November 5, 2008

Newton

Maraming-maraming salamat po sa bumati(greet) sa akin noong kaarawan ko. Sa lahat ng mga kaibigan kong maiituring ko nang pamilya, offline, online, at skyline pigeon flyyyyyyy, towards the dream... sa lahat ng nasa Friendsters ko, sa lahat ng nakasama ko sa araw ng birthday ko, sa lahat ng nagpaabot ng tulong, delata, donasyon, pink table, at kung ano-ano pang simbolo ng pagmamahal, salamat.

MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PAGBABATI SA AKING BIRTHDAY!!!

Sabihin nyo kung dapat ko na ba kayong batiin at buong-puso kong ibibigay sa inyo ang aking kamay. Para kamayan kayo. Sa kamay, at hindi kung saan pang dapat na kakamayin.

= = = =


Menos Diyes para alas singko ng dumaan ang trak ng basurahan.

Mataas ang bintana ng bahay at malaki. Kumbaga kahit anong klase ng aerial sprayers o vapor solutions o kung ano mang amoy at usok eh madaling makakapasok sa loob ng bahay.

Siyempre, aasahan ko na ang amoy ng basura sa oras na dumaan ang trak sa bahay.

Pero nagtaka ako kung bakit hindi ko naamoy ang bantot ng basura. Imposibleng hindi dahil maayos ang pang-amoy ko sa panahong ito at lalong wala naman akong sipon o allergic rhinitis.

Isa sa mga batas ng Physics na maiaaplay sa misteryong ito ay ang "For every action, there is an equal and opposite reaction" na hindi ko naman alam kung tama kasi hindi ako nag-Google para diyan.

Base lang yan sa memorya kong sing talas ng tingin ko kapag may kaagaw ako sa ulam.

Samakatuwid, kung ang pwersa ng amoy ng basura ay matatapatan ng eksakto at parehong kalibre ng amoy, hindi na ito dadaan pa sa aking ilong.

Saan naman manggagaling ang amoy na tatapat sa baho ng basura?

Hindi ko din alam pero yung pagdaan ng trak ng basura ang panahon na inaamoy ko din ang kili-kili ko eh. Siguro dun na nga galing yun. Putanginang yan. Napakabaho. Seryoso, nakakaamoy na ako ng amoy baktol. Yung mapaklang amoy na sumisingit sa baga at mapapaubo ka sa oras na maamoy mo. Oo, nakakaamoy na ako ng ganun pwera sa asim at amoy mantikang panis.

Kaya sa mga kababaihan, mag-iingat kayo sa lalakeng walang ibang ginawa kundi ang makipagflirt sa inyo sa buong araw dahil panigurado, tatlong beses pa sa amoy ko ang amoy nila.

Akala mo jackpot kang may kalandian ka sa buong araw? EEENGK! WRONG!!! Hindi din naliligo yun tulad ko.

Kaya sa mga nakakaflirt kong mga babae online (kung flirt bang maiituring ang paghamak sa pagkatao ko't pagmumura sa magulang ko) eh mag-isip kayo ng sampung beses kung matutuwa ka ba't kilig na kilig ka sa kakakausap saken o mandidiri ka't wala kasing duming kuko ang gamit ko para mapangiti ka lang.

Elongate...

October 26, 2008

Testing

I'm not a sporty type of person. To be honest, I just like to bum around and flick those up and down buttons on that remote, without any channel to settle on or any good show to finish. With me watching, it's like you're up for a slideshow of pictures or something more of a hypnotic video with random images flashing in front of your eyes.

But I do play sports, not just the sporty spice kind of sporty.

I remember my brother breaking his arm in one of his basketball game. The break is bad that it even had to be casted away. Not with Tom Hanks and Wilson though, just the plastered white cement kind of cast.

And when you have a broken arm, there aren't many choices for you in your life. You wipe your ass and you put the food in your mouth with the same hand, same fingers, and same fingernails.

I can just imagine how he washes his ass with a single hand.

You know how most of us isn't contented with just a wipe of a tissue. As for me, I do need a process after I just took a dump, not just a single task of wipe and go. And I get that from washing my ass with soap and water. It's kind of hard with me if I go with one hand. Like I said, it's a process so I need the other hand to pour the water and then the other hand to wash the dirty dish away from the hole. It's similar to the union of body and soul: The union of left and right hand, soap, lather, pour, rinse, smile. It's not a big deal if I smile after I take a dump, it's self-fulfillment after all.

It's probably like this (don't take it as if I've seen it with my eyes, I just thought of it this way): He first wets his hand then bubble it up with the soap. Then he gently soaps up his asshole with the soap-bubbled hand.

And knowing my brother with all his skid-marked underwear, it's not so special if there's a patch of shit clogging at the entry of his asshole. That's where the trouble begins. You have to scrape it especially if its a sticker type of dump, because there IS actually no way that you could shake that off even if you get jiggy or wiggly with it. And even if you furiously tried doing that hole thing, like you make it blink or something (just like what the chicks -- chicken offsprings, animal, fowl, et. al, get the picture?-- do when you blow their bottoms, it's like MOMOMOMOM kind of movement, like it's blinking) what the veteran porn stars do to make it more tight back there, there's no way that you could make tiny piece of shit drop.

So you have to scrape it. With two or three of your fingers. With your yet to be unclipped fingernails.

So after you scrape it, you again go back to process of taking the soap, lather, pour, wash, so and so and so, and it's tiring for a single-handed person. So I guess my brother would just eliminate one element to lighten up the process.

No it's not water, of course it's the soap! That's just my conclusion so don't base my brother's personality on that tiny detail. Don't be afraid to shake his hand, he's doing well now and all hands are fully operational so the soap is, again, back in the process.

And at the course of the day, he has to eat with the same hand, without utensils, and my sister asking if he washed his hands after the bathroom process, and him thinking that he shouldn't have played that hard to get him in that predicament.

Elongate...

October 22, 2008

King

Galing ako sa super sosyal at eleganteng-eleganteng Ever Gotesco Mall diyan sa may Ortigas upang magdala ng tindang sapatos ng ate ko.

(Kung gusto ninyong mag-retail, kontakin nyo lang ako.)

At dahil meron siyang libreng coupon sa Greenwich Pizza Restaurant eh umorder siya ng mga pagkaing nakalagay sa putanginang mga nakakapasong lalagyan na imbes na matatakam kang kumain eh mas uunahin mo pang dilaan yung braso mong napaso.

Umorder siya nung tinatawag nilang Chicken Ala King.

At aba! Masarap! Pero may kulang. Parang puro kabute ang nakalagay ah. Nawawala ang chicken.

Kaya pala Chicken Ala King ang tawag dahil ALA is acronym for "Apat lang ano?" na patungkol sa bilang ng piraso ng manok na parang pinagtabasan sa Andoks ang size. Kumbaga kapag nagtadtad sila ng manok sa Andoks, yung mga piraso na tumalsik, binibili nila para ihalo sa Chicken Ala King.

Makapal din ang dila ko at ang paligid ng bibig ko dahil sa kung anong klase ng harina ang halo ng Chicken Ala King. Di ko akalaing pagkain lang sa restawran ni John Lloyd ang makakapagpatutbras saken ngayong araw na to.

