December 1, 2008

Update

Teka nga. Makapag-update nga muna.

Nakaisang taon na din pala tong blog na to. Marami akong naging kaibigan, mga ka-blog at mga tropang minahal ko na din at naging parte na ng pulso ng buhay ko. Isa ito sa malaking porsyento na bumubuo ng pagkatao ko.

Blogger ako. Proud ako dyan.

Dito na din ako nakatagpo ng katauhan kung saan ako magaling - ang maging loser.

Pero maraming may ayaw nito para saken. Masyado na daw akong kinakain ng titulo ko. Masyado kong pinanindigan ang identity na ito. Hindi na nakakatuwa.

Marami silang nadidismaya sa ugali ko. Ako kasi ang tipo ng tao na hindi mo gugustuhing pagsabihan dahil kung ang sa normal na taong walang pakialam, pag sinabihan mo sa kaliwang tenga eh lalabas sa kabila, ako sa lahat ng butas ko sa katawan lumalabas ang mga paalala at pagbibilin tungkol sa buhay. Parang balakubak lang na pinapagpag ko mula sa balikat ko ang mga aral na hirap nilang pinagtuunan ng tamang salita para lang maturuan ako at magabayan.

Malaki ang problema ko sa sarili ko.

Darating ang panahon magsasawa lahat ng nagmamahal sa akin at maiiwan akong namamaluktot sa lamig ng pag-iisa. Aaminin kong takot akong mag-isa. At aaminin ko din ang pagkakamali ko bilang kaibigan. Lahat ng nakikita nilang potensyal sa akin, tinatapon ko lang na parang pabalat ng nougat.

Patawad sa mga mga mahal kong kaibigan.

Nakakademoralize ang ganitong klase ng ugali para sa akin at para sa iba.

At pinagbayaran ko ito ng ubod ng laki. Winasak ko ang isa sa mga bagay na pinangangalagaan ko sa buhay ko - ang pagkakaibigan. Dahil sa titulo kong ito, nangyare ang isang masaklap na bagay at hindi na ito maiibalik. Sa panahon ko na iniaatas ang paghihilom ng sugat na sanhi ko.

Sa ngayon, hindi ko din alam kung san ako pupunta. May panahon na nababagot ako sa sarili kong buhay kapag napapaisip ako tuwing nag-iisa. Dala na din siguro ng wala akong trabaho, at umabot sa higit na inaasahan ang pagiging bum ko at tambay sa bahay. Kinakain ako ng pagkabagot at nararamdaman ko ang pagkamiserable ko sa mga ganitong pagkakataon. Parang gusto ko na nga lang talagang magkaron ng cubicle at task sa mga panahon na yon.

Nakakapagod maging loser. Palagay ko sa susunod na pagkakataon na mapasabit ulit ako sa dito sa mundo naten, iba na ang pananaw ko sa buhay. Iba na ang pagkatao ko, at siyempre, iba na din ang balat ng Lucky Me Pancit Canton. New Look, Same Taste, ika nga.

Lumilipas ang lahat ng bagay. Ewan ko lang tong blog na to. Baka mamamatay na lang ako iisipin ko pa kung matino ba ang traffic nito o kung anong PR at kung sino ang nasa sibaks, mga masugid na nagkomento kahit di ako nagrereply, at mga nakikipagExlinks. At sa kung nadagdagan ba o bumaba ang numero ng sabskrayber ko ng feeds.

Sa ngayon wala namang hater tong blog na to. Kapag kasi nagkaron pa ng hater to, puta kawawa naman sya. Loser na nga lang pinatulan pa niya.

At kahit sa huling hininga, pilit ko pa ding aalalahanin ang mga masasayang alaala na naidulot saken ng mga kataga ni Eddie Garcia.

Dramatic much?

Hahaha. What a loser.

Nabasa ko lang sa comics ng Bazooka Joe ang lahat nang yan. Wag kang maniwala.

At oo, tama ang nabasa mo. Wala na akong trabaho.

*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*

Office Chronicles : T-Day


Nabanggit ko bang wala na akong trabaho? Oo, wala na.

Kelan pa? Matagal na din.

Nagtataka siguro kayo kung bakit wala na ang Office Chronicles na inaabangan ng mga nagbabasa mula sa ibayong-dagat (salamat po sa inyo at hi din po!)

Opo, wala na akong trabaho. Last day ko na nung August 26, 2008. 11 months ako sa opisina. Di man lang ako nakaisang taon. Supot.

At mahigit dalawang buwan na akong walang tarbahow.

Wala na ang halimuyak ni Jerome at ang pisngi ng kanyang makikinis na babies. Ang yosi moments namen maging ang mga katarandaduhang boy antics niya kapag magkakasama kame. Wala nang munchkins, wala nang pingpangs. Wala nang freebies, at wala nang kasiyahan tuwing tanghalian.

Wala na ding task na nakakapressure at mga pandudustang personal ni bossing.

At higit sa lahat, wala na akong pera.

Ang huling balita ko naman sa mga naiwan eh may pait na nalalabi sa kanilang mga damdamin dahil feeling nila naisahan sila ni Big Brother. Pagkatapos silang bigyan ng mababang marka sa evaluation, bigla daw itong nagresign. Ewan ko kung anong nangyare, pero hindi na ata sila ganun kasaya yun.

At sinasabi ko lang yan para hindi ko panghinayangan ang lahat.

Eto nga pala, share ko sa inyo.

August 22, 2008

MARIANO JUANCHO

Dear Mr. Juancho

Persuant to the guidelines of This Office That You Work For Inc., a probationary employee is evaluated prior to regularization to determine if the employee satisfactorily meets the requirements and standards of the company. As you know, one critical requirement for you is to pass the TOTYWFU Java Scholarship Program is to pass the SCJP exam.

