Everyone has their own little secret. May it be dark, savage, dirty, sweet or tingling, we all have the desire to keep it to ourselves, and probably with someone who doesn't know who you are.
Putanginang yan, Ingles-ingles pa. Akala mo naman may kredibilidad para magsalita ng ganun.
Hindi naman niya ginustong maging loser, o kaya eh corny, o kaya naman eh walang kahahantungan ang buhay. Nagkataon lang siguro na minalas ang balasa ng buhay niya kaya siya nagkakaganito...
At hindi sa lahat ng oras, nakakatawa si Mariano. Aminin na natin ang katotohanan na gawa sa mais ang dugo niya at mukha siyang ugat nito. Isama mo na ang buhok niyang amoy toasted corn.
Kaya't sana'y magtagal pa ang sikreto ni Mariano. Makahagilap sana siya ng mga aral mula sa sarili niyang pagsisikreto at mamatay sana siya ng nag-iisa at dilat ang mata.
Muling ibalik ang tamis ng kamatis, muling pagbigyan ang inuman at kantahan. Muling ibalik ang tamis ng kamatis, muling sabayan ang duyan at kantahan.
posted last lifetime. = = = = = = = = = = =
Magkula ka ng damit, magbuhos ka ng toilet, magsampay ka ng nilabhan, magtiklop ka ng banig, magwalis ka ng bubong, magluto ka ng bato, magkalikot ka ng pusod, at maghukay ka ng masigasig at eksklusibo posted last lifetime. = = = = = = = = = = = Di ko kayang namnamin, ang lahat ng aking dapat aralin. Napakasakit sa medulla oblongata, na ayaw ko siyang aralin. Hapdi at kirot, ang dulot sa king cerebrum. Di ko na kayang basahin pa ito, kung magwawala laaahaaang, ang isip ko!!! posted right about now. = = = = = = = = = = = Happy Birthday Noime, happy birthday Noime, happy birthday, happy birthday, let's fucking go and kill Barney! posted right about now. = = = = = = = = = = =
Gusto kong mag-aral pero di ko magawa. Gusto kong mag-aral pero di ko magawa. Gusto kong mag-aral pero di ko magawa. Lasang amag ang tinapay, ang puwit niya ay basa. posted right about now. = = = = = = = = = = =
Oh it's office time again, I am so lazyyyy. You can see it in the way, I close my eeeeyes. You can tell by the way I hold the PC. Oh it's lazy time again, you maderpakeeeer... posted right now. = = = = = = = = = = =
Testing testing testing... Tuwititter is now up and running... posted right now.
Andaming mga blogger ngayon na nahihilig magsulat ng chever ender post kemerluse na naranasan nila buong taon.
Ako eh hindi naman sa hindi ako sentimental o kung masama ang naging takbo ng taon saken pero wala namang pinagkaiba ang pagiisip ko tungkol sa bagay sa buhay ko kahit tumawid na ang taon. Numero lang yan, ganun pa din ang takbo ng buhay ko at hindi pa din ako naliligo Which brings us to my share for this last day of the year.
*Nag-PM ako sa isang kilala, sikat, barumbado, basagulero, maangas, macho, sexy, jologs, at susyal na blogger para batiin siya ng happy new year. Ang mga usapan ay sadyang tinabasan at tinapyas ang ilan sa mga kataga para hindi naman ako mapahiya sa mga tao tungkol sa usapan namin. Pinalitan ko din ang pangalan ng naturang blogger upon rekwes at ang ipapalit na pangalan ay Alex Molina*
Ang kasalukuyang status sa YM ng sikat at pamosong blogger noong maganap ang kamustahan ay ito: "naliligo. at kung aayain mo akong mag word racer... mag isa ka! LOL"
*At dahil hindi nyo alam ang isyu ng word racer, hindi ko na ikukwento*
M: Alex Molina!!!! Alex Molina: ayoko na mag word racer! M: :)) Alex Molina: utang na loob M: tangina sino bang may gusto? M: :)) M: happy new year! Alex Molina: ULUL M: ayaw mong maniwala? M: :)) M: happy new year at kungrats taena yan di kita yayayain ng word racer!!!! Alex Molina: HAHAHA M: putanginang status yan!!! M: maligo ka na nga Alex Molina: hindi! binago lang ang plano mo aayain mo ko! M: huling ligo mo na yan para sa taon na to Alex Molina: hoi maliligo pa ko mamaya bago umalis M: hindi kita yayayain sose ka! M: ah ganun ba M: mauubos ang swerte mo sige M: maligo ka tapos magsabon ka ng kwarta Alex Molina: bawal ba maligo pag bagong taon? Alex Molina: :)) M: sabi ng mga ninuno natin mula sa Makati eh bawal daw yun Alex Molina: langya yan M: mawawala ang swerte sa katawan Alex Molina: kaya pala di na ko nagkaroon ng pera. ligo ako ng ligo. M: tsk M: ayan kasi Alex Molina: eh ikaw?! M: ako M: mayaman ako sa libag Alex Molina: langya M: nagiintay na lang ako ng pagkakataon na papalitan nito ang pera M: kapag dumating yun, wag kang mag-alala di kita kakalimutan Alex Molina: kahapon 3 oras ka nagpapa alam na maliligo na, 11pm na yata di ka pairn naliligo M: naligo ako kahapon M: hindi pa naman bisperas ng new year eh Alex Molina: maligo ka naman mamaya! M: may panahon pa para makapag-impok ako ng libag Alex Molina: seryoso eh no! Alex Molina: :)) M: OO! M: maliligo ako mamaya pero hindi ako maghihilod Alex Molina: tang inang yan M: sayang ang swerte eh Alex Molina: sige. dyan ka masaya. Alex Molina: mag polka dots ka a M: wala nga akong polka dots eh M: miski panyo wala Alex Molina: yung sandong butas butas M: tamang-tama mapopost ko na tong usapan natin M: in a way, naging kasangkapan pa din kita M: :)) M: kahit di tayo naglaro Alex Molina: walang hya ka Alex Molina: anong tungkol dito Alex Molina: sa pagligo? eh di ka nga naliligo! M: tungkol sa pagligo M: YUN NA NGA YUN EH!!! Alex Molina: langya yan. bagong taon ngayon! iblog mo tungkol sa bagong taon ano ba. M: mamaya pa yun eh! M: kaya nga iba-blog ko ang tungkol sa bagong paligo kong look Alex Molina: huwaw! Alex Molina: kablogblog nga yan! minsan lang yan e Alex Molina: isa itong blogging moment! M: oo, ang swerte mo ikaw ang unang nakaalam! Alex Molina: ;))
= = = = =
Yun lang, happy new year! Maligo kayo, bawal dumami ang supply ng libag, magmumura ang value nito.
Sana swertehin kayong lahat at maging winner for all of your fucking miserable lives you whores!!!!
Wag kayong gagaya saken.
Ang payo lang na maiibigay ko eh magtipid kayo at mag-ipon ng pera. Bawal ang shopping lang nang shopping.
Matutong magpundar ng sustainable na business dahil walang yumayaman sa habambuhay na pageempleyado.
Mahal ko kayong lahat kahit alam kong iisipin nyong kaplastikan lang to, mga hunghang!
Sige, saka na ulit yung iba.
= = = = = =
Maraming-maraming salamat sa Greenpinoy at ang pamilya nito, at kay Bossing Badoodles, sa pagpapaunlak ninyo na mapabilang ako sa mga bigatin at mala-halimaw na anino ng inyong kagitingan.
xoxo sa inyo! Mwuah!
Nakalimutan ko kung asan na yung universal hand-written greeting photo for all occasions na ginagamit ko eh, pakihalungkat na lang dyan sa tabi-tabi.
Napakaginaw talaga ngayon, hindi nakakatulong sa pasmado kong talampakan. Parang yelo ang marmol na sahig dito sa bahay, kulay dilaw. Oh yeah, fuck that shit. Pero malamig nga at nakakainis na pasmado pa ang paa ako. Kung pwede lang sana siyang ipitin sa kili-kili gaya ng ginagawa sa nanlalamig na kamay eh di ginawa ko na. Kaso ang layo naman ata ng kili-kili ko sa paa ko.
At hindi ako contortionist para sundin ang analogy na kili-kili is to kamay at paa is to singit.
= = = =
Gusto ko sanang magmedyas at wag na itong hubarin habang ganito kalamig kaso paano malalagyan ni Santa Claus ng pera yun kung suot ko pa diba? Dibale may isang piraso pa ako ng condom dito, that'll do.
Ano ba ang posibilidad na makatanggap ka ng pera kung condom ang isasabit mo at hindi medyas?
Malaki syempre. Si Santa Claus pa, eh DOM yan. Delightful Old Man. and Fat.
Ubod na ng dami ng mga Elves ni Santa sa North Pole, paano sa palagay mo nabuhay lahat ng mga yun? Si Santa ang sagot diyan. Siya ang may bunga sa lahat ng mga yun! Totoo! Anak niya ang sangkaterbang elf na gumagawa sa factory niya.
Dapat nga inirereport sa Bantay Batang North Pole to eh. Labag sa kautusan ng batas yun, child labor! Kaya kung sino man sa inyo ang nakakaalam ng eksaktong address ni Santa Claus ay ipagbigay-alam agad sa kinauukulan to stop this insanity of underpaid child labor. Andun lang siya, painom-inom ng gatas/hot coco at pakain-kain lang ng biskwit samantalang nagpapakamatay magtrabaho ang mga anak niya.
At dahil dito, syempre makakatulong kung condom ang isasabit mo ngayong pasko kesa sa medyas na alam mo namang lulusot ang semen dun. Magagalak si Santa at bibigyan ka niya ng butihing regalo for being oh-so-thoughtful sa pagkontrol population ng kanyang Elf colony, which makes me wonder kung naughty or nice ba si Mrs. Santa Claus.
= = = =
Malamig, oo ang lamig ngayon sa hindi maipaliwanag na dahilan. Siguro kasi malayo na ang Earth sa araw o kaya naman eh nakatutok lang saken yung industrial fan ngayong oras na ito. Pero malamig nga talaga, kahit tanghaling tapat may ginaw pa din akong nararamdaman. Sinalat ko yung betlog ko, mainit naman. Baka nga kasi pumayat na nga ako at wala nang sapat na taba para protektahan ako sa ginaw.
So kapag giniginaw ka, sexy ka na!
= = = =
Maganda ngayong paskuhan season, pwede kang umutot nang umutot kasi hindi naman nila malalaman kahit hawakan nila ang tenga mo at malaman nilang malamig ito.
= = = =
Mula nung elementary ako eh malas na ako sa exchange gifts. Nitong mga panahon na lang na ito ako nakakabawi-bawi. Kaya naman hindi ko na pinapatos ang mga kris kringle at exchange gift, monito monita chechebureche na yan dahil medyo natrauma na ako.
