OfficeChronicles: Almost Gone
Narito pa rin ako at giniginaw sa erkondisyon sa bagong puwesto ko dito sa opisina. At hindi ito ang silya ng presidente. Napalipat lang kame ng posisyon mula dun sa pwesto kong katapat ang sinag ng araw at katitigan ang mga ulap.
- Nakikikain pa din ako ng libreng supplies sa umaga - Munchkins o di kaya eh flavored pandesal.
- Tumatae kada umaga sa toilet ng opisina gamit ang bidet at malambot na tissue paper.
- Nagnanakaw ng paper napkin at ginagawang panyo.
- Umiinom ng libreng Milo at kape.
- Nagba-blog ng walang katuturang bagay gaya ng Office Chronicles.
- At ngayong may Friendster Account na din ako, nagpe-Friendster na din ako.
- Nakikipagdaldalan sa mga kaopisina ng mga "hot issue" sa paligid ng opisina gaya ng kung sino na ba ang mag-UN.
- Nagbababad sa pakikinig ng mp3 at talaga namang nakatodo sa volume. Nakakatulong sa pagpapatay-malisya sa nagri-ring na telepono.
- Nagpapakinis pa din ako ng balat at nagpapataba ng tiyan dahil sa kakulangan ng eksersays at yuppie lifestyle. Ang makinis na balat ay may kaakibat na altapresyon.
- At siyempre, pasilay-silay pa din kay Jerome.
Aba'y akalain mong naawa sila sa akin! Ahaha, mga putangina, andali nilang utuin. Konting uhog lang at pawis at luhang inihilamos ko sa mukha kong mala-Kristo eh pumayag nang wag akong tanggalin.
Sino ba naman ang hindi maaawa kung naglulupasay ka na sa harap na parang bulateng pinapapak ng langgam.
Pero siyempre joke lang yun kasi kung gagawin ko yun eh makakatikim ako ng malalaking braso at kamao ni Manong Guard na parang nag-training pa ata sa Mount Olympus sa laki ng katawan.
Ang mga hitad na yun, so gullibleness! Haha, mga mababait na nilalang! Salamat!
Pero dahil alam na marahil ng SYSADMIN ang website na ito eh binabawi ko ang sinabi ko. Joke lang po yun Sir Aries at Sir Edgar, hehe, peace be with all of you po, maging kila ma'am at sir bossing natin sa management.
I REPEAT - BINABAWI KO ANG SINABI KONG STATEMENT NA NASA ITAAS, SO HELF ME OR NOT. SERIOUSLY, I AM NOT SERIOUS WHEN I JOKINGLY JOKED ABOUT THAT STATEMENT.
Ah oo, tama kayo.
Kaya sa mga nakakaisip makipagmeet-up at magpalibre (ng SIMPLE LANG, PAKSIYET!) eh abot pa kayo.
Well, first of all, HINDI KO ALAM KUNG ANO ANG ZTE DEAL NA YAN!!!
Puta, malay ko ba kung sino yang si Jun "J-Lo" Lozada na yan ha?
At anong kurapsyon ang sinasa...
*Ah, ehem. Ano ulit? Ha? Sa trabaho lang? Ay, ay sorry maling script itong natanggap ko, haha. Sorry naman!*
Ayun, ano nga ba ang nangyare mula nung bumagsak ako sa exam?
Wala naman, nadeploy pa din ako sa isang team at nabigyan ng project na sa kung saan eh ginamit ko ang 80% ng oras ko sa pagba-blog at 20% naman sa pag-aaral nung pinagagawang sistema at pag-aaral ng mga dapat aralin. Kumbaga eh 1 hour dedicated sa project at 7 fucking hours naman para sa kabulastugan at katamaran.
Kumbaga ginagawa ko lang wallpaper ang mga review materials para pang-cover up sa mga ginagawa ko. Parang MacGyver lang na naguumapaw sa pagiging maparaan.
Oh diba, ang galing kong empleyado! Puta, sino ba naman ang di magha-hire saken nito, kita mo naman 20 percent efficient working skills! Tangina, palagay ko manager agad ako pagpasok ko sa susunod na kumpanya eh. Kaya yung mga may alam ng kumpanya na nagha-hire ng mga bum at slackers, paki-inform lang ako.
"Bum you want? Bum you get!"
Wala namang gaanong naganap sa oras matapos ang exam. Ganun pa din ang buhay, at ganun pa din ang takbo ng utak ko, puro pa din kalokohan. Pure loserrificness, puro ka-emo-han at paglalandi.
Sequence pa din ang buhay ko:
(In Particular Order)
Gising
Ligo
Kain
Travel
Log In
Trabaho
Tambay
Chat
Blog
Kain
Trabaho
Tambay
Tambay
Chat
Chat
Blog
Blog
Log Out
Travel
Chat
Kain
Chat
Chat-Tulog
Aba naman, puta, nakatapos kaya kame ng project. Akala mo ha?! WALA KANG TIWALA SAKIN YOU SHIT? Marunong din akong magtrabaho oy! Natapos na nga ng maaga eh.
Yun nga lang eh si boss ang gumawa nung part ko at medyo nagpalit-palit lang ako ng ilang characters at logic sa code eh patok na! May ginawa na ako. Ganun lang kasimple ang istilo sa trabaho eh.
Blackmail = your boss works for you.
Sheesh, simple as wantuten eh.
Pero kasi part ng tangang trabahador ang ginampanan ko eh, kaya naman naawa na talaga ng husto si boss Team Lead kaya kahit alam kong inis na inis siya sa akin eh patuloy pa din ang tulong niya saken.
