Beep Beep
Syempre, yung di pa pinanganganak. Nyeh.
O sige, kahit hindi na lang sa Pilipinas, kahit sa Manila na lang at Makati, sino pang hindi nakakasakay ng jeepney?
Yun nga mga wala pang binyag eh nakasakay na ng jeep. Papaano kasi eh yun ang gamit nila papuntang simbahan sa araw ng binyag ng mga bata.
Bukod sa bus at taxi, ang jeepney ang pinaka-major mode of transportation dito sa mga lunsod sa atin, maging sa mga lalawigan at mga bukiran.
Nakagamit na din pala ako ng jeep sa bukiran nung minsang mag-aral akong magmaneho. Inararo ko lahat ng tanim na patola, sitaw at kalabasa at buco nung may ari ng bukirin kaya naman tuwang-tuwa sa akin ang tatay kong gusto na akong itapon sa bangin.
Anyway, ang jeep nga ang pinakamadaling gamitin para makarating mula sa isang lugar papunta sa isa pang malayong lugar. Medyo risky minsan pero wala ka namang choice.
Gaya na lang kapag napapuwesto ka sa likod ng driver bandang mga hapon at malapit na siyang umuwi. Delikado yun. Para kang asong sinabuyan ng katas ng sibuyas sa ilong. Super-sensitive smelling skills plus superpatok na putok with matching Jabar on the side equals I-want-to-fucking-jump-out-of-the -window-of-your-jeepney.
Nobody is compelled to smell the scent of the driver (whose job is stay under the searing heat of the sun with all these smoke and dust all around him), but it's just inevitable.
Mabait akong pasahero ng jeepney. Ako lagi ang tagaabot ng bayad at sukli. Minsan dalawang kamay pa ang gamit ko. Halos magkabuhol na ang braso ko kaka-juggle ng sukli at bayad ng pasahero. Alam kong di ko naman dapat ginagawa yun pero nakakahiya naman sa katabi kong nagtutulug-tulugan para di mag-abot ng bayad.
Salamat sa mga pasaherong may pakisama at nagpapasalamat naman kapag naiabot ng maayos ang sukli at bayad nila.
Gusto ko din ang sumasabit. Lalo na sa umaga kasi fresh at malinis pa ang hangin at preskong presko. Pero joke lang yun kasi tamad talaga akong pumila lalo pa't tatlong layer na ang pila.
Sumasabit na lang ako kapag ganun. Professional sabitero na ako at sanay na ako sa iba't ibang paraan ng pagsabit.
1. Standard - eto yung nakayuko ka sa loob ng bubong ng jeep para di ka masyadong mahamugan ng smog sa labas. Pwede kang kumapit dun sa bakal sa loob o kaya eh dun sa nasa taas ng ulo mo. Magandang posisyon kapag walang nakasabit.
2. Semi-standard - nakalabas na ang ulo mo kasi medyo masikip ang entrance ng jeep at dalawa na kayong nakasabit. Pinakaiiwasan ng mga driver sa tuwing mainit sila sa pulis dahil malayo pa lang eh kita na ang ebidensya na nagpasabit sila. Magaling din ang style na ito kung gusto mong makatikim ng iba't-ibang uri ng insekto sa daan.
3. Spartan mode - dito matetesting ang tibay ng katawan at kalooban mo. Sa tuwing rush hour at hindi na magkandaugaga ang mga tao sa pagsakay na talagang magpapasagasa na sa jeep sa kakasalubong at para lang makasakay eh madalas nasa anim hanggang pito na ang nakasabit. Oo, PITO na yata ang pinakamarami kong nakasabay sa sabit. Spartan mode dapat ang braso mo dahil sa oras na bumitaw ka, mawawalan ka ng puwesto at maiiwan ka ng jeep. Patatagan sa ngalay at pagandahan ng puwesto. Minsan parang ninja na ang dating ko kasi isang kamay na lang ang nakakapit sa bilis na halos 80kph. Goodluck sa buto ko sakaling bumigay ang bakal o bumugso ang pagkapasma ko.
Nakakatulong talaga ang hindi pagjajakol pagdating sa pagsabit mo sa jeepney. Bukod sa malakas na ang resistensya mo eh hindi ka pa pasmado.
Minsan medyo awkward na maging semi-standard ang posisyon mo sa sabit dahil nakatuwad ang lalake sa harapan mo. Buti kung sumasabit ang mga hot chicks eh matutuwa pa akong tuwaran ako ng mga ito. Kaso baka maiba ang reputasyon ko sa madla kapag nakita nilang para kong tinitira ang nasa harap ko.
Mahirap talagang umupo sa jeep na ISA NA LANG, ISA NA LANG ang isinisigaw ng dispatcher. Uneven ang sukat ng mga balakang ng tao at kapag medyo nagmamadali ka eh hindi mo mapapansin na nakasakay pala ang isang big momma sa loob.
1/4 na lang ng puwit mo ang nakaupo at pinupuwersa mo na ang paa mo sa sahig para di ka mahulog. Mas mainam pang nakastandard sabit dahil mas kumportable.
Merong jeepney na patok ang tawag. Mga byaheng Cubao minsan. Parang diskuhan sa loob, sobrang todo ng bass at megabaga-boom ang tugtog na pati ang bingi eh mapapaindak. Yung mga driver na habol talaga eh karera at hindi ang kita. Parang mga butete yung mga jeep na yun na todo ang swerving from left-most lane to right-most lane.