Pero excuse ko lang talaga ito dahil ang totoo niyan wala naman akong pambili, ahihi.
Ikaw ba naman sa murang edad na eksayted kang makatanggap ng magandang regalo kasi maganda yung ibinigay mo dahil ikaw pa ang pumili nun tapos mawawasak lang lahat ng naipon mong kaligayahan ng isang alkansyang walang takip ang kabilang dulo.
Karimarimarim.
Grade 1 ako nun, nalaman ko na agad ang konsepto ng pagging offended. Oo, na-offend ako sa natanggap ko. Walang effort sa parte ng tagapagregalo.
Bilang isang paslit, ang magandang regalo ang tunay na kahulugan at diwa ng pasko para sa akin. Hindi ko pa alam ang diwa ng mga intangible na bagay tulad ng pagmamahal, kabusugan, libog, ngiti at tawanan at ang pagkakaisa ng mga magkakamag-anak tuwing pasko. Or siguro alam ko na ang libog nung grade 1 ako, BAKA as in MAYBE nakanood na din ako ng bold nung mga panahon na yon.
Basta bullshit ang regalo ko, badtrip ang krismas party non. Hindi ko na matandaan ang mga naging regalo ko nung grade 2-5. Pero ang natatandaan ko nakabawi naman ako sa pananarantado nung isang beses dahil nagregalo ako ng gold-plated na magnifying glass na mga give-away lang nila Mang Ely sa opisina nila sa Petron dati. Puta, kala mo bolpen ang ibibigay ko? Di na uyyy, akin na lang yon, Cross din yun no (na may Petron na insignia syempre). Sayo na lang yang magnifying glass na sinali lang ng hinlalaki ng paa ng matanda.
Nakita ko pa yung pinagbigyan ko na sumisilip-silip siya dun sa binigay ko. Nakangiti siya, so obyusli natuwa naman siya, meaning hindi pala talaga ako nakabawi kasi nagustuhan niya yung binigay ko. O baka kasi retarded yung napagbigyan ko kaya nakangiti siya sa ganun kasimpleng bagay. Evil much? Pasko naman eh.
Nung grade six naman ako, ang nakabunot pala saken eh yung isang estudyante na bulakbol. Yung tipong walang pangarap sa buhay at bumabarkada sa mga adik at walang ipinapasang exam at quizzes kahit pakopyahin mo pa. Putangina ka din, isa ka pa. Maghahayskul na lang ako iniwan mo pa ako ng masamang krismas party memory.
Johnson's Baby Powder Johnson's Baby Cologne At mga kung ano pang Johnson's Products na hindi ko maalala
Yan ang putanginang regalo saken, cosmetic products. Baby cologne at powder, siguro may cotton buds pa at mga cotton balls. Palibhasa nga bulakbol ka kaya ang regalo mo eh cotton balls.
*Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay biglang kong nakagat ang labi ko nung mga panahon na humirit ako ng ganun.*
Di na lang kinumpleto at sinamahan ng diaper at baby wipes, baka napakinabangan pa ng ate ko para sa anak niya.
Gwapo ako at likas na mabango nung grade six ako kaya another offensive gift nanaman yan para saken. Sa ikalawang pagkakataon, nakaramdam ako ng offendment sa nantanggap ko. Akala siguro niya bakla ako kaya mga pampaganda ang binigay saken. Tseh, kala mong bruha ka! Hindi ka bongga! Tarush!!!
Pero syempre, kung ngayon mo ibibigay ang mga gamit na yan, baka ilibre pa kita sa McDo sa sobrang galak ko at may nakakaalalang regaluhan ako ng mga bagay na ituturing kong "Humanification Products".
Aba Baby Powder ba kamo? Aba, paborito kong gamitin yan sa nanlalagkit kong singit at batok! Pati kapag wala akong deodorant, ihahalo ko lang sa Baby Cologne yan eh solb na ang maghapon na anghit! Cool and refreshing!
= = = =
Nung hayskul eh dinaan ko sa patigasan ang monito-monita. Pinagdusa ko yung nabunot ko, siya lang ang walang natatanggap sa araw-araw. Di na nga nakatiis at sinulatan na ako, maawa na daw ako sa kanya. Ako naman eh likas na pilantropo at may malasakit sa nagdudusang mga tiyanak eh di pagbigyan. Binigla ko na lang nung krismas party, binigyan ko ng Authentic Direct Divisoria Imports for maximum satisfaction kahit alam kong puro pipitsugin yung nabili ng nanay ko at hindi yun ang tipo ng tao na matutuwa sa ganung kalidad ng mga produkto. May pagkasusyalin din kasi yung nabunot kong babae, kahit may pagkapalengkera alam ko gusto nun ng quality products pero wala akong magagawa.
Ang nabili na ay nabili na. Isang pipitsuging ulo ni Winnie The Pooh para sa something soft at mga sangkaterba pang bagay na hindi ko na maalala sa tema ng something-something. Tangina yung sa ko ngang kaklase nagregalo ng tae ng daga, maswerte pa siya sa akin nitong lagay na to.
Nagpasalamat naman siya kahit alam kong gusto na niya akong gulpihin para mamaga ang katawan ko ng kagaya kay Winnie The Pooh.
= = = =
Nito namang nakaraang trabaho ko, meron din kameng exchange gift. Syempre natatak na sa isip ko na hindi mag-effort sa reregaluhan ko sa kadahilanang alam kong wala din namang kwenta ang matatanggap kong regalo.
Sakto naman sabi ng nabunot ko eh mag-burn na lang daw ako ng mga MP3 songs na Alternative. Sosmariano, sangkarabunton naman yung mga yun na hindi ko alam kung ano ba ang tunay na genre ng Alternative music. Salamat na lang sa isang napakabutihin at napakamayuming kaibigan na nagpaunlak ng kanyang download powers para sa regalo ko. At mas nauna na din siyang umalis sa akin dun sa opisina namen na ayaw ko namang ibintang sa ibinagay kong mga CD.
At wowowowowowowowwww seeengh naman look do we have here, si Jerome pala ang nakabunot saken! Sana binunot na lang niya ang tinik ng kainitan sa aking labi gamit ang kanyang naglulumuwang...katarayan para mas masaya ang pasko ko last year. Kaya pala gusto akong palayasin nung sabay-sabay kameng namili ng mga panregalo sa Glorietta Bench, dun niya pala nabili ang chinelas na binigay niya saken. Na maliit at nakakapaltos.
Syempre okay lang! Jerome yan eh! Okay lang na magkapaltos basta sa kanya galing. Well indirectly, sa kanya galing yung paltos ko at hindi ko naman na din isinusuot tong bigay niya. Mas gusto ko na lang sanang ipaframe at titigan buong maghapon at isiping minsan, may isang ganung klaseng babae na nagbigay saken ng semi-matinong regalo.
Sana carpet burns na lang ang niregalo niya saken.
= = = =
Para sa isang kagaya kong bum, jobless, at penniless (READ: PENNY-LESS, hindi PENISLESS bulag!) medyo kulang ang pasko. Walang krismas shopping, at wala ding napakinabangan saken ang mga mahal ko sa buhay lalo na ang mga pinakamalas na mga inaanak sa buong mundo, yung mga inaanak ko.
Parang noodles lang ang pasko ko ngayong taon. Payless.
Pero syempre ngayon na papasok ang halaga ng konsepto ng intangible na bagay. Isa nanamang magandang palusot! O diba! Pagmamahal ang tunay na diwa ng pasko! Tama naman diba? Puro pagmamahal ng karne, pagmamahal ng paninda, baboy at mga gulay na nagpo-frozen salad na sa lamig. Pati ang laman ko mahal na din! Ahihi.
= = = =
Pero ang totoo, nagpapasalamat ako sa isang buong taon na nakatanggap ako ng pagkalinga, ubod ng paguumapaw na pagmamahal, kaligayahan at kasiyahan, kulitan, pag-aalala mula sa kaibigan at kamag-anak at pamilyang kaibigan, pagunawa mula sa pinakama-astig na mga magulang sa mundo, at pangunawa mula sa pinakamagagandang chicks sa universe.
At syempre ang diwa ng pagpapatawad, yiheee.
At sa bonggang-bonggang mga regalong ng mga mahal kong kaibigan! Salamat sa kotse(laruan) ni Ayz, sa makatotohanang tisiert ni Damdam, sa Patis at Thermal mug ng mahal kong si Lowla! Kung may nakakalimot pang magbigay saken, pwede pang humabol para sa special mention! Ahihihi ulit.
Alam namin na pinaghirapan talaga ni Lowla na pigain ang lahat ng alat niya sa katawan para lang makapagproduce ng isang bote ng longneck na patis.
At syempre sa buong pamilya ng Greenpinoy para sa bonggang Christmas party na naenjoy ko at ikinataas ng blood pressure ko sa sobrang busog, ahahaha.
= = = =
Meri Krismas sa lahat ng napadpad sa blog na ito at tumangkilik. Pairalin ang pagmamahal sa puso at ang pagkapanatag ng kalooban, kapayapaan ng isip at kalibugan ng tite at pekpek!
Merry Christmas sa inyong lahat!
(Dapat may litrato dito ng kahit anong Christmas related echos pero dahil pipitsugin ang gamit kong computer eh hindi ko na inilagay)
Gustong-gusto ko talaga ang konsepto ng paghihintay...
Tipong nasa iyo na lahat ng panahon para isipin mo ang lahat ng mga bagay na dapat mong isipin, ang mga bagay na dapat mong pinaplano.
Maliban na lang kung sobrang natatae ka na at kapapasok lang ni Hazel para linisin ang banyo at isabay ang pagligo.
Kaya ikaw Hazel, wag kang magtataka kung bakit ikaw lagi ang inuutangan ni Aling Maring kapag wala akong pera kasi hindi naman ikaw ang naglalaba ng brip kong may skid marks, tseh sayo na bonggang bongga.
Pasensya na kayo sa nakaraang entry. Nalipat sa kukote ko ang pagtatae mula sa bituka ko at basta na lang lumuwa lahat ng dapat kong i-post. "Alam mo naman si Mariano, may bad sector ang utak."
Sector zero pa kamo. Unreformattable.
**Salamat sa isang napakagandang dilag na nagbigay ng komento na yan sa akin! Nagustuhan ko siya in pernes. Bagong tagline!**
Patawarin mo ako kung nahirapan kang magbasa sa sobrang haba. Kinukundisyon ko lang ang utak mo sa maaari mo pang matamo sa mga susunod pang mga sulatin mula sa blog na ito. Wag kang magrereklamo sa akin sa mga susunod pang pagkakataon at lalo na kapag nadiagnose kang may tumor ka na sa mata at frontal lobe.
Anyway, let's stop dwelling in the past and let's just keep moving forward. On to the real purpose of this blog, which is ang magpalaganap ng purong kahalayan at kabastusan.
