Exchange Gift
Pero malamig nga at nakakainis na pasmado pa ang paa ako. Kung pwede lang sana siyang ipitin sa kili-kili gaya ng ginagawa sa nanlalamig na kamay eh di ginawa ko na. Kaso ang layo naman ata ng kili-kili ko sa paa ko.
At hindi ako contortionist para sundin ang analogy na kili-kili is to kamay at paa is to singit.
Gusto ko sanang magmedyas at wag na itong hubarin habang ganito kalamig kaso paano malalagyan ni Santa Claus ng pera yun kung suot ko pa diba? Dibale may isang piraso pa ako ng condom dito, that'll do.
Ano ba ang posibilidad na makatanggap ka ng pera kung condom ang isasabit mo at hindi medyas?
Malaki syempre. Si Santa Claus pa, eh DOM yan. Delightful Old Man. and Fat.
Ubod na ng dami ng mga Elves ni Santa sa North Pole, paano sa palagay mo nabuhay lahat ng mga yun? Si Santa ang sagot diyan. Siya ang may bunga sa lahat ng mga yun! Totoo! Anak niya ang sangkaterbang elf na gumagawa sa factory niya.
Dapat nga inirereport sa Bantay Batang North Pole to eh. Labag sa kautusan ng batas yun, child labor! Kaya kung sino man sa inyo ang nakakaalam ng eksaktong address ni Santa Claus ay ipagbigay-alam agad sa kinauukulan to stop this insanity of underpaid child labor. Andun lang siya, painom-inom ng gatas/hot coco at pakain-kain lang ng biskwit samantalang nagpapakamatay magtrabaho ang mga anak niya.
At dahil dito, syempre makakatulong kung condom ang isasabit mo ngayong pasko kesa sa medyas na alam mo namang lulusot ang semen dun. Magagalak si Santa at bibigyan ka niya ng butihing regalo for being oh-so-thoughtful sa pagkontrol population ng kanyang Elf colony, which makes me wonder kung naughty or nice ba si Mrs. Santa Claus.
Malamig, oo ang lamig ngayon sa hindi maipaliwanag na dahilan. Siguro kasi malayo na ang Earth sa araw o kaya naman eh nakatutok lang saken yung industrial fan ngayong oras na ito. Pero malamig nga talaga, kahit tanghaling tapat may ginaw pa din akong nararamdaman. Sinalat ko yung betlog ko, mainit naman. Baka nga kasi pumayat na nga ako at wala nang sapat na taba para protektahan ako sa ginaw.
So kapag giniginaw ka, sexy ka na!
Maganda ngayong paskuhan season, pwede kang umutot nang umutot kasi hindi naman nila malalaman kahit hawakan nila ang tenga mo at malaman nilang malamig ito.
Mula nung elementary ako eh malas na ako sa exchange gifts. Nitong mga panahon na lang na ito ako nakakabawi-bawi. Kaya naman hindi ko na pinapatos ang mga kris kringle at exchange gift, monito monita chechebureche na yan dahil medyo natrauma na ako.
Pero excuse ko lang talaga ito dahil ang totoo niyan wala naman akong pambili, ahihi.
Ikaw ba naman sa murang edad na eksayted kang makatanggap ng magandang regalo kasi maganda yung ibinigay mo dahil ikaw pa ang pumili nun tapos mawawasak lang lahat ng naipon mong kaligayahan ng isang alkansyang walang takip ang kabilang dulo.
Karimarimarim.
Grade 1 ako nun, nalaman ko na agad ang konsepto ng pagging offended. Oo, na-offend ako sa natanggap ko. Walang effort sa parte ng tagapagregalo.
Bilang isang paslit, ang magandang regalo ang tunay na kahulugan at diwa ng pasko para sa akin. Hindi ko pa alam ang diwa ng mga intangible na bagay tulad ng pagmamahal, kabusugan, libog, ngiti at tawanan at ang pagkakaisa ng mga magkakamag-anak tuwing pasko. Or siguro alam ko na ang libog nung grade 1 ako, BAKA as in MAYBE nakanood na din ako ng bold nung mga panahon na yon.
Basta bullshit ang regalo ko, badtrip ang krismas party non. Hindi ko na matandaan ang mga naging regalo ko nung grade 2-5. Pero ang natatandaan ko nakabawi naman ako sa pananarantado nung isang beses dahil nagregalo ako ng gold-plated na magnifying glass na mga give-away lang nila Mang Ely sa opisina nila sa Petron dati. Puta, kala mo bolpen ang ibibigay ko? Di na uyyy, akin na lang yon, Cross din yun no (na may Petron na insignia syempre). Sayo na lang yang magnifying glass na sinali lang ng hinlalaki ng paa ng matanda.
