March 17, 2008

Taribyot

March 17 ngayong araw na ito.

Lunes. Ano ba ang meron?

Wala naman. Sabi ng nanay ko eh araw daw itong kamatayan ni Ramon Magsaysay, ang namatay sa pagkabangga ng eroplano sa Mt. Manunggal sa Cebu. Dating presidente ng Pilipinas na pang-ewan sa bilang. Talk about good history knowledge.

Madami daw kinalaman ang letter M sa aksidente.

Mount Manunggal
Magsaysay
March
Cebu
Nakaligtas - Nestor Mata
naMatay
Mabangga sa Mundok

Ayun, wala lang.

Naisip ko lang na di naman sineselebreyt ang kamatayan niya kahit na madami siyang naidulot sa bayan natin gaya ng mga bagay na makikita mo kapag hinanap mo ito sa Google.

Tulad na lang ng Linggo ng Wika. Hindi ba't napakamakasaysayang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinong kasaysayan na makapagtaguyod ng isang linggo na nakalaan lamang para sa Wika?

Oo, tama nga naman. Mabuhay si Manuel Quezon. Hindi literally ha?

Ayun, naisip ko lamang na magbigay ng kaunting papugay sa isa sa mga butihing pangulo ng ating bansa.

Kaya naman naisuot ko ang damit na ito...

mambo pose number 1
mambo pose number 2
mambo pose number 3
mambo pose number 4
mambo number 5


Sa kung anong dahilan kung bakit Mambo Magsaysay ang pangalan ng shirt, hindi ko matutukoy.

Siguro tagline ng campaign niya habang nagma-Mambo sa stage tuwing may presscon.

Siguro yun ang naisigaw niya nung malapit nang bumagsak ang eroplano.

Siguro palayaw niya. Mambo = Ramon. Napakalapit.

Anyway, mga usapan tungkol sa araw na ito:

Ateng tindera ng load: Ayos ang t-shirt mo sir ah. Bagay na bagay ngayong araw na'to. Death anniversary ni Magsaysay.

Ako: Oo nga ate eh. Kaya ng isinuot ko eh.

ATNG: Oo sige, gwapo ka nga dyan eh.

Ako: TALAGA ATE??? SIGE! ILAHAT MO NA YANG 20 PESOS SA LOAD! IMBES NA SANA KINSE, BENTE NA AGAD!!! WOHOO!

ATNG: *tumingin ng may wirdong titig* Tanginang to ah...


Sa opis naman:

HR Officer: Aba, ang ganda ng shirt mo ah. Kilala mo ba yan?
Ako: Opo naman ma'am. Bagay nga po ngayong araw kasi death anniversary ni Magsaysay.
HR Officer: Aaah, ah talaga? Kaya naman pala. O sige, sex na tayo?
Ako: Ah, sige po ma'am.
HR Officer: WOOHOO! OH YEAH!!!
Ako: *tumitingin ng may wirdong expression sa mukha* Tanginang to ah

Sana naging halagang bente na din lang sana yung t-shirt.

21 Winners:

Anonymous said...

BWAHHAHAHAHA!!

ang kulet ng t-shirt. ang kulet ni manuel quezon, nasa pera dn ba si magsaysay? bagsak ako dati sa SiBIKa eh. ahahah!!

astig ng hr officer agresibo.

Anonymous said...

Procky! Makulit talaga ang mga presidenteng yan. Lalo na yung nakaupo ngayon, makulit din.

Di naman sila ganoon ka-agresibo pero parang ganun na din, haha.

Anonymous said...

ganda ng shirt ah! gift mo ba sakin yan? heheheh.

PoPoY said...

mariano ang lupet mo talaga. la lang malupet ka lang hehehe :) if i were u ipaparegister ko yung **tumitingin ng may wirdong expression sa mukha* Tanginang to ah* na expression mo hehehe :) kakatuwa :)

Anonymous said...

Patok ito! walang kadudaduda...

Teka... pinagdududahan ko nanamang muli ang pagdududa ko.

Mariano said...

Birthday mo ba Ced? Ewan ko kung kasya sayo eh. Masikip kasi sa akin.

