Gentleman
Sa madaling salita, hindi yung asawa ng presidente.
Ikalawa naman ang ugali: kagalang-galang, mahinahon ang pananalita, intelehente, may paggalang sa mga kababaihan, marangal at may moralidad at may posibilidad ding hindi nanonood ng pornograpiya. Maaari ding may paninindigan sa bawat salitang binibitawan at alam mong kampante ka sa katotohanan ng kanyang mga sinasabi.
Sa madaling salita, hindi yung may-ari ng blog na ito.
Simple lang akong tao.
Di ako magarbo sa damit, di ako magarbo sa pagkain.
Hindi ako madirihin, at hindi ako kyeme sa mga echos, charot, at mga eklavu sa kapaligiran ko.
Pwera na lang minsan kapag inaatake ako ng aking pagkamalungkutin and my conio mentality that I cannot make iwas to like, mag-inarte to my companions and friends and all.
At kung pasimplihan din lang ang paguusapan, siguro masasabi mong isa ako sa pioneer ng simplicity.
Consider this equation.
You have 2 apples. You eat one apple. How many apples do you have left?
Isa na lang.
O diba? Simple lang.
And at the same time, pointless.
Exactly, pointless ang equation.
At pointless din maligo kung hindi ka naman aalis ng bahay.
Ganun ako ka-simple. Kung wala namang mahalagang pupuntahan, mga taong makakasalamuha, o di kaya eh presidenteng kakamayan, bakit pa ako maliligo?
I consider myself as an environmentalist. Tumulong sa kalikasan sa kahit anong paraang makakaya ko.
Isa na dito ang pagtuklas at paggawa ng natural na insect repellent at walang halong kemikal. At
magmumula ito sa hindi ko pagligo. Isipin mo nang adhikain ko ito.
Ganito yan. Sa pamamagitan ng hindi ko pagligo, makakakalap ako ng kakaibang amoy (amoy kupal, utot, et. al) at kapal ng libag upang layuan ng iba't-ibang klase ng peste ang pwesto ko.
Perpek?
Kung maisasabote ko lang ang amoy ko pati ang by-products ng katawan ko mula sa eksperimento kong ito, maisasalba ko ang ekonomiya ng Pilipinas.
Akala kasi ni Aling Maring eh swerte lang ang pumapasok sa bukas na pintuan ang bintana ng bahay na palaging nakabukas. Di niya na ikunsidera ang mga lamok eh kasya din sa pintuan at bintana.
Pero may drawback ang eksperimentong ito. Kumbaga kay Incredible Hulk na nagkakaroon siya ng hindi kakontrol-kontrol na lakas at emosyon, ang sa adhikain ko naman eh mas magiging matagumpay ako sa isang pagiging human repellent. So far, umabot ako sa apat na araw sa aking adhikain. Kinailangan ko na talagang maligo dahil tinubuan na ako ng pigsa sa aking hita.
Isa lang naman siya kaya di pa ako natatakot. May natitira pang kapirasong hygiene sa katawan ko para maudlot ako sa layunin ko.
Kapag umabot ako sa isang taon, pusta ko pati mga ispirito hindi na ako lalapitan. Baka pati ang Diyos magsawa nang bantayan ako eh. Mistula na daw siguro akong sibuyas kapag pinanonood.
Masakit sa mata ang singaw ko.
Kung makikita mo sa litratong ito, ang pulang bahagi malapit sa aking singit ang pigsa na dulot ng mainit na singaw ng katawan. At dahil sa itinuturing ko din na duktor ako nung nakaraang buhay ko, minarapat ko nang gupitin ang naturang pigsa upang hindi pa muling makaabala sa aking paglalakad.
Dangan kasing ang naturang pigsa eh kumikiskis sa magkabilang hita kaya nakakairita na.
***WARNING: Don't try that at home. I am a professional loser that's why I am entitled to self hurting and the likes. If you want to hurt yourself, try watching BME Pain Olympics and somewhere in between the film it's going to hurt.***
Hindi ko naman paabutin ang research ko sa puntong dadayuhin na ako ng mga minero dito sa bahay dahil tinubuan na ako ng minahan sa singit ko. Baka madestino na bigla dito sa bahay si Kuplite sa paghahanap ng ginto sa kili-kili ko. Sorry na lang kung kamote lang ang abutan niya. Yun lang kasi ang nabubuhay sa ganitong klase ng masangsang na atmospera ng katawan.