Elongate...

October 16, 2008

Gentleman

Sabi nila, ang basehan ng pagiging isang gentleman ay ang pisikal na kaanyuan niya: ang postura nito, tamang tikas, may makisig na katawan, tamang tikwas ng buhok, bagong ahit ang bigote at kilay, bango ng katawan at hininga na nakabubuntis, nakamanicure, pantay na tabas ng mukha na parang kinatam, kwadradong baba, diretsong titig na nakapagpabukaka ng hita, matalas na tingin, taas-noo, makintab na sapatos, pormal na pananamit, yung tipong nakabarong o di kaya'y naka-Americana, at may makislap na pagngiti. At siyempre, nagsepilyo, naligo, at bagong-bihis sa oras na nakita mo ang kanyang magandang porma.

Sa madaling salita, hindi yung asawa ng presidente.


Ikalawa naman ang ugali: kagalang-galang, mahinahon ang pananalita, intelehente, may paggalang sa mga kababaihan, marangal at may moralidad at may posibilidad ding hindi nanonood ng pornograpiya. Maaari ding may paninindigan sa bawat salitang binibitawan at alam mong kampante ka sa katotohanan ng kanyang mga sinasabi.

Sa madaling salita, hindi yung may-ari ng blog na ito.


Simple lang akong tao.

Di ako magarbo sa damit, di ako magarbo sa pagkain.

Hindi ako madirihin, at hindi ako kyeme sa mga echos, charot, at mga eklavu sa kapaligiran ko.

Pwera na lang minsan kapag inaatake ako ng aking pagkamalungkutin and my conio mentality that I cannot make iwas to like, mag-inarte to my companions and friends and all.

At kung pasimplihan din lang ang paguusapan, siguro masasabi mong isa ako sa pioneer ng simplicity.

Consider this equation.

You have 2 apples. You eat one apple. How many apples do you have left?

Isa na lang.

O diba? Simple lang.

And at the same time, pointless.

Exactly, pointless ang equation.

At pointless din maligo kung hindi ka naman aalis ng bahay.


Ganun ako ka-simple. Kung wala namang mahalagang pupuntahan, mga taong makakasalamuha, o di kaya eh presidenteng kakamayan, bakit pa ako maliligo?

I consider myself as an environmentalist. Tumulong sa kalikasan sa kahit anong paraang makakaya ko.

Isa na dito ang pagtuklas at paggawa ng natural na insect repellent at walang halong kemikal. At
magmumula ito sa hindi ko pagligo. Isipin mo nang adhikain ko ito.

Ganito yan. Sa pamamagitan ng hindi ko pagligo, makakakalap ako ng kakaibang amoy (amoy kupal, utot, et. al) at kapal ng libag upang layuan ng iba't-ibang klase ng peste ang pwesto ko.

Perpek?

Kung maisasabote ko lang ang amoy ko pati ang by-products ng katawan ko mula sa eksperimento kong ito, maisasalba ko ang ekonomiya ng Pilipinas.

Akala kasi ni Aling Maring eh swerte lang ang pumapasok sa bukas na pintuan ang bintana ng bahay na palaging nakabukas. Di niya na ikunsidera ang mga lamok eh kasya din sa pintuan at bintana.

Pero may drawback ang eksperimentong ito. Kumbaga kay Incredible Hulk na nagkakaroon siya ng hindi kakontrol-kontrol na lakas at emosyon, ang sa adhikain ko naman eh mas magiging matagumpay ako sa isang pagiging human repellent. So far, umabot ako sa apat na araw sa aking adhikain. Kinailangan ko na talagang maligo dahil tinubuan na ako ng pigsa sa aking hita.

Isa lang naman siya kaya di pa ako natatakot. May natitira pang kapirasong hygiene sa katawan ko para maudlot ako sa layunin ko.

Kapag umabot ako sa isang taon, pusta ko pati mga ispirito hindi na ako lalapitan. Baka pati ang Diyos magsawa nang bantayan ako eh. Mistula na daw siguro akong sibuyas kapag pinanonood.

Masakit sa mata ang singaw ko.

Figure 1: Cartographic sketch of my Pigsa(Boil)

Kung makikita mo sa litratong ito, ang pulang bahagi malapit sa aking singit ang pigsa na dulot ng mainit na singaw ng katawan. At dahil sa itinuturing ko din na duktor ako nung nakaraang buhay ko, minarapat ko nang gupitin ang naturang pigsa upang hindi pa muling makaabala sa aking paglalakad.

Dangan kasing ang naturang pigsa eh kumikiskis sa magkabilang hita kaya nakakairita na.

***WARNING: Don't try that at home. I am a professional loser that's why I am entitled to self hurting and the likes. If you want to hurt yourself, try watching BME Pain Olympics and somewhere in between the film it's going to hurt.***

Hindi ko naman paabutin ang research ko sa puntong dadayuhin na ako ng mga minero dito sa bahay dahil tinubuan na ako ng minahan sa singit ko. Baka madestino na bigla dito sa bahay si Kuplite sa paghahanap ng ginto sa kili-kili ko. Sorry na lang kung kamote lang ang abutan niya. Yun lang kasi ang nabubuhay sa ganitong klase ng masangsang na atmospera ng katawan.

At isa pa, ang hindi pagligo ay pagtitipid. At ika nga ni boss Cabron, ito din daw ay pag-iimpok ng libag. Mahal ang tubig at mahal ang libag. Personal treasure ko ang libag galing sa research ko at sinisigurado kong makikita ko sila sa aking mga kuko sa umagang pagkagising ko, bago ako tuluyang maligo.

Kung hindi ka maliligo, hindi ka magpapalit ng damit. Damit meaning underwear, sando, at shorts. Boxers lang naman ang suot ko kaya mapresko sa kailaliman ng aking balls at singit. Yun nga lang, delicate situation.

(Wala kasi akong kwarto kaya sa sofa lang ako natutulog. At baligtad ang timezone ko. Gising sa gabi, tulog sa umaga. Nung minsan ngang humilata ako sa sofa, wala na akong nalaman sa paligid. Pagkagising ko, may tuwalya na sa tumbong ko. Nasilayan ata ni Hazel ang nakadungaw na kahihiyan kaya naman nagreklamo siya kay Aling Maring. Ayun, tinakluban para naman hindi kahiya-hiya kung may dumating na bisita.

Pangalawa sa basahan sa lababo, ang shorts ko ang pinakamaruming piraso ng tela sa buong bahay. May dalawang linggo atang hindi napapalitan at hindi nalalabhan. Kung maliligo ako, yun ulit ang isusuot ko. Nag-iiba na din ang kulay niya at medyo mahirap nang itupi, matigas-tigas na din ng bahagya.

Pero siyempre nagtira naman ako ng kaunting kahihiyan sa mga tao kaya nagpapalit ako ng underwear. Sa kabutihang-palad, dalawa naman sila kaya walang problema, may pamalit agad sa oras na kailanganin. Di na kailangan pang bumili ng bago, kilala ko ang katawan ko at nararamdaman kong uurong ang size ng etits ko kapag nakakaranas ng bagong texture puwera sa kamay ko at dalawang piraso ng microwaved meat.