San ko ba pwedeng iparegister ito boss Popoy? Haha. Gagawan ko na nga ng signature eh. Simple pero wirdo talaga. Salamat sa pagkomento!

Idol, patok ba? Wag ka nang magduda at wag mo nang pagdudahan ang pagdududa mo sa pinagdududahan mo kasi baka magkadudahan lang tayo niyan.

Anonymous said...

wow! beerbelly..
mariano! welkam to the club..
ang samahan ng mga gwapong
malalaki ang T......





















































tyan...

hahahaha..

:D

Anonymous said...

maganda yung shirt.
gusto ko yung mg aganyan e
:)

tanginang boss yan

Anonymous said...

parang spot the difference ung pix ah.. flooding na pix!..ung last na shot agaw pansin ah...wehehe...

Anonymous said...

Hoy FB, nakita mo pa yung tiyan ko? Haha, putek ang hirap ngang mag hold ng hininga pero nakita mo pa din? Taena, astig ka naman, haha. Salamat sa pagwelcome!

Xienah oy, Ninoy naman yung sunod. Maganda yung mga kakaibang shirt eh. Tangina talagang Boss yun, haha.

Nakita mo ba ang difference Aleli? Ahaha. Agaw pansin ba? Pano mo naman nasabi? Haha.

Anonymous said...

oo mariano..alam ko na ung diffrence..dahil dun sa agaw pansin..gusto mo ba tlaga sabihin ko pa??.. wag na.. napansin rin naman ni FB..wag na natin ulitin..wehehe...

Mariano said...

Putek yan Lunes, haha, yun lang naman pala yun eh! Sus! Ahaha, wala namang kakaiba diyan.

Di lang beer belly yan, tuna belly, pork belly, beef belly, vegetable belly, lahat na.

Anonymous said...

inom ka kasi ng inom. magexercise ka nga. kaya ka HB wala kang ginawa kung hindi kumain, mag-internet, uminom at matulog. sos. mas maaga ka pa mamamatay kesa sa kin.

Mariano said...

Haha, Doc naman, masyado mo naman akong tinatakot. Sabagay totoo nga naman lahat ng sinabi mo eh. Diba maganda naman ang tulog sa katawan? Minsan naman sakto lang yun para sa akin. Madalas nga akong makatulog at tulugan ang mga kausap ko eh, haha. Nage-exercise naman din ako, palakad-lakad sa gabi habang naghahanap ng kasagutan sa misteryo ng sarili kong buhay.

Dramatic.

Meryl Ann Dulce said...

Hello Mariano. Hello beer belly! Haha.

Tanginang 'to ah!

PoPoY said...

mariano : try mo sa national archives o kaya sa national museum o kaya sa national printing office o kaya sa national bookstore hehehe. sa NATIONAL LIBRARY YATA pede eh. hehehe. asteeggg!!!!

Leyn ♥ said...

alam mo bang may jingle song yang si magsaysay. try ko i recall, kantahin ko pag nagkita tayo. hahahaha.

taenang HR officer yan... dream on pareh!

Anonymous said...

*tumingin ng may wirdong titig* Tanginang to ah...





.noime.

Dakilang Tambay said...

ang laki ng tiyan mo. tulog ka kasi ng tuloG! haha

Anonymous said...

Meryl! Haha, yabang mo, pag yan naging muscle baka maglaway kayo! Haha.

Popoy, ayoko dun sa National Library, masyadong mahal ang pamember para sa mga libro! PIPTI PESOS! Asar.

Leyn, meron ba talaga? Sige nga, hanapin mo nga. Baka naman galing pa sa hukay yan ha, eh di na natin maiintindihan yan.

*Wirdong titig for 1 hour* Aray, sakit sa ulo nun ah, haha. Langya ka Noime nakakarami ka na dyan sa titig na yan ah.

Ang angas mo! Ahaha, di naman nakakalaki ng tiyan ang tulog! Ahaha, nakakalaki ito ng b***g!!! Ikaw nga Mia lagi ka na ding MIA eh.

Anonymous said...

haha! langya imbes na kinse pesos na load..bente na! hahaha! ayos! galante naman pala.