September 29, 2008

Brothers

Minsang nanonood ang ate ko at si bayaw ng American Idol, nagtanong si ate...

Ate: Yan bang si Randy Jackson (isa sa mga hurado) eh kapatid ni Michael Jackson? (ng Thriller)

Bayaw: Hindi ah! Papaano namang magiging magkapatid yan eh amputi-puti ni Michael Jackson?

Point established.

September 27, 2008

Australian

QUESTION:

Ano ang isa sa mga basurang hinding-hindi mo pwedeng itapon?

Elongate...

September 25, 2008

Educational

Galing ako sa itaas ng bahay namen. Katapat ng ilang classroom ng mga estudyante sa eskwelahan na nasa harap lang ng bahay namen.

Alam mo naman ang mga estudyante, mahaharot.

Di ko naman sinasabi na sinusutsutan ako nung mga babaeng talandi sa tuwing aakyat ako ng bahay na nakatapis lang ng tuwalya at nakabukol ang malaki kong tiyan.

Ang sinasabi ko lang eh alam ko na kung sino ang mabubuntis agad pagdating ng JS Prom nila.

Ayun, yung tatlong dalagitang napakalalakas tumili sa tuwing papatayin ng mga harot na binatilyo ang ilaw. Paulit-ulit pinapatay, paulit-ulit ding nagpapaluwa ng mga tinggle ang mga dalagitang malandutay kakatili. Tapos magaapiran sa isa't-isa. Ewan ko, baka mali lang ako, baka nagpapraktis sila ng role-playing. Rape-rape-an with the gym teacher. Magandang praktis sa teatro siguro pagdating nila ng college. Yun eh kung may balak pa silang mag-college o tumili na lang maghapon habang pinapatay-sindi ang ilaw.

O baka nagkakamali ako. Baka yung dalagang lumuluhod sa tuwing didilim ang kwarto. O baka naman yung isang babaeng nakangisi agad at matalas ang tingin sa lalakeng nasa harap niya.

Hindi ko alam. Basta ang alam ko magkakabuntisan yan sa JS Prom. Kahit yung pinakapangit pang babae. Lalo na yung isang napakakapal magpulbo na tuwing simula ng klase nagpupulbos ng mukha.

Akala ko nga remake ng Geisha ang napapanood ko. Sus, yun pala eh parang Johnson's & Johnson's Instructional Video On How To Abuse Face Powder lang pala.

Elongate...

September 24, 2008

Unreliable

Nakakalungkot para sa isang taong walang kapansanan ang pagdudahan ang kanyang kakayahan. Pagdudahan na tila ba mangmang ka sa mundo at walang alam para maging daan sa ikabubuhay mo. Kulang na lang hamakin ang pagkatao mo at sabihing hindi ka dapat mabuhay.

Para kang sinabihang hindi ka marunong huminga at kailangan mo ng respirator.

Pero hindi ba mas masakit sa kalooban kung sasabihan ka ng mahal mo sa buhay, ang mga bagay na alam nilang hindi mo kayang gawin.

Tulad ni Aling Maring. Nakita niya akong naglalabas ng hotdog mula sa freezer, at itinatanong ko kung nasaan ang tinapay.

Aling Maring: "Bakit mo inilalabas yang hotdog? Marunong ka bang magluto niyan?"
Ako: "... "

Kung sa normal na pamamahay magaganap ang ganitong klase ng pag-uusap, malamang naglayas na ako. Pero dahil pinalaki ako ng matino ni aling Maring, tatanggapin ko ng buong-tapang at buong lakas ng loob ang mga sinambit niyang kataga.

Ayun, tinawanan ko lang.

September 23, 2008

Ask For More

Minsan talaga eh hindi natin ugali ang magtanong.

Sabi dati sa eskwelahan eh dapat daw ay magtanong ng magtanong.

Tanda daw ito ng pagiging mausisa, at kung mausisa ka, meron kang taglay na isip ng isang magaling at matalinong tao.

Kaya lagi kang magtanong. Wag kang mahihiya at wag kang matatakot sa kung ano man ang dapat mong itanong.