Parental banning is required.
= = = =
Habang kumakain ako ng tanghaliang gulay minsan isang tanghali, napatingin ako sa pintuan ng kabinet ng damit ng mga pamangkin ko na nakapatong sa silya.
Oo, nakapatong sa silya. Natanggal kasi. Palagi kasing binubuksan ni Alex sa hindi ko alam na dahilan kaya nasira at bumagsak na.
Yung pintuan ng cabinet, hindi yung mga damit nila, pedopilya!
Nakita ko yung sticker na nakadikit sa piraso ng tabla. Mga babaeng naka-gown.
Mga Disney Princess na magkakasama pala yun.
Tinuro ko at tinanong sa ate ko kung sino yung nakapink.
Si Belle daw. "Eh si Belle yung nakadilaw eh! Tanga! Akala mo ang galing-galing mo na porke ikaw ang nagbabayad ng bayarin sa pamamahay na to at ikaw ang sumusuporta sa amin! Anong akala mo? Porke wala akong trabaho hindi ko na alam kung sino ang Disney Princess? Napakayabang mo!" Reklamo ko.
= = = =
Si Belle daw. "Eh si Belle yung nakadilaw eh!". Totoong reklamo ko.
Ate: "Si Cinderella pala."
Ako: "Aaaah, magawan nga ng article!"
Ate: "Alam mo dapat maging writer ka na lang eh!"
Ako: "..."
= = = =
Ang article na ito ay isinulat ng writer by approval of ate, patungkol sa mga Disney Princess na nakalagay sa sticker na nakita ko.
Hindi ito wholesome. Bastos ang article na ito. Nilabasan nga ako ng dalawambeses habang sinusulat ko eh.
= = = =
Madalas kong marinig ang pamangkin kong si Andie na nagkakakanta ng sarili niyang rendition ng Little Mermaid song, with matching the AaahhAaaahhhaaAaaaah na kanta ni Ursula sa boses ni Ariel nung nahipnotismo niya si Prince Eric.
"Aftey yey wan, aftey yey wok, aftey dei stay all day in the sun. Wish I could be, partof yo woooorld."
Ikaw pa ang papagalitan kapag kinorek mo. "Don't sing my song!!!"
Maldita.
= = = =
Bilang tagatangkilik ng mga Disney Movies, minsan na din akong nainlab sa mga Disney Princesses na ito nung kabataan ko. At magpahanggang sa ngayon, naiinggit pa din ako kay Prince Charming dahil sa pagkababaero niya at pati ang katawang tao ni Fiona naidamay na niya sa pambabae niya.
Ilan ba ang Disney Princesses na si Prince Charming ang nakatuluyan? Tatlo? Lima? Ewan ko. Tatlo lang ang alam ko eh. At malamang lahat silang tatlo nabembang na ni Charming. Kaswerteng prinsipe. Dapat prin-siping ang pangalan niya at hindi prinsipe.
= = = =
Si Jasmine
Yan si Princess Jasmine ng Agrabah. Tama ba? Agrabah? Ah bastah.
Sheheeet, ang hot kaya ni Jasmine! Tignan mo yung labi niya. Yung mata niya. Yung buong mukha niya, nakakalibog na eh. Tapos firm din ang dede, parang maingat yatang bumarurot si Aladdin at parang hindi pa siya laspag sa recent photo niyang ito.
Pioneer siya ng magic carpet ride position, kung di ako nagkakamali.
Yan ang isa sa mga Disney Princess na napanood ko sa sinehan kasama ang ate ko, kaibigan niya, at ang kinakapatid ko. Pinatatakluban pa saken ang mata ko kapag kissing scene, tangina. I'm not a baby. Akala siguro gagawin ko sa kinakapatid ko yun. I don't do half-relatives!
Maganda si Jasmine. At hot, hindi lang dahil nakatira siya sa disyerto, pero dahil ang ganda niya. Negra dahil sa init ng araw pero alam ko makinis ang balat niyan. Para saan pang maging anak ka ng sultan kung hindi mo gagamitin ang kapangyarihan mong makakuha ng beauty products at mga disyertong langis na pamahid sa katawan? Que umitim siya dahil ng init ng araw o ipinanganak siyang morena, masarap pa din siya sa paningin.
Wala naman sana siyang anghit, ampangit kaya nun. Magtitirahan na lang kame, pipigilan ko pa ang paghinga ko sa ilong. Baka bigla akong panlambutan kung lahat ng singit sa katawan niya may amoy. Amoy camel? Sana hindi naman. Alam mo naman sa disyerto, camel ang pinaka-scooter nila. Sana hindi humawa yung amoy ng likod ng camel kakakuskos sa pekpek niya kapag nakasakay siya.
Palagay ko sagana siya sa Rose Oil at mga pabango ng arabo. Siguro mabango ang pekpek niya gamit ang Rose Oil, dahil mas maganda kung gagamitin niya itong lubricant kapag nagpipinger siyang mag-isa, at iwas din sa scars at punit. Wala pa naman kasing Belo at Calayan doon eh, baka barter trade lang at Home TV Shopping.
Palagay ko masarap ang pekpek ni Jasmine. Meron sigurong magaspang na texture ang puke niya dahil madalas siya sa disyerto at nabababad siya sa buhangin. Para akong nagjakol ng may milk salt sa palad. At masikip din siguro yun dahil kung nasa pag-aari ni Aladdin ang magic lampara, pwede niyang hilingin maging virgin forever si Jasmine. Kaya loose ang pants ni Aladdin, para di halatang tinitigasan siya palagi kay Jasmine. Si Jasmine ganun din, loose ang pants para di halatang laging basa ang puke niya kahit tuyo ang buong disyerto.
Dahil anak siya ng sultan, mayaman siya. Hindi siya pabaya sa kanyang sarili kaya kahit arabo siya wala akong dapat ipagalala sa amoy. Servants na niya ang bahala sa hygiene niya bilang prinsesa.
Tapos pagkatapos naming mag-sex, aasikasuhin ako ng mga tauhan niya at alalay. Reregaluhan pa ako ng maraming kayamanan. Papakainin ako ng pinakamasasarap na pagkain, pwera pa kay Jasmine. Masarap ang sexlife kapag si Jasmine ang princess ng buhay ko.
Wag ko lang siguro siyang bibitinin dahil yari ako, puputulan ako ng tite. Mahirap mapasakamay ng mga arabong anak ng sultan. Pampered nga ako kung nagsesex kame pero kapag nabitin siya, magiging pulutan ng mga scorpion at ahas ang wetpaks ko. Ipapalapa pa ako sa alaga niyang si Rajah. Baka bakla pa yung tigreng yun. Uunahin niyang ipakagat ang burat mo tapos ipepreserve niya ito, ilalagay sa garapon, at ipapamummify bilang koleksyon.
Pero duda ako kay Jasmine eh. Bago kasi dumating si Aladdin eh wala naman siyang kasiping. Siguro ginagamit niya si Jafar pati yung baston niya para pamparaos. Aanhin mo ba naman kasi ang wirdong adviser ng sultan kung matalino ka naman bilang anak niya diba. Eh di sana ikaw na lang ang mag-advise sa tatay mo. Pero hindi eh, andyan si Jafar, at ang kanyang baston. Na korteng ahas for an extra sensation.
Kung ako man ang makakakuha ng lampara, wala, iiwan na kita at ang imahinasyon mo para isipin kung ano ang magagawa ko kay Jasmine gamit ang tatlong kahilingan.
Tulad ng disyerto na minsanan lang datnan ng ulan, matatantya kong ganun din si Jasmine. Minsan lang mabasa pero matindi ito at rumaragasa.
= = = =
Si Ariel
Kung meron mang pinagmulan ang connotation ng tahong sa pekpek, kay Ariel ito malamang na nanggaling.
Sirena siya, isang maalindog na sirena. Isang sirenang punung-puno ng kagustuhang magkaroon ng hita para meron siyang ibubukaka sa oras ng kangkangan. Isang prinsesang nangarap maging tao para lang matikman ang hiwaga ng yumuyugyog na kama. Para lang matuklasan niya na hindi lang ang dagat ang may kakayanang umalon.
Mas gusto ko siya kay Dyesebel o kay Dyosa Anne Curtis dahil magaling siyang kumanta. Di ko alam kung pati ang microphone ko eh gagalingan din niya ang pagkanta. Pero totoo, napakaganda ng boses niya. Nagkakaron nga siya ng underwater concert in bikini. Yun lang hindi niya sinisipot.
Problemado lang siguro siya sa sex life bilang sirena. San ka ba kasi magsasalpak ng tite dyan sa palikpik na yan? Nakakatakot, baka mabalatan ng di oras si junior dahil ng tinik. Tapos baka nangangagat pa yung tahong niya, sabik sa laman ng tagalupa.
Malas pa nito, may laser beam yung trident ng tatay niya. Mainitin pa man din ang ulo ng tatay niya. Nangolekta lang ng abubot ng mga tao yung si Ariel, nagalit na. Hindi lang sumipot sa concert, nag-init na ang ulo. Paano pa kaya kung tirahin mo ang anak niya? Baka ikaw naman ang matira ng giant golden tinidor sa pwet.
Galing sa magandang angkan si Ariel. Ang gaganda ng mga kapatid niya, lahat panalo. Walang sardinas at hipon kahit mga underwater creatures sila. Kung kasing-bangis lang din ng pating yung magkakapatid na yan pagdating sa sex, hindi ko papanghinayangan ang limandaang tangke ng oxygen para lang makapiling sila gabi-gabi.
At palagay ko mas lalo pang naging okay si Ariel nung nagkaron siya ng paa. Naghiwalay ang palikpik niya, kasama nang nagkahiwa sa pagitan ng hita niya. Mas lalo sigurong naging sariwa ang tahong niya kung ganun. Bagong buka pa lang.
Ang kaso lang kay Ariel, MILF na siya. May anak na, si Melody. Ewan ko kung mahihintay ko pa ang pagyabong ni Melody bilang ganap na babae, pero pwede na ako kay Ariel. Maganda ang boses niya. Bago kame magmake love, kakantahan niya ako pamparelaks at siyempre, maganda ang boses niya habang humahalinghing siya sa aming ginagawa.
Pero siyempre hindi tayo nakakasigurado kung sariwa nga ba o amoy isdang bilasa ang tahong niya. Matagal din siyang nakababad sa tubig dagat. Magaspang sa balat yun at nakakadry ng balat ang breeze sa beach.
Baka mamaya pa nga eh Vagina Dentata pala siya, may ngipin ng pating dun sa keps niya. Kusang nilagay ni Triton dun para pangalagaan ang integridad ng kanyang pinakamamahal na anak.
Kita mo naman yan, mas maputi pa kay Jasmine eh siya na itong laging babad sa beach. Palagay ko, pink ang perlas sa likod ng kabibe na suot niya. At yun ang isa pa sa hinding-hindi ko papalampasing matikman. Gaano kasarap ang makasupsop ng perlas ng prinsesa? Walang katulad.