At isa pa, ang hindi pagligo ay pagtitipid. At ika nga ni boss Cabron, ito din daw ay pag-iimpok ng libag. Mahal ang tubig at mahal ang libag. Personal treasure ko ang libag galing sa research ko at sinisigurado kong makikita ko sila sa aking mga kuko sa umagang pagkagising ko, bago ako tuluyang maligo.
Kung hindi ka maliligo, hindi ka magpapalit ng damit. Damit meaning underwear, sando, at shorts. Boxers lang naman ang suot ko kaya mapresko sa kailaliman ng aking balls at singit. Yun nga lang, delicate situation.
(Wala kasi akong kwarto kaya sa sofa lang ako natutulog. At baligtad ang timezone ko. Gising sa gabi, tulog sa umaga. Nung minsan ngang humilata ako sa sofa, wala na akong nalaman sa paligid. Pagkagising ko, may tuwalya na sa tumbong ko. Nasilayan ata ni Hazel ang nakadungaw na kahihiyan kaya naman nagreklamo siya kay Aling Maring. Ayun, tinakluban para naman hindi kahiya-hiya kung may dumating na bisita.
Pangalawa sa basahan sa lababo, ang shorts ko ang pinakamaruming piraso ng tela sa buong bahay. May dalawang linggo atang hindi napapalitan at hindi nalalabhan. Kung maliligo ako, yun ulit ang isusuot ko. Nag-iiba na din ang kulay niya at medyo mahirap nang itupi, matigas-tigas na din ng bahagya.
Pero siyempre nagtira naman ako ng kaunting kahihiyan sa mga tao kaya nagpapalit ako ng underwear. Sa kabutihang-palad, dalawa naman sila kaya walang problema, may pamalit agad sa oras na kailanganin. Di na kailangan pang bumili ng bago, kilala ko ang katawan ko at nararamdaman kong uurong ang size ng etits ko kapag nakakaranas ng bagong texture puwera sa kamay ko at dalawang piraso ng microwaved meat.
Ang sando ko naman ang nagsisilbing pamunasan sa lahat ng daanan ng kamay ko. Mantika ng pritong manok, sarsa ng lumpia, at pamunas sa nguso. Yung puting sando, nagiging off-white di dahil ng libag, kundi dahil ng sangkap ng pagkain. Kasalanan ko bang yun ang pinakamalapit na pamunasan kapag pasmado ako o kaya bagong kain? Hindi naman diba? Pagbibigyan ko naman yung shorts ko, siya na ang bahala sumalo sa libag-singit at natuyong kupal. Iba naman ang itotoka ko sa sando ko.
Kilala na nga ako sa bakery samen, nakahanda na yung dalawang stick ng yosi malayo pa lang ako sa kanila. Kilala na agad ako sa getup kong floral beach shorts at off-white smudged sando with taong-grasa aura. Nagugulat nga sila kapag nakabihis ako, ngiting-ngiti saken si ateng vendor. Siguro sa loob-loob niya, nagpapasalamat siya sa kalangitan at nagkaron ako ng kaunting pagpupursige na magmukhang nakatira sa bahay at hindi sa bangketa.
Nabanggit nga ni Damdam na normal na proseso ng katawan ang pagpapalit at pagbabakbak ng balat at pagbabakbak ng patay na cells ng balat.
Eh ang katuwiran nga eh kung nasa bahay ka lang naman, wala namang maapektuhan ng "molting" process mo, at sanay ka naman sa sarili mong amoy, hindi mo na pagkakaabalahan pa ang maligo.
Yun lang naman ang sa akin.
20 Winners:
teka muna. magi-isprey muna ako ng lysol sa paligid.. parang may umalingasngas galing sa monitor nitong kompoyter ko.
haysus ginoo pigsa ba ika mo? at sa may hita pa ah.. pangatlong betlog. haha
mariano naman kapag natutulog ka sa sofa eh siguraduhin mong may takip na kumot o twalya o diyaryo yang bandang ano mo.. dahil ang mga boyscout ay talagang nagtatayo ng teepee/wigwam/tent/wateber sa umaga.
(bakit ko alam?)
ah, eh.. lysol muna. lysol!
i have to disinfect my eyes.
is that it? is that the best you can give? gawd, you've made your readers wait a long time for a new post and you'll give us that? that's your cartographic sketch?! the cave men from long ago can draw better than you Mariano. you are such a puny neanderthal man. i am kidding. okay? i've no sense of humor, all i can do is grace your blog with my presence.
san ka nga pala galing? what ever happened to that cat?