Here's the summary of your scores: (*AKA the slap-in-the-face YOU'RE A FAILURE scores*)


Date of Examination----------Scores---------------Status


January 23, 2008-------------23%-----------------FAIL
May 6, 2008--------------------44%-----------------FAIL
August 20, 2008--------------48%-----------------FAIL

As indicated above, you failed to meet (*don't you think I know already?*) the passing score of 65% in the SCJP Certification exam in spite of the several chances that you were given to meet the expected score.

As stated in the Training Contract, failure to pass any tests/assessments shall be valid and sufficient cause for the termination of the training contract.

It is with deep regret (*this I'm sure of*), then, that we advise you (*to go find a new job?*) that your employment as a Java Trainee in the TOTYWFU Java Scholarship Program is terminated effective August 26, 2008.

We appreciate all the contributions you have made to TOTYWF Inc.

Attached is the clearance form of your completion. Please forward the completed and signed form on your last day, August 26, 2008 (*inulit pa talaga*).


Sincerely,

HR Manager (*Succubus*)

Received by:

Mariano Juancho

Date: August 22, 2008


Higit pa sa lisensyang tatlong beses kong itinapon, ang panghihinayang ko na makasama pa ng mas matagal si Jerome. Joke. Para saan pang magyosi ako kung hindi lang din siya ang makikisindi? Wala na. Wala nang halaga tong pagsusunog ko ng baga ngayon. Pero seryoso, ang laki kong pabaya at irresponsableng tao no? Para ibagsak mo ng tatlong beses ang exam na pare-parehas naman ang tanong, wala na sigurong mas hihigit pa sa pagkapabaya ko.

Long weekend kasi yun matapos ang August 22. Martes na ako pumasok pero matapos akong kausapin ni HR Manager nung hapon, wala akong pinagsabihan kahit kanino ng pag-alis ko. Tahimik lang akong nagpapirma sa mga boss ng clearance at wala silang kaalam-alam sa nangyare. Akala nila inaalila ako dahil libot ako nang libot sa opisina kakahanap sa mga boss na nagkalat lang sa normal na araw tapos pag kailangan mo eh nawawala bigla.

Ganun ata talaga ang estilo nila ng pagpapalayas. Meron ka lang isang buong maghapon para iuwi ang lahat ng basurang inipon mo sa desk mo. Meron ka na lang isang maghapon para gawin at tapusin ang mga trabahong iiwan mo sa iba. Isang maghapon lang ang meron ka para makasama ang mga mahal mong kaopisina. "Last day mo na ngayon". Ganun lang kasimple.

Nagulantang na lang sila nung nagmessage ako mula sa bahay at sinabi kong last day ko na kahapon. Ewan ko kung nagalit ba sila o nalungkot. Isa lang ang sinang-ayunan kong sinabi nila saken, at yun eh wala na daw maingay tuwing lunch.

So long pingpangs, so long munchkins, so long free coffee, so long Jerome.

Goodbye.

*Siyempre hindi ito ang wakas ng Office Chronicles natin. Ganun pa din ito, lilipat pa din sa ibang opisina. Hindi na nga lang kasing-saya nitong adventure ko dito. Sana masamahan nyo ako sa susunod na opisina ko. Akshuli madami pa akong gustong sentimiyentong gawin, pero hindi ako pwedeng manatili sa ganung damdamin na lang. Makapaghanap na nga ulit ng trabaho, sosme.*

*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*

Necessity is the Mother of a Deadly Microphone and Atomic House Resizer

Piyesta sa amin dito ngayon. December 01. Wag na ninyong itaga sa kalendaryo ninyo dahil wala naman kameng kwentang mamamayan at hindi kame naghahanda sa piyesta. Mapuwera na lang kung katanggap-tanggap ba sa inyo ang Yakisoba Chicken at hiniwa-hiwang carrots bilang handang-piyesta para sa bisita.

May inuman sa kapitbahay. Kakambal ng inuman ang bidyoke masin. Sa mga ganitong pagkakataon, gusto kong magtrabaho sa pagawaan ng mikropono at bidyoke masin na kung saan magiging employee of the month ako.

Ako ang magpapanukala ng mikroponong may lumalabas na bala ng Garand Rifle o di kaya eh kahit .45 caliber hollow point sa tuwing may magkakamali ng tono. Kakabitan ko din ng aparato yung mikropono na kung saan may lalabas na boltahe ng kuryente. Ang iskor na lalabas ay multiplied by 10,000 volts. Kung nagawa ko lang ng maaga to hindi ko na sana narinig yung All By Myself Tsunami version nung kapit-bahay namen. Gangga-building yung pagkasintunado-islas-alon ng boses. Hindi ako pintasero, at lalong hindi ako magaling kumanta, at wala din ako sa tono madalas kapag kumakanta. Marunong lang akong makaappreciate ng tahimik na paligid.

*Impormasyon: Hindi boltahe ang nakakamatay. Kuryente o Current (in Amperes) ang nakakamatay.

V=IR, where V is the Volts, I is the Current, R is the resistance, o ang tinawag ding Ohm's Law.

Ayon sa chart na ito, maaaring mamatay ang isang tao sa current na 0.1 hanggang 0.2 A ng kuryente, or should I say Dagitab.