= = = =
Si Belle
Homaygoggles, si Belle. Pangalan pa lang, matitililing ka na. Napakagandang dalaga. Ang sarap dilaan ng mukha niya. Ang pupula at ang lalaki nung bulaklak na hawak niya, sana ganun din ang pekpek niya no? Ahihi.
Si Belle naman ang nagpakita ng pagkaintelehente sa mga Disney Princesses. Siya lang ang nakita kong may interes sa pagbabasa at aklat na ayaw ni Gaston kasi walang pictures.
Anak ng imbentor si Belle, kaya naman namana niya ang katalinuhan sa kanyang tatay. Yun ang mas sexy dito kay Belle, yung pagkamatalino niya. Kung nauso na ang blogging noon, baka naikwento na din niya ang kanyang sexual fantasies in an exorably vivid depiction.
Siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng terminong Sex Beast. Ikaw ba naman ang maging beast na sa pang-araw araw na buhay mo, tapos makikilala mo pa si Belle, eh di tuod na lang ang hindi magiging sex beast sa ganyan kagandang dilag. Pang front lang nila sa pelikula yung nag-aaway sila pero all along, nagaaway talaga dun ang mga sex organs nila.
Dalagang bukid si Belle. Malapit sa mga hayop, tulad sa kabayo niyang si Phillipe. Kaya di na ako magtataka kung napamahal na din siya kay Beast. You know, mola. Imposibleng mahalin niya lang si Phillipe at Beast ng pagmamahal lang ng hayop, syempre hindi pinakita yun sa palabas na ginamit niya si Phillipe at si Beast na parang baston lang ni Jafar para kay Jasmine.
Si Belle ang totoong nagpauso ng Bestiality sa porn scene at hindi ang mga pornstars.
Sobrang sweet at charming naman nitong si Belle kaya palagay ko papayag agad to makipagsex. At marunong din siyang kumanta. Lahat naman ata sila magaling kumanta. Pero iba-iba ng setting. Sa disyerto kay Jasmine, sa ilalim ng dagat kay Ariel. Sa bakuran naman ng kastilyo ang kantutan, este, kantahan scene ni Belle.
Pangit lang sa kanya eh baka sobrang nalaspag na din siya ni Beast at kung ano-ano nang kuto ang makikita sa bulbol niya. Ikaw ba naman ang makipaglambuchingan sa sex beast, ewan ko na lang kung ano pang makukuha mo pwera sa kutuhing bulbol at kalmot-kalmot na balat.
May temper problem si Beast. Siyempre di naman nya mapipigilan yun kapag nagsesex na sila ni Belle. Deep inside, pangit na ang kutis ni Belle. Maraming kagat at kalmot yang si Belle sa katawan, sa pwet, baka pati labia majora niya punit-punit na din kakakagat ni Beast kapag may foreplay session.
May pagkamasokista tong si Belle sa palagay ko. Siguro minsan dun sila nagme-make love sa dungeon ng kastilyo ni Beast, with matching all the torture devices.
Kung ikaw ang prinsesang nakulong sa malaking kastilyo, wala ka namang choice kundi sulitin to eh. So palagay ko lahat na ng kwarto, nagamit na nila Beast at Belle.
At dahil mahilig magbasa si Belle, malawak ang kaalaman niya sa sex. Tignan mo naman kung gaano kalawak ang library ni Beast. Imposibleng mawalan ng libro dyan tungkol sa Tantric Sex, Kamasutra Etcetera, Best positions, lahat na ng librong patungkol sa love-making meron dun. Siyempre sana pagpraktisan niya ako diba.
At may eksena dun sa palabas nila na kung saan naharang ng mga wolves si Belle at Phillipe. Feeling ko nagselos yung mga wolves kay Belle. Dati sigurong parausan ni Beast yung pamilya ng mga wolves na yun, tapos dumating si Belle at tinanggalan sila ng ikabubuhay. Malay ba natin kung binabayaran sila ni Beast ng karne para sa libreng paraos, eh andyan na si Belle, mawawala na sila sa eksena.
At yung si Lumiere, ginamit na din ni Belle yan for extra sensation. Ikaw ba ang maikulong sa kwarto ng panandaliang panahon, syempre maghahanap ka din ng ibang papaglibangan. Ayos yun, candle wax na ipapatak sa balat mo sabay salaksak ng kandila sa hiyas niya, oh my. Exotically erotic and in heat.
Palagay ko kung napasama ako sa mga tauhan ni Beast at naisumpa, pipiliin kong maging adjustable dildo with matching engraved writing na "USE ME TO GET OUT OF HERE". O kaya video cam. Yung hidden cam para mas astig para pwede sa kahit saang lugar sa loob ng kastilyo.
Pero tangina, wag naman sana akong mapagdiskitahan ni Mrs. Potts sa mga pantasya niya.
Nakaisang taon na din pala tong blog na to. Marami akong naging kaibigan, mga ka-blog at mga tropang minahal ko na din at naging parte na ng pulso ng buhay ko. Isa ito sa malaking porsyento na bumubuo ng pagkatao ko.
Blogger ako. Proud ako dyan.
Dito na din ako nakatagpo ng katauhan kung saan ako magaling - ang maging loser.
Pero maraming may ayaw nito para saken. Masyado na daw akong kinakain ng titulo ko. Masyado kong pinanindigan ang identity na ito. Hindi na nakakatuwa.
Marami silang nadidismaya sa ugali ko. Ako kasi ang tipo ng tao na hindi mo gugustuhing pagsabihan dahil kung ang sa normal na taong walang pakialam, pag sinabihan mo sa kaliwang tenga eh lalabas sa kabila, ako sa lahat ng butas ko sa katawan lumalabas ang mga paalala at pagbibilin tungkol sa buhay. Parang balakubak lang na pinapagpag ko mula sa balikat ko ang mga aral na hirap nilang pinagtuunan ng tamang salita para lang maturuan ako at magabayan.
Malaki ang problema ko sa sarili ko.
Darating ang panahon magsasawa lahat ng nagmamahal sa akin at maiiwan akong namamaluktot sa lamig ng pag-iisa. Aaminin kong takot akong mag-isa. At aaminin ko din ang pagkakamali ko bilang kaibigan. Lahat ng nakikita nilang potensyal sa akin, tinatapon ko lang na parang pabalat ng nougat.
Patawad sa mga mga mahal kong kaibigan.
Nakakademoralize ang ganitong klase ng ugali para sa akin at para sa iba.
At pinagbayaran ko ito ng ubod ng laki. Winasak ko ang isa sa mga bagay na pinangangalagaan ko sa buhay ko - ang pagkakaibigan. Dahil sa titulo kong ito, nangyare ang isang masaklap na bagay at hindi na ito maiibalik. Sa panahon ko na iniaatas ang paghihilom ng sugat na sanhi ko.
Sa ngayon, hindi ko din alam kung san ako pupunta. May panahon na nababagot ako sa sarili kong buhay kapag napapaisip ako tuwing nag-iisa. Dala na din siguro ng wala akong trabaho, at umabot sa higit na inaasahan ang pagiging bum ko at tambay sa bahay. Kinakain ako ng pagkabagot at nararamdaman ko ang pagkamiserable ko sa mga ganitong pagkakataon. Parang gusto ko na nga lang talagang magkaron ng cubicle at task sa mga panahon na yon.
Nakakapagod maging loser. Palagay ko sa susunod na pagkakataon na mapasabit ulit ako sa dito sa mundo naten, iba na ang pananaw ko sa buhay. Iba na ang pagkatao ko, at siyempre, iba na din ang balat ng Lucky Me Pancit Canton. New Look, Same Taste, ika nga.
Lumilipas ang lahat ng bagay. Ewan ko lang tong blog na to. Baka mamamatay na lang ako iisipin ko pa kung matino ba ang traffic nito o kung anong PR at kung sino ang nasa sibaks, mga masugid na nagkomento kahit di ako nagrereply, at mga nakikipagExlinks. At sa kung nadagdagan ba o bumaba ang numero ng sabskrayber ko ng feeds.
Sa ngayon wala namang hater tong blog na to. Kapag kasi nagkaron pa ng hater to, puta kawawa naman sya. Loser na nga lang pinatulan pa niya.
At kahit sa huling hininga, pilit ko pa ding aalalahanin ang mga masasayang alaala na naidulot saken ng mga kataga ni Eddie Garcia.
Dramatic much?
Hahaha. What a loser.
Nabasa ko lang sa comics ng Bazooka Joe ang lahat nang yan. Wag kang maniwala.
At oo, tama ang nabasa mo. Wala na akong trabaho.
*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*
Office Chronicles : T-Day
Nabanggit ko bang wala na akong trabaho? Oo, wala na.
Kelan pa? Matagal na din.
Nagtataka siguro kayo kung bakit wala na ang Office Chronicles na inaabangan ng mga nagbabasa mula sa ibayong-dagat (salamat po sa inyo at hi din po!)
Opo, wala na akong trabaho. Last day ko na nung August 26, 2008. 11 months ako sa opisina. Di man lang ako nakaisang taon. Supot.
At mahigit dalawang buwan na akong walang tarbahow.
Wala na ang halimuyak ni Jerome at ang pisngi ng kanyang makikinis na babies. Ang yosi moments namen maging ang mga katarandaduhang boy antics niya kapag magkakasama kame. Wala nang munchkins, wala nang pingpangs. Wala nang freebies, at wala nang kasiyahan tuwing tanghalian.
Wala na ding task na nakakapressure at mga pandudustang personal ni bossing.
At higit sa lahat, wala na akong pera.
Ang huling balita ko naman sa mga naiwan eh may pait na nalalabi sa kanilang mga damdamin dahil feeling nila naisahan sila ni Big Brother. Pagkatapos silang bigyan ng mababang marka sa evaluation, bigla daw itong nagresign. Ewan ko kung anong nangyare, pero hindi na ata sila ganun kasaya yun.
At sinasabi ko lang yan para hindi ko panghinayangan ang lahat.
Eto nga pala, share ko sa inyo.
August 22, 2008
MARIANO JUANCHO
Dear Mr. Juancho
Persuant to the guidelines of This Office That You Work For Inc., a probationary employee is evaluated prior to regularization to determine if the employee satisfactorily meets the requirements and standards of the company. As you know, one critical requirement for you is to pass the TOTYWFU Java Scholarship Program is to pass the SCJP exam.
Here's the summary of your scores: (*AKA the slap-in-the-face YOU'RE A FAILURE scores*)
Date of Examination----------Scores---------------Status
January 23, 2008-------------23%-----------------FAIL May 6, 2008--------------------44%-----------------FAIL August 20, 2008--------------48%-----------------FAIL
As indicated above, you failed to meet (*don't you think I know already?*) the passing score of 65% in the SCJP Certification exam in spite of the several chances that you were given to meet the expected score.