Nakita ko pa yung pinagbigyan ko na sumisilip-silip siya dun sa binigay ko. Nakangiti siya, so obyusli natuwa naman siya, meaning hindi pala talaga ako nakabawi kasi nagustuhan niya yung binigay ko. O baka kasi retarded yung napagbigyan ko kaya nakangiti siya sa ganun kasimpleng bagay. Evil much? Pasko naman eh.
Nung grade six naman ako, ang nakabunot pala saken eh yung isang estudyante na bulakbol. Yung tipong walang pangarap sa buhay at bumabarkada sa mga adik at walang ipinapasang exam at quizzes kahit pakopyahin mo pa. Putangina ka din, isa ka pa. Maghahayskul na lang ako iniwan mo pa ako ng masamang krismas party memory.
Johnson's Baby Powder
Johnson's Baby Cologne
At mga kung ano pang Johnson's Products na hindi ko maalala
Yan ang putanginang regalo saken, cosmetic products. Baby cologne at powder, siguro may cotton buds pa at mga cotton balls. Palibhasa nga bulakbol ka kaya ang regalo mo eh cotton balls.
*Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay biglang kong nakagat ang labi ko nung mga panahon na humirit ako ng ganun.*
Di na lang kinumpleto at sinamahan ng diaper at baby wipes, baka napakinabangan pa ng ate ko para sa anak niya.
Gwapo ako at likas na mabango nung grade six ako kaya another offensive gift nanaman yan para saken. Sa ikalawang pagkakataon, nakaramdam ako ng offendment sa nantanggap ko. Akala siguro niya bakla ako kaya mga pampaganda ang binigay saken. Tseh, kala mong bruha ka! Hindi ka bongga! Tarush!!!
Pero syempre, kung ngayon mo ibibigay ang mga gamit na yan, baka ilibre pa kita sa McDo sa sobrang galak ko at may nakakaalalang regaluhan ako ng mga bagay na ituturing kong "Humanification Products".
Aba Baby Powder ba kamo? Aba, paborito kong gamitin yan sa nanlalagkit kong singit at batok! Pati kapag wala akong deodorant, ihahalo ko lang sa Baby Cologne yan eh solb na ang maghapon na anghit! Cool and refreshing!
Nung hayskul eh dinaan ko sa patigasan ang monito-monita. Pinagdusa ko yung nabunot ko, siya lang ang walang natatanggap sa araw-araw. Di na nga nakatiis at sinulatan na ako, maawa na daw ako sa kanya. Ako naman eh likas na pilantropo at may malasakit sa nagdudusang mga tiyanak eh di pagbigyan. Binigla ko na lang nung krismas party, binigyan ko ng Authentic Direct Divisoria Imports for maximum satisfaction kahit alam kong puro pipitsugin yung nabili ng nanay ko at hindi yun ang tipo ng tao na matutuwa sa ganung kalidad ng mga produkto. May pagkasusyalin din kasi yung nabunot kong babae, kahit may pagkapalengkera alam ko gusto nun ng quality products pero wala akong magagawa.
Ang nabili na ay nabili na. Isang pipitsuging ulo ni Winnie The Pooh para sa something soft at mga sangkaterba pang bagay na hindi ko na maalala sa tema ng something-something. Tangina yung sa ko ngang kaklase nagregalo ng tae ng daga, maswerte pa siya sa akin nitong lagay na to.
Nagpasalamat naman siya kahit alam kong gusto na niya akong gulpihin para mamaga ang katawan ko ng kagaya kay Winnie The Pooh.
Nito namang nakaraang trabaho ko, meron din kameng exchange gift. Syempre natatak na sa isip ko na hindi mag-effort sa reregaluhan ko sa kadahilanang alam kong wala din namang kwenta ang matatanggap kong regalo.
Sakto naman sabi ng nabunot ko eh mag-burn na lang daw ako ng mga MP3 songs na Alternative. Sosmariano, sangkarabunton naman yung mga yun na hindi ko alam kung ano ba ang tunay na genre ng Alternative music. Salamat na lang sa isang napakabutihin at napakamayuming kaibigan na nagpaunlak ng kanyang download powers para sa regalo ko. At mas nauna na din siyang umalis sa akin dun sa opisina namen na ayaw ko namang ibintang sa ibinagay kong mga CD.