Panakot lang sa tao yung value ng 10,000 volts or 50,000 volts sa mga riles ng tren at mga bakod ng Meralco o strap ng bra ng gelpren mo. Pero hindi ibig sabihin na kapag hindi mataas ang boltahe, hindi ka na mamamatay. Ganun na din yun, at wag kang umasang may sapat kang value ng R sa katawan para labanan ang pagdaloy ng ultra-electro-kilig sa katawan mo.*

Nagkafireworks display din kanina sa munisipyo. Nilundag ko ng mas mataas sa normal na lundag yung hagdan para abutan. Para lang sa ano? Para makita ang usok sa langit at ang mga fireworks na natatakluban ng pagkatayog-tayog na bahay ng kapitbahay. Dito naman papasok yung Atomic House Resizer. Alam mo yung aparato na itututok mo lang sa isang bagay tapos kaya mo nang baguhin ang size nito by a drastic proportion? Yun ang Atomic Resizer. Nilagyan ko lang ng House para mas specifically designed sa mga bahay at hindi sa tite, ambisyoso. Pero sige, gagawan kita ng Atomic Penis Resizer. Ang problema lang dito sa aparatong ito eh baka magyabang ka't gawin mong parang baril na nakasukbit sa bewang mo't nakaset sa times1,000,000 units DeAtomization. Baka magjakol ka gamit ang tiyane at microscope kapag nagkataon.

*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*

Rescue Me : The Final Part, Which Was Third to Rescue Me : The Part Two Of Rescue Me : The Beginning, Which Is In Turn, Second To The First One

Hindi ako mahilig magyabang. Ako yata ang taong napakagwapo, matalino, at ubod ng lakas ng karisma sa chicks na hindi marunong magyabang.

Hindi naman sa down-to-earth ako pero ang totoo niyan, wala naman talaga kasi akong maiipagmayabang. O sige, marunong akong magpagalaw ng nguso at ilong. Satisfied? Good.

Ang natatandaan kong pinakamatinding pagyayabang na pinakamatindi kong ginawa eh na napakatindi eh nung nagmayabang ako kung gaano kakapal ang koleksyon ko ng teks ng Dragon ball nung bata ako.

Hindi na rin masama no? Kahit siguro nasa isang pormal akong meeting kasama ang mga kababata at kaklase kong mga bigtime na, matapos lumipas ang dalawampung taon eh maaari kong isampal ang katotohanang yan sa pagmumukha nila kasama ng koleksyon ko ng Mask Rider Black plastic toys na nakokolekta kasama ang pagkaasim-asim na candy.

Kaklaseng big time: "Pare, ang hirap mag-manage ng malakihang business sa panahon ngayon, dapat talaga marunong kang magbasa ng takbo ng economy para you can play your cards right."

Ako: "Cards ba kamo? Heto, meron ako. Street fighter #0876 na dinidisplay yung Hapekpek hadouken ni Ryu laban kay Pacquito Diaz. Trade?"

= = = =

Sa pagitan ng September 24 hanggang 26 (Pasensya ka na, hindi ko na matandaan, hindi ko kasi pinagmamayabang ang matindi kong memorya eh) nang mapagpasyahan kong tuluyan nang gawan ng paraan ang nakakarinding pagingaw-ingaw ni Kumukuti.

Bago ang lahat, nais ko nga palang ibahagi sa inyo ang lokasyon na kung saan matatagpuan si Kumukuti sa mga nagdaang panahon.


Galing sa WikiMapia. At oo naitanong ko din sa sarili ko kung sino si Rhon Batuigas.


Ay, oh I'm sorry? Is that too expanded? Well bless my buttocks and juggle my scrotum! Reklamador!

Eto na nga, ilapit na natin. Pft.

Si Kumukuti yung kulay itim na bola ng balahibo na may parte ng puti. Kasama niya yung chicken nuggets sa microwavable na lalagyan. At mangilan-ngilang dahon ng puno ng bayabas na ipinangunguya sa mga batang gustong magpatuli.


Malabo ba kung asan siya? Sa susunod ikaw na ang kumuha ng litrato, ingrate!

Ikalawang kasayangan: Chicken nuggets

Hindi naman talaga siya kasayangan kasi tinda yun ng ate ko na binili lang sa isang di-kilalang factory dun sa tapat ng Makro. Wala siyang tatak na sikat pero masarap naman kung iisipin mo lang.

At gusto mong makasiguradong masarap, kontakin mo lang ako sa blog na ito para umorder ng isang pakete at ikaw na mismo ang humusga.

So ayun, pinainan ko siya ng tira-tirang chicken nuggets na galing sa refrigerator namen. Iniuwi ng mga pamangkin ko galing iskul. Ayaw daw nila, hindi nakain.

Sinubukan kong painan ng mas matinding artillery si Kumukuti. Nung una, hotdog lang, ngayon chicken nuggets na.

Kaso puta, wala din. Tatanga-tanga kasi itong pusang ito. Hindi marunong magkamay kapag kumakain. Kapag kinakagat niya, nalalaglag lang dun sa siwang ng mga tambak ng silya. Gusto kong parusahan ang sarili ko sa katangahan ko. Hindi ko kasi nilagyan ng tinidor yung pinain kong nuggets. Hindi niya tuloy na-gets ang sarap ng nuggets. Malay ko ba kung sosyalin din pala yung pussy na yun at tinidor ang ginagamit imbes na bibig lang.

(Napaisip tuloy ako sa kuneksyon ng tinidor at pussy. Makapag-email nga sa production staff ng porn film)

Wala, bigo ako. Hindi ko siya makuha. Ginawan ko pa man din ng paraan para mapalapit siya dun sa maliit na siwang para makuha.

Para sa kaalaman ng lahat, merong maliit na siwang dun rehas ng bakod. Kasyang-kasya ang kamay ko dun pati na din si Kumukuti kung gagawan ko lang ng paraan na mapalapit ko siya dun.

Pero bigo ako. Hindi ko siya nakuha. Akshuli nakuha ko siya eh. Nahawakan ko na nga at nadama ko ang kanyang balahibumpusa. Nahimas ko siya ng bahagya, pero anong silbi ng kaligayahang ito kung panadalian din lamang ang ligaya?