As stated in the Training Contract, failure to pass any tests/assessments shall be valid and sufficient cause for the termination of the training contract.
It is with deep regret (*this I'm sure of*), then, that we advise you (*to go find a new job?*) that your employment as a Java Trainee in the TOTYWFU Java Scholarship Program is terminated effective August 26, 2008.
We appreciate all the contributions you have made to TOTYWF Inc.
Attached is the clearance form of your completion. Please forward the completed and signed form on your last day, August 26, 2008 (*inulit pa talaga*).
Sincerely,
HR Manager (*Succubus*)
Received by:
Mariano Juancho
Date: August 22, 2008
Higit pa sa lisensyang tatlong beses kong itinapon, ang panghihinayang ko na makasama pa ng mas matagal si Jerome. Joke. Para saan pang magyosi ako kung hindi lang din siya ang makikisindi? Wala na. Wala nang halaga tong pagsusunog ko ng baga ngayon. Pero seryoso, ang laki kong pabaya at irresponsableng tao no? Para ibagsak mo ng tatlong beses ang exam na pare-parehas naman ang tanong, wala na sigurong mas hihigit pa sa pagkapabaya ko.
Long weekend kasi yun matapos ang August 22. Martes na ako pumasok pero matapos akong kausapin ni HR Manager nung hapon, wala akong pinagsabihan kahit kanino ng pag-alis ko. Tahimik lang akong nagpapirma sa mga boss ng clearance at wala silang kaalam-alam sa nangyare. Akala nila inaalila ako dahil libot ako nang libot sa opisina kakahanap sa mga boss na nagkalat lang sa normal na araw tapos pag kailangan mo eh nawawala bigla.
Ganun ata talaga ang estilo nila ng pagpapalayas. Meron ka lang isang buong maghapon para iuwi ang lahat ng basurang inipon mo sa desk mo. Meron ka na lang isang maghapon para gawin at tapusin ang mga trabahong iiwan mo sa iba. Isang maghapon lang ang meron ka para makasama ang mga mahal mong kaopisina. "Last day mo na ngayon". Ganun lang kasimple.
Nagulantang na lang sila nung nagmessage ako mula sa bahay at sinabi kong last day ko na kahapon. Ewan ko kung nagalit ba sila o nalungkot. Isa lang ang sinang-ayunan kong sinabi nila saken, at yun eh wala na daw maingay tuwing lunch.
So long pingpangs, so long munchkins, so long free coffee, so long Jerome.
Goodbye.
*Siyempre hindi ito ang wakas ng Office Chronicles natin. Ganun pa din ito, lilipat pa din sa ibang opisina. Hindi na nga lang kasing-saya nitong adventure ko dito. Sana masamahan nyo ako sa susunod na opisina ko. Akshuli madami pa akong gustong sentimiyentong gawin, pero hindi ako pwedeng manatili sa ganung damdamin na lang. Makapaghanap na nga ulit ng trabaho, sosme.*
*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*
Necessity is the Mother of a Deadly Microphone and Atomic House Resizer
Piyesta sa amin dito ngayon. December 01. Wag na ninyong itaga sa kalendaryo ninyo dahil wala naman kameng kwentang mamamayan at hindi kame naghahanda sa piyesta. Mapuwera na lang kung katanggap-tanggap ba sa inyo ang Yakisoba Chicken at hiniwa-hiwang carrots bilang handang-piyesta para sa bisita.
May inuman sa kapitbahay. Kakambal ng inuman ang bidyoke masin. Sa mga ganitong pagkakataon, gusto kong magtrabaho sa pagawaan ng mikropono at bidyoke masin na kung saan magiging employee of the month ako.
Ako ang magpapanukala ng mikroponong may lumalabas na bala ng Garand Rifle o di kaya eh kahit .45 caliber hollow point sa tuwing may magkakamali ng tono. Kakabitan ko din ng aparato yung mikropono na kung saan may lalabas na boltahe ng kuryente. Ang iskor na lalabas ay multiplied by 10,000 volts. Kung nagawa ko lang ng maaga to hindi ko na sana narinig yung All By Myself Tsunami version nung kapit-bahay namen. Gangga-building yung pagkasintunado-islas-alon ng boses. Hindi ako pintasero, at lalong hindi ako magaling kumanta, at wala din ako sa tono madalas kapag kumakanta. Marunong lang akong makaappreciate ng tahimik na paligid.
*Impormasyon: Hindi boltahe ang nakakamatay. Kuryente o Current (in Amperes) ang nakakamatay.
V=IR, where V is the Volts, I is the Current, R is the resistance, o ang tinawag ding Ohm's Law.
Ayon sa chart na ito, maaaring mamatay ang isang tao sa current na 0.1 hanggang 0.2 A ng kuryente, or should I say Dagitab.
Panakot lang sa tao yung value ng 10,000 volts or 50,000 volts sa mga riles ng tren at mga bakod ng Meralco o strap ng bra ng gelpren mo. Pero hindi ibig sabihin na kapag hindi mataas ang boltahe, hindi ka na mamamatay. Ganun na din yun, at wag kang umasang may sapat kang value ng R sa katawan para labanan ang pagdaloy ng ultra-electro-kilig sa katawan mo.*
Nagkafireworks display din kanina sa munisipyo. Nilundag ko ng mas mataas sa normal na lundag yung hagdan para abutan. Para lang sa ano? Para makita ang usok sa langit at ang mga fireworks na natatakluban ng pagkatayog-tayog na bahay ng kapitbahay. Dito naman papasok yung Atomic House Resizer. Alam mo yung aparato na itututok mo lang sa isang bagay tapos kaya mo nang baguhin ang size nito by a drastic proportion? Yun ang Atomic Resizer. Nilagyan ko lang ng House para mas specifically designed sa mga bahay at hindi sa tite, ambisyoso. Pero sige, gagawan kita ng Atomic Penis Resizer. Ang problema lang dito sa aparatong ito eh baka magyabang ka't gawin mong parang baril na nakasukbit sa bewang mo't nakaset sa times1,000,000 units DeAtomization. Baka magjakol ka gamit ang tiyane at microscope kapag nagkataon.
*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*
Rescue Me : The Final Part, Which Was Third to Rescue Me : The Part Two Of Rescue Me : The Beginning, Which Is In Turn, Second To The First One
Hindi ako mahilig magyabang. Ako yata ang taong napakagwapo, matalino, at ubod ng lakas ng karisma sa chicks na hindi marunong magyabang.
Hindi naman sa down-to-earth ako pero ang totoo niyan, wala naman talaga kasi akong maiipagmayabang. O sige, marunong akong magpagalaw ng nguso at ilong. Satisfied? Good.
Ang natatandaan kong pinakamatinding pagyayabang na pinakamatindi kong ginawa eh na napakatindi eh nung nagmayabang ako kung gaano kakapal ang koleksyon ko ng teks ng Dragon ball nung bata ako.
Hindi na rin masama no? Kahit siguro nasa isang pormal akong meeting kasama ang mga kababata at kaklase kong mga bigtime na, matapos lumipas ang dalawampung taon eh maaari kong isampal ang katotohanang yan sa pagmumukha nila kasama ng koleksyon ko ng Mask Rider Black plastic toys na nakokolekta kasama ang pagkaasim-asim na candy.
Kaklaseng big time: "Pare, ang hirap mag-manage ng malakihang business sa panahon ngayon, dapat talaga marunong kang magbasa ng takbo ng economy para you can play your cards right."
Ako: "Cards ba kamo? Heto, meron ako. Street fighter #0876 na dinidisplay yung Hapekpek hadouken ni Ryu laban kay Pacquito Diaz. Trade?"
= = = =
Sa pagitan ng September 24 hanggang 26 (Pasensya ka na, hindi ko na matandaan, hindi ko kasi pinagmamayabang ang matindi kong memorya eh) nang mapagpasyahan kong tuluyan nang gawan ng paraan ang nakakarinding pagingaw-ingaw ni Kumukuti.
Bago ang lahat, nais ko nga palang ibahagi sa inyo ang lokasyon na kung saan matatagpuan si Kumukuti sa mga nagdaang panahon.
Galing sa WikiMapia. At oo naitanong ko din sa sarili ko kung sino si Rhon Batuigas.
Ay, oh I'm sorry? Is that too expanded? Well bless my buttocks and juggle my scrotum! Reklamador!
Eto na nga, ilapit na natin. Pft.
Si Kumukuti yung kulay itim na bola ng balahibo na may parte ng puti. Kasama niya yung chicken nuggets sa microwavable na lalagyan. At mangilan-ngilang dahon ng puno ng bayabas na ipinangunguya sa mga batang gustong magpatuli.
Malabo ba kung asan siya? Sa susunod ikaw na ang kumuha ng litrato, ingrate!
Ikalawang kasayangan: Chicken nuggets
Hindi naman talaga siya kasayangan kasi tinda yun ng ate ko na binili lang sa isang di-kilalang factory dun sa tapat ng Makro. Wala siyang tatak na sikat pero masarap naman kung iisipin mo lang.
At gusto mong makasiguradong masarap, kontakin mo lang ako sa blog na ito para umorder ng isang pakete at ikaw na mismo ang humusga.
So ayun, pinainan ko siya ng tira-tirang chicken nuggets na galing sa refrigerator namen. Iniuwi ng mga pamangkin ko galing iskul. Ayaw daw nila, hindi nakain.
Sinubukan kong painan ng mas matinding artillery si Kumukuti. Nung una, hotdog lang, ngayon chicken nuggets na.
Kaso puta, wala din. Tatanga-tanga kasi itong pusang ito. Hindi marunong magkamay kapag kumakain. Kapag kinakagat niya, nalalaglag lang dun sa siwang ng mga tambak ng silya. Gusto kong parusahan ang sarili ko sa katangahan ko. Hindi ko kasi nilagyan ng tinidor yung pinain kong nuggets. Hindi niya tuloy na-gets ang sarap ng nuggets. Malay ko ba kung sosyalin din pala yung pussy na yun at tinidor ang ginagamit imbes na bibig lang.
(Napaisip tuloy ako sa kuneksyon ng tinidor at pussy. Makapag-email nga sa production staff ng porn film)
Wala, bigo ako. Hindi ko siya makuha. Ginawan ko pa man din ng paraan para mapalapit siya dun sa maliit na siwang para makuha.
Para sa kaalaman ng lahat, merong maliit na siwang dun rehas ng bakod. Kasyang-kasya ang kamay ko dun pati na din si Kumukuti kung gagawan ko lang ng paraan na mapalapit ko siya dun.
Pero bigo ako. Hindi ko siya nakuha. Akshuli nakuha ko siya eh. Nahawakan ko na nga at nadama ko ang kanyang balahibumpusa. Nahimas ko siya ng bahagya, pero anong silbi ng kaligayahang ito kung panadalian din lamang ang ligaya?
