November 5, 2008

Newton

Maraming-maraming salamat po sa bumati(greet) sa akin noong kaarawan ko. Sa lahat ng mga kaibigan kong maiituring ko nang pamilya, offline, online, at skyline pigeon flyyyyyyy, towards the dream... sa lahat ng nasa Friendsters ko, sa lahat ng nakasama ko sa araw ng birthday ko, sa lahat ng nagpaabot ng tulong, delata, donasyon, pink table, at kung ano-ano pang simbolo ng pagmamahal, salamat.

MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PAGBABATI SA AKING BIRTHDAY!!!

Sabihin nyo kung dapat ko na ba kayong batiin at buong-puso kong ibibigay sa inyo ang aking kamay. Para kamayan kayo. Sa kamay, at hindi kung saan pang dapat na kakamayin.

= = = =


Menos Diyes para alas singko ng dumaan ang trak ng basurahan.

Mataas ang bintana ng bahay at malaki. Kumbaga kahit anong klase ng aerial sprayers o vapor solutions o kung ano mang amoy at usok eh madaling makakapasok sa loob ng bahay.

Siyempre, aasahan ko na ang amoy ng basura sa oras na dumaan ang trak sa bahay.

Pero nagtaka ako kung bakit hindi ko naamoy ang bantot ng basura. Imposibleng hindi dahil maayos ang pang-amoy ko sa panahong ito at lalong wala naman akong sipon o allergic rhinitis.

Isa sa mga batas ng Physics na maiaaplay sa misteryong ito ay ang "For every action, there is an equal and opposite reaction" na hindi ko naman alam kung tama kasi hindi ako nag-Google para diyan.

Base lang yan sa memorya kong sing talas ng tingin ko kapag may kaagaw ako sa ulam.

Samakatuwid, kung ang pwersa ng amoy ng basura ay matatapatan ng eksakto at parehong kalibre ng amoy, hindi na ito dadaan pa sa aking ilong.

Saan naman manggagaling ang amoy na tatapat sa baho ng basura?

Hindi ko din alam pero yung pagdaan ng trak ng basura ang panahon na inaamoy ko din ang kili-kili ko eh. Siguro dun na nga galing yun. Putanginang yan. Napakabaho. Seryoso, nakakaamoy na ako ng amoy baktol. Yung mapaklang amoy na sumisingit sa baga at mapapaubo ka sa oras na maamoy mo. Oo, nakakaamoy na ako ng ganun pwera sa asim at amoy mantikang panis.

Kaya sa mga kababaihan, mag-iingat kayo sa lalakeng walang ibang ginawa kundi ang makipagflirt sa inyo sa buong araw dahil panigurado, tatlong beses pa sa amoy ko ang amoy nila.

Akala mo jackpot kang may kalandian ka sa buong araw? EEENGK! WRONG!!! Hindi din naliligo yun tulad ko.

Kaya sa mga nakakaflirt kong mga babae online (kung flirt bang maiituring ang paghamak sa pagkatao ko't pagmumura sa magulang ko) eh mag-isip kayo ng sampung beses kung matutuwa ka ba't kilig na kilig ka sa kakakausap saken o mandidiri ka't wala kasing duming kuko ang gamit ko para mapangiti ka lang.

24 Winners:

lucas said...

do something about that dude. hehehe! dyahe! hehe!

belated happy birthday :)

paperdoll said...

wow! beerday!

taena. . ano ba ang term na dapat gamitin seo? balahura? burara? weh!

Anonymous said...

ahahha! kadire. yung tipo ng B.O. na kapag dumaan sa harap mo eh mapapatigil ka kung anon man ang ginagawa mo at maiiyak dahil sa baho. ahaha!

para ka pala yung babae sa gym. homz. ahaha! kahit mag pabango ka naman sana. para maamoy mo ang mga basura at basurero. rawr.

habeberday ulet.

Anonymous said...

oi, belated happy berthday naman dyan!

