October 22, 2008

King

Galing ako sa super sosyal at eleganteng-eleganteng Ever Gotesco Mall diyan sa may Ortigas upang magdala ng tindang sapatos ng ate ko.

(Kung gusto ninyong mag-retail, kontakin nyo lang ako.)

At dahil meron siyang libreng coupon sa Greenwich Pizza Restaurant eh umorder siya ng mga pagkaing nakalagay sa putanginang mga nakakapasong lalagyan na imbes na matatakam kang kumain eh mas uunahin mo pang dilaan yung braso mong napaso.

Umorder siya nung tinatawag nilang Chicken Ala King.

At aba! Masarap! Pero may kulang. Parang puro kabute ang nakalagay ah. Nawawala ang chicken.

Kaya pala Chicken Ala King ang tawag dahil ALA is acronym for "Apat lang ano?" na patungkol sa bilang ng piraso ng manok na parang pinagtabasan sa Andoks ang size. Kumbaga kapag nagtadtad sila ng manok sa Andoks, yung mga piraso na tumalsik, binibili nila para ihalo sa Chicken Ala King.

Makapal din ang dila ko at ang paligid ng bibig ko dahil sa kung anong klase ng harina ang halo ng Chicken Ala King. Di ko akalaing pagkain lang sa restawran ni John Lloyd ang makakapagpatutbras saken ngayong araw na to.

22 Winners:

ayzprincess said...

part din ba ng pagconserve mo ng water ang di pagtutbras??

hehehhe

paperdoll said...

kala co chicken ala(wala) king eh:D

Anonymous said...

may curse ang chicken ala king. wag ka na kakain nyan. hahaha!

sayang yung personal record mo. ano nga bang record mo ng pinakamatagal na number of days na di nag-toothbrush? baka pwede ka na ma-guinness book of world records. sayang. hahaha! lalang. apir!

Anonymous said...

hindi ako nasasarapan dyan.. ewan ko.. mas masarap pa laway ko dyan.. hahaha

Anonymous said...

Wow in fairness, kahit hindi ka naliligo, nagtoothbrush ka naman! :-P

damdam said...

mabuhay si john lloyd! see nag propromote din sya ng good hygiene! wahahaha!

Myk2ts said...

panalo. kaya "ala" kasi mala king lang. peron malaki pa tinga mo sa actual na manok. hala sige, sepilyo

Anonymous said...

bakit hindi na lang pizza ang inorder mo...

di rin ako nasasarapan jan sa mga nakalagay nila sa mainit na pinggan na yan...

-lyzius

PoPoY said...

pizza lang ang masarap sa Greewich.
yung pritong manok nila, naku gawa yata sa bakal. shet. hahaha

RJ said...

buti na lang at nalaman ko agad para di na ko kumain non. try mo na lang sa restawran ni Aga o Piolo, pag di pa naman nakakita ng manok dun eh ewan ko na lang. hehehe.

lucas said...

hahahaha! paborito ko ang chicken ala king lalo na kapag wala akong pera. hehehe! pero tama ka nga! parang ala ngang chicken! hahaha!

Anonymous said...

never pa akong nakatikim ng mg apagkaing may "ala" nakaka duda kasi ung mga ganun.. malay mo kung anong ala yun. haha. goodluck sa pagto-toothbrush.. baka ibang tubig na naman mainom mo. ummm! refreshing!

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Anonymous said...

hindi na masarap pagkain ngayon jan sa greenwich. ewan ko ba. :D

Anonymous said...

Noime, nasa Pilipinas ako! Wala ako sa Greenwich! Ahihihi, joke lang! Oo, hindi na siya kasing sarap nung opening day!

Anonymous said...

Sa totoo lang Ayz, lahat ng ginagawa ko nakakakonserb ng water! Pero ang buhay ng mga nababahuan sa akin, hindi ko makokonserb yan!

Paperdoll, dapat King ala Chicken yun kung ganon? O diba bonggan? Ahay!