Mailap si kumukuti. Hindi siya ang inaasahan kong malamya at maamong pussy na nais kong iligtas. Maliksi siya at hindi sanay sa himas ng tao. Maikukumpara siya sa isang pusang hindi sanay sa tao. Na mailap.
Naisagawa ko naman ang plano kong mapainan siya gamit ang...
Ikatlong kasayangan: More chicken nuggets
Napalapit ko na siya dun sa siwang sa pamamagitan ng pagpapain sa tamang lugar. Nahuli ko na. Pero ako lang ang nasaktan. Nakalmot ako at nakagat. Sino ba kasi ang mag-aakalang ganun siya kabangis? Si Mike Enriquez? Hindi siguro.
Pinagmukha niya pa akong tanga. Kasyang-kasya pala siya dun sa maliliit na siwang ng bakod. Pukingpusa yan, nagiinarte lang ata kaya nagngangangyawngyaw dun sa likod ng bakod.
Pero hindi ako pinanghinaan ng loob. Itinuloy ko ang plano ko sa kabila ng pagiging mailap niya. Di ko man siya mahuli, alam ko sa sarili kong natulungan ko siya at hindi ako nagkulang sa tungkulin ko bilang pussy lover.
Anyway, ito pa ang isang litrato niya. Para wala nang sali-salita kung anong ginawa ko para maibsan ko ang paghihirap niya. Oo, chicken nuggets pa din yan.
Pinagprepare ko pa din siya ng pagkain kahit alam kong walang kapalit na sex yan.
O diba ang sweet ko? Ginawan ko pa siya ng pakainan! Bale ang ginawa ko, kumuha ako ng microwavable na container, binutasan ko at itinali ko para hindi na malaglag ang kung ano mang pagkaing inayawan na ng mga pamangkin ko. Oo, sinamahan ko ng pagmamahal ang pagtatali ko diyan at binudburan ko din ng makataong damdamin at kalahating takal ng awa ang chicken nuggets na inihain ko sa kanya.
Pagkatapos ko siyang paghandaang pakainin, kinuhanan ko siya ng bidyo.
Sa ngayon, hindi ko na alam kung ano ang nangyare kay Kumukuti. Nawala na lang siya isang beses. Nanahimik na lang bigla. Bago yung mga gabing tumigil siyang magngyaw-ngyaw, maingay yung mga aso dun sa pwesto niya. Parang nagbabangayang mag-asawa sa ingay. Baka sila na ang gumawa ng paraan para hindi na ako marindi sa ingay ni Kumukuti. Sad ending no?
Rules: 1. Copy paste from {Start Copy Here} to {End Copy Here} 2. Please link back to the person who tagged you and PASS this tag to many of your friends 3. If you have more than one blog, please post this to all of your blogs, the more the merrier. 4. The use of NO FOLLOW on links is not allowed, Let’s all be fair! 5. Remember to come back here at JENNY TALKS(pls. don’t change this link)and leave the exact post url so I can add you to the master list to help increase our rankings and improve our Technorati Authority. 6. Spread the virus.. oooopps I mean the VIRAL LINKING and happy blogging!
At dahil galante ako, bahala na kayong magtag sa mga sarili ninyo.
*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*
Tag 08 from LethalVerses
Itong tag na ito ay nagmula kay LethalVerses ukol sa mga NDE.
A very long time ago, when I was still a young boy and everything is in black and white...
Namatay ang lola ko. Nanay ng tatay ko. Bata pa ako nun, siguro mga less than 5 years old or so. Maikokonsiderang ako ang pinakabatang miyembro sa aming angkan.
Kung hindi ako nagkakamali, tama ako.
At kung mali nga ako, pakitama ako sa paniniwala sa aming lugar na mayroong mga supernatural na pangyayari ukol sa namatay na kamag-anak at ang "pagsundo" sa pinakabatang miyembro ng pamilya.
Ang cute ko pa man din nung bata ako at hindi ko na naabutan ang lola ko nun. Malamang gusto niya akong makasama noon, kasi nga cute ako at guwapong-gwapo. Pero siguro kahit ipagpilitan ko pa ang sarili ko sa kanya ngayon eh baka tawanan na lang niya ako.
Lamay ni Lola nun. Gabi. Normal sa mga bata ang matulog ng maaga, at normal din sa probinsya na matulog ang lahat ng magkakamag-anak sa iisang lugar ng bahay. At iyon ang 2nd floor ng bahay.
Luma na ang bahay. Ancestral house. Malalaki ang bintana nito at yung sliding wooden door pa ang gamit. Kung tatayo ang isang grown-up na tao sa tapat ng bintana, hanggang bewang niya ang pasamano. Yung tipong malalaglag ka na kapag yumuko ka sa tapat ng bintana dahil hindi din naman ganun kalapad ang pasamano ng bintana. Di naman ganun kataas ang sekan plor ng bahay. Kayang lundagin ng walang matatamong bali at lupa naman ang babagsakan. May kalambutan. Pero para sa isang paslit na tulad ko nung mga panahon na yun, ang pagkalaglag dun ay maaring magdulot ng kamatayan, lalo pa't alanganin ang bagsak. Maaaring mabali ang leeg at pati na din ang pagkabasag ng ulo.
Karamihan sa tao sa sekan plor ay tulog na at magkakatabi.
Walang anu-ano daw eh bigla akong bumangon. Naglakad ng dahan-dahan papunta sa bukas na bintana. Ewan ko kung bakit bukas yun nung mga panahon na yun kahit uso ang aswang. Isang lipad lang ng manananggal sa ganun kalaking bintana, limas lahat ng lamang-loob namen eh. At wala ding railings dahil wala namang ibang nakatira dun kundi ang tita ko lang.
Mabuti na lang daw eh nahawakan ako ng ninong/tito ko nung malapit na akong makasampa sa bintana. Nahagip lang daw yung paa ko pero nakaangat na ako sa pasamano ng bintana. Umiiyak daw ako na parang tumatawa pero tulog. Sleepwalking kumbaga.
Wala naman akong malinaw na eksplanasyon sa nangyare pero marahil eh muntik ko na nga itong ikamatay. Sorry naman kung hindi natuloy. Kung may reklamo kayo't hindi natuloy, pakisabi na lang kay lola.
Matapos ng nangyare, bilang bahagi ng pamahiin, itinawid ako sa ibabaw ng kabaong ng pinaglalamayan kong lola ng walang sumasayad na parte ng katawan ko o kahit damit. Para daw makawala ako sa kagustuhan niya ng "pagsundo" sa akin.
Some summer in Antipolo...
Eto simple lang. Antipolo, matarik ang daan, isang traysikel.
Paakyat sa matarik na traysikel ang daan... wait, teka ulit.
Paakyat sa matarik na daan ang traysikel na may lulan na tatlong babae, isa lang ang payat, tatlong lalake, isa lang ang gwapo (ako ba yon ha? ha? sige na nga).
Pinuwersa ni mamang drayber ang traysikel niya sa kambyong hindi primera. Natural hindi kakayanin ng makina ang bigat namin sa matarik na daan at mahinang kambyo.
Umatras si traysikel. Mabagal pa nung una. Tapos bumilis. Wala pa sa isip ko na pwede kameng mamatay. Si isang lalake, tumalon sa traysikel. Di man lang kame inisip. Pero at least kung titilapon kame may pupulot sa mga katawan namen.
Iniliko ni mamang drayber ang manibela. Pumusisyon yung traysikel sa isang anggulo na pwede itong tumilapon, gumulong-gulong, at rumagasa ng tuloy-tuloy sa matarik na kalsada. Mabuti na lang naisalba din siguro kame ng sarili nameng bigat at lalagyan lang ng kanin ang tumapon.
Nung mga oras na yun eh naisip ko kung ako ang tumapon at hindi yung bigas. Malayo pa man din ang pagkakatalsik nung tupperware na yun. Sino ba naman kase ang nakakaalam kung paano ka babagsak, kung una ba ang paa mo o ang leeg mo ang tutukod sa sahig. Kahit gaano pa kababa ang talsik mo kung panahon na para mahimlay ka ng tuluyan, wala kang magagawa.
Marami pa akong NDE na hindi ko maikakategorize na NDE nga ba o hindi. Madami din kasing beses na nakita ko nang nag-flash ang buong buhay ko sa harap ng mga mata ko. Nangyare ata nun nung nakaangkas ako sa kaibigan kong babae. Paakyat kame ng flyover at hindi siya nagmenor tapos may jeep sa unahan. Napakabilis ng paglapit namin sa jeep. Sumisigaw na ako ng AAAAAH, samantalang hagikhik pa ang naririnig ko sa babaeng drayber na kaibigan ko. Hindi ko alam kung buhay ko nga ba yung nagflash sa harap ko o yung stainless lang na body ng jeep.
Ipinagpapasalamat ko na lang sa langit at sa Diyos ang lahat ng mga pagkakataon na sana na-deads ako pero hindi natuloy.
*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*
Langhap Sarap by M
O kay saya ng bawat linggo Noong panahon ng kabataan ko Dito'y laging bumibisita Matapos magsimba ng pamilya
"Langhap Sarap" ang titulo Maligayang bubuyog naman ang mascot nito Kapag ngiti mo'y nasisilayan Kaligayahan ang aking nakakamtan
Langhap Sarap, o kay ligaya Pinapangarap kong kumain dito sa tuwina Kaibigan kong bubuyog sana ay ikaw na ang maging kusinero namin hangga't ako'y humihinga
Ang Yumburger mo na nakakapagpasigla Kapag ako'y may sakit, ito ang meryenda Sa tuwing may okasyon, Jolly Spaghetti ang karamay Walang sawang kakainin, sa bawat araw ng aking buhay
Jolly Fries ang pinagsasaluhan Kapag magkakasama ang magkakaibigan Kasama ang kwentuhang walang humpay At kasiyahang puno ng kulay
Ang masayahing hotdog nila Malinamnam at malasa At palagay ko'y kukulangin Ang Champ ninyo para sa akin
Naiinitan ka ba kamo? Aba'y Frost Blends ang para sayo Matamis ba ang hanap ng dila mo? Peach mango pie ang kainin mo
Halina at sumama sa ligaya Ng pamilya ni Charlene at Aga Sa pag-indak ni Kim at Gerald At sa pagkanta ni Sarah at Mark
Nawa'y ako'y makabalik Noon sa kabataan ko At maranasan kong muli Ang Jollibee, linggo-linggo
*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*
Hereditary
Nasa dugo yata ang pagkapintasero ko.
Nanonood ako ng Wowowee. Hindi, mali. Napatingin ako sa telebisyon nung Wowowee ang palabas at nakita ko si RR. Si RR na hindi ko alam ang apelyido o kung mabuti ba siyang kapatid sa mga kapitbahay niya.