UtakMunggo said...

sus M. masyado mo namang hinahamak ang sarili mo. hindi mo ba alam? may pera sa basura.. pwede mong pagkakitaan ang amoy ng kili kili mo kung sakali. ehehhehe

UtakMunggo said...

ps. tama ka. noon nkikipaglandian ako magdamag kay sarge.. eh huli na rin nang malaman kong krimen pala para sa kanya ang maligo kapag walang lakad. hahahaha

Anonymous said...

kung ipapacopyright mo yang theory mo na yan, idamay mo sa credits yung pangalan ng mga babae na kalandian mo. aba. nagpuyat sila para din makaipon ka ng baktol sa kilikili. yuck. YUCK. lols

Myk2ts said...

belated. kelan ba? hehe nakakaloka nga ang baktol. me classmate ako nung gradeschool. tinutukso din nilang baktol

RJ said...

suggestment: sabitan mo ng albatross yung buhok mo sa kili kili para mabango everyday everynight. hahaha! feeling mo nga lang lagi kang nasa kubeta. =D

sensya na at hindi sakin nakarating ang balitang birthday mo pala. pag nagkita na lang tayo ulit kita babatiin. hehehe.

Anonymous said...

belated. ndi ka man lang nagpost na bertdei mo pala, e di sana napadalhan kita ng mens magazine. lol. :)

npansin kong masyado mong hinahamak ang inner scent mo nitong nakaraang post mo (inner scent daw! haha)wag ganun..! dba nga ang sabi nila, love ur self. ano naman ngaun ung may putok, baktol at anghit ka~ dba? :)

Anonymous said...

pano na kasi yung kwento ng pink table? nakalimutan ko na.

Axel said...

Ahahaha, bakit naman nung nakikipagflirt ka sakin hindi ko naamoy yun???

Ibig sabihin ba nito ay mas mabaho pa ko??? hehehe...

Kaya ngayon ay naliligo na talaga ako... lolz

Anonymous said...

baka may lahi ka sigurong Bumbay?

hmmm... sabi ko na nga ba at ikaw na nga yung malanding manliligaw ng katulong namin na saksakan ng BO, umaalingasaw tuloy sa bahay namin, tuwing bumibisita siya.

Anonymous said...

at belated happy beerday nga pala!

antay mo na lang yung isang case ng gin bulag na ipapadala ko, via snailmail, tsaka may kasama yung lapid's chicharong bulaklak na pangpulutan.

PoPoY said...

mahiwaga ka talaga M.

sabi ni damdam, dahil sa paliligo mo, bumalik si master GP, ako at ang iba pang naglaylo sa pagpuplurk.lols

belated hapi burrday.lols

Cutedanger said...

M M M walang hiya hindi ka nag imbita sa bday mo ha.. anyways averyday everynights belated happy bday..

Unknown said...

Oi! huli na ata ako a.. haberdey mariano! kampay na lang!

Anonymous said...

bakit wala pang bago???

-lyzius

UtakMunggo said...

lyzius, wala pang bago dahil inalipin daw sa isang putoshop ang mamang ito.

Anonymous said...

aba'y nagbirthday ka ba??? pasensya naman at hindi ko alam.. belated happy birthday, mariano!!!!

sos, ganyan na ba kamahal ang tubig dyan at hindi mo na makuhang maligo?? aba'y bagay ka pala dito, kasi mga taon dito minsan lang din maligo!! sos yan!

Anonymous said...

happy BEEEER day...

Anonymous said...

tstsk..kala ko di matatapos ung entry.wehehe.

kamagra said...

Kumbaga kahit anong klase ng aerial sprayers o vapor solutions o kung ano mang amoy at usok eh madaling makakapasok sa loob ng bahay. Isa sa mga batas ng Physics na maiaaplay sa misteryong ito ay ang "For every action, there is an equal and opposite reaction" na hindi ko naman alam kung tama kasi hindi ako nag-Google para diyan.

Steven said...

Quite helpful piece of writing, thanks so much for your post.
breakfast pizza | pays Quebec | where is Niagara Falls