Ang sando ko naman ang nagsisilbing pamunasan sa lahat ng daanan ng kamay ko. Mantika ng pritong manok, sarsa ng lumpia, at pamunas sa nguso. Yung puting sando, nagiging off-white di dahil ng libag, kundi dahil ng sangkap ng pagkain. Kasalanan ko bang yun ang pinakamalapit na pamunasan kapag pasmado ako o kaya bagong kain? Hindi naman diba? Pagbibigyan ko naman yung shorts ko, siya na ang bahala sumalo sa libag-singit at natuyong kupal. Iba naman ang itotoka ko sa sando ko.

Kilala na nga ako sa bakery samen, nakahanda na yung dalawang stick ng yosi malayo pa lang ako sa kanila. Kilala na agad ako sa getup kong floral beach shorts at off-white smudged sando with taong-grasa aura. Nagugulat nga sila kapag nakabihis ako, ngiting-ngiti saken si ateng vendor. Siguro sa loob-loob niya, nagpapasalamat siya sa kalangitan at nagkaron ako ng kaunting pagpupursige na magmukhang nakatira sa bahay at hindi sa bangketa.


Nabanggit nga ni Damdam na normal na proseso ng katawan ang pagpapalit at pagbabakbak ng balat at pagbabakbak ng patay na cells ng balat.

Eh ang katuwiran nga eh kung nasa bahay ka lang naman, wala namang maapektuhan ng "molting" process mo, at sanay ka naman sa sarili mong amoy, hindi mo na pagkakaabalahan pa ang maligo.

Yun lang naman ang sa akin.

Elongate...

October 10, 2008

Rescue Me : The Part Two Of Rescue Me : The Beginning

September ano nga ba yun? 23? Ayun, oo.

Nabubuwisit na ako na naawa kasi maingay siya at isa pa, basang-basa sa ulan.

Baka kapag pinatagal ko pa sa tubig yun, magiging catfish na yun.

At sa sobrang tagal pa niya dun eh baka tatlo na lang ang buhay niya. Nabawasan ko na kakahiling kong mamatay na lang siya at bumaho na lang kesa magngangawa nang magngangawa dun.

Sa lahat ng basang pussy na nakita ko, dun lang ako naantig at naawa. Kapag mga sabog at pisat na pussy naman ang nakikita ko, di naman ako ganung naawa. Yung ulo pisat na na parang artwork ng elementary gamit ang water color. Minsan yung bituka nagkalat na at tapi-tapisak na yung tae. Yung mata eh nakakabit na lang sa ulo nyo niya sa pamamagitan ng isang hibla ng laman.

Minsan nakakadiri kapag maitim na at lasog na lasog na at sabog. Pero minsan, okay lang kapag medyo pink lang at mabalahibo ng kaunti. Kadalasan ng nakikita ko eh maitim na, at parang ilang ulit nang naglakbay sa maraming lugar. Minsan mas maganda din yung mga Russian.

Oh well, anyway, ang ibig ko lang sabihin eh naiinis na naaawa na talaga ako kasi, basang-basa na siya. Para na siyang mop. Mukha na siyang basahan (quoted from DocMnel). Imbis na magugustuhan mo pang kandungin eh mandiri ka't mabaho na siya. Gusto ko nang hulihin para mapatuyo na sa microwave oven.

Palagay ko ako lang talaga ang may pakialam sa kanya at sugo ako ng Diyos na iligtas siya sa kapahamakan. Ako lang ang may mahal sa kanya sa lahat ng tao sa mundo at ako lang ang may kakayahang gawin yun. Ako lang dapat, wala ng iba. Ako lang ang... putangina andami ko pang sinasabi, stfu to me.

Pasilip-silip ako palagi dun sa area niya. Nagpayong pa ako para malapitan ko siya. Gusto kong mag-salitang pusa para sabihin sa kanya na "Don't worry, it's going to be fine. I'm going to help you, don't worry."

Sige, pakitranslate na lang yan sa pussytalk.

Basta gusto kong i-assure na kaibigan ako at gusto ko syang tulungan. Wala namang nangyare.

Unang kasayangan: Hotdog

Pinainan ko ng hotdog. Hindi sunog, para sa kaalaman ng lahat. Hilaw. Para lang tumahimik. At dahil hindi ako National Geographic para bantayan kung nakain niya ang hotdog, hindi ko alam kung nakain niya o nahulog lang o pinagkakitaan na ng Discovery Channel ang ginawa ko't kinuha nila bilang Best Amateur Wildlife Rescue.

Pero maingay pa din siya. Panay pa din buhos ng malakas na ulan. Tuloy pa din ang pagkabasa niya.

Ngayon, tignan mo to. Alam mo ba ang pamahiin ng matatanda (wala pa akong alam kasi na pamahiin ng kapapanganak pa lang na tao eh) na kapag pinaliguan mo ang pusa, babagyo?

Puwes si Kumukuti ang rason ng napakalas na pag-ulan nitong nakaraang linggo. Kaya bumagyo at patuloy ang pag-ulan nung araw na yun kasi patuloy siyang nababasa.

Kung paano tumigil ang ulan? Ewan ko. Baka kasi nung pinuntahan ko siya at hindi naman ako nakapayong. Nandiri ang mga patak ng ulan na malapatan nila ang balat ko kaya ayun, tumigil.

Teka lang, iinom lang ako ng tubig.

Elongate...

October 9, 2008

Frank

"Puwedi bah, kung wala kang magawa, magdukit ka na lang ng puki moh!"

-Marie, dating househelp


Yan ang bungad ni Marie dun sa dating manloloko sa telepono namen. May sakit ata sa utak yun.

Yung manloloko ha, hindi si Marie. Pero pwede na din. Ikaw ba naman ang katulong ng bahay na naatasang magbantay ng kapayapaan at kaayusan sa buong sangkapamahayan eh sasamahan mo ang anak ng amo mo at barkada niya sa panonood ng traypuleks na bidyo.

Malabo na sa memorya ko kaya kung basa ba ang upuang tinayuan niya matapos ang naturang palabas eh hindi ko na talaga maaalala. Baka sa sobrang pilit ko pang alalahanin eh makalikha pa ng di-makatarungang imahe ang isipan ko't magamit ko pa sa pagpapatiwakal. At oo, kame yun ng mga barkada namen na tawa kame ng tawa sa reaksiyon ni Marie na parang nakanood ng 2girls1cup na palabas.

Ang bersyon na napanood niya eh 1guy1girl, The Barurot Cup.

= = = = = =

Wala pa pong kasunod. Matutulog na po muna ako. Goodnight!

Sorry kung bitin. Pinaglihi ata sa sexual performance ko ang mga blog ko ngayong nakaraang araw kaya ganito na lang.

Kailangan ko ata ng normal na tulog.

Mahal kita, mabuhay!

Elongate...

October 6, 2008

Rescue Me : The Beginning

Habang hindi pa tapos ang pangangalap ko ng impormasyon sa mga magigiting na kaluluwang nagbuwis ng reputasyon ng blog nila para iboto ako, kukwentuhan ko muna kayo mula sa puyat at bagsak kong pag-iisip.

Muli po, lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa akin. Sabihin nyo nang OA, tangina ang sarap malaman na nakakauto ka pala sa pagsusulat tapos magkakaron ka pa ng bonus muse sa proseso ng panloloko mo ng mga bloggers, lalong champion.