Kagaya sa kaso ko.

Hindi ko tinanong kung kaninong tubig ang ininom ko.

Kasi minsan, baka lang naman ha, BAKA lang, as in maybe, sa pamangkin mo yung baso ng tubig at pinagbabaran ito ng kanyang toothbrush.

Tapos magtataka siya kung bakit nawala ang dapat sana'y itatapon niyang tubig sa lababo.

Kaya pala lasang strawberry yung tubig.

Flavored toothpaste.

September 22, 2008

Cleansing

"Hello Alex"

Nagising yung pamangkin ko. Malakas kasi ang ulan, nagulat.

Tapos pinapatulog ko ulit, ayaw na. Eh ayun, tinignan ko, umihi pala kaya di nakatulog.

Inalis ko na siya sa duyan niya para tanggalin ang kanyang shorts ng may madiskubre ako.

KIDDIE SHIT!!!

Oo, I've found shit in her shorts. Jumebs pala si Alex my niece. What a baby, tumatae pa sa duyan, sos.

Elongate...

Mirror Mirror

Alam mo yung Jay-Jay's sa may Ortigas? Sa may bandang Metrowalk? Ang C.R. nila ng lalake, may malaking salamin sa harap ng toilet. Sa sobrang laki, kita mo na ang etits mo kapag umiihi ka.

Ngayon, masasabi kong ayaw ko ng ganitong tipo ng salamin.

Bakit? Dahil may naiipa-realize siya sa akin.

Narealize ko sa salaming yon na bilang isang Pilipino, wala akong dapat ipagmalaki.

At ang narealize naman ni Chroneicon nung mga panahong matapos siyang umihi eh talagang sa performance lang daw talaga nadadaan.


September 18, 2008

Forces

Boss RJ, sana okay ka na diyan. Ibabalik ko na ang kalokohan ko't sana eh mapasaya kita sa kahit na paanong paraan na kaya ko.

= = = = = = =


Naisip ko, mali ata ang statement ng mga barakong bida sa lumang action films.

Kapag aktong sasaktan na sa kung anong paraan ang bidang babae, bigla nilang haharangin ang kontra-bida, let's say Paquito Diaz, at biglang hihirit sa garalgal na boses ng...

Elongate...

September 14, 2008

Prayers for RJ's Family

Pause muna po sa mga kalokohan.

It's a sad and tragic news that was told by boss Gasoline Dude about boss RJ Tejada of ardyeytejada.blogspot.com

I actually don't know what to say about what happened, it's just so hard for me to think about how emotional this event is and so I guess I just want to ask you guys just a little prayer for his family.

He just lost a very precious part of his life. It's a very tough event for boss RJ right now and I hope we can give him our good words and prayers.

I hope his wife's condition will be fine and everything will be okay for them

Please give a even just a little prayer for the safety of bossing RJ Tejada's wife and for his twins as well.

God bless boss RJ. My prayers are with you and your family.


UPDATE:

Nagpost na si Boss RJ ng kanyang kwento sa blog niya.

Ipagpatuloy po natin ang pagdarasal sa kanilang pamilya at lalo na sa kanyang mga anghel.

Nawa'y maging okay na ang lahat.

September 12, 2008

Customer Care

Nung dating nagtitinda pa ang kuya ko sa may Floodway Pasig eh bumili sa kanya ang kanyang kapitbahay na si Aling Susan.


Aling Susan: "Huy Dinis, pabili nga ako nung Balaskis."

Kuya Dennis: "Balaskis? Teka lang ha... *nag-isip*. Balaskis? *naghanahanap* Anong balaskis? "

Aling Susan: "Ayun oh, yung chess flevor." *Sabay turo dun sa nakasabit na item*

Elongate...

September 10, 2008

D B-I-L

Dear Bayaw,

Hi, hello sayo. Magandang araw at sana naman ay nasa mabuti kang kalagayan.

