Sunrise
Pulubi: Manong, pwedeng makahingi ng pagkain?
Ako: (Tangina manong na pala ang looks ko ngayon) Ay wala na po akong tira-tira, eto na lang ulam ko. Meatballs po ito.
Pulubi: *Umismid at sumimangot* Ay, wala bang kanin?
Ako: (Tangina, choosy tong pulubi amputa) Ayaw niyo to? Karne to, meatballs. Walang kanin dito na libre, binibili ang kanin dito...
Hindi naman ako ang tipo ng tao na tumatalakay ng mga pampublikong usapin pero gusto ko lang magkomento sa kakulangan ng bigas kasi wala na akong makain!
Joke lang.
Masuwerte naman ako dahil isa ako sa mga pamilya na nabiyayaan pang makakain ng bigas na nagkakahalaga ng mahigit sa P30.00+ ang kilo. Hindi ko nararamdaman na nagkukulang ang Pilipinas sa bigas dahil meron kameng taniman sa mga paso namen sa taas ng bubong. Kanya-kanya ang tanim at kanya-kanyang gapas at saing. Mahirap lang sa anihan kaya dapat rotation ang pagtatanim. Medyo maanghit lang minsan kasi tinataihan ng pusa yung paso.
Pero joke lang. Puta, ang hirap naman ng buhay kung ganun. I am so happy na meron tayong mga bayaning mga magsasaka na tila ba naka-hiatus ata dahil nauubusan daw tayo ng bigas. Mahal ko kayo farmers kaya wag kayong manghihina at panghihinaan ng loob.
Pero seryoso, swerte ako dahil ang pinakamalaking baunan ko pa din eh nakalaan sa kanin. Di ko alam kung sinasadya ni inay na damihan ang kanin para tabunan ang kakarampot kong ulam na parang dice lang ang laki. Pero madami talaga ang kanin ko, kaya lalo ako tumataba. Naisip ko na lang din kung di ba pumalakpak ang tenga ng mga tao na nagdi-diyeta dahil may kakulangan sa bigas at di na sila mahihirapan pang maghanap ng rason para hindi kumain.
Grabehan. Dati nasa 20 pesos lang ang kilo ng bigas na binibili ko at masakit na ang braso ko ng pagbubuhat sa halagang 100. Ngayon eh parang hindi na ako magtataka kung maging sinliit na lang ng supot ng tatlong kutsarang ulam ang iabot saken ng tindero sa halagang 100 na bigas.
Nakakalungkot lang para sa akin na maisip na nagkakaubusan ng bigas dito. Kasi naman eh ang bigas ay nagsilbi nang simbolo ng kulturang Pilipino. Nagising na ako na kanin ang kinakain ng mga Pinoy. Kaiba sa mga Amerikano at Europeans na tinapay, mais, burgers, at laman-loob naman sa mga aswang. At pati na din sa mga Asians kasi meron tayong sariling breed ng palay tulad ng Dinorado, Wagwag, Sinandomeng, NFA at Tutong.
Yung tutong na uri ng bigas nakakapagtaka kasi minsan lang ako makakain at kadalasan pa kapag yung ate ko ang nagluluto. Rare specie pala siya ng bigas.
Yung Dinorado at Sinandomeng, eh feeling ko dalawang lahi sila ng mga magsasaka na Pioneer sa pagtatanim at pag-ani ng mga palay kaya in honor to their clans, sa kanila naipangalan. Kung nasan man ang mga anak na babae ng mga clans na ito eh malamang sa kanila nanggaling ang istilo ng mga lalaki na mag-iwan ng palay sa keps ng mga asawa nila at kapag naging bigas daw ito habang sila ay wala ibig sabihin ay may bumayo sa asawa nila.
Sa tingin ko mas mainam kung pulbura na lang ng paputok ang ilalagay nila sa keps ng asawa nila habang wala sila para sa sobrang friction nun eh maglikha ng spark para mapasabog ang mga putanginang ahas na nakiapid sa asawa nila.
Sabi ko nga nakakalungkot at nabalitaan ko pang nag-aangkat tayo ng American at Vietnamese rice.
Naisip ko kasi na kapag sinabi mong nag-angkat ang Pinas ng bigas [wow rhymers!] eh parang sinabi mo na din na nag-angkat ang Saudi ng langis mula manufacturers ng baby oils, tapos nanood at nilabasan sa African Porn ang mga Japanese, tapos nagpatayo ang Egypt ng pyramide gamit ang buhangin mula sa Antarctica, tapos tinalo ng Resiklo si Optimus Prime, tapos nasarapan yung mga French bakers sa pandesal, tapos nanood ng Dyesebel ang mga Koreans tapos natakot sa Shake Rattle and Roll Nth Edition si Sadako.
Walang feeling ng pagiging Pinoy kung ibang bigas ang isasaing namin. Kung di rin lang dito galing ang bigas, wag na lang magkanin.
Pero binabawi ko na yun. Mahirap na baka mabasa ito ni Gloria, i-ban pa ang pamilya namen sa pagkain ng kanin. Alam mo naman si Gloria, masyadong makapangyarihan.
