September 18, 2008

Forces

Boss RJ, sana okay ka na diyan. Ibabalik ko na ang kalokohan ko't sana eh mapasaya kita sa kahit na paanong paraan na kaya ko.

= = = = = = =


Naisip ko, mali ata ang statement ng mga barakong bida sa lumang action films.

Kapag aktong sasaktan na sa kung anong paraan ang bidang babae, bigla nilang haharangin ang kontra-bida, let's say Paquito Diaz, at biglang hihirit sa garalgal na boses ng...

"Pre, ang babae, hindi sinasaktan yan. Minamahal."

O kaya sa ibang version...

"Pare, minamahal ang mga babae, hindi sinasaktan."

Aba, sige nga aber. Kung ako ang bida, ibang statement ang bibitawan ko.

"Pare, ang babae, hindi sinasaktan. Dapat, ibibigay mo ang buong pagkatao mo para sa kanya para mapaligaya siya. Dapat, hindi sa lahat ng oras ay dapat mong intindihin, bagkos magparaya ka at maging sensitibo sa nararamdaman nila. Matuto to kang magplano ng husto sa bawat galaw mo ukol sa kanila at iparamdam mong kasama sila sa plano mo at sa buhay mo. Ibigin mo sila ng buong-puso ng walang pagaalinlangan at iparamdam mo ng salitang ,quote-unquote, mahal kita at hindi basta sasabihin lang. Ipagtimpla mo siya ng gatas kung gusto niya. Samahan mo siyang manood ng chick flicks. Tulungan mo siyang maglaba. Titigan mo ang mga mata niya at sabihin mong hinding-hindi ka mambababae kahit niyayaya ka nang makipagkantutan ng boss mong sobrang modelo ang hubog. At higit sa lahat..."

*BANG*

The End.


Pero kasi, tignan mo Mr. mamang bida ng pelikula. Gaano ka ba karomantiko at kaperpekto magmahal para masabi mo yan? Eh kita mo nga, ginulpi mo lahat ng mga nambabastos dun sa dalagang si Vina Morales.

Gaano ngayon kame kagarantisado na hindi mo pagbubuhatan ng kamay ang leading lady mo outside the camera eh samantalang may tendencies of violence ka?

Saka ambilis mo naman, mahal na agad. Para kang kabataan, ambilis magmahal. Di na dumaan sa pagkakaibigan. Di dumaan sa ligawan, sa mansinsinang usap, at sa pag-aalay ng birhen. Mahal na agad. Sus, bola. Ang mga lalakeng bida talaga, machismo effect. Tapos pagdating ng panahon, kakandidato ka ng pagkapresidente, senador, mayor, kagawad, embalsamador, at kuntador?

Sus, pure faggotry.

Sa palagay mo ba hindi masasaktan ang leading lady mo sa pagmamahal? Yan ang hirap sayo, gusto mo lang magmahal. Hindi ka naman nag-isip kung mahal ka bang talaga nung babae o nagalingan lang siya sa pagpompiyang mo dun sa stuntman na magaling sa balisong. O kaya eh baka gusto ka lang niya kaya ginusto mo na din kahit alam mo naman mismo sa sarili mo na walang magkakagusto sayong babae kasi wala kang trabaho at tambay lang sa kanto.

Hay nako nga naman. Walang modo, at walang saysay. Puro panghihinayang lang ang lahat, kaya nga ba naiinis ako dun sa pusang pagala-gala sa bahay namen eh. Parang tanga lang siya. Halos dito na nakatira, ayaw pang pormal na manilbihan sa amin. Eh impressed na impressed na impressed na nga yung nanay ko sa pagkokontrol niya ng daga sa bahay, ayaw pang mamasukan ng pormal. Maganda naman ang oper namin dahil mahina kumain ng baon ang mga pamangkin ko kaya napakarami ng tirang pagkain na sa kanya lang mapupunta.

Tapos tuwing uulan eh meron pa siyang magandang higaan dito sa ibabaw ng tiyan ko at kung gusto niya din eh ipagtitimpla ko pa siya ng gatas.

Matagal na ding pagala-gala sa bubong ng kapit-bahay namin itong pusang ito eh. Halos nasubaybayan ko na kung paano siya nabuhay sa alulod ng kapitbahay namin dahil katapat ng kwarto ng ate ko ang pwesto nila.