= = = = = =

Ang title ng post na ito ay inspired by the fucken pussycat na nasa tapat ng bahay namen.

September 27 nung isinulat ko ito, galing ako sa labas. Alas singko na ako nakarating sa bahay.

*Ngyaw*
*Ngyaw*
*Ngyaw*
*Ngyaw*
*Ngyarrrrw*
*Ngyarrrrw*
*Ngyarrrrw*
*Ngyarrrrw*
*Ewng*
*Ewng*
*Ewng*
*Ewng*
*Ngawr*
*Ngawr*
*Ngawr*

(Uhmn, aaah, ano, kasi yan lang ang text representation ko ng meow ng kuting. So, sorry kung para siyang tunog nagsusuka na sumisirit sa ilong o nandidiring kulehiyala. O kung sa utak na gaya ng sakin, isang sexual mating call ng kapitbahay nameng tigang.)

Yan ang pagkalintik-lintikang tunog nanaman na yan ang sumalubong saken.

*Plasbak muna 3 days ago*

(Uhm, yung may asterisk sa taas, hindi na siya meow ng pusa.)

September 23 nun, Martes ng hapon yata nun. Nagsisimula na ang manaka-nakang rainshowers from the buntot ng cold front (buntot pero front) galing sa bagyong Hagupit.

Wala na akong maalalang iba pang detalye bukod sa bigla ko na lang narinig yung series ng tunog dun sa taas. Ni hindi ko nga maalala kung umuulan na nga ba o hindi. Hindi ko na din maalala kung gwapo ba ako o hindi, so kayo na lang ang magpaalala sa pamamagitan ng pagclick ng link na ito: LINK

O di kaya ang LINK NA ITO.

Kung hindi mo din maalalang guwapo nga akong nilalang o hindi, magteks ka lang, sabihin mo kung sang lugar mo gustong makaeksperyens ng kamatayan at pupuntahan kita dun. Using only my mind.

Okay, so ganito kasi may na-stranded na pusa dun sa tapat ng bahay. Dun sa pagitan ng eskwelahan at kakarampot na espasyo na tinatambakan ng sirang silya. Andun yung pusa sa pagitan ng mga silyang sira na tadtad ng bandalismo ng mga butihin at matatalinong mag-aaral dun sa eskwelahan.

May nagtapon ata ng pusa dun. Kung sino man ang horizontally-intestined, smash-earth, na lalakeng/babaeng anak ng pira-piraso, eh gusto ko lang sabihing kung nagbabasa ka ng blog ko, yung pagtatapon ng pusa mo ang nagpasakit ng batok ko nitong mga nakaraang araw. Nagpupumutok nanaman ang BP ko dahil isa lamang akong hamak na mapagmahal sa mga pussy.

Cat. Sus, putangina sino ba kasing nagpauso na ang terminong pussy eh ginagamit sa puke.

Puke as in vagina. Vagina as in vajayjay.

Basta, ang gusto ko lang sabihin ginawa mong matinding dagok sa pagiging innate na mabuti kong nilalang sa mga pusa, ang pagtatapon ng kawawang kuting na yon.

Sa ibang araw ko na ikukwento ang iba pang kwentong puke ko. Puke cat, sos.

Sa ngayon, problemahin muna natin itong kuting na tatawagin nating Kumukuti.

Knock knock: Who's there?
Kuting
Kuting who?

Kumu-KUTING-kutitap, bumubusi-busilak,
Ganyan ang indak ng mga bombilya
Kikindat-kindat, kukurap-kurap
Pinaglalaruan ang iyong mga mata

Merry Christmas!!! Wala akong pera!

Okay, itong si Kumukuti, sa aking teorya eh itinapon ng kung sinong pussy-hater dun sa espasyo na yun. Malamang may ginawa siyang kababalaghan. Siguro nahuli siyang nakikipag-inuman dun sa dagang dapat na hinuhuli niya. Ewan ko, puta basta malamang itinapon siya dun kasi ang tanga naman niya para mastranded lang dun mag-isa.

At makalipas ang ilang araw, ngyaw ngyaw siya ng ngyaw-ngyaw.

Minsan kahit alam kong hindi naman siya umiingaw, naririnig ko na siya sa isipan ko. Parang LSS pero hindi siya song kasi, putangina naman para naman kasing marunong kumanta yung pusa eh no? Pagpikit ko parang nakikita ko sa mga talukap ng mata ko ang salitang "NGYAW" na isinusulat ng 100 times.

Paulit-ulit sa isipan ko hanggang sa hindi ko na matiis at pinuntahan ko na siya.

Pero hindi ko na makita dahil gabi na din. Kulay itim pa yata ang putanginang yon.

Ang pinakamasaklap na sigurong tanggapin para sa akin bilang pussy-lover... Cat, pussy cat lover, eh ang pagbuhos ng ulan.

Sino bang may malambot na puso ang hindi mawiwindang sa sitwasyon nung si Kumukuti? Umuulan, tapos parang nagmamakaawa na siyang kunin siya dun at pakainin ng hasang ng isda o kaya ng Purefoods hotdog na hindi sunog, at balutin ng tuyong tela, at painumin ng gatas, at halikan, at haplusin, at pulbuhan, at ipagburda ng pagkaganda-gandang medyas. Tapos ingaw pa siya ng ingaw tapos siguro ginulpi pa yun ng nagtapon sa kanya o di kaya eh nireyp.

Ewan ko kung sino ang may malambot na puso na yun pero wala sila sa street namen. At lalong hindi ako yun kasi naiirita na lang ako kaya ko siya nilapitan.

At yun na nga, September 24, Miyerkules ng gabi nung una kong pinuntahan ang area niya at sinilip. At dahil napakaprotective ng Felix Memorial National Highschool sa mga mag-aaral nila, napakatayog ng bakod. Hindi ko makukuha ng ganun ka-simple si Kumukuti.

Kung sa ibang bansa sing simple lang ng pagtawag sa bumbero ang ganitong klase ng insidente, dito sa lugar naman hinahayaan na lang mamaho at mabulok ang mga ganitong klase ng insidente. Wala naman kasing potensyal na PeTA member dito kundi ako lang. Lahat puro adik na.

Kaya ayun, nakaisip ako ng paraan at sinubukan ko kung uubra ba para makuha ko si Kumukuti

Teka lang ha, tulog lang ako...

Elongate...

October 2, 2008

Ting Kyaw


The 2008 Philippines 10 Best Humor Blogs! from Leonard Allan on Vimeo.


Teka lang ha, putangina pano ko ba sisimulan to? Bolsyet, sige ganito na lang.


Aaah, ano kasi di naman ako sanay ng nanalo eh. Parang naoberkam naman ang titulo ko at titulo ng blog na ito ng pagkakalagay ko sa TOP FIVE ng PHILIPPINE TOP TEN HUMOR BLOGS in the PHILIPPINES. Oh yeah, bragging rights. Sweet. Dude. Sweet. Dude.