Sa totoo lang hindi ko alam ang tunay na sanhi ng kakulangan ng bigas pero nalulungkot akong malaman na bigas na pala ng America at Vietnam ang kakainin natin sa mga susunod na buwan. Di ko feel ang kumain ng bigas na di pinaghirapan ng kapwa ko Pilipino pero dahil mas mahalaga ang gutom sa patriotism eh putangina, lafang lang nang lafang kahit bigas pa ng Neptune yan o Mars.
Pero para saan pang magkaroon tayo ng Bocaue Rice Terraces? *Tama ba?*
Banaue. Banaue ang ibig kong sabihin. Carol Banaue.
So para saan pang magkaroon tayo nito kung kukulangin din lang tayo. Ano ba yung Banaue? Pang display lang ba yun? Hindi ba tayo pwedeng umani ng bigas dun? Uunahin mo pa ba ang pagiging aesthetically wonderful mo sa pagiging tag-gutom ng Pinas? Wonder of the World daw ang Banawe Rice Terraces kaya pinapanatili itong preserved at posturang-postura para sa foreigners na nakikikain din ng bigas dito. Saka yung rice bowl ng Pilipinas sa Gitnang Luzon? Anong nangyare dun? Nabasag na?
Tila ba nagsawa na ang mga magsasaka sa awiting "Magtanim ay di biro" at sineryoso na talaga nila ito't na-realize nila na di talaga biro ang magtanim ngayon. Masakit sa likod, delikado sa balat, at madumi sa kuko.
Nakakalungkot isipin na baka sa future, mag-aangkat na talaga tayo ng bigas dahil wala nang gustong magtanim. Naalala ko tuloy yung sinabi ng isa sa mga idol kong si Santong Busabos sa kwento niyang De Lata at naisip ko ang tungkol sa kinabukasan ng rice-planting industry. Hindi na daw nagtatanim ang mga magsasaka dahil natuto na sila ng Ingles at telemarketing kaya naman nagaasikaso na lang sila ng calls galing sa iba't-ibang bansa kung papaano magtanim ng masarap na bigas.
Di na siguro ako magtataka kung maging call center agents na ang magsasaka at call center na ang IRRI.
Kung ano nga ba naman ang tunay na dahilan ng pagkakulang ng bigas, di ko alam. Gusto ko sanang hingin ang opinyon ng mga CSI Las Vegas, Miami, at New York, Imbestigador at Tulfo Twins eh mukhang mas uunahin ko na lang magtrabaho para may maipambili ako ng bigas. Wala din naman akong magagawa kung nagkakaubusan ng bigas.
Hindi na ako kukuha ng sobra pa sa kaya kong ubusin at sisiguraduhin kong clean plate ako kada kakain para naman makiramay sa kakulangan ng bigas. Ayoko kasing dumating sa punto na mamimiss ko ang kanin di dahil sa nasa ibang bansa ako pero dahil wala na talaga tayong mabili.
16 Winners:
ako una. hihi.
oo nga naman. ako din maswerte. may bigas din kami at may mga tinapay pa na balitang 2.50 na daw ang pandesal. di pa ako lumalabas ng bahay, 4 na araw na. haha.
Yung Dinurado. nakakagago yung pangalan. iniisip ko tuloy habang nagtatanim sila eh dinuduraan nila tipong basbas. hehe.
yang rice terraces na yan... di ko pa nakikita yan. haha. pasikat din ang mga pinoy eh. hayz...
gusto mo ba ng lugaw? ako kasi gusto ko yun. hihi.
ahaha...ang IRRI magiging call center...ayus yon...tapos si kwame akuffo-akoto na director nila gagawin na lang ding agent...ahahah..kasama ng mga tao sa HR...
napadpad dito dahil sa post ni FB. ayos ang blog mo pare!
nakitambay lang.
PB, kaylangan mo ng lumabas ng bahay, baka sakaling magbalik sa mura ang presyo ng bigas kapag natuklasan nila ang kagandahan mo! Medyo malapit nga sa dinuduraan yung Dinorado. Okay na yun kesa sa Dinorahan. Okay saken ang lugaw, mahilig ako dun.
Peyt! Ahaha, sino ba yun? Boss ba yun dun? Siya na ngayon ang TL nun sa IRRI pag naging call center yun.
salamat sa pagdalaw.add kita pare?
mas type nalang kasi ng mga ifugao at igorot na magpose ng labas pwet with feathers on their head (rhymers) para sakanilang mga hey joe.
tag tuyo din daw. pero pag tag ulan umaapaw ang tubig sa dam. potah.
bakit hindi ko naisip na magtanim ng palay sa paso, kanya kanyang gapas, at kanya kanyang ani...
ako na rin ang magtatanggal ng balat ng palay sa bigas, iisa isahin ko yon..
iba ka talaga MJ...
:)
dahil may bigas pa kame eh pakiramdam ko eh milyonaryo na ko. Maswerte ako't nakakakain pa ako ng bigas di tulad nung mga kapwa naten naghihikahos sa buhay..