Dun na din siya tinira nung mga pusang-gala, dun mismo sa ikalawang yero ng bubong ng kapitbahay namin. Maingat ko pa silang pinagmamasdan nun at pinipigilan kong wag labasan sa nakikita ko kasi baka mabulabog sila, mabitin pa. At least ako nakatapos sa tulong nila, ayaw ko naman silang abalahin.

Nakita ko din kung paano niya pinalaki ang mga anak niya dun sa alulod. Dalawang kuting yun. Hindi ko na nga lang nalaman kung sang bubong nadestino yung anak niyang dalawa. Dun ata sa bubong nila Aling Ima, o dun kila ninong.

Tapos eto nga't nakikita ko pang minsang inaaway siya nung ibang ligaw na pusang tulad niya din. Hindi ko alam kung anak biya ba yung mga yun at gusto nila ng sex galing sa kanya pero kayang-kaya naming siyang protektahan mula sa pang-aabuso ng ibang pusa.

Eh kaso siya ang may ayaw. Tuwing tatawagin ko, tumatakbo. Kaya pinangalanan kong Brand. Sa tagalog, Tatak. Tatakbuhin.

Marahan naman ang approach ko sa kanya eh, wala nga lang akong hawak na ulo ng isda o ng isang tasang gatas.

Sana kung may blog man yung pusang yun, mabasa niya to at makapag-isip man lang kahit saglit para sa offer ko.

xoxo sayo pussy cat.

10 Winners:

Anonymous said...

mas magugustuhan ko pa
kung tungkol sa
mga bulok na kotseng
pinapasabog
ang topic
:|











.xienahgirl

Mariano said...

Oh, sorry, my bad. Wala kasing romantic scene sa nagsasabugang kotseng bulok.

super bad said...

eka babasahin ko ulit,
bakit ba macho men tapos napunta sa pusa?
ang gulo.

Anonymous said...

ang haba ng ano ni M,

ang haba ng entry...

mamaya ko na babasahin sa bahay

baka mahuli ako ng bossing ko...

masisante ako...

wala na kayong backer dito..

ahhihihihi (boy) kumusta na ah!


-Lyzius

Tisay said...

ahm. oo nga, anong konek ng bidang machoman sa pusa? naguluhan din ako.

pero sana, maakit mo na din yung pusa para di na sya nare-rape ng mga tambay na pusa sa bubong ng kapitbahay.

good luck. bili ka na lang ng rat poison muna habang, nagpapa-hard-to-get pa yung pusa. hehehe!

apir!

UtakMunggo said...

aba parang nadebelop ka na sa pussy na yon ah..

yung pussy ko naman binalatan ng isang kapitbahay na nagaaral ng medicine. ang sakit non ah...

(teka lang parang iba yata ang dating nung huling paragraph..)

heniwey my beloved pussy nakita ko nalang na ginawang project.. buto buto nalang siya at dinikit dikit ng mighty bond para magmukhang naka-sprint.

UtakMunggo said...

pinapagaan ko lang ang loob mo, kasi yung pusiket mo rape lang ang kinatatakot mo, e yung saken deds na..

super bad said...

alam mo. 6 na beses ko na syang binasa..

ikaw ba ang nagsulat neto?

chroneicon said...

inaaway ung pusa kasi pinaampon nya sa mga aso ung dalawang kuting.

ngayon akala nung dalawng kuting na aso sila at nung nakita nila ang di nila kilalang magulang, bigla nila inaway.

nature vs nurture or Oedipus complex?

dko lam hehe

Anonymous said...

Oo, NG, tama ang pagkaka-read mo diyan. Kahit ten times to the nth power, ganun pa din ang kakalabasan niyan.

Okay lang mami Lyzius. Wala sa haba yan, nasa performance yan.

Salamat Procky, palagay ko sapat na ang litrato ko para magunaw lahat ng daga sa bahay.

Ganun ata talaga yun UtakMunggo, ganun din ang ginagawa nung ate ko nung nag-aaral pa. May black bag, tapos pusa palang walang balat ang laman. Tapos ayun, wala lang, nakakatuwa lang kasi nun lang ako nakakita ng pusang walang balat.

Hindi ko din alam boss Chie, pero hindi ko talaga alam.