Kinse mil ang boto ko mula sa mga mahal kong tao, ang karamihan mga ginamitan ko ng hipnotismo at swabeng hubog ng katawan na hinaluan ko na din ng kaunting kagat ng labi at tambok ng puwit para mapagsulat ko ng entry-islas-boto. Mga estrangherong hindi man lang nagbasa ng blog ko eh ibinoto na ako. Joke lang. Mahal ko ang daliri nyong nagsipag-gawa ng mga blog entry ng wala sa panahon para lang sa ikasasangkot ko sa krimeng ito. Ang krimen na maging hindi loser.

Mahal na mahal ko kayong lahat. Walang stir yan, walang kyeme, at lalong-lalo na eh wala ding brip. Ano ba to, hindi naman nakakatawa ang blog na to, ganun lang talaga kasi ako magkwento, parang ano lang ahhhh, parang kalahati lang ng utak ang laman ng panot kong kukote.

Popularity kontes nga, ika ni Rens. Nadaan lang sa paninindak at pananakot. Kung di nyo naitatanong, saken nanggaling ang titulo ng pelikula ni Juday ngayon na tiyak kong panonoorin nyo.

Oo, ako ang nagpauso nun. "Matakot Ka Sa Ulam". Ulam yung orig kaso hindi nila makita yung katatakutan dun kaya pinalitan nila ng kulam. Duh, ikaw ba hindi ka ba natatakot sa ulam kung ako ang magluluto? Mas gugustuhin mo pa sigurog magpatuklaw kay cobra kumpara sa kumain ng ulam na luto ko. Puta, kabaliwan pang baguhin nila yan.

Yan talaga ang sinasabi ko sa mga napilitang bumoto saken kaya ako na ata ang naging isa sa pinamataas na lumundag. Halos parang David Blaine lang ang pag-angat ko sa lupa mula sa naunang round na hindi ako kilala, tapos napapunta sa 29-33rd place, tapos sa third round na pangtrese kamalas tapos eto, nakarating sa pang-apat.

Akalain mong meron palang kakayahang mangiliti ng tinggle ng katatawanan ng tao ang blog na to. Ako nga galit sa may-ari nito, gusto kong paagusin ang mainit niyang dugo mula sa leeg niya [EMO]

Tama na nga to. Napakahabang intro, napakabakla.

Unang-una, gusto kong pasalamatan si Boss Badoodles ng Kwentong Barbero sa pagpapatimpalak ng tulad nito. Nakakilala ako ng mga mahilig sa kakornihan at nalaman kong meron palang mga nagbabasa ng basurang tulad ng mga sinasabi ko sa internet. Oo na sige na, masyado akong humble kaya hindi bagay. Pero salamat talaga sa pagpapakontes ni Badoodles ng tulad nito at nakapagpamalas naman ako ng kakarampot na kaalaman sa paghahayag ng damdaming pinagtatawanan lang ng iba.

Ikalawa siyempre ay ang walang-habas na pagmamahal at pagtangkilik na ibinigay saken ng mga kapwa ko manunulat sa pinilakang-tabing. Mga nagtitiyagang magdadalaw at magtagal ng mga kahit 20 seconds lang dito, mahal ko na kayo. So lalo na ngayon sa mga bumoto saken na sila...

[Teka lang, saka ko na ia-update, hindi pa ako tapos maghanap ng mga tumangkilik sa akin eh, hehe.]

Ikatlo, siyempre special mention diyan ang ating campaign manager na totoong nagboost ng boto ko dahil siya naman talaga ang may kapangyarihang makapanindak. Sa iyo na nagtulak saken sa bangin ng ikaapat, maraming-maraming muchas gracias na pasasalamat at magbra ka naman.

Siyempre, ang aking pamilya ng GreenPinoy people in the neighborhood na madalas kong kakulitan, salamat di kayo nagsawa sa kakornihan ko. Ang lakas ko sa inyo, ahihi. Congrats din sa numero dos nating si GP himself.

Sa mahal na mahal ko ding tropang Chiksilog, salamat sa suporta nyo. Sana makatikim naman ng ambon ng alak ang nanunuyo kong lalamunan mula dun sa namberwan ng patimpalak na ito.

Kay Boss Papa Umleo23 para sa isang matinik at hubad na Vlog presentation ng Awarding para sa pakontes na ito, pinatulo mo ang luha ko at pinakilig mo ang damdamin ko sa pamamagitan ng iyong matinik na vlog! I heartz Umleo23 na!

Sa lahat ng bumati sa blog na ito, sa mga dumalaw at sumilip, sa sumuporta, sa mga ngiti, sa mga pinagjakulan at pinagpinggeran ang mga litrato ko, sa lahat ng nakinabang sa kaalindugan ko,

SALAMAT! PUTANGINANG YAN SALAMAT TALAGA!


Salamat po kay Reyna Elena para sa nakahandang link

Salamat sa lahat ng natawa at tumawa. Sa mga nakornihan, tangina nyong lahat!!!
JOKE LANG!

Teka lang marami pa akong idadagdag dito ha.


Marami pong salamat sa sponsors natin para sa patimpalak na tinaguriang:
GagAtak
T-Shirt Project


Siguraduhing bumisita sa mga tindahan at website nila para sa quality henyong produkto!

Elongate...

September 29, 2008

Brothers

Minsang nanonood ang ate ko at si bayaw ng American Idol, nagtanong si ate...

Ate: Yan bang si Randy Jackson (isa sa mga hurado) eh kapatid ni Michael Jackson? (ng Thriller)

Bayaw: Hindi ah! Papaano namang magiging magkapatid yan eh amputi-puti ni Michael Jackson?

Point established.

Elongate...

September 27, 2008

Australian

QUESTION:

Ano ang isa sa mga basurang hinding-hindi mo pwedeng itapon?

ANSWER:

BOOMERANG!


PUTANG-AMA KA MARIANO JUANCHO MAMATAY KA NA KASAMA NG PUTANG-TIYAHIN NA KAKORNIHAN MO!!!!!1111111!!!1oneoneone!!!

Sige para sa mga nalalabuan:

Ang basurang itinapon mo, babalik sayo...

Elongate...

September 25, 2008

Educational

Galing ako sa itaas ng bahay namen. Katapat ng ilang classroom ng mga estudyante sa eskwelahan na nasa harap lang ng bahay namen.

Alam mo naman ang mga estudyante, mahaharot.

Di ko naman sinasabi na sinusutsutan ako nung mga babaeng talandi sa tuwing aakyat ako ng bahay na nakatapis lang ng tuwalya at nakabukol ang malaki kong tiyan.

Ang sinasabi ko lang eh alam ko na kung sino ang mabubuntis agad pagdating ng JS Prom nila.

Ayun, yung tatlong dalagitang napakalalakas tumili sa tuwing papatayin ng mga harot na binatilyo ang ilaw. Paulit-ulit pinapatay, paulit-ulit ding nagpapaluwa ng mga tinggle ang mga dalagitang malandutay kakatili. Tapos magaapiran sa isa't-isa. Ewan ko, baka mali lang ako, baka nagpapraktis sila ng role-playing. Rape-rape-an with the gym teacher. Magandang praktis sa teatro siguro pagdating nila ng college. Yun eh kung may balak pa silang mag-college o tumili na lang maghapon habang pinapatay-sindi ang ilaw.