Mailap si kumukuti. Hindi siya ang inaasahan kong malamya at maamong pussy na nais kong iligtas. Maliksi siya at hindi sanay sa himas ng tao. Maikukumpara siya sa isang pusang hindi sanay sa tao. Na mailap.

Naisagawa ko naman ang plano kong mapainan siya gamit ang...

Ikatlong kasayangan: More chicken nuggets

Napalapit ko na siya dun sa siwang sa pamamagitan ng pagpapain sa tamang lugar. Nahuli ko na. Pero ako lang ang nasaktan. Nakalmot ako at nakagat. Sino ba kasi ang mag-aakalang ganun siya kabangis? Si Mike Enriquez? Hindi siguro.

Pinagmukha niya pa akong tanga. Kasyang-kasya pala siya dun sa maliliit na siwang ng bakod. Pukingpusa yan, nagiinarte lang ata kaya nagngangangyawngyaw dun sa likod ng bakod.

Pero hindi ako pinanghinaan ng loob. Itinuloy ko ang plano ko sa kabila ng pagiging mailap niya. Di ko man siya mahuli, alam ko sa sarili kong natulungan ko siya at hindi ako nagkulang sa tungkulin ko bilang pussy lover.

Anyway, ito pa ang isang litrato niya. Para wala nang sali-salita kung anong ginawa ko para maibsan ko ang paghihirap niya. Oo, chicken nuggets pa din yan.

Pinagprepare ko pa din siya ng pagkain kahit alam kong walang kapalit na sex yan.


O diba ang sweet ko? Ginawan ko pa siya ng pakainan! Bale ang ginawa ko, kumuha ako ng microwavable na container, binutasan ko at itinali ko para hindi na malaglag ang kung ano mang pagkaing inayawan na ng mga pamangkin ko. Oo, sinamahan ko ng pagmamahal ang pagtatali ko diyan at binudburan ko din ng makataong damdamin at kalahating takal ng awa ang chicken nuggets na inihain ko sa kanya.

Pagkatapos ko siyang paghandaang pakainin, kinuhanan ko siya ng bidyo.


Feed The Pussy...Cat from Mariano Juancho on Vimeo.

Sa ngayon, hindi ko na alam kung ano ang nangyare kay Kumukuti. Nawala na lang siya isang beses. Nanahimik na lang bigla. Bago yung mga gabing tumigil siyang magngyaw-ngyaw, maingay yung mga aso dun sa pwesto niya. Parang nagbabangayang mag-asawa sa ingay. Baka sila na ang gumawa ng paraan para hindi na ako marindi sa ingay ni Kumukuti. Sad ending no?


*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*

Tagged 07 from ProjectWicked

Tag mula sa ProjectWicked by Miss Dre

{Start Copy Here}

Rules:
1. Copy paste from
{Start Copy Here} to {End Copy Here}
2. Please link back to the person who tagged you and PASS this tag to many of your friends
3. If you have more than one blog, please post this to all of your blogs, the more the merrier.
4. The use of NO FOLLOW on links is not allowed, Let’s all be fair!
5. Remember to come back here at JENNY TALKS (pls. don’t change this link)and leave the exact post url so I can add you to the master list to help increase our rankings and improve our Technorati Authority.
6. Spread the virus.. oooopps I mean the VIRAL LINKING and happy blogging!

BLOGGERS:
#1. Scraps & Shots #2. Simply Jen 3. This and That 4. Fab & Chic Finds 5.A Slice of Life 6. Jenny Talks 7. Tech Stuff Plus 8. Food on the Table 9. Aussie Talks 10. When Mom Talks 11. Moments of My Life 12. My Crossroads 13. A Life in Bloom 14. Because Life is a Blessing 15. Digiscraptology 16. BLOGSILOG 14. Cherry’s Comfort Zone 15. DigiScrapz: Captured Memories 16. Buzzy Me 17. Fab Finds, Etc. 18. Thinking Out Loud 19. Wishing and Hoping 20. PRC Board Exam Results 21. Jobs Abroad 22. My Blog Portfolio17. Race Corner 18. Mommy Talks. 19. Home and Health 20. All Kinds of Me Stuff 21. Ink Baby Studios 22. The Salad Caper 23. Winding Creek Circle 24. Aggie Scraps 25. Momma Stuff 26. We Are Family 27. Gandacious 28. Busynessworld 29. Folcreative 30. Swanportraits 31. Rumination Under The Clouds 32. Consciously Think 33. Sprawt 34. Healthy Skinny 35. Geekyology 36. When Mom Speaks 37. Rumination 38. Captured on time... 39. Pit of Gadgetry 40. Project Wicked Blogs and Reviews 41. Ulirat Ni Mariano : Loser's Realm 42. Your link here

{END Copy Here}


At dahil galante ako, bahala na kayong magtag sa mga sarili ninyo.

*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*

Tag 08 from LethalVerses

Itong tag na ito ay nagmula kay LethalVerses ukol sa mga NDE.

A very long time ago, when I was still a young boy and everything is in black and white...

Namatay ang lola ko. Nanay ng tatay ko. Bata pa ako nun, siguro mga less than 5 years old or so. Maikokonsiderang ako ang pinakabatang miyembro sa aming angkan.

Kung hindi ako nagkakamali, tama ako.

At kung mali nga ako, pakitama ako sa paniniwala sa aming lugar na mayroong mga supernatural na pangyayari ukol sa namatay na kamag-anak at ang "pagsundo" sa pinakabatang miyembro ng pamilya.

Ang cute ko pa man din nung bata ako at hindi ko na naabutan ang lola ko nun. Malamang gusto niya akong makasama noon, kasi nga cute ako at guwapong-gwapo. Pero siguro kahit ipagpilitan ko pa ang sarili ko sa kanya ngayon eh baka tawanan na lang niya ako.