At wowowowowowowowwww seeengh naman look do we have here, si Jerome pala ang nakabunot saken! Sana binunot na lang niya ang tinik ng kainitan sa aking labi gamit ang kanyang naglulumuwang...katarayan para mas masaya ang pasko ko last year. Kaya pala gusto akong palayasin nung sabay-sabay kameng namili ng mga panregalo sa Glorietta Bench, dun niya pala nabili ang chinelas na binigay niya saken. Na maliit at nakakapaltos.
Syempre okay lang! Jerome yan eh! Okay lang na magkapaltos basta sa kanya galing. Well indirectly, sa kanya galing yung paltos ko at hindi ko naman na din isinusuot tong bigay niya. Mas gusto ko na lang sanang ipaframe at titigan buong maghapon at isiping minsan, may isang ganung klaseng babae na nagbigay saken ng semi-matinong regalo.
Sana carpet burns na lang ang niregalo niya saken.
Para sa isang kagaya kong bum, jobless, at penniless (READ: PENNY-LESS, hindi PENISLESS bulag!) medyo kulang ang pasko. Walang krismas shopping, at wala ding napakinabangan saken ang mga mahal ko sa buhay lalo na ang mga pinakamalas na mga inaanak sa buong mundo, yung mga inaanak ko.
Parang noodles lang ang pasko ko ngayong taon. Payless.
Pero syempre ngayon na papasok ang halaga ng konsepto ng intangible na bagay. Isa nanamang magandang palusot! O diba! Pagmamahal ang tunay na diwa ng pasko! Tama naman diba? Puro pagmamahal ng karne, pagmamahal ng paninda, baboy at mga gulay na nagpo-frozen salad na sa lamig. Pati ang laman ko mahal na din! Ahihi.
Pero ang totoo, nagpapasalamat ako sa isang buong taon na nakatanggap ako ng pagkalinga, ubod ng paguumapaw na pagmamahal, kaligayahan at kasiyahan, kulitan, pag-aalala mula sa kaibigan at kamag-anak at pamilyang kaibigan, pagunawa mula sa pinakama-astig na mga magulang sa mundo, at pangunawa mula sa pinakamagagandang chicks sa universe.
At syempre ang diwa ng pagpapatawad, yiheee.
At sa bonggang-bonggang mga regalong ng mga mahal kong kaibigan! Salamat sa kotse(laruan) ni Ayz, sa makatotohanang tisiert ni Damdam, sa Patis at Thermal mug ng mahal kong si Lowla! Kung may nakakalimot pang magbigay saken, pwede pang humabol para sa special mention! Ahihihi ulit.
Alam namin na pinaghirapan talaga ni Lowla na pigain ang lahat ng alat niya sa katawan para lang makapagproduce ng isang bote ng longneck na patis.
At syempre sa buong pamilya ng Greenpinoy para sa bonggang Christmas party na naenjoy ko at ikinataas ng blood pressure ko sa sobrang busog, ahahaha.
Meri Krismas sa lahat ng napadpad sa blog na ito at tumangkilik. Pairalin ang pagmamahal sa puso at ang pagkapanatag ng kalooban, kapayapaan ng isip at kalibugan ng tite at pekpek!
Merry Christmas sa inyong lahat!
(Dapat may litrato dito ng kahit anong Christmas related echos pero dahil pipitsugin ang gamit kong computer eh hindi ko na inilagay)
15 Winners:
Oh wow, so sexy pala ako dahil giniginaw ako eh. Hahaha. Yeaaah!
At, napakasaklap naman pala ng mga karanasan mo sa mga exhange gifts at monito monita. Naalala ko tuloy 'yung isang quote - "Behind every bitch is a man who made her that way." Or something like that. Naiintindihan ko na kung bakit ka ganyan, Mariano. Dahil sa putanginang nagregalo sa'yo nung bata ka pa.
Thank you sa kanya. :D
bago ang lahat i just wanna say, Hallo MERYL! ahihihi.
==========
neway...
siguraduhin mong xxxL at yung cookie-scented at glow-in-the-dark yang condom na isasabit mo para mas madaming gifts ang kasya, at ma-attract si santa sa amoy ng cookies at mas madali nyang mahahanap sa dilim kung glow-in-the-dark. hihihi.
taon-taon gumagawa ng mga elves yan sila mr. and mrs. claus. kasi lumalaki ang population ng mundo. hehehe.
chaka yung ibang anak naman nila kapag hindi na cute and adorable, umaalis na sa north pole para mag-artista. yung iba sa kanila makikita sa Lord of the Rings at sa Harry Potter at sa Narnia.
alam ko dahil ni-research ko yan.