O baka nagkakamali ako. Baka yung dalagang lumuluhod sa tuwing didilim ang kwarto. O baka naman yung isang babaeng nakangisi agad at matalas ang tingin sa lalakeng nasa harap niya.

Hindi ko alam. Basta ang alam ko magkakabuntisan yan sa JS Prom. Kahit yung pinakapangit pang babae. Lalo na yung isang napakakapal magpulbo na tuwing simula ng klase nagpupulbos ng mukha.

Akala ko nga remake ng Geisha ang napapanood ko. Sus, yun pala eh parang Johnson's & Johnson's Instructional Video On How To Abuse Face Powder lang pala.


= = = = =

Isa sa hamon ng buhay ko ay ang pagkakatayo ng eskwelahan ng Felix Memorial High School.,
dito sa tapat mismo ng bahay namen. Sana hindi na lang namatay si kauna-unahang Felix.

Matagal pa ang bakasyon at matagal ko pang aasahan ang isang matinding peace and quiet na idudulot ng pagbabakasyon ng mga impaktitang mga pag-asa ng bayan. Kung pwede lang pasabugin ko na 'to eh. Baka mamaya andyan pa yung isa sa kupal na magiging kurap na opisyal ng bayan at magpapabagsak ng ekonomiya ng Pilipinas.

Akala ko nung una, parang apartment complex lang para sa mga birhen ng mayor ang itinatayong gusali. Sayang tuloy yung dating nakabalandrang tennis court na nakatirik dun dati. May balak pa man din akong sumunod sa yapak ni Federer pero di na natupad.

Amityville School Edition

Eto nga pala ang naturang building na naabutan na ng pagpapalit ng mayor mula kay Felix papunta kay Mon Ilagan. Limang kwento ang taas ng gusaling yan, sa pagkakaalam ko. Tapos yung puno ng aratilis dyan sa litrato, patay na. Pinatay ng ingay ng mga estudyanteng walang pagpapahalaga sa pera ng bayan.

Bale merong 5 palapag, times 7, so 35 rooms sa side namin. Siguro merong mga nasa 35 na katao ang isang kwarto, so humigit-kumulang maraming maiingay na estudyante ang namemerwisyo sa masarap na umaga namen.

Sa kasalukuyan, idagdag mo pa yung nakulong na pusa dun sa tambakan ng lumang silya nila na magdamag ingaw nang ingaw.

Malapit lang sa bahay yan. Pag medyo na-tripan mong lakasan ang dura mo, posibleng tumama sa mukha nung titser ng Araling Panlipunan tuwing alas-kwatro ng hapon.

May dalawa o tatlong taon na yatang nakatirik itong eskwelahan na ito dito. At naalala ko pang hindi naging maligaya ang unang araw ng pasukan dito para sa buong street namen. Lalo na sa akin siyempre.

May sumpa yata ng kabastusan na iniwan yung mga karpinterong gumawa ng building dun sa mga estudyanteng gumamit ng building. Akala mo mga pinalaki sa ilalim ng lupa. Hindi pa nakakatuntong sa kwartong kapantay ng bubong ng ibang bahay. Wala naman kameng magagawa kasi pag-aari ng gobyerno to, kesa magreklamo kame at ipasagot samen ang gastos ng building at ipaako ang edukasyon ng may isanlibong estudyante, hinayaan na lang namen.

May magagawa naman talaga ako siyempre. Kaunting timpla ng gasolina, gaas, pulburang Bulacan, teknolohiya ng intsik, saka kaunting dasal na Latin, pwedeng ganito ang mangyare sa eskwelahan na yan:
Swerte na lang ang mga nag-cutting classes

Sayonara Mrs. Mathematics. Sayonara Eric. Sayonara Jane. Sayonara Mark. Sayonara sa lahat.

Pero alam mo kahit minsan wala pa akong nakikitang magandang teacher dyan. Puro matatanda. Sila kasi yung may commanding power at may kamay na bakal laban sa kakulitan ng mga bata. Naalala ko si Miss Flora nung Grade 5 kame, nagwalk-out sa amin sa sobrang kaguluhan namin. Ewan ko kung naguumiyak siya sa CR sa sobrang inis sa amin pero kasi masyado pa siyang bagito eh isinibak agad sa kawalang-hiyaan namin. Pang-grade 1 lang ata ang pasensiya niya. O baka naman pang-grade 1 lang ang pang-aabusong kaya niyang isautak. Ayos pa man din ang teacher na yun, panalo sa ganda at mabait at mahinhin at bumubuka ang blouse niya sa mammary area kapag nagsusulat sa blackboard. Saka Filipino ang tinuturo niya kaya agad kong naging paborito ang Filipino sa edad kong yon.

At alam na din ng kaklase ko ang terminong walk-out nung panahon na yon.

Nung unang araw ng pasukan ang mga estudyante, para silang mga sisiw na bagong lipat sa kulungan. Maliliksi at maiingay.

At masarap ding tuhugin ng patpat at isugba sa apoy.

Ang isa sa mga bagay na naisipan nilang gawin sa unang linggo nila ay ang gamitin ang taas ng building para sa kanilang eksperimento.

Ang subject ng experiment: Aerodynamics.

Binilhan sila ng magulang nila ng mga notebook para gawing eroplanong papel na wala pang kalahating minuto ang itinatagal sa hangin. May gusto yatang mensaheng iparating sa mga bubong namin kaya panay ang subok nilang makalikha ng perpektong eroplanong papel. Dapat nagseminar muna sila samen para maturuan ko kung paano gamitan ng bolpen ang pakpak ng eroplano.

Maingay at magulo ng unang araw. Masarap silang batuhin ng patis, toyo, suka, paminta, bawang at sibuyas at gawing pulutan. Kilawing nguso ng maingay na bata.

Ang masama pa nito eh yung araw-araw na National Anthem. Nakaspeakers pa sa buong campus. Kahit Pilipino ako, di ko ipagpapalit sa nasyonalismo ang ilang oras ng tulog. Paano mo maiipagtanggol ang bayan kung puyat ka at walang maisagot sa exam dahil yung isang oras na itutulog mo, ikinanta mo na lang ng Lupang Hinirang.

Tapos siyempre ko-combo ng Panatang Makabayan yan at yung finale eh yung hymn ng eskwelahan na may kasama pang padyak sa mga bandang katapusan ng kanta. Mahigit-kumulang sigurong isanlibong estudyante ang sabay-sabay na papadyak. Harinawa'y malaglag silang lahat sa mga susunod pang padyak.

Wala ding makapalag dyan sa mga bata. Bata pa lang may mga pick-up line na. At tinetesting nila kay Aling Maring at sa kasambahay namin.

"Ate, ang ganda mo naman!"
"Nay, tingin ka dito, type kita."

Ang masama nito ni minsan hindi ako hiniritan ng ganun. Puro sutsot lang ako at hindi ko pa alam kung babae o matandang teacher ang gumagawa nun. Nakahubad na ako, miski man lang asarin akong may buhok ako sa utong, di ko narinig.

Yung kinakapatid kong kapitbahay namen, di na nakatiis. Pinagtestingan ng kwitis yung mga classrooms. Pero isang piraso lang naman, na lalo pang nagpa-ingay sa mga tiyanak na yun. Pero dahil alam mo namang kapag kinamot mo ang pantal, mangangati lalo, ayun, lalong umingay. Kaya naman di na nagdalawang-isip ang kinakapatid ko na ilabas ang pekeng toy gun. Oo, pekeng toy gun. Tinutukan lang naman.