Lamay ni Lola nun. Gabi. Normal sa mga bata ang matulog ng maaga, at normal din sa probinsya na matulog ang lahat ng magkakamag-anak sa iisang lugar ng bahay. At iyon ang 2nd floor ng bahay.

Luma na ang bahay. Ancestral house. Malalaki ang bintana nito at yung sliding wooden door pa ang gamit. Kung tatayo ang isang grown-up na tao sa tapat ng bintana, hanggang bewang niya ang pasamano. Yung tipong malalaglag ka na kapag yumuko ka sa tapat ng bintana dahil hindi din naman ganun kalapad ang pasamano ng bintana. Di naman ganun kataas ang sekan plor ng bahay. Kayang lundagin ng walang matatamong bali at lupa naman ang babagsakan. May kalambutan. Pero para sa isang paslit na tulad ko nung mga panahon na yun, ang pagkalaglag dun ay maaring magdulot ng kamatayan, lalo pa't alanganin ang bagsak. Maaaring mabali ang leeg at pati na din ang pagkabasag ng ulo.

Karamihan sa tao sa sekan plor ay tulog na at magkakatabi.

Walang anu-ano daw eh bigla akong bumangon. Naglakad ng dahan-dahan papunta sa bukas na bintana. Ewan ko kung bakit bukas yun nung mga panahon na yun kahit uso ang aswang. Isang lipad lang ng manananggal sa ganun kalaking bintana, limas lahat ng lamang-loob namen eh. At wala ding railings dahil wala namang ibang nakatira dun kundi ang tita ko lang.

Mabuti na lang daw eh nahawakan ako ng ninong/tito ko nung malapit na akong makasampa sa bintana. Nahagip lang daw yung paa ko pero nakaangat na ako sa pasamano ng bintana. Umiiyak daw ako na parang tumatawa pero tulog. Sleepwalking kumbaga.

Wala naman akong malinaw na eksplanasyon sa nangyare pero marahil eh muntik ko na nga itong ikamatay. Sorry naman kung hindi natuloy. Kung may reklamo kayo't hindi natuloy, pakisabi na lang kay lola.

Matapos ng nangyare, bilang bahagi ng pamahiin, itinawid ako sa ibabaw ng kabaong ng pinaglalamayan kong lola ng walang sumasayad na parte ng katawan ko o kahit damit. Para daw makawala ako sa kagustuhan niya ng "pagsundo" sa akin.

Some summer in Antipolo...

Eto simple lang. Antipolo, matarik ang daan, isang traysikel.

Paakyat sa matarik na traysikel ang daan... wait, teka ulit.

Paakyat sa matarik na daan ang traysikel na may lulan na tatlong babae, isa lang ang payat, tatlong lalake, isa lang ang gwapo (ako ba yon ha? ha? sige na nga).

Pinuwersa ni mamang drayber ang traysikel niya sa kambyong hindi primera. Natural hindi kakayanin ng makina ang bigat namin sa matarik na daan at mahinang kambyo.

Umatras si traysikel. Mabagal pa nung una. Tapos bumilis. Wala pa sa isip ko na pwede kameng mamatay. Si isang lalake, tumalon sa traysikel. Di man lang kame inisip. Pero at least kung titilapon kame may pupulot sa mga katawan namen.

Iniliko ni mamang drayber ang manibela. Pumusisyon yung traysikel sa isang anggulo na pwede itong tumilapon, gumulong-gulong, at rumagasa ng tuloy-tuloy sa matarik na kalsada. Mabuti na lang naisalba din siguro kame ng sarili nameng bigat at lalagyan lang ng kanin ang tumapon.

Nung mga oras na yun eh naisip ko kung ako ang tumapon at hindi yung bigas. Malayo pa man din ang pagkakatalsik nung tupperware na yun. Sino ba naman kase ang nakakaalam kung paano ka babagsak, kung una ba ang paa mo o ang leeg mo ang tutukod sa sahig. Kahit gaano pa kababa ang talsik mo kung panahon na para mahimlay ka ng tuluyan, wala kang magagawa.

Marami pa akong NDE na hindi ko maikakategorize na NDE nga ba o hindi. Madami din kasing beses na nakita ko nang nag-flash ang buong buhay ko sa harap ng mga mata ko. Nangyare ata nun nung nakaangkas ako sa kaibigan kong babae. Paakyat kame ng flyover at hindi siya nagmenor tapos may jeep sa unahan. Napakabilis ng paglapit namin sa jeep. Sumisigaw na ako ng AAAAAH, samantalang hagikhik pa ang naririnig ko sa babaeng drayber na kaibigan ko. Hindi ko alam kung buhay ko nga ba yung nagflash sa harap ko o yung stainless lang na body ng jeep.

Ipinagpapasalamat ko na lang sa langit at sa Diyos ang lahat ng mga pagkakataon na sana na-deads ako pero hindi natuloy.

*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*

Langhap Sarap
by M

O kay saya ng bawat linggo
Noong panahon ng kabataan ko
Dito'y laging bumibisita
Matapos magsimba ng pamilya

"Langhap Sarap" ang titulo
Maligayang bubuyog naman ang mascot nito
Kapag ngiti mo'y nasisilayan
Kaligayahan ang aking nakakamtan

Langhap Sarap, o kay ligaya
Pinapangarap kong kumain dito sa tuwina
Kaibigan kong bubuyog sana ay ikaw na
ang maging kusinero namin hangga't ako'y humihinga

Ang Yumburger mo na nakakapagpasigla
Kapag ako'y may sakit, ito ang meryenda
Sa tuwing may okasyon, Jolly Spaghetti ang karamay
Walang sawang kakainin, sa bawat araw ng aking buhay

Jolly Fries ang pinagsasaluhan
Kapag magkakasama ang magkakaibigan
Kasama ang kwentuhang walang humpay
At kasiyahang puno ng kulay

Ang masayahing hotdog nila
Malinamnam at malasa
At palagay ko'y kukulangin
Ang Champ ninyo para sa akin

Naiinitan ka ba kamo?
Aba'y Frost Blends ang para sayo
Matamis ba ang hanap ng dila mo?
Peach mango pie ang kainin mo

Halina at sumama sa ligaya
Ng pamilya ni Charlene at Aga
Sa pag-indak ni Kim at Gerald
At sa pagkanta ni Sarah at Mark

Nawa'y ako'y makabalik
Noon sa kabataan ko
At maranasan kong muli
Ang Jollibee, linggo-linggo

*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*

Hereditary

Nasa dugo yata ang pagkapintasero ko.