Ako: "Si RR po ba yan? Bat parang ampangit yata niya ngayon." Aling Maring: "Eh pangit naman talaga yan dati pa eh."
Okay po, magulang kayo at ginagalang ang mga opinyon nyo. Salamat po.
*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*
Matagal din pala akong nabakante dito, sorry naman, busy lang.
Oo nga pala, maraming-maraming salamat kay Boss Badoodles ng KwentongBarbero sa pagpili sa akin bilang Humor Blogger for the month of December! Maraming salamat po bossing! Hindi ko kayo bibiguin at papanindigan kong mgalaing galata aq s spiling!
Maraming-maraming salamat po sa bumati(greet) sa akin noong kaarawan ko. Sa lahat ng mga kaibigan kong maiituring ko nang pamilya, offline, online, at skyline pigeon flyyyyyyy, towards the dream... sa lahat ng nasa Friendsters ko, sa lahat ng nakasama ko sa araw ng birthday ko, sa lahat ng nagpaabot ng tulong, delata, donasyon, pink table, at kung ano-ano pang simbolo ng pagmamahal, salamat.
MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PAGBABATI SA AKING BIRTHDAY!!!
Sabihin nyo kung dapat ko na ba kayong batiin at buong-puso kong ibibigay sa inyo ang aking kamay. Para kamayan kayo. Sa kamay, at hindi kung saan pang dapat na kakamayin.
= = = =
Menos Diyes para alas singko ng dumaan ang trak ng basurahan.
Mataas ang bintana ng bahay at malaki. Kumbaga kahit anong klase ng aerial sprayers o vapor solutions o kung ano mang amoy at usok eh madaling makakapasok sa loob ng bahay.
Siyempre, aasahan ko na ang amoy ng basura sa oras na dumaan ang trak sa bahay.
Pero nagtaka ako kung bakit hindi ko naamoy ang bantot ng basura. Imposibleng hindi dahil maayos ang pang-amoy ko sa panahong ito at lalong wala naman akong sipon o allergic rhinitis.
Isa sa mga batas ng Physics na maiaaplay sa misteryong ito ay ang "For every action, there is an equal and opposite reaction" na hindi ko naman alam kung tama kasi hindi ako nag-Google para diyan.
Base lang yan sa memorya kong sing talas ng tingin ko kapag may kaagaw ako sa ulam.
Samakatuwid, kung ang pwersa ng amoy ng basura ay matatapatan ng eksakto at parehong kalibre ng amoy, hindi na ito dadaan pa sa aking ilong.
Saan naman manggagaling ang amoy na tatapat sa baho ng basura?
Hindi ko din alam pero yung pagdaan ng trak ng basura ang panahon na inaamoy ko din ang kili-kili ko eh. Siguro dun na nga galing yun. Putanginang yan. Napakabaho. Seryoso, nakakaamoy na ako ng amoy baktol. Yung mapaklang amoy na sumisingit sa baga at mapapaubo ka sa oras na maamoy mo. Oo, nakakaamoy na ako ng ganun pwera sa asim at amoy mantikang panis.
Kaya sa mga kababaihan, mag-iingat kayo sa lalakeng walang ibang ginawa kundi ang makipagflirt sa inyo sa buong araw dahil panigurado, tatlong beses pa sa amoy ko ang amoy nila.
Akala mo jackpot kang may kalandian ka sa buong araw? EEENGK! WRONG!!! Hindi din naliligo yun tulad ko.
Kaya sa mga nakakaflirt kong mga babae online (kung flirt bang maiituring ang paghamak sa pagkatao ko't pagmumura sa magulang ko) eh mag-isip kayo ng sampung beses kung matutuwa ka ba't kilig na kilig ka sa kakakausap saken o mandidiri ka't wala kasing duming kuko ang gamit ko para mapangiti ka lang.
I'm not a sporty type of person. To be honest, I just like to bum around and flick those up and down buttons on that remote, without any channel to settle on or any good show to finish. With me watching, it's like you're up for a slideshow of pictures or something more of a hypnotic video with random images flashing in front of your eyes.
But I do play sports, not just the sporty spice kind of sporty. I remember my brother breaking his arm in one of his basketball game. The break is bad that it even had to be casted away. Not with Tom Hanks and Wilson though, just the plastered white cement kind of cast.
And when you have a broken arm, there aren't many choices for you in your life. You wipe your ass and you put the food in your mouth with the same hand, same fingers, and same fingernails.
I can just imagine how he washes his ass with a single hand.
You know how most of us isn't contented with just a wipe of a tissue. As for me, I do need a process after I just took a dump, not just a single task of wipe and go. And I get that from washing my ass with soap and water. It's kind of hard with me if I go with one hand. Like I said, it's a process so I need the other hand to pour the water and then the other hand to wash the dirty dish away from the hole. It's similar to the union of body and soul: The union of left and right hand, soap, lather, pour, rinse, smile. It's not a big deal if I smile after I take a dump, it's self-fulfillment after all.
It's probably like this (don't take it as if I've seen it with my eyes, I just thought of it this way): He first wets his hand then bubble it up with the soap. Then he gently soaps up his asshole with the soap-bubbled hand.
And knowing my brother with all his skid-marked underwear, it's not so special if there's a patch of shit clogging at the entry of his asshole. That's where the trouble begins. You have to scrape it especially if its a sticker type of dump, because there IS actually no way that you could shake that off even if you get jiggy or wiggly with it. And even if you furiously tried doing that hole thing, like you make it blink or something (just like what the chicks -- chicken offsprings, animal, fowl, et. al, get the picture?-- do when you blow their bottoms, it's like MOMOMOMOM kind of movement, like it's blinking) what the veteran porn stars do to make it more tight back there, there's no way that you could make tiny piece of shit drop.
So you have to scrape it. With two or three of your fingers. With your yet to be unclipped fingernails.
So after you scrape it, you again go back to process of taking the soap, lather, pour, wash, so and so and so, and it's tiring for a single-handed person. So I guess my brother would just eliminate one element to lighten up the process.
No it's not water, of course it's the soap! That's just my conclusion so don't base my brother's personality on that tiny detail. Don't be afraid to shake his hand, he's doing well now and all hands are fully operational so the soap is, again, back in the process.
And at the course of the day, he has to eat with the same hand, without utensils, and my sister asking if he washed his hands after the bathroom process, and him thinking that he shouldn't have played that hard to get him in that predicament.
Galing ako sa super sosyal at eleganteng-eleganteng Ever Gotesco Mall diyan sa may Ortigas upang magdala ng tindang sapatos ng ate ko.
(Kung gusto ninyong mag-retail, kontakin nyo lang ako.)
At dahil meron siyang libreng coupon sa Greenwich Pizza Restaurant eh umorder siya ng mga pagkaing nakalagay sa putanginang mga nakakapasong lalagyan na imbes na matatakam kang kumain eh mas uunahin mo pang dilaan yung braso mong napaso.
Umorder siya nung tinatawag nilang Chicken Ala King.
At aba! Masarap! Pero may kulang. Parang puro kabute ang nakalagay ah. Nawawala ang chicken.
Kaya pala Chicken Ala King ang tawag dahil ALA is acronym for "Apat lang ano?" na patungkol sa bilang ng piraso ng manok na parang pinagtabasan sa Andoks ang size. Kumbaga kapag nagtadtad sila ng manok sa Andoks, yung mga piraso na tumalsik, binibili nila para ihalo sa Chicken Ala King.
Makapal din ang dila ko at ang paligid ng bibig ko dahil sa kung anong klase ng harina ang halo ng Chicken Ala King. Di ko akalaing pagkain lang sa restawran ni John Lloyd ang makakapagpatutbras saken ngayong araw na to.
Sabi nila, ang basehan ng pagiging isang gentleman ay ang pisikal na kaanyuan niya: ang postura nito, tamang tikas, may makisig na katawan, tamang tikwas ng buhok, bagong ahit ang bigote at kilay, bango ng katawan at hininga na nakabubuntis, nakamanicure, pantay na tabas ng mukha na parang kinatam, kwadradong baba, diretsong titig na nakapagpabukaka ng hita, matalas na tingin, taas-noo, makintab na sapatos, pormal na pananamit, yung tipong nakabarong o di kaya'y naka-Americana, at may makislap na pagngiti. At siyempre, nagsepilyo, naligo, at bagong-bihis sa oras na nakita mo ang kanyang magandang porma. Sa madaling salita, hindi yung asawa ng presidente.
Ikalawa naman ang ugali: kagalang-galang, mahinahon ang pananalita, intelehente, may paggalang sa mga kababaihan, marangal at may moralidad at may posibilidad ding hindi nanonood ng pornograpiya. Maaari ding may paninindigan sa bawat salitang binibitawan at alam mong kampante ka sa katotohanan ng kanyang mga sinasabi.
Sa madaling salita, hindi yung may-ari ng blog na ito.
Simple lang akong tao.
Di ako magarbo sa damit, di ako magarbo sa pagkain.
Hindi ako madirihin, at hindi ako kyeme sa mga echos, charot, at mga eklavu sa kapaligiran ko.
Pwera na lang minsan kapag inaatake ako ng aking pagkamalungkutin and my conio mentality that I cannot make iwas to like, mag-inarte to my companions and friends and all.
At kung pasimplihan din lang ang paguusapan, siguro masasabi mong isa ako sa pioneer ng simplicity.
Consider this equation.
You have 2 apples. You eat one apple. How many apples do you have left?
Isa na lang.
O diba? Simple lang.
And at the same time, pointless.
Exactly, pointless ang equation.
At pointless din maligo kung hindi ka naman aalis ng bahay.
Ganun ako ka-simple. Kung wala namang mahalagang pupuntahan, mga taong makakasalamuha, o di kaya eh presidenteng kakamayan, bakit pa ako maliligo?
I consider myself as an environmentalist. Tumulong sa kalikasan sa kahit anong paraang makakaya ko.
Isa na dito ang pagtuklas at paggawa ng natural na insect repellent at walang halong kemikal. At magmumula ito sa hindi ko pagligo. Isipin mo nang adhikain ko ito.
Ganito yan. Sa pamamagitan ng hindi ko pagligo, makakakalap ako ng kakaibang amoy (amoy kupal, utot, et. al) at kapal ng libag upang layuan ng iba't-ibang klase ng peste ang pwesto ko.
Perpek?
Kung maisasabote ko lang ang amoy ko pati ang by-products ng katawan ko mula sa eksperimento kong ito, maisasalba ko ang ekonomiya ng Pilipinas.
Akala kasi ni Aling Maring eh swerte lang ang pumapasok sa bukas na pintuan ang bintana ng bahay na palaging nakabukas. Di niya na ikunsidera ang mga lamok eh kasya din sa pintuan at bintana.