Kaya naman nabahala ang mga teacher kasi hindi nila alam kung paano ipapaliwanag sa magulang ng mga bata ang butas na ulo o baga ng mga bata kung sakaling hindi nakapagtimpi si kinakapatid at kung sakaling tunay na real gun yun.

Hindi naman nagpatagal pa ng hustisiya si Aling Maring. Pinuntahan niya ang opisyales ng eskwelahan para kausapin ukol sa seryosong kalagayan ng mga nakatira sa street na katapat ng school. Mabait naman ang nakausap ni Aling Maring kaya nagawan na ng solusyon kahit paano.

Ang naging solusyon? Cabinet.

Nailagay na sa cabinet ang mga bata at nailibing na ng buhay. Iginapos na ang mga pinakamaiingay at pinagmumog ng kumukulong asupre. Yung mga nagpapalipad ng eroplano, diniretso na agad sa NAIA para igapos sa pakpak ng Cebu Pacific. Ang mga malalanding mag-aaral, nasa kwarto ko at naglilinis, pero di naman sila nakagapos. Gusto kong nasa tama silang pag-iisip at hindi drinoga kapag nasa bahay namin sila.

Sa ngayon, maingay pa din sila at wala na kameng magagawa. Matapos ang ilang taon, naging normal na din ang ingay at mas mukhang magiging sagabal pa sa pamumuhay namen kung mawawala sila. Kumbaga para na silang kulugo na tumubo sa balat. Nakakairita pa pero di naman masakit.

Naging normal na ang ingay at naging sanay na ang lahat sa munti nilang panggagago.

Pero ikinukunsidera ko pa ding bumili ng Airsoft o di kaya ng paintball gun. Mas mainam kung airgun.

Pero dahil sa nagtitipid ako ngayon, sumpit muna at karayom na kinalawang na sa pagkakababad sa ihi ng daga ang gagamitin ko kapag minsang inatake ako ng kawalang-pasensya.

Happy schooling to you children.

Elongate...

September 24, 2008

Unreliable

Nakakalungkot para sa isang taong walang kapansanan ang pagdudahan ang kanyang kakayahan. Pagdudahan na tila ba mangmang ka sa mundo at walang alam para maging daan sa ikabubuhay mo. Kulang na lang hamakin ang pagkatao mo at sabihing hindi ka dapat mabuhay.

Para kang sinabihang hindi ka marunong huminga at kailangan mo ng respirator.

Pero hindi ba mas masakit sa kalooban kung sasabihan ka ng mahal mo sa buhay, ang mga bagay na alam nilang hindi mo kayang gawin.

Tulad ni Aling Maring. Nakita niya akong naglalabas ng hotdog mula sa freezer, at itinatanong ko kung nasaan ang tinapay.

Aling Maring: "Bakit mo inilalabas yang hotdog? Marunong ka bang magluto niyan?"
Ako: "... "

Kung sa normal na pamamahay magaganap ang ganitong klase ng pag-uusap, malamang naglayas na ako. Pero dahil pinalaki ako ng matino ni aling Maring, tatanggapin ko ng buong-tapang at buong lakas ng loob ang mga sinambit niyang kataga.

Ayun, tinawanan ko lang.

Elongate...

September 23, 2008

Ask For More

Minsan talaga eh hindi natin ugali ang magtanong.

Sabi dati sa eskwelahan eh dapat daw ay magtanong ng magtanong.

Tanda daw ito ng pagiging mausisa, at kung mausisa ka, meron kang taglay na isip ng isang magaling at matalinong tao.

Kaya lagi kang magtanong. Wag kang mahihiya at wag kang matatakot sa kung ano man ang dapat mong itanong.

Kagaya sa kaso ko.

Hindi ko tinanong kung kaninong tubig ang ininom ko.

Kasi minsan, baka lang naman ha, BAKA lang, as in maybe, sa pamangkin mo yung baso ng tubig at pinagbabaran ito ng kanyang toothbrush.

Tapos magtataka siya kung bakit nawala ang dapat sana'y itatapon niyang tubig sa lababo.

Kaya pala lasang strawberry yung tubig.

Flavored toothpaste.

Elongate...

September 22, 2008

Cleansing

"Hello Alex"

Nagising yung pamangkin ko. Malakas kasi ang ulan, nagulat.

Tapos pinapatulog ko ulit, ayaw na. Eh ayun, tinignan ko, umihi pala kaya di nakatulog.

Inalis ko na siya sa duyan niya para tanggalin ang kanyang shorts ng may madiskubre ako.

KIDDIE SHIT!!!

Oo, I've found shit in her shorts. Jumebs pala si Alex my niece. What a baby, tumatae pa sa duyan, sos.


Actually wala pa ata siyang 2 years old, kaya baby pa nga.

Gustong magpumiglas ng inner-conio ko kasi it's like yah know, it's tae pareh, it's like kadiri to the Nth power pare. Like, eeew, wag mong ita-touch yan pare baka you magka-sickness. Di ba you know, daming bacteria diyan like Anthrax and all, and one more, it's just kadiri the tae of your pamangkin no! Like yuck! Soooooobrang baho dude pare tsong!

Pero na-sustain naman ng totoong self ko ang aking conio self para yah know, mahugasan ang pamangkin ko.

Tangina, aratilis nga na nahuhulog sa bangketang dinaluyan ng langis at plema ng tao, nakakain ko. Yun pa kayang tae lang ng bata? Sus, this is just a walk in the park.

Dinala ko siya sa C.R. at hinugasan. Tapos naisip ko, *Shit, I can really get used to this! PWEDE NA AKONG MAGING BABY SITTER!!!!*

Oh yeah.

Matapos kong hugasan si pamangkin ng isang oras eh nagbalik na ako sa ginagawa ko. BUT WAIT! THERE'S MORE!

Amoy jebs pa ako. Di ko alam kung bakit pero amoy na amoy ko pa din ang distinct odor ng human excretion.

Sabi din ni Aling Maring "Amoy tae ka pa utoy, may tae ka pa sa katawan."

Mother knows best ika nga kaya hinanap ko ang last remaining patterns of shit sa katawan ko. Sa shorts, sa braso, sa hita, at sa paa.

Wala.

Inamoy ko ang kaliwang kamay ko, ang kamay na pinanghugas ko ng pwet. Malabong maging yun kasi sinabon ko yon.

Pag-amoy ko ng kanang kamay ko, bumulusok sa isipan ko ang realidad na ito ang amoy tae at nadikit pa sa ilong ko ang ilang piraso nito.

Napintasan pa tuloy ako ni Aling Maring na hindi ako marunong maghugas ng tumae.

Hinugasan ko na nga, ako pa ang mali. Walang pagmamalasakit sa pait at pighating dinanas ko ng nilunok ko lahat ng inner-conio ko at hinugasan ko ang pwet ni Alex.

Lesson of this story: Masarap ang Fita kapag umuulan.

Elongate...