Nanonood ako ng Wowowee. Hindi, mali. Napatingin ako sa telebisyon nung Wowowee ang palabas at nakita ko si RR. Si RR na hindi ko alam ang apelyido o kung mabuti ba siyang kapatid sa mga kapitbahay niya.

Ako: "Si RR po ba yan? Bat parang ampangit yata niya ngayon."
Aling Maring: "Eh pangit naman talaga yan dati pa eh."

Okay po, magulang kayo at ginagalang ang mga opinyon nyo. Salamat po.

*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*


Matagal din pala akong nabakante dito, sorry naman, busy lang.

Oo nga pala, maraming-maraming salamat kay Boss Badoodles ng KwentongBarbero sa pagpili sa akin bilang Humor Blogger for the month of December! Maraming salamat po bossing! Hindi ko kayo bibiguin at papanindigan kong mgalaing galata aq s spiling!

Sige, hanggang sa susunod! Mahal ko kayong lahat!

45 Winners:

Anonymous said...

putangina.


kala mo binasa ko?

hinde.

Mariano said...

tangina, ang hirap kayang ayusin nito lalo pa kung restart nang restart ang putrages na mozilla neto, ayaw makisama.

Anonymous said...

tangina binasa ko sayang naman yung ifort mo para kay badodels

Mariano said...

oh salamat naman kung ganon. akshuli yan lang ang inaasahan kong babasahin ng mga tao dito eh.

wala na silang interes kay kumukuti. at mas lalong wala na silang interes pakinggan ang kabulastugan ko, ahaha. salamat!

Anonymous said...

wtf! ang haba. siguro mga twenty mins ko din to binasa. at nakatatlong beses na refresh. lalang. ge mahaba tong comment.

1. wala ka na palang trabaho. alam ko nasabi mo na yan sakin pero di ko yata tinanong kung bakit ganon pala. sayang naman at wala na rin ako time mag-ym. aehhehe. hindi ka na siguro makakatulog. next time na makausap kita sa ym.

2. ahm. langya ka, ang tagal mo kong pinahintay sa update tungkol kay kumukuti, made-deads lang pala sya. tsk. hindi mo naman ako ni-warn na hindi pala happy ending ang buhay ni kumukuti. yun lang naman talaga ang hinihintay ko. sos. ang kyut naman pala ni kumukuti.

3. i remember yung mga ganong bintana na kagaya ng sinasabi mo. dati nagbakasyon kami sa Cebu, at yung bahay ng kapatid ng grampa ko ganon ang bintana. tas diba may square-square pa nga yun?

4. i miss tricycles.

5. congrats ulet for being calendar girl of the month sa blog ni badoodles. :D

Anonymous said...

napakagandang lathalain.

ex-links?

Anonymous said...

very nice post.

ex-links?

Anonymous said...

walanghiyakaMpinagodmoakongmagbasa

Mariano said...

Oh I'm sorry? Napagod ka? Ikaw naman kasi nagbasa ka pa. Saka sino bang may sabi na basahin mo lahat? Ayan tuloy, napagod ka.

Anonymous said...

eto, seryosong koment na...

anak ng, sana habaan mo pa ang post mo!

para kang mahabang lubid na mahaba, buti na lang at napapatawa mo pa rin ako kahit paano...

huwaw! lapatan na natin ng musika yang jabi song mo, idagdag natin sa mga naunsiyaming lyrics na nde na natin nairecord.

kawawang kumukuti, nde man lamang nakita in person. (err, in cat, i mean. you mongrel!)

at oo, alam ko din ang bintana na yan. pero hindi mo naman pala tinatanong kung alam ko o hinde. siguro ganun lang talaga tayo minsan magkoment, pag may nabanggit na "ANO", sasabihin nating "alam ko din yan", "naranasan ko din yan", "napunta na ako diyan", "sukli ko po."

..mali pala ang huling nabanggit, pakitanggal ang "ko", "sukli", at "po" at pakipalitan ng "k."

nagets mo ba lahat ng sinabi ko? puwes kung hindi, malamang hindi nga.

at hindi nga.

Anonymous said...

ulangya, baket ang bilis mong sumagot sa koments ko?

mali yata, magaling ka nga pala sa spelling. ulitin ko:

ulangya, baket ang bilis mong sumagot sa koments ko?

Mariano said...

Ganun naman tayo eh, lahat na lang ng kwento ng ibang tao naranasan ko na ata, haha.

Tawa ba bossing? Oo ba, ako pa! Haha.

Capiz, Capiz yung puti na yun. Sa bintana. Ganun ang tawag dun Prockster.

Anonymous said...

ang galing. nabasa ko na din ang huling part ng pagligtas mo kay KUMUKUTI. at talagang binusog mo kami sa mga entry mo M kasi matagal tagal ka ding wala.

PANALO, eh para san ba yung DEODORANT KANINA? wala naman akong nabasa dito?lols

"STANDING OVATION" *APPLAUSE*

-Popoy I.