Yung lolo ko galit na galit sakin pag di ko inuubos yung kain sa plato ko kase nung nakikibaka daw sya laban sa hapon eh pahirapan makakain ng bigas.
Nagpunta siguro ng Vietnam at America ang mga farmers naten. Balita ko nga rin eh nag aangat ng Filipino Farmers ang mga Japanese.. Kaya siguro naubusan na tayo ng bigas kase mangilan ngilan na lang ang magsasaka. Baka kelangan na rin silang isama sa Listahan ng Endagered Species ng WFF..
san naman kaya nagtatanim ng bigas ang mga amerikano. ang alam ko galing din sa vietnam yung mga binibili naming bigas.
rawr, ang dami mong alam tungkol sa bigas. bigas.
haha, at talagang nakalink si gma sa results ng 'liar' search. tulfo brothers yata pare. walang kambal na tulfo sa pagkakaalam ko. plis korek me if aym misteyken
anak ng! ako ung nanghingi sayo ng kanin sa intramuros!
pero dabest ang carol banaue mo hehe..
siguro masaya ang nakararami dahil hindi na kami kumakain ng kanin dito sa bahay kaya ang share namin ay mapupunta nalang sa iba hehehe joke lng... pero totoo... d ako mxado kumakain ng kanin... kapag may duty lang kasi kelangang maging hyper. anyway... thanks for at least decreasing the seriousness of this issue... kasi pinatawa mo naman ako kahit seryosohan toh...
naman ung pulubi e... hehehhee... may ganyan dn sakin before... gusto nga na dagdagan ko pa e... huhuhu
niwei... d naman ako maramot kaya dinagdagan ko nalang basta wag lng pera dahil may hawak na siyang bote sa tabi e... papabottomless ata siya ng fave ragbee nia... (oo ganyan spelling ko para sosyal naman... haha!anong sosyal dun!? hahah!) anyway... aun... kaya tama yan...
seryosohin ang bigas.wag magtapon.si frodo kasi e...
darating din ang araw na sunflower seeds nalang ang kakainin ng mga pinoy..social di ba? tapos lagyan ng green peas at corn...deretso sa banyo kasi na LBM.lols.
Mabuti ngang mag call center nalang ang IRRI..technical support for rice..tapos tatawag sa inyo...my rice wont turn on!pak!ang corny ko.
ang bocaue rice terraces gigibain na daw...gagawing extension ng edsa.
Kurisujae, it's all good my friend. Add lang nang add.
Miss Vera, nakakalungkot isipin pero totoo yun. Ang mahal ng singil nila lalo't di sila naligo at nakabahag lang. Sala sa init, sala sa lamig ang kalamidad natin.
RB, dahil lang yan sa Enervon overdose kaya ko naisip yun. More energy, mas hyper.
Ang yaman mo FB. Pakanin ka naman! Rice! rice! rice! Swerte talaga tayo dahil mas marami pa ang nakakain kong tutong kesa sa mga kababayan nating hirap. Hindi na din ako magtataka kung ang mga magsasaka naten eh makita natin sa mga Legendary Filipino Personalities.
Procky, imported din ang bigas ninyo? Di naman kasi makakakanin ang mga Kano. Ewan ko kung ano ang kanin nila dyan. Hindi naman marami, tamang sakto lang.
Boss Chroneicon, kapag nagsearch ka ng term na "sinungaling" tapos nagclick ka ng I'm Feeling Lucky sa Google, yung site niya ang lalabas. Saka Tulfo Twins ang tawag ko kasi magkakamukha talaga. Dapat ng Tulfo Triplets eh.
Hindi kita nakilala Boss LV, ikaw pala yon. Kaya pala What Went Wrong ang sigaw niya nung di ko siya nabigyan, ahaha. Carol Banaue For President!!!
Steph! Haaay, grabe. Salamat sa hindi mo pagkain ng maraming kanin. Nagpapasalamat ako in behalf of the rice-hoarders society, haha. At wag ka na nga palang matakot sa pulubi, walang kwenta yun. Sinabihan ko na silang layuan ka, donut worry. Welcome sa tawa, at salamat sa komento. Cheers. Si Gabby ang sisihin mo at wag si Frodo.
Boss Maldito, gusto ko eh yung binalatan na ng mga tagapagbalat para di na tayo mahirapan. Ang bagong trabaho na ngayon ng mga magsasaka eh ang magbalat ng sunflower at pakwan at squash seeds. Saka nga pala yung mga call center agents na magsasaka eh mag-aaral na din magbreed ng magandang klaseng kape para sila na din ang magtatayo ng sarili nilang Starbucks. Kung gagawin mang extension ng EDSA yun, mahihirapan ang mga motorista kasi maputik dun eh, baka magtrapik.
nyahahaha..talaga namang ang gloria=liar...
Haha, oo Lyzius. Auto-generate ata yun. Kusang nagkaka-link kapag nalaman na si Gloria M ang tinutukoy ko.
Post a Comment