The Not So Year-Ender Post
Ako eh hindi naman sa hindi ako sentimental o kung masama ang naging takbo ng taon saken pero wala namang pinagkaiba ang pagiisip ko tungkol sa bagay sa buhay ko kahit tumawid na ang taon.
Numero lang yan, ganun pa din ang takbo ng buhay ko at hindi pa din ako naliligo
Which brings us to my share for this last day of the year.
*Nag-PM ako sa isang kilala, sikat, barumbado, basagulero, maangas, macho, sexy, jologs, at susyal na blogger para batiin siya ng happy new year. Ang mga usapan ay sadyang tinabasan at tinapyas ang ilan sa mga kataga para hindi naman ako mapahiya sa mga tao tungkol sa usapan namin. Pinalitan ko din ang pangalan ng naturang blogger upon rekwes at ang ipapalit na pangalan ay Alex Molina*
Ang kasalukuyang status sa YM ng sikat at pamosong blogger noong maganap ang kamustahan ay ito: "naliligo. at kung aayain mo akong mag word racer... mag isa ka! LOL"
*At dahil hindi nyo alam ang isyu ng word racer, hindi ko na ikukwento*
M: Alex Molina!!!!
Alex Molina: ayoko na mag word racer!
M: :))
Alex Molina: utang na loob
M: tangina sino bang may gusto?
M: :))
M: happy new year!
Alex Molina: ULUL
M: ayaw mong maniwala?
M: :))
M: happy new year at kungrats taena yan di kita yayayain ng word racer!!!!
Alex Molina: HAHAHA
M: putanginang status yan!!!
M: maligo ka na nga
Alex Molina: hindi! binago lang ang plano mo aayain mo ko!
M: huling ligo mo na yan para sa taon na to
Alex Molina: hoi maliligo pa ko mamaya bago umalis
M: hindi kita yayayain sose ka!
M: ah ganun ba
M: mauubos ang swerte mo sige
M: maligo ka tapos magsabon ka ng kwarta
Alex Molina: bawal ba maligo pag bagong taon?
Alex Molina: :))
M: sabi ng mga ninuno natin mula sa Makati eh bawal daw yun
Alex Molina: langya yan
M: mawawala ang swerte sa katawan
Alex Molina: kaya pala di na ko nagkaroon ng pera. ligo ako ng ligo.
M: tsk
M: ayan kasi
Alex Molina: eh ikaw?!
M: ako
M: mayaman ako sa libag
Alex Molina: langya
M: nagiintay na lang ako ng pagkakataon na papalitan nito ang pera
M: kapag dumating yun, wag kang mag-alala di kita kakalimutan
Alex Molina: kahapon 3 oras ka nagpapa alam na maliligo na, 11pm na yata di ka pairn naliligo
M: naligo ako kahapon
M: hindi pa naman bisperas ng new year eh
Alex Molina: maligo ka naman mamaya!
M: may panahon pa para makapag-impok ako ng libag
Alex Molina: seryoso eh no!
Alex Molina: :))
M: OO!
M: maliligo ako mamaya pero hindi ako maghihilod
Alex Molina: tang inang yan
M: sayang ang swerte eh
Alex Molina: sige. dyan ka masaya.
Alex Molina: mag polka dots ka a
M: wala nga akong polka dots eh
M: miski panyo wala
Alex Molina: yung sandong butas butas
M: tamang-tama mapopost ko na tong usapan natin
M: in a way, naging kasangkapan pa din kita
M: :))
M: kahit di tayo naglaro
Alex Molina: walang hya ka
Alex Molina: anong tungkol dito
Alex Molina: sa pagligo? eh di ka nga naliligo!
M: tungkol sa pagligo
M: YUN NA NGA YUN EH!!!
Alex Molina: langya yan. bagong taon ngayon! iblog mo tungkol sa bagong taon ano ba.
M: mamaya pa yun eh!
M: kaya nga iba-blog ko ang tungkol sa bagong paligo kong look
Alex Molina: huwaw!
Alex Molina: kablogblog nga yan! minsan lang yan e
Alex Molina: isa itong blogging moment!