BASH YOUR BOSS = Work well done Mr. Juancho.
Simpleng-simpleng trabaho.
At ano naman ang susunod na hakbang?
Heto, pinadagdagan ng isa pang buwan ang aming pagtatagal dito sa masarap na kumpanyang ito. Para daw makapaghanda sa pag-ulit nung PAGSUSULIT na kinakailangan upang maging lehitimo kang manggagawa ng kanilang opisina.
Hindi pa ba sapat ang angkin kong talino at kahusayan sa pagba-blog at kailangan pa nilang mapatunayan ang galing ko sa pamamagitan nung pagsusulit na yon? Aye carumba namang mga boss ito, mga talandi. Dapat daw kasi eh "certified" ang mga manggagawa para mas pakyawin ng mga taga ibayong-dagat ang kanilang serbisyo. Teh shitnezz, ang laking requirement nun.
Bahala sila. Wala na akong pera. Mahihirapan na akong kumuhang muli nung pagsusulit na nabanggit.
Eh ano na ba ang susunod na yugto?
Wala. Mawawalan na ako ng trabaho, at opisyal na ito. Wala nang extension na parang buhok ng mga bakla.
Pero hindi naman porke wala na akong trabaho, wala nang Office Chronicles. Wag kayong mangamba, marami pa akong maisasalaysay na salaysayin dito tungkol sa mga kabulastugan ko sa opisina.
At ang kapal naman ng mukha kong magsabi na huwag mag-alala kung mawala ang Office Chronicles. Para namang may tulong ito sa buhay natin diba? Hala, sige, trabaho muna ako for 40 minutes tapos blogger mode the whole day.
In one month time, I will be fired.
Amazing!
Sige, maghahanap muna ako ng lilipatan. Salamat!
12 Winners:
mariano, congrats in one month ur fired!! hahaha. biro lang. bakit ikaw ba ang magbabayad ng examination fee? hindi ba expenditure ng company??? hehehe. adik pala eh!!!
sayang naman ang trabaho mo??
hanap ka na lng ulit. :)
kung mafire ka.hehehe..
nyahhaha. puro ako tawa mukha akong gago hehehe :)
bakit parang
ang dami mong nasabi
pero wala akong naintindihan?
joke.
:)
pero hindi talaga e
:|
congrats nalagapasan mo yung 20%!!
hay buhay.. makakahanap ka pa naman siguro ng ibang trabaho parang babae lang yan eh kung ayaw na nya sayo maghanap ka na lang ng bago..
Gudlak sa paghahanap ng bagong trabaho prang mariano! :D
NO COMMENT = 50%
public static void main(java.lang.String[] arghhs)
throws a round of applause java.lang.InterruptedException
Money interrupt, Money interrupt
Emo mode..
Error on string
No strings attatched
sad... hindi ba bad rep kung ma-fire ka?
basta, good luck sa job hunt. sana yung next na mahanap mong job pwede pa din mag-ym. ahaha! apir!
2008 na. parang awa mo na.
hahahahahaa..ano ba yan mariano.. pasaway.. failed ka! hahahaa!
congratulations kasi may friendster ka na! weeeeee
jerome? akala ko ba joseph?
*tumingin ng may wirdong titig* Tanginang to ah...
HAHAHA. taena. nakakalahit ka naman ng 50% ah! ahaha. sumakit ulo ko sayo. Hehehe.
.noime.
Boss Popoy, hehe, salamat sa congrats mo. Parang ayokong matuwa dun sa congrats na yun eh. Haha. Kaya kame ang magbabayad kasi sinagot na nila yung dun sa unang take ng exam. Kaya ngayon kame naman daw. Sayang talaga pero malawak naman ang karagatan at marami pang coral reef ang pwede kong puntahan.
Xienah, madami akong nasabi talaga at kaya naman wala kang naintindihan dahil malapit na ang birthday mo at malamang kinakabahan ka.
FerBert, salamat! Haha, lampas talaga ako sa 20%!!! Sana nga makahanap ako ng matino-tino at magpapatino sa akin. Salamat! Sa susunod siguro mas maayos na ang style ko.
Idol, pwede ka na din palang mag-exam. Henyo code na ang naisusulat mo dito eh. Ikaw na lang ang pumalit sa pwesto ko no? No strings attached ang tema ko nito, haha. Kung ano man ang ibig sabihin nito.
Procky, di naman bad rep. May ganun talagang conditions sa corporate world. Dapat lang mapaniwala ko ang sunod na kumpanya na katiwa-tiwala talaga ako.
Anne, 3 months nang 2008 no? Oo nga eh, konting oras na lang maaawa na ako sa dapat kong kaawaan.
Mia, failed talaga! Eh ano naman? Nyeknyek mo, haha. Enge akong comments sa Friendster!
KDR, Jerome ang original dito sa opis. Walang Joseph dito eh.
Noime, *wirdong titig* ANGAS MO AH! 25 percent yan oy! Kala mo! Haha, per bagsak pa din!
wehehe..natawa ako rito. naalala ko kasi ung mg araw na naghihintay ka sa exam mo..ung super excited ka.
tapos kming mga nasa YM nag effort ring kulitin ka mag-aral..ahaha..pero mariano is mariano..tsk tsk..anyway nakakatuwa ka pa rin.. sa sunod gusto ko 26% na..ok??..ahaha..
oi mariano salamat talaga pinaunlakan mo ang request ko. hahahaha
Post a Comment