==========
bakit ako nilalamig pero di naman ako sume-sexy? kalokohan yan theory mo.
==========
ano daw nangyari sa takip ng alkansya?
baka nilagyan yun ng mga magulang nya ng pera, para sayo, tapos bago nya ibigay sayo binuksan nya yung gift tapos kinuha yung pera tapos nawala yung takip. tsk.tsk.tsk.
carpet burns. AHAHAHAHAH!
==========
dati ng christmas party namin, may nagregalo sakin ng mug na may laman na maliit na teddy bear sa loob.
tapos nakasulat sa mug, "happy birthday!" tinapon ko na lang...
yung teddy bear. at gumawa ng kape pag-uwi. hehehe.
==========
sabi ko sayo sulatan mo ko at bibigyan din kita ng gift eh. si Joms at si Meryl(my bff) bibgyan ko ng regalo. hihihih. kapag tapos na yang sulat, ym ko sayo address ko. aahhaha
Merry Christmas!
Procky.
putangina! ang ginaw! shet nanginginig ako sa lamig.. brrrr!
ah basta giniginaw ako! sabi mo basta giniginaw eh sexy! im so sexy! brrr..
sa may bahay ang aming bati merry xmas na malwalhati!!! Mamamasko po!!!!!
wala munang diet-diet.. let go and let’s eat!!!!
wala munang galit-galit… forgive and forget!!!!
wala munang malungkot… sit back, relax and enjoy..
dahil Birthday ni Papa Jesus!!!
HAPPY BIRTHDAY BJ (baby jesus)!!!
cheers;p-glesy the great
sinalat ang betlogs. hehe.. nadagdagan ba o iisa pa rin? (jowk.)
malas din ako sa kris kringgol na yan. ang ginawa ko nung grade one, dahil nauna kong nabuksan yung regalo nung nakabunot saken (na siya ring nabunot ko) at nadiskubre kong *fact sheet!!!* sokolate ang laman ng box, abay binagsak ko ang regalo kong musicbox sa sahig bago ko inabot sa kanya. sayang lang at matibay yung box kaya hindi na-ano.
at oo, marunong na akong magmura nong grade one: fact sheet nga eh. hehe jowk.
merry christmas mariano! sa totoo lang, gusto kong ipaliwanag na may chismax akong nasagap sa discovery channel na dahil sa climate change eh umiinit ang oyropa at lumalamig ang asya. parang exCHANGE gift lang. ganun.
ay bigla naman akong gininaw,haha!
taon taon ko ng sama ng loob nung nag aaral pa ako ang exhange gift na yan,tsk! effort pa naman ako mag regalo nun, mula sa pagpili at sa pag wrap, may personal touch kumbaga, kaso isang makabagbag damdaming "ay eto lang?" ang masasambit ko pag natanggap ko na ang regalo ko..tsk!
maligayang pasko, Mariano.
hindi mo kami binigo. isa kang ulirang calendar girl of the month.
ayokong magreklamong mahaba ang post mo. bihira to. hapi new yir.
oh my kita mo si kuya badoodles nandito pala o.
meri xmas M. pareho tayong hindi sumali sa ekchange gift nung xmas party nating mga greenies dahil wala pang sahod nun, ay meorn na pala tinamad lang ako maghanap at ayoko din kasing maokray dahil nandun si leyn.hahaha.
belated MERRY XMAS M. pasensya wala akong regalo sa inyo :)
Popoy
naku ang haba.wehehe.. meri xmas na lang...
GINIGINAW AKO! ahehe! with goosebumbs pa yan! ahehe!
happy new year!
shempre hindi ko padin binabasa kahit na ten eons ago na itong post na to. bagong taon na kaya.
bakit ba lahat ng comment eh giniginaw?
bigla rin akong gininaw..brrr
naalala ko yung klasmeyt kong bully nung elementary..mamahaling tsokolate yung binili nya, tas tatlong pirasong hairpin naman ang natanggap nya sa exchange gifts.ahihi
Happy New Year Bossing!
Syempre magpapakadiva ako at hindi ko muna sasagutin ang mga komento nyo! Tseh! Ahaha! teka lang!
forever na pala akong sexy dahil forever naman akong giniginaw. that or hypothyroid lang ako.
happy new year! magbagong-buhay ka na! maligo at magtoothbrush araw-araw!
nyahaha.. naalala ko dati... nagregalo ako ng lapis na may tasa na sa something long para lang makasali sa monito monita..
ayun, nagsumbong yung nabunot ko at sa sobrang galit ng titser ko, wala na daw monito-monita.. cheers;p
Post a Comment