M: oo, ang swerte mo ikaw ang unang nakaalam!
Alex Molina: ;))
Yun lang, happy new year! Maligo kayo, bawal dumami ang supply ng libag, magmumura ang value nito.
Sana swertehin kayong lahat at maging winner for all of your fucking miserable lives you whores!!!!
Wag kayong gagaya saken.
Ang payo lang na maiibigay ko eh magtipid kayo at mag-ipon ng pera. Bawal ang shopping lang nang shopping.
Matutong magpundar ng sustainable na business dahil walang yumayaman sa habambuhay na pageempleyado.
Mahal ko kayong lahat kahit alam kong iisipin nyong kaplastikan lang to, mga hunghang!
Sige, saka na ulit yung iba.
Maraming-maraming salamat sa Greenpinoy at ang pamilya nito, at kay Bossing Badoodles, sa pagpapaunlak ninyo na mapabilang ako sa mga bigatin at mala-halimaw na anino ng inyong kagitingan.
xoxo sa inyo! Mwuah!
Nakalimutan ko kung asan na yung universal hand-written greeting photo for all occasions na ginagamit ko eh, pakihalungkat na lang dyan sa tabi-tabi.
14 Winners:
hapinuyir m! tinamaan naman ako sa shopping ng shopping.., pero mas bagay ata saken yung gala ng gala! ahahahah.. kasi wala nman akong perang pangshopping! ahihihi
ayun, mabookmark nga itong post. para next time na gusto kong uli magword racer, click ko na lang yung link na nilagay mo. hahaha...
happy new year!
at halimaw ka sa word racer! hindi ka tao! halimaw!
wala lan!
hmf!
nakakatamad naman kasi talagang maligo....ahahhahha!
wat-eh-behr
sino kaya yang kausap mo. wala akong idea. lol!
Naknangtupa! Gusto ko lang pong ipagbigay alam na hindi po talaga ako ang naturang "Alex Molina" na totoong nakausap ni Mister Huwantso, anak ni Aling Mareeennnggg, sa Yahoo! Messenger.
Siya po ay si Leanna Basa. Isang tunay na basagulera. *LOLz*
happy new year na lamang..
feeling close ako masyado..♥
Nakakainis. Hindi ako makapagword racer ever. Lagi ako niyayaya ni FB pero wala hindi yata pwede sa Vista. Tsk.
yan bang alex molina eh mahilig uminom ng gasolina just for fun? hihi
wrong na wrong ang idea ng pagtitipid para umunlad. diyan ako hindi agree dahil ang totoo nyan, the more tayo nagiging conservative sa pag gastos, the more namamatay ang economy.
think
about
it.
kapag tayo'y nagtipid, hindi kikita ang mga negosyos. kapag hindi kumita ang negosyos, malulugi ang mga to-its. kapag nalugi ang mga to-its, katakot takot na lay-off marathon ang mangyayari.. so kapag madami namang no work, madami din ang no play. no work, no play.
so spend, and be happy. that's my foint of f^cking view.
at bakit siniryoso ko yata itong post mo? ewan. lol. hangover sa sobrang pepsi nainom ko kagabi. wahaha
HAPPY NEW YEAR SA NUMBER ONE KULOT NG BLOGOSPERYO!!!
happy new year M!
Hoy Marinao happy new year sa iyo.
PS kung okay lang padagdag ng URL ng tunay kong blog haha. http://saminella.blogspot.com super tanx mwamwa.
at talagang binasa ko simula umpisa? haha. un pala tungkol lang sa libag mo ang mababasa ko. Oh well. lol. sige basta pag tinubuan ka na ng kamote dyan text me nalang.. pahinge syempre. lol. happy new year!!
kung di ka naliligo.. so mataas na ang face value ng libag mo? cheers;p-glesy the great
Cześć wszystkim na tej stronie!
Cieszę się mogąc was poznać!
Postaram się udzielać :)
Cześć!
---
[url=http://akcesoria.do.pedicure.makijaz123.com/13/]akcesoria do pedicure[/url]
buy tramadol online no prescription tramadol online american express - get high tramadol 50mg
Post a Comment