- Ehn Kuhrtiz
Me tanong po ako. Kapag wala ka bang lablayp eh pwedeng hindi na din maligo? *LOLz*
ahahaa! natawa ako dun sa comment na pangatlong betlog. ayus.
ahm... di ko pa natatapos. to be continued. apir!
Puchang mariano to.
Sa sobrang kabusyhan ba kaya hindi mo na makuhang maligo???
Pero, kaya pa naman siguro kitang tiisin, kahit hindi ka naligo, basta ba nagtotoothbrush ka.
Pucha, hindi ako pupunta sa inyo kung pigsa at kamote lang sa kili-kili mo ang miminahin ko.
Hahahaha
pota ang haba....
ang haba ng entri pero binasa ko lahat.
nalaman kong parang ahas lang pala ang mga tao. walang pinagkaiba hahaha :)
ayos mariano.
ayus! kala co nag iisa lang aco sa mundo. . hindi din talaga aco naliligo kung wala namang pupuntahan. . kaya co tiisin hanggang 2weeks. . ang kaibahan lang di talaga aco nalabas ng bahay na walang ligo. . pucha! bihira na nga lang aco makita ng mga fans co sa labas makikita pa nila aco na nangangamoy miserable. . hindi pa rin aco tinutubuan ng pigsa. . pero may ilan ilang natubo sa katawan cong di co malaman kung buni o hadhad o alipunga sa kilikili. . haha. .
ibig sabihin simpleng tao lang din aco. . mabuhay tayo!
magkamuka kayo ng rason ng bf ko. lolz.
shet! tawa kami ng tawa ni mama sa "Cartographic Sketch of my Pigsa". haha!
panu un? mali ung nasa drawing mo. dapat sa kabilang legs ung pigsa diba?
good evening for you! is you the drowned with the naknak for the pigza? hello? hello? operation for you for the pigza? is get the bottle of 8 oz coca cola and drink the contents for you.. and then wash the mouth of the bottle for you and please use flamethrower to sterilize for you. and then put the mouth of the bottle for you and directly on the mata of the pigza and POP GOES THE WEASEL ;^TANG^NAWTF!!!!!
Wahahahaha... Sobrang natawa talaga ako ng binasa ko itong blog mo. Nakakahiya tuloy dito sa mga katabi kong mga batang naglalaro ng DOTA dito sa Internet shop dahil anlakas ng tawa ko.
Bagong salta lang ako pero tinapos ko talagang basahin ang lahat ng mga posts mo, mula po 2007 ata (basta hanggang dun sa pinakaunang post).
Sige, pare. Sulat ka pa. Natuwa talaga ako. Gusto ko sanang magcomment pa dun sa iba mong posts - lalo na yung tungkol sa P10 na brief. Halos mahulog ako sa upuan ko sa katatawa (tinagalog ko lang yung LOLWROTF) - kaso medyo matagal na at malamang di mo na basahin.
By the way, maligo ka na. Umaabot na singaw ng amoy mo hanggang dito samin sa Mindanao.
Ako po ay may katanungan... Kung ang mukha ni ****i ang mabakbak, may magbabago kaya??? hehehe
Mabuhay ang mga walang ligo!! simple na, tipid pa!! wehehe.
teka, nung kinamayan pa kita eh naligo ka na ba nun? sabagay wala ka naman sa bahay nun kaya naligo ka naman siguro. hahaha! kakatamad ngang maligo lalo inabot ka na ng hapon sa bahay. hehehe.
ginupit mo nga pigsa mo? siyet!! hahaha!
ieeww!! ano ba yan kuya M! hahaha. nangangamoy ka na! lols. kaya ko hanggang 1 araw na walang liguan kumbaga kung monday ngaun by tuesday dapat makaligo na ako. (isang araw na ba un?) hindi pwedeng hindi ako maligo.. nangangati na ako at feeling ko naglalagkit na. kaya ung 4 na araw? wth? haha. bilib ako sau! haha. sige.. suportahan kita sa iyong research.. go! go! go! pamanahan mo naman ako ng mga ginto mo. haha. :)
bakit sakang ung drawing.. haha. sakang ka din ba? lols.