Zsazsa, kung meron mang dapat makaalam ng feat ko, ikaw na yun. Kapag ang isang bagay, irregular kong ginagawa (pagtututbras, et. al.), hindi ko na natatrack kung kelan ang mga last time na nagawa ko, kaya hindi ko masasagot ang tanong mo.

FB, sulit na sulit pala girl kung ikaw ang ide-deyt ko for dinner no? Ahaaay!

Akshuli Jadeite, hindi ko na nga nagawa yung araw na yun mismo.

Damdam! Si john lloyd, kahit hindi maligo, delicious na! Ako kahit maligo ako nang maligo, hinding-hindi ako magiging kasing sarap ng chicken ala king!

Oo nga myk2ts, yun talaga ang tunay na king dun, yung tinga ko bago ako kumain! Ahihi. Sorry, di pa din ako nakapagtutbras.

Oo nga mami, sorry, kasi sabi ni ate free lang daw yun kaya yun na lang, at hindi pizza. Ayun, walang no choice.

Popoy naman, haha. Baka naman siyanse yung naibigay sayo nung Greenwich na kinainan mo kaya lasang baka! Awa ng fastfood gods, hindi pa naman ako nakakatikim ng ganun dun.

Ahaha, boss RJ, welcome sa tip. Kung si isabel Oily lang din ang chicks na makikita ko sa kainan ni Piolo at yung chicks sa barhadahan nila John Lloyd eh okay lang magpapak nang magpapak!

Oo boss Ronieluke, kita mo nga diba free lang yung produktong yun? Bagay na bagay sa tiyan ko yun, libre eh! Ahihi.

Haha, Lei, para di ako makainom ng ibang tubig, hindi na ako nagtutbras! Pleyseyp! Ako nakakain na ng pagkain na may touch of Ala!

Aba TL, paano mo nalaman ang bagay na yan? It's like you're spykick or something like that, yah.

Anonymous said...

ahahaha.... so wag ka na kakain sa greenwich para di ka na mapilitang magtoothbrush.... ako naman bumili sa rice o' box ng seafood rice... ayun apat na piraso lang yung squid tapos di ko natikman yung hipon tapos gulay pa!!!! cheers-glesy the great

http://anakngpiso.wordpress.com/

UtakMunggo said...

huwantso!!! sa wakas!

eh anong inexpect mo, sa ever posh gotesco ka pala pumunta at umorder ng ever posh chicken ala king..

kapag kasi FINE DINING, maliliit lang ang servings. hehe so dapat maliit rin ang subo at pino ang pag-nguya.

dapat bigyan ng parangal si john lloyd dahil kung di sa kanyang resto nakapagtutchibras ka ng wala sa schedule.

Mariano said...

O madam Glesy, totoo yan. Alam mo naman ang mga paspud, pas ngang naluluto, pasada lang din ang sahog. Hindi ko naeenjoy pero no choice kung hindi din kaenjoy enjoy ang badyet ko eh.

Mudraks, wala naman akong masyadong mataas na ekspekteysyon, pero wala eh, bumaba pa sa mas mababa yung ekspekteysyon ko. Salamat naman sa pagjustify mo ng FINE DINING! Ahaha. Oo, tama ka. Salamat naman kay John Lloyd at sa siken ala king niya, napilitan ako sa mga bagay na hindi ko talaga ginagawa.

Unknown said...

HAHAHAHAH!

changnang yan! peyborit ko yan eh! pero totoo sa greenwich nga e hahanapin mo yung chicken kung minsan! pero ganun naman talaga kapag fast food e! tinitipid kasi kung dadagdagan nila ampf! magmamahal na.. hindi kana kakain! hahaha

Harold said...

I found a great deal of helpful info in this post!
Cape town Restaurant | Restaurants Stellenbosch | Restaurant in Stellenbosch

Anonymous said...

So, I do not really suppose this is likely to work.
good link | this 5 | this 3 check 5 | this 2 | you may 2 good 6 | good 2