Pero may drawback ang eksperimentong ito. Kumbaga kay Incredible Hulk na nagkakaroon siya ng hindi kakontrol-kontrol na lakas at emosyon, ang sa adhikain ko naman eh mas magiging matagumpay ako sa isang pagiging human repellent. So far, umabot ako sa apat na araw sa aking adhikain. Kinailangan ko na talagang maligo dahil tinubuan na ako ng pigsa sa aking hita.
Isa lang naman siya kaya di pa ako natatakot. May natitira pang kapirasong hygiene sa katawan ko para maudlot ako sa layunin ko.
Kapag umabot ako sa isang taon, pusta ko pati mga ispirito hindi na ako lalapitan. Baka pati ang Diyos magsawa nang bantayan ako eh. Mistula na daw siguro akong sibuyas kapag pinanonood.
Masakit sa mata ang singaw ko.
Figure 1: Cartographic sketch of my Pigsa(Boil)
Kung makikita mo sa litratong ito, ang pulang bahagi malapit sa aking singit ang pigsa na dulot ng mainit na singaw ng katawan. At dahil sa itinuturing ko din na duktor ako nung nakaraang buhay ko, minarapat ko nang gupitin ang naturang pigsa upang hindi pa muling makaabala sa aking paglalakad.
Dangan kasing ang naturang pigsa eh kumikiskis sa magkabilang hita kaya nakakairita na.
***WARNING: Don't try that at home. I am a professional loser that's why I am entitled to self hurting and the likes. If you want to hurt yourself, try watching BME Pain Olympics and somewhere in between the film it's going to hurt.***
Hindi ko naman paabutin ang research ko sa puntong dadayuhin na ako ng mga minero dito sa bahay dahil tinubuan na ako ng minahan sa singit ko. Baka madestino na bigla dito sa bahay si Kuplite sa paghahanap ng ginto sa kili-kili ko. Sorry na lang kung kamote lang ang abutan niya. Yun lang kasi ang nabubuhay sa ganitong klase ng masangsang na atmospera ng katawan.
At isa pa, ang hindi pagligo ay pagtitipid. At ika nga ni boss Cabron, ito din daw ay pag-iimpok ng libag. Mahal ang tubig at mahal ang libag. Personal treasure ko ang libag galing sa research ko at sinisigurado kong makikita ko sila sa aking mga kuko sa umagang pagkagising ko, bago ako tuluyang maligo.
Kung hindi ka maliligo, hindi ka magpapalit ng damit. Damit meaning underwear, sando, at shorts. Boxers lang naman ang suot ko kaya mapresko sa kailaliman ng aking balls at singit. Yun nga lang, delicate situation.
(Wala kasi akong kwarto kaya sa sofa lang ako natutulog. At baligtad ang timezone ko. Gising sa gabi, tulog sa umaga. Nung minsan ngang humilata ako sa sofa, wala na akong nalaman sa paligid. Pagkagising ko, may tuwalya na sa tumbong ko. Nasilayan ata ni Hazel ang nakadungaw na kahihiyan kaya naman nagreklamo siya kay Aling Maring. Ayun, tinakluban para naman hindi kahiya-hiya kung may dumating na bisita.
Pangalawa sa basahan sa lababo, ang shorts ko ang pinakamaruming piraso ng tela sa buong bahay. May dalawang linggo atang hindi napapalitan at hindi nalalabhan. Kung maliligo ako, yun ulit ang isusuot ko. Nag-iiba na din ang kulay niya at medyo mahirap nang itupi, matigas-tigas na din ng bahagya.
Pero siyempre nagtira naman ako ng kaunting kahihiyan sa mga tao kaya nagpapalit ako ng underwear. Sa kabutihang-palad, dalawa naman sila kaya walang problema, may pamalit agad sa oras na kailanganin. Di na kailangan pang bumili ng bago, kilala ko ang katawan ko at nararamdaman kong uurong ang size ng etits ko kapag nakakaranas ng bagong texture puwera sa kamay ko at dalawang piraso ng microwaved meat.
Ang sando ko naman ang nagsisilbing pamunasan sa lahat ng daanan ng kamay ko. Mantika ng pritong manok, sarsa ng lumpia, at pamunas sa nguso. Yung puting sando, nagiging off-white di dahil ng libag, kundi dahil ng sangkap ng pagkain. Kasalanan ko bang yun ang pinakamalapit na pamunasan kapag pasmado ako o kaya bagong kain? Hindi naman diba? Pagbibigyan ko naman yung shorts ko, siya na ang bahala sumalo sa libag-singit at natuyong kupal. Iba naman ang itotoka ko sa sando ko.
Kilala na nga ako sa bakery samen, nakahanda na yung dalawang stick ng yosi malayo pa lang ako sa kanila. Kilala na agad ako sa getup kong floral beach shorts at off-white smudged sando with taong-grasa aura. Nagugulat nga sila kapag nakabihis ako, ngiting-ngiti saken si ateng vendor. Siguro sa loob-loob niya, nagpapasalamat siya sa kalangitan at nagkaron ako ng kaunting pagpupursige na magmukhang nakatira sa bahay at hindi sa bangketa.
Nabanggit nga ni Damdam na normal na proseso ng katawan ang pagpapalit at pagbabakbak ng balat at pagbabakbak ng patay na cells ng balat.
Eh ang katuwiran nga eh kung nasa bahay ka lang naman, wala namang maapektuhan ng "molting" process mo, at sanay ka naman sa sarili mong amoy, hindi mo na pagkakaabalahan pa ang maligo.
Nabubuwisit na ako na naawa kasi maingay siya at isa pa, basang-basa sa ulan.
Baka kapag pinatagal ko pa sa tubig yun, magiging catfish na yun.
At sa sobrang tagal pa niya dun eh baka tatlo na lang ang buhay niya. Nabawasan ko na kakahiling kong mamatay na lang siya at bumaho na lang kesa magngangawa nang magngangawa dun.
Sa lahat ng basang pussy na nakita ko, dun lang ako naantig at naawa. Kapag mga sabog at pisat na pussy naman ang nakikita ko, di naman ako ganung naawa. Yung ulo pisat na na parang artwork ng elementary gamit ang water color. Minsan yung bituka nagkalat na at tapi-tapisak na yung tae. Yung mata eh nakakabit na lang sa ulo nyo niya sa pamamagitan ng isang hibla ng laman. Minsan nakakadiri kapag maitim na at lasog na lasog na at sabog. Pero minsan, okay lang kapag medyo pink lang at mabalahibo ng kaunti. Kadalasan ng nakikita ko eh maitim na, at parang ilang ulit nang naglakbay sa maraming lugar. Minsan mas maganda din yung mga Russian.
Oh well, anyway, ang ibig ko lang sabihin eh naiinis na naaawa na talaga ako kasi, basang-basa na siya. Para na siyang mop. Mukha na siyang basahan (quoted from DocMnel). Imbis na magugustuhan mo pang kandungin eh mandiri ka't mabaho na siya. Gusto ko nang hulihin para mapatuyo na sa microwave oven.
Palagay ko ako lang talaga ang may pakialam sa kanya at sugo ako ng Diyos na iligtas siya sa kapahamakan. Ako lang ang may mahal sa kanya sa lahat ng tao sa mundo at ako lang ang may kakayahang gawin yun. Ako lang dapat, wala ng iba. Ako lang ang... putangina andami ko pang sinasabi, stfu to me.
Pasilip-silip ako palagi dun sa area niya. Nagpayong pa ako para malapitan ko siya. Gusto kong mag-salitang pusa para sabihin sa kanya na "Don't worry, it's going to be fine. I'm going to help you, don't worry."
Sige, pakitranslate na lang yan sa pussytalk.
Basta gusto kong i-assure na kaibigan ako at gusto ko syang tulungan. Wala namang nangyare.
Unang kasayangan: Hotdog
Pinainan ko ng hotdog. Hindi sunog, para sa kaalaman ng lahat. Hilaw. Para lang tumahimik. At dahil hindi ako National Geographic para bantayan kung nakain niya ang hotdog, hindi ko alam kung nakain niya o nahulog lang o pinagkakitaan na ng Discovery Channel ang ginawa ko't kinuha nila bilang Best Amateur Wildlife Rescue.
Pero maingay pa din siya. Panay pa din buhos ng malakas na ulan. Tuloy pa din ang pagkabasa niya.
Ngayon, tignan mo to. Alam mo ba ang pamahiin ng matatanda (wala pa akong alam kasi na pamahiin ng kapapanganak pa lang na tao eh) na kapag pinaliguan mo ang pusa, babagyo?
Puwes si Kumukuti ang rason ng napakalas na pag-ulan nitong nakaraang linggo. Kaya bumagyo at patuloy ang pag-ulan nung araw na yun kasi patuloy siyang nababasa.
Kung paano tumigil ang ulan? Ewan ko. Baka kasi nung pinuntahan ko siya at hindi naman ako nakapayong. Nandiri ang mga patak ng ulan na malapatan nila ang balat ko kaya ayun, tumigil.
"Puwedi bah, kung wala kang magawa, magdukit ka na lang ng puki moh!"
-Marie, dating househelp
Yan ang bungad ni Marie dun sa dating manloloko sa telepono namen. May sakit ata sa utak yun.
Yung manloloko ha, hindi si Marie. Pero pwede na din. Ikaw ba naman ang katulong ng bahay na naatasang magbantay ng kapayapaan at kaayusan sa buong sangkapamahayan eh sasamahan mo ang anak ng amo mo at barkada niya sa panonood ng traypuleks na bidyo.
Malabo na sa memorya ko kaya kung basa ba ang upuang tinayuan niya matapos ang naturang palabas eh hindi ko na talaga maaalala. Baka sa sobrang pilit ko pang alalahanin eh makalikha pa ng di-makatarungang imahe ang isipan ko't magamit ko pa sa pagpapatiwakal. At oo, kame yun ng mga barkada namen na tawa kame ng tawa sa reaksiyon ni Marie na parang nakanood ng 2girls1cup na palabas.
Ang bersyon na napanood niya eh 1guy1girl, The Barurot Cup.
= = = = = =
Wala pa pong kasunod. Matutulog na po muna ako. Goodnight!
Sorry kung bitin. Pinaglihi ata sa sexual performance ko ang mga blog ko ngayong nakaraang araw kaya ganito na lang.
Ako si Mariano Juancho. Pwede mo akong tawaging M.
Minsan, kapag masama ang loob ko, galit ako sa tao, o di kaya'y may nagawa akong kasalanan ay dito ako nagpupunta.
Dito ako nagbabahagi ng mga bagay na sana'y ginawa ko, sana'y sinabi ko, ko mga bagay na hindi mo maiintindihan kasi pinaiikot-ikot ko ang mga kwento mula sa kabilang bahagi ng buhay ko.
Dati, nung uso pa sa mga blog-blog na yan yung mga badge, ito yung pinamimigay ko para imbis na link lang ang ilagay nila, itong badge na ito because I am paimportante like that.