Mudraks naman, nurse complexity naman nito oh! Ahaha. Napakaadbans ng teknolohiya sa Inglatera, pati alingasaw nakaangkla na din sa computer! Oo, inaamin ko, wala akong saplot at patiha-tihaya ako sa sofa, at oo! Inaamin ko din na wala akong maiipagmalaki! Ahaha, binalanse ng kalikasan ang pagkatabingi ng betlog ko mudraks, dinagdagan niya ng isa!
Yes Ehn, disinfect your eyes AND your fingers, those are dirrrrty. That is of course the best that I can give, no doubt about it and if you're wondering where I've been, I've been to somewhere worth taking a bath for.
Wahaha, Boss GD!!! Lablayp naman ng mga taong grasa ang kakahantungan ko nun kung hindi ako maliligo! Oo nga naman no, ang galing ng pagkakaisip mo nun ah! Oo! Pwedeng hindi maligo kapag walang lablayp!
Haha, Zsazsa, kahit di mo tapusin okay lang dahil kahit ako, di ko tinatapos yan! Haha, oo, NAKAKATUWA TALAGA YANG SI MUDRAKS MUNGGO.
Jadeite, hindi mo ba alam na malaki ang halaga ng pigsa at kamoteng pinatubo sa kilikili at singit ni Mariano? It's like precious ivory from elephants or diamonds from Siera Leone yah heard? San ka ba naman nakakita ng tao na tinubuan ng kamote sa bumbunan? Wala pa diba? At wala din akong balak maging yung tao na yun.
Popoy, ang mga tao, nang-aahas at nagsasaahas pero ako hindi ako maasahan! Wala lang! Oo, salamat sa pagbabasa Popoy, thenks thenks!
Mabuhay ka Paperdoll! O diba, sa sobrang simple natin, tinutubuan na tayo ng mga bagay na wala ang ibang tao! Yan ang reward! Wala ka bang paraan para malaman kung ano yang tumutubo na yan? Baka yayaman ka na diyan di mo pa alam! At para maappreciate naman ng mga tao na mahal ko sila, naliligo ako kapag lalabas ako.
Ohoho, Rok! Ganun talaga ang mga mapagmahal na lalake, walang panahong maligo dahil sa pagmamahal lahat nakabuhos ang atensyon nila.
Wahaha, Dudan! Naayos ko na ang cartographic sketch! Sa salamin ko kasi pinagmulang idrowing kaya ayun, sablay ang sketch! Ahaha, salamat sa pagtawa nyo ni Lola! :D
Ahahay Mudraks! Alam ko yang teknik na yan minus the flamethrower! Parang bentusa lang yan ah, wahaha. Nakita ko na yan sa palabas ni Biksoto dati. Crocodile Jones, with matching kawayan.
Ahay, salamat, salamat nang marami thefilipinamistress! Haha, nako natiyaga mo pala yang basahin, parang gusto kitang bigyan ng reward sa pagkakagawa mong yun pero wala akong maiialay kundi ang aking puri lamang, na nawala na din! Ahihi! Salamat po, maraming-maraming salamat po sa inyo! At welcome po ang Mindanao sa singaw ko!
Wahahaha, axel!!! Kung yun ang mababakbak, marami ang magbabago! Tataas ang standards ng pagbabakbak! Sa kung anong dahilan? Hindi ko din alam!
Sa kasamaang palad boss RJ, hindi talaga ako naligo nun, pramis, hindi nga, hindi talaga. At oo, ginupit ko ang pigsa ko pero hindi naman nung araw na yun na kinamayan kita diba? Ahihi.
O diba Lei, ang swerte mo naamoy mo ako! Hindi man ako mabango, at least amoy buhay pa din ako! Oo, ganun nga ang feeling ng mga normal na tao, nangangati at nanlalagkit. Mysteriously hindi naman ako nangangati o nanlalagkit. Namamatay na lang lahat ng halaman na daanan ko, ganun lang. Limang araw na nga kung hindi talaga ako umaalis. SAlamat sa pagsuporta mo ha! At oo, ikaw ang unang makakakuha ng ginto mula sa singit singit ko okay?! Hindi ako sakang, nakabukaka lang ako niyan.
grabe!!! may tatalo pa pala sa tatay ko... siguro pag bigla ka na lang binuhusan ng tubig maghuhuramentado ka!!!! cheers;p-glesy the great;p
oo nga naman, nakalimutan kong nakabukaka ka nga pala. haha.
Post a Comment