasi ganun na lang. Nakakasawa, paulit-ulit.
Mahal kita bayaw, ata alam kong kahit kailan hindi mo malalaman yun. Pero sana man lang, kung may balak kang gumanti sa mga pagkakasala ko sayo, wag mong ilalagay ang pinagpakuluan mo ng ugat ng Lagundi, ugat ng Pechay, o kung ano man tong herbal drink sa Nestea Iced Tea Shaker Bottle. Mahirap malaman ang pinagkaiba nila sa normal na paningin.
Alam mo namang nakakasamid ang Nissin Choco Wafer, at masarap katuwang nito ang iced tea.
Yun lang naman, salamat sa lahat.
Lovingly Yours,
Huwansto
21 Winners:
Hahaha! nagtatago rin ang kuya ko ng chocolates sa gulayan ng ref. Hahaha!
nakikiagaw ako ng pagkain sa mga pamangkin ko.. hahahaha
ahahaha.
parang may pagkasarcastic.lols
nagtatago ako ng pagkain dati sa kabinet lols. ang damot ko :)
hala!agawan daw ba ang mga pamangkin..buti mabait ang bayaw mo,ung bayaw ko hindi eh..
kulang na lang susian ang mga lagayan ng foods,haha!ang damot ever!
at napagkamalang iced tea ang herbal drink?hahaha!
hahahaha natatawa ako sa mga entry..
babalik at babalik ako dito ...
xlink?
ahahaha.. ang takaw mo kasi e ayan tuloy naka inom ka ng herbal tea ng di oras haha
Alam mo Pam, required ata sa mga nakakatandang kapatid ang magtago ng paborito nilang pagkain sa gulayan.
FB, hindi ko alam kung anong special ingredients ng mga pagkain ng bata pero ang sarap nila kapag galing sa kanila. Kapag bumili ako ng akin lang, walang kwenta ang lasa eh.
Hindi naman Popoy, walang sarkasam dito, pagmamahal lang. Normal lang yon, wag mo na lang kakalimutan na itinago mo dun.
Oo Teresa, kaagaw ako sa pagkain nila. Dun nakalagay sa ref na sarado, kaya kung maglalagay sila ng susian dun, sisirain nila ang ref. Oo, iced tea. Para ngang hindi herbal yun, lalo ata ako nagkasakit.
Salamat ICE, sana mapabalik ka kahit ayaw na ng mata mo.
Hindi naman Prinsesa, ito naman. Mahinahon pa nga akong kumakain nun. Nakakasamid lang talaga yong Nissin Choco Wafer.
HAHAHHAHAHA!!!!
tae. nakakatawa naman tong liham mo mariano. haha
kapal ng buhok mo, talaga. buti nalang hindi kita brother in law dahil maramot ako sa mga food food ko.
naalala ko sa iyo ang isang dating ka-opisina na laging tinutuksong madaling lasunin. eh kasi naman tirador yon ng kahit anong nakabalandrang kendi o pagkain, que sehodang sa boss pa namin yon.
naku! pakurot nga! ang kulit!
dear ate ni mariano, wag namang paulit ulit ng snacks.. kawawa naman yung mga rodents sa paligid, nauumay na.
Hello sayo UtakMunggo, hehe. Nako ang mga biyaya dapat hindi tinatago, dapat yan eh pinamimigay no! Hehe. Baka naman ako yung tinutukoy mong kaopisina? Hehe. Ganun kasi ako eh, pero mas matalino ako sa daga pagdating sa lasunan. Siguro lasunan ng boss pwede pa.
Oo, tulungan mo ako para makarating kay ate itong sulat na ito para makatikim naman ako ng bago. Salamat!
sana naman eh magtira ka naman sa pamankin mo dahil baon nila yan..
mag ingat ka kay bayaw...
baka sa bukas makalawa eh...
ikaw na yung tinatago sa gulayan sa ref.
mmkei?
love u. mwa.
haha onga naman. nakakasawa yung nissin wafer at voice. yan din pinapapak kong mga baon ng kapatid ko. LOL
Ahaha, nako boss Maldito, naniniwala ako sayo. Baka sa freezer pa ako itago nito dahil malaki ang katawan nito, doble ng lapad ng katawan ko eh. Baka isang salpak lang ako nito sa gulayan.
Phat! Salamat sa pagdaan, at tama ka. Oo, nakakasawa sila pero wala naman akong no choice kaya ganun din, kahit nakakasamid pinipilit ko na lang kainin diba? Ahaha.
sinadya nya talagang magpakulo ng ugat at ilagay sa bote ng iced tea para makaganti sayo. haha. masiba ka daw kasi.
galing mo pards! okey lang kahit maanghang na sa mata sa kababasa sa sobrang haba ng blog mo..marami naman akong napupulot na ka-lossiferichness...hahaha
lurker from Norway
Alam mo Lei, hindi ako ang tipo ng tao na nagiiinom lang basta-basta ng inumin kung hindi ko din naman magugustuhan. Kaya bakit siya maglalagay dun kung hindi ko magugustuhan? So anong point ko? Wala. Palagay ko tama ka.
Ahaha, nakupo Lurker from Norway, salamat sa pagbisita, pagkomento, at pakikipaganghangan ng mata sa mga post na mahabang walang keber sa life. Salamat po, balik lang kayo.
hahaha! heartfelt letter to your brother in law. ayus.
baka mamaya para pala sa erectile dysfunction yung tea na nainom mo, hala ka na. dant-dant-daaann!
Holy siyet, erectile dysfunction. Procky naman, andami namang pwedeng maging nung herbal drink na yun, bakit yun pa ang naisip mo. Sana hindi totoo yon.
ayus tong blog mo first time ko! virgin pako sa site mo!
Maraming salamat Mang Badoy,hehe. magintay ka lang at idedeberhinays na kita.
mabait nga si bayaw, hehehe! bibihira ang mga ganyan.
henwei, ako ay nagtatago din ng tsokolate sa gulayan ng ref t nalilimutan kong kainin at pag naisipan kong kainin ay wala na sya, hehe!
Haha, nako ingatan mo yan sir Bleue! Yan na nga ba ang sinasabi ko eh, sa kakaingat mo eh lalo pang nawawala! Haha. Sige, galingan mo ang pagtatago ng chocolate. Oo, mabait ang bayaw ko, ako naman tong abusado, haha.
Post a Comment