Thought Broth 05
Dito sa Pilipinas naman, nagkalat ang Dengue, Typhoid Fever, Tigdas, Pagtatae, Kurapsyon, at Kapangitan.
Lahat ng yan naranasan ko, maliban lamang sa pinakahuli, ahihi.
Nakakatakot mang isipin subalit mukhang walang direktang lunas sa mga sakit na ito maliban lamang sa pag-iingat at pananatili ng kalinisan sa paligid, lalo na pagdating sa gobyerno. Dapat winawalis na ang mga katiwalian at kasakiman sa pampublikong serbisyo at pairalin kung paano magtitino ang bansa.
Pero dahil hanggang dun lang naman ang alam ko sa pulitiko at ayaw ko nang magmukhang intelehente, sasabihin kong dapat eh magtuon na lamang ng pansin ang mga siyentipiko sa pagpapalaganap ng mabisa at direktang solusyon sa mga iimbentuhin pa nilang gamot.
Subalit sa halip nito ay mayroon pa silang maaaring subukan.
Itinataya ng mga sugarol na may n-porsyento ng mga sakit ay galing sa mga insektong walang modo na basta na lang dapo nang dapo na walang paalam.
Sa mga lamok, ang Malaria at Dengue.
Sa mga langaw, ang mga intestinal diseases, tulad ng paborito kong sakit na Diarrhea.
Sa mga ipis, phobia at iba pang maruruming sakit na hindi ko alam kasi di ako nag-Google.
Tutal uso na din naman ang genetic engineering, bakit hindi pa sila magbreed ng mga lamok na may vaccination para sa mga sari-sarili nilang sakit? O di kaya naman eh bitamina pa ang makukuha mo sa tuwing makakagat ka ng lamok at nanakawan ka ng dugo.
Vitamin B12, Iron, B-Complex, Calcium, Beta Carotene, at Metamphetamines.
Sa mga langaw, ipis, at daga, mga pampatibay ng resistensiya, tulad ng Vitamin C, B, D, E, F, G, at J.
Maging ang mga kani-kanilang mga bakuna eh sa kanila na din mismo manggagaling. Tanginang ang mga malignant lang na lahi ng lamok ang makapagdadala ng sakit, nang sa gayon eh hindi maapektuhan ang timbang ng kalikasan. Kailangang merong magdala ng sakit, at meron namang mga genetically engineered na insektong tagapagdala ng bakuna at bitamina.
Sino pa kaya ang bibili ng Off-Lotion?
Pero sa palagay mo? May bakuna ba sa kurapsyon?
Sa kapangitan? Depende.
7 Winners:
naguluhan ako sa ikokomento ko di ko tuloy mawari kung tungkol sa
health politics o ugliness
pero sana lang talaga may bakuna ang lahat ng bagay para immune tayo
sana may bakuna din para sa mga sawi ang puso para hindi na kame emo.. hahahaha
XOXO mariano
putaena, ahaha, lahat naman tayo FB eh kailangan ng bakuna para sa kaemohan. Prebensyon is better than cure.
nugrl: ako ang gamot sa kapangitan. pag kasama mo ako, magiging gwapo ka. at kaiinggitan ng madaming lalake.
at syempre. may gamot ba sa illusions of grandeur? i need that.
natakot ako dahil sakit pala ang kapangitan.
mas natakot ako dahil may sakit pala akong ganun.
pinakanatakot ako sa katotohanang nakamamatay ang kapangitan.
tsk tsk.
Hay nako NG, baka naman magmukha na akong Adonis niyan sa sobrang kinang ng balat ko at sobrang pula ng pisngi ko no? Salamat, kailangan ata kita palagi.
Alam mo Popoy, depende sa antas ng kapangitan ang panahon na nagiging sakit ito. Kapag sa itsura, walang kaso. Kapag sa ugali ang sakit, dun na nagkakaron ng epidemya. Oh davvaaaaaah, tarush! At hindi siya nakakamatay, may gamot dun.
hahah! eh pano kung may bakuna nga na dala ang mga lamok at ipis, willing ka ba talagang magpa-kagat? eh di magkakaron ka ng mdaming bumps. nyak.
sagot sa kapangitan... photoshop lang yan.
sagot sa corruption, di ko alam.
Kadiri naman, bumps?! Eeeew, it's like kadurdur to my skin! Fight the seven signs of skin aging, Adobe Photoshop! Baka naman ikaw na ang kasagutan sa corruption ha Procky?
Post a Comment