Alam mo bayaw, malaki ang respeto ko sayo. Ikaw ang isa sa hinahangaan kong tao dahil sa antas ng kakayahan mo at lalong-lalo na sa kagalingan na dulot mo sa iyong pamilya. Alam ko mapagmahal kang asawa dahil kahit kailan wala naman akong narinig sa aking ate tungkol sa kaso ng kabit, panlalake, o kaya rape. Alam kong responsable kang tao at isang tunay na disiplinadong indibiduwal dahil ang galing mong mag-flush ng toilet. Mabuti kang ama sa iyong mga anak at pinipilit mong maglaan ng panahon para sa kanila. Mapagmahal ka sa pamamagitan ng pagpapakita mo ng lambing sa kanila tuwing sabado at linggo, maging sa paraan mo ng pagtitimpla ng gatas nila.

Elongate...

September 8, 2008

Thought Broth 05

Kahit kailan na ata eh hindi na natin mapupuksa ang mga sakit na nagkalat dulot ng mga insekto. Laganap sa Africa ang Malaria, ang isa sa mga mapanganib na sakit lalo na sa kabataan.

Dito sa Pilipinas naman, nagkalat ang Dengue, Typhoid Fever, Tigdas, Pagtatae, Kurapsyon, at Kapangitan.

Lahat ng yan naranasan ko, maliban lamang sa pinakahuli, ahihi.

Nakakatakot mang isipin subalit mukhang walang direktang lunas sa mga sakit na ito maliban lamang sa pag-iingat at pananatili ng kalinisan sa paligid, lalo na pagdating sa gobyerno. Dapat winawalis na ang mga katiwalian at kasakiman sa pampublikong serbisyo at pairalin kung paano magtitino ang bansa.

Elongate...

September 4, 2008

Multitask

Marami sa mga YUPPIE ngayon ang napakahilig mag-multitasking. Ang terminong Multitasking ay kadasalang ginagamit sa proseso ng mga computer na kung saan naaasikaso nila ang maraming request o di kaya ay instructions ng sabay-sabay. Di tulad ko na wala na akong ibang magagawa kung nanonood ako ng pornograpiya. Well, sige sabihin nating nagjajakol na din ako.

Ang panahong ito ay matulin kaysa sa inaasahan. Maraming dapat tapusin sa isang araw, at maraming resulta ang dapat makuha sa lalong madaling panahon. Dahil sa larangan ng buhay sa panahon ngayon, ikaw ang panalo kapag nakatapos ka ng mas maraming trabaho sa loob ng isang araw.

Di tulad ng nanay ko na minamadali ang paglalabada para makanood ng Wowowee. Hindi man lang niya naisip na pwedeng maglaba sa sala o manood na nakapatong sa itinaob na batya ang telebisyon. Tapos pinipilit niya pang ipatapos kay Valerie at Pokwang ang Pasalog at Hephep Hurray.

Para sa tulad kong isang YUPPIE, ito lang ang maihahayag kong parte ng multitasking na talagang nakatutulong para sa akin.

Elongate...

September 2, 2008

Chicken Cute



Alam niyo ba ang mga manok na ito?

Tinatawag silang mga Bantam chickens. Ang mga manok na ito ay cute dahil kahit matured na sila, di sila lumalaki. Sila ang Ungga Ayala sa mundo ng mga fowls and feathered creatures. Parang sisiw lang sila ng pugo at kadalasan kalahati lang ang size nila kumpara sa mga normal na manok. Kahit matanda na sila, maliit pa din ang kanilang pangangatawan at as malaki pa ang mga normal na dumalagang manok.

Dito din napulot ang BANTAMWEIGHT sa mga boxing at iba-iba pang isports pagdating sa weight division.

Alam mo ba kung ano yung pangalan nung tandang na bantam?

Ang pangalan niya ay Jean Claude.

Elongate...

Gaseous

Paalala:

Hindi lang sa pagpapalipas ng gutom, pagkain ng chichirya, o sa nabulok na dighay nanggagaling ang kabag (gas pain).

Nagmumula din ito sa pagtulog ng nakatutok ang number 3 na bintilador sa tumbong mo.


Kaya sa susunod, wag makalimot na i-swing ang bentilador kung gusto mo itong ipwesto sa tumbong mo.