Mariano said...

Nagets ko ng bahagyang medyo pero nagets ko din ng kaunti pero sobra sa kulang.

Malinaw ba? Oo ata.

Mariano said...

Oy Popoy salamat naman. Tara bahain natin ng comments to, ahaha. salamat.

wala pa yung deodorant, pakiabangan nalang sa mga susunod na panahon, haha. salamat!

Kirk said...

nice post. ang haba. kaya, hindi ko binasa hahaha!

Anonymous said...

HACHIPATUCHI LONG AGAIN!

pag binibsita ko tong site na to. nakakalimutan kong magbasa.. hahaha

Anonymous said...

Sus ka Kirk, kelan ka ba naman nagbasa. Kahit sa kabila naman ganyan din ang komento mo, haha.

FB, pag nagsusulat naman ako nakakalimutan ko ang kagustuhan kong mabuhay ng normal, haha. Buong araw na lang akong nagsusulat.

Anonymous said...

binasa ko lahat...

di lang ako makacomment...

ang dami eh..

pero sure na binasa ko lahat...

nahuli pa ako ng amo ko...

-lyzius

Anonymous said...

Wow naman Mami Lyzius, salamat sa pagbabasa, hehe. At sorry kung sa sobrang haba nakita ka na ng boss mo. Pwede naman kasing pagparte-partehin yan, haha. Salamat!

Anonymous said...

ang haba! haha. parang lahat ng mga hindi mo nasulat pinagkasya mo lahat dito. anubers. lol. :) heniwey, di ko rin binasa lahat, or should I say, hindi ko kinumpleto lahat. paiskip-skip lang ako per paragraph. haha. pero kumpleto kong binasa yung umpisa.. ung sa Java ek-ek. ano naman ngayon kung hindi ka umabot sa 65%? at least pataas naman yung grade mo dba? ibg sabihin, may improvement! oo nga pla, nagdududa na ako sa relasyon nyo ni Jerome.. hmmm! bakit sya lang ang nagiisang may special mention sa pangalan.. hmmm!! aminin! lol.

at sa teks mo. trade tayo! yugioh sa akin. haha.

Anonymous said...

@lei

pag inadd mo naman yung scores nya pasado sya.

23
+44
+48
=115%

putangina akalain mong naka 115% lampas lampas sa perpek.

parang ispiling lang yan matematiks na yan e.

Anonymous said...

Ahahaha, oo nga no, puta bakit ba hindi ko naibalandra sa pagmumukha nila yon no? Tangina nila, dapat pala ako ang may pinakamalaking sahod dun eh. 115 pa yung nakuha ko eh 65 lang ang kailanga nila. Tanginang yan, ahaha.

Mariano said...

Oy Lei tama ka dyan haha. Salamat sa pagbabasa kung natipuhan mo, hehe. Salamat din pala at nakita mo yung punto na improving ako kahit di ako pasado. Pero bagsak pa din, at hindi maganda yon, kaya wag na wag mong gagawin ang ginawa ko, ang matulog! Haha, joke lang. Friends lang kame ni Jerome, at ex-opismeyt niya ako.

ZsaZsa,

1. Wala na nga pero ayos lang kahit wala kang YM, ahihi.

2.Kyut nga si Kumukuti kaso kyut din ang mga kalmot niya sa akin. At hindi ko naman talaga alam kung namatay siya o nakaalis siya dun sa puwesto nya dahil natakot sa aso.

3. Yes, yung kahoy na bintana na may Capiz designs. Paboritong bahayan ng putakte.

4. I hate tricycles. Ang iingay at malas namang main road ang bahay namen.

5. Salamat much Zsazsa.

Anonymous said...

MATALINO KASI AKOOO!!!ONE ONE ONE 111111

Anonymous said...

yung kalahati lang nabasa ko!!!! lintek parang binubuo ng sampung kabanata yung post nyo po, give chance to others naman... magblobloghopping pa ako eh...

next time na lang yung other half ah,, i-fou-four gives ko muna, baka tumirik mata ko dito eh... cheers? cheers!!!!-glesy the great

mr_diaz said...

Langyang Kumukuti. Alam ko namang hindi mo pababayaan ang mga pussy cats.

Kung meron mang deserve na maging calendar girl, ikaw yon.

Anonymous said...

Oo echo one one one, nararamdaman ko sa puso kong matalino ka ngang tunay! hindi ako kontra dyan.

Glesy, sorry talaga kung nahirapan ka pero doble ng paghihirap mong magbasa ang ginugol ko para makapagsulat niyan. kahit ten gives pa okay lang basta hindi manganganib ang kalusugan mo. cheers!

mrD! Ang pamosong si mrD homaygahd i am hyperventilation!!! haha. oo mrD, alangalang sa pangalan ng mga pussy all over the world, hinding hindi ko sila papabayaan. salamat salamat kung iniisip mong deserving nga ako, haha. salamat!

Anonymous said...

Bosing buti't nag-post ka na ulit..tagal mo ring nag-hiatus...akala ko kinalimutan mo na ang Loser's Realm(reyalm..hehehe)..one of my favorite blog ko pa naman...sana makahanap ka na ulit ng bagong trabaho..para may bagong office chronicle...

Skull!

Anonymous said...

Boss Larker from Norway, salamat sa pagtangkilik ng blog na to, hehe. Hayaan mo maghahanap ako ng trabaho na may panibagong Jerome para mas exciting lalo ang pakikibaka ko sa susunod! Maraming-maraming salamat sa pagbisita mo bossing!

UtakMunggo said...

etong tinatawag na back from hibernation with a vengeance. ang kyuuuut nyo talagang dalawa ni aling maring.

dalawang installment bago ko nabasa ng buo ha. mabilis pa akong magbasa sa lagay na yon. aba may citation yata ako sa ispid reading en comprehension dati. pero balewala lang pala yon kapag nakasagupa ka ng ganitong mala-nobelang post.