Mirror Mirror

Alam mo yung Jay-Jay's sa may Ortigas? Sa may bandang Metrowalk? Ang C.R. nila ng lalake, may malaking salamin sa harap ng toilet. Sa sobrang laki, kita mo na ang etits mo kapag umiihi ka.

Ngayon, masasabi kong ayaw ko ng ganitong tipo ng salamin.

Bakit? Dahil may naiipa-realize siya sa akin.

Narealize ko sa salaming yon na bilang isang Pilipino, wala akong dapat ipagmalaki.

At ang narealize naman ni Chroneicon nung mga panahong matapos siyang umihi eh talagang sa performance lang daw talaga nadadaan.


Elongate...

September 18, 2008

Forces

Boss RJ, sana okay ka na diyan. Ibabalik ko na ang kalokohan ko't sana eh mapasaya kita sa kahit na paanong paraan na kaya ko.

= = = = = = =


Naisip ko, mali ata ang statement ng mga barakong bida sa lumang action films.

Kapag aktong sasaktan na sa kung anong paraan ang bidang babae, bigla nilang haharangin ang kontra-bida, let's say Paquito Diaz, at biglang hihirit sa garalgal na boses ng...

"Pre, ang babae, hindi sinasaktan yan. Minamahal."

O kaya sa ibang version...

"Pare, minamahal ang mga babae, hindi sinasaktan."

Aba, sige nga aber. Kung ako ang bida, ibang statement ang bibitawan ko.

"Pare, ang babae, hindi sinasaktan. Dapat, ibibigay mo ang buong pagkatao mo para sa kanya para mapaligaya siya. Dapat, hindi sa lahat ng oras ay dapat mong intindihin, bagkos magparaya ka at maging sensitibo sa nararamdaman nila. Matuto to kang magplano ng husto sa bawat galaw mo ukol sa kanila at iparamdam mong kasama sila sa plano mo at sa buhay mo. Ibigin mo sila ng buong-puso ng walang pagaalinlangan at iparamdam mo ng salitang ,quote-unquote, mahal kita at hindi basta sasabihin lang. Ipagtimpla mo siya ng gatas kung gusto niya. Samahan mo siyang manood ng chick flicks. Tulungan mo siyang maglaba. Titigan mo ang mga mata niya at sabihin mong hinding-hindi ka mambababae kahit niyayaya ka nang makipagkantutan ng boss mong sobrang modelo ang hubog. At higit sa lahat..."

*BANG*

The End.


Pero kasi, tignan mo Mr. mamang bida ng pelikula. Gaano ka ba karomantiko at kaperpekto magmahal para masabi mo yan? Eh kita mo nga, ginulpi mo lahat ng mga nambabastos dun sa dalagang si Vina Morales.

Gaano ngayon kame kagarantisado na hindi mo pagbubuhatan ng kamay ang leading lady mo outside the camera eh samantalang may tendencies of violence ka?

Saka ambilis mo naman, mahal na agad. Para kang kabataan, ambilis magmahal. Di na dumaan sa pagkakaibigan. Di dumaan sa ligawan, sa mansinsinang usap, at sa pag-aalay ng birhen. Mahal na agad. Sus, bola. Ang mga lalakeng bida talaga, machismo effect. Tapos pagdating ng panahon, kakandidato ka ng pagkapresidente, senador, mayor, kagawad, embalsamador, at kuntador?

Sus, pure faggotry.

Sa palagay mo ba hindi masasaktan ang leading lady mo sa pagmamahal? Yan ang hirap sayo, gusto mo lang magmahal. Hindi ka naman nag-isip kung mahal ka bang talaga nung babae o nagalingan lang siya sa pagpompiyang mo dun sa stuntman na magaling sa balisong. O kaya eh baka gusto ka lang niya kaya ginusto mo na din kahit alam mo naman mismo sa sarili mo na walang magkakagusto sayong babae kasi wala kang trabaho at tambay lang sa kanto.

Hay nako nga naman. Walang modo, at walang saysay. Puro panghihinayang lang ang lahat, kaya nga ba naiinis ako dun sa pusang pagala-gala sa bahay namen eh. Parang tanga lang siya. Halos dito na nakatira, ayaw pang pormal na manilbihan sa amin. Eh impressed na impressed na impressed na nga yung nanay ko sa pagkokontrol niya ng daga sa bahay, ayaw pang mamasukan ng pormal. Maganda naman ang oper namin dahil mahina kumain ng baon ang mga pamangkin ko kaya napakarami ng tirang pagkain na sa kanya lang mapupunta.

Tapos tuwing uulan eh meron pa siyang magandang higaan dito sa ibabaw ng tiyan ko at kung gusto niya din eh ipagtitimpla ko pa siya ng gatas.

Matagal na ding pagala-gala sa bubong ng kapit-bahay namin itong pusang ito eh. Halos nasubaybayan ko na kung paano siya nabuhay sa alulod ng kapitbahay namin dahil katapat ng kwarto ng ate ko ang pwesto nila.

Dun na din siya tinira nung mga pusang-gala, dun mismo sa ikalawang yero ng bubong ng kapitbahay namin. Maingat ko pa silang pinagmamasdan nun at pinipigilan kong wag labasan sa nakikita ko kasi baka mabulabog sila, mabitin pa. At least ako nakatapos sa tulong nila, ayaw ko naman silang abalahin.

Nakita ko din kung paano niya pinalaki ang mga anak niya dun sa alulod. Dalawang kuting yun. Hindi ko na nga lang nalaman kung sang bubong nadestino yung anak niyang dalawa. Dun ata sa bubong nila Aling Ima, o dun kila ninong.

Tapos eto nga't nakikita ko pang minsang inaaway siya nung ibang ligaw na pusang tulad niya din. Hindi ko alam kung anak biya ba yung mga yun at gusto nila ng sex galing sa kanya pero kayang-kaya naming siyang protektahan mula sa pang-aabuso ng ibang pusa.

Eh kaso siya ang may ayaw. Tuwing tatawagin ko, tumatakbo. Kaya pinangalanan kong Brand. Sa tagalog, Tatak. Tatakbuhin.

Marahan naman ang approach ko sa kanya eh, wala nga lang akong hawak na ulo ng isda o ng isang tasang gatas.

Sana kung may blog man yung pusang yun, mabasa niya to at makapag-isip man lang kahit saglit para sa offer ko.

xoxo sayo pussy cat.

Elongate...

September 14, 2008

Prayers for RJ's Family

Pause muna po sa mga kalokohan.

It's a sad and tragic news that was told by boss Gasoline Dude about boss RJ Tejada of ardyeytejada.blogspot.com

I actually don't know what to say about what happened, it's just so hard for me to think about how emotional this event is and so I guess I just want to ask you guys just a little prayer for his family.

He just lost a very precious part of his life. It's a very tough event for boss RJ right now and I hope we can give him our good words and prayers.

I hope his wife's condition will be fine and everything will be okay for them

Please give a even just a little prayer for the safety of bossing RJ Tejada's wife and for his twins as well.

God bless boss RJ. My prayers are with you and your family.


UPDATE:

Nagpost na si Boss RJ ng kanyang kwento sa blog niya.

Ipagpatuloy po natin ang pagdarasal sa kanilang pamilya at lalo na sa kanyang mga anghel.

Nawa'y maging okay na ang lahat.

Elongate...