*does this mean hindi ka na alila sa putoshop?*

Kirk said...

eh gag0ooo ka pala eh LOLS *joke lang, kunwari galit*, nandito ako sa pahina mo para tumawa, hindi para magbasa ng mahaba bago tumawa hahaha! sige na nga magbabasa na ako.... after 8 hours.............................

nice post!

Anonymous said...

ang habaaaaaaa. di ko binasa.
mas natatawa pa ko sayo nung naghuhula loop ka kina chuck kesa sa update mo.

magvlog ka nalang na naghuhula hoop.

Anonymous said...

hoy mariano!! akala mo diyan ha!!eto na ko! woohoo!

at syempre, wala pa din ako sa blogroll mo.. hmpf! pero kahit dine-deadma mo ko, ikaw pa din binoto ko sa pakulo ni greenpinoy. labs kasi kita.

oi, brip mo nalaglag!

Anonymous said...

Mudraks, wassap yo! Back from ejaculation with a tissue kamo, ahaha. Nakawala na ako sa putoshap enslavement, awa ng langit. Pabor pala sa skills mo ang ganitong klase ng mga entries, nasusulit ang kakayahan mo. At sorry naman kung napadalawang installment ka pa, valid for eternity naman ata tong post kong to eh, ahaha. Salamat mudraks!

Eh gagoooo naman talaga ako Kirk eh, ahihi. Kung di ka lang gwapo na cyber kutusan na kita eh. Thanks for the complement after 8 hours!

Leyn, expected na yun para dito sa entry na to, ahaha. Ganun talaga ang mga longganisa posts ko, nabubulok lang, haha. Oy inaantay ko yung bidyo na yun, gusto ko nang makita! At oo, ito ang klase ng update na hindi mo ikakatuwa.

Hay salamat Goddess, yung pinoproblema mong komento naipasok mo na din saken. Ampangit pakinggan! Sorry kung di pa kita maidagdag, sorry na talaga, luluhod pa ako sa harap mo tanggapin mo lang ang sorry ko. At oo, salamat, sobrang salamat sa pagboto mo, xoxo to you! At walang nalaglag dahil wala naman akong brip.

Anonymous said...

binasa ko ang maikli mong entry.

Shet.

Ang sweet mo kay kumukuti.

legend said...
This comment has been removed by the author.
legend said...

binasa ko lahat ng isang basahan dahil:

1. Tulad mo ay wala na din akong trabaho. ergo, madaming oras.

2. Di ako makatulog.

3. Iiwan ko na kayo, kaya kelangan k na masanay magbasa ng updates na galing sa blog niyo na pagkahaba haba haba haba haba haba haba haba haba.

4. Baka kasi may chismis, mamiss ko pa.

5. See number 1.

Sa totoo lang wala lang talaga akong magawa. haha. pero infairness nagalak ang aking puso. alam mo yun may slight hagikhik na naganap deep inside.

Lamang pala ako sa iyo ng 1 buwan sa tinagal sa trabaho. I know, right?

(nabura ko yung comment ko bago ito ng hindi sinasadya ng konti)

Anonymous said...

taena, sakit ng mata ko magbasa, dyaryo! ang galing

Meryl Ann Dulce said...

Putangina! Sana hindi ka na nag-update! Hindi ko binasa pramis! PWE!

Sana hinati mo man lang by parts. Kahit yata tambay ako ngayon eh hindi ko kakayaning basahin lahat iyan.

Anonymous said...

Boss Taps, thanks you to you so berimats for reading. Sweet talaga ako sa mga pussies.

Oh holy heavens my gumamela, it's the legend on my blog. okay lang na magbura, ano bang andun?

1. yes, more time to get going doing nothing.
2. yes, hirap din akong matulog sa gabi at magpaantok. wala naman na akong magawa dun, magastos ang sleeping pills at gatas.
3. sobra ng isang haba yung sinabi mo, hindi naman siya ganun kahaba talaga. kung maaayos naman ang mga computer dito, magdaldalan na lang tayo
4. Kung chismis rin lang ang hanap mo, magyoutube ka na lang ng the buzz pagdating mo dun.

aba salamat naman at napahagikhik ang iyong puson, este, puso dahil yun lang naman ang balak ko sa tuwing magkwento ako. and yes, lamang ka lang ng isang buwan, at lamang ka din ng limpak na salapi sa sahod mo, ahahaha.

boss kulot! wahaha, oo nga, makakasakop na ata ng isang buong dyaryo ito kung tutuusin. maraming salamat sa pagbisita.

Meryl, wala akong pakialam kung hindi mo basahin, pwe! ang mahalaga eh nagkomento ka, masaya na ako para don, naiintindihan mo ba ha? you complete me. tarush. pwes bahala ka, madami kang namiss sa buhay mo kung di ka nagbasa, reklamador!

Anonymous said...

taenang yan..Ang lupet..
hahahahaha..

Laglag ako sa upuan dun sa kwento mo kay Kumukuti..
HAHAHAHAHAHA - Sobra!!
bwahahahahaha!!

chroneicon said...

nampucha! ubos ang oras ko sa iyo!









pero kung sa iyo rin lang mauubos ang oras ko, sige, ibabasura ko lahat ng relo ko

Anonymous said...

Manlalakbay, bumili ka ng bagong upuan, hindi ka na ligtas dyan sa gamit mo. Salamat, maraming salamat!

Bossing, alam ko naman na malakas ako sayo pero hindi mo naman kailangang gawin yun. Sabagay kasi mas masaya ang fisting kung walang relo, ahihih.

Anonymous said...

naalala ko yung kuting sa pier one.