Kung sila ang isasabak sa racing circuit, malamang champion palagi ang Pilipinas.
Maangas ang mga jeepney driver. Humingi ka ng sukli, ikaw pa ang papagalitan. Magbayad ka ng kulang, galit pa din. Magbayad ka ng buo, galit. Magbayad ka ng late, galit. Kaya pagtanda ko, ayokong maging driver na galit. Gusto ko driver na kwela at sweet lover. Parang si Vic Sotto sa mga driver roles niya.
Nung nag-aaral pa ako eh may duda pa sila sa katauhan ko kung estudyante ba ako o hindi. Hindi naniniwalang estudyante ako. Minsan gusto ko silang sumbatan.
"Kaya driver lang ang trabaho mo eh wala kang pagpapahalaga sa edukasyon. Hindi lahat ng estudyante may kaya para hindi magjeep. Wag kang magagalit kung estudyanteng bayad lang ang ibinigay ko kasi kailangan kong magtipid para may pambaon ako."
Pero hindi. Mas kailangan ko ang jeep. Mahirap ang taxi at mahirap maglakad. Di lahat ng bus nakakadaan sa lahat ng ruta. Mahirap maglakad ng mahigit labinlimang kilometro araw-araw, tapos balikan pa yun.
Sabi nung isang drayber nung sinabihan siya nung babae na "mama, pakibaba na lang po sa may Sta. Lucia ha?"
Sabi nung drayber eh "Kayo na lang po ang bababa ha? Hindi ko na po kayo ibababa..."
Tama nga naman.
Yung isa namang drayber, nung may pumara ng pasutsot sabi niya "Wag na po kayong sumutsot, tao po yung drayber..."
Tama nga naman.
Mama, para po sa tabi.
15 Winners:
tsktsktsk. yung nga pang walo na jeep nagiging sampuhan.. pota!
ayokong maging taga abot ng sukli at bayad ang dudumi kase ng mga kamay nila, pero dahil mabuti ako nilalang wala rin naman akong magagawa kundi iabot yun.. kaso nakakaasar nga lang yung mga taong di marunong magtenkyu na parang responsibidad mo na iabot ang bayad/sukli nila.
Haller? wala kaya pera sa pagiging taga abot. sana matuto naman silang magtenchu. mga bulshet sila..
ahihihi.. yun lang.. :D
tangina, napakaganda...
Lalo na yung biyaheng cogeo-cubao na nagpapatugtog ng salbakuta, putangina, sobrang bilis pag lagpas ng masinag. Naalala ko. Spartan mode ako non.
Wag magiispartan sa jeep na patok.
Meron pa akong peklat para patunayan yan.
Nice one mariano sancho!!!
putaragis.
umayos ka nga sa posts mo
napagod ako.
:)
salamat sa endorso
malaking bagay yun mariano
:)
at higit sa lahat
gusto kong sumasakay ng jeep
*ito ang unang comment na ginawa ko na CHIKSILOG dot COM ang nakalagay sa url.
:)
nakakamiss sumakay ng jeep.
patokera ako dati. mga jeep na biyaheng langit. lol
natawa naman ako dun sa drawing mo tsong.. mga tao pala yan.. hehehe.. kala ko may play ng basketball eh.. lol
ayus yung spartan mode. ahahahaha.
di ko pa nasusubukang sumabit eh. (babae ata kasi ako).
.noime.
Isa na namang nakakaaliw na post mula sa'yo, Yay! Tawa ako ng tawa. Mga jeep nga naman, oo. Super nakakarelate ako sa mga sinabi mo. Well, lahat naman siguro tayo. Hehe.
Bago ako mamatay, sana makasabit ako sa jeep. Spartan mode sana :))
Ferbert, ayos talaga ang mga jeep no? Akala mo naman eh gawa sa garter ang mga silya at nakakapag-adjust ng kusa kapag ginawang sampuan yung waluhan. Madalas ang inaabot ko lang na bayad eh yung mga bigay ng chicks kasi minsan eh malambot ang kamay nila! Oh lala! Ahaha, lalo na yung mga taong walang kwentang makapal ang mukhang ayaw mag-abot.
Actually, may pera sa pagiging tagaabot kaso madalian lang. Literal na dumaan lang sa kamay mo, ahaha.
Idolo, ganun ang jeep na sinasakyan ko eh, pag galing akong cubao. Mga hip-hop ang mga driver na parang Tokyo Drift pa sa pagliko-liko. Spartan mode talaga lalo na kapag rush sa LRT, putangina, nakakainis! Isang daliri na lang ang nakakapit.
Hoy XienahGirl, walang anuman. Kaylangan mong mapagod, wala ka nang eksersays. Salamat sa unang komento ng Chiksilog. Tara, sakay tayong jeep!
Ate Karmi, samahan na din kita pagbalik mo dito. Roundtrip tayo, haha. Tao talaga yang drawing na yan, dahil limited ang imahinasyon ko, ganyan lang ang kinaya. Byaheng langit? Ahaha, di ata jeep yun ah. Sino bang drayber?
Noime, hoy ka. Pag nagUste ka na, jeep mode ka na din. At wag ka na ng magbalak mag-Spartan mode, unless trained ang braso mong bumuhat ng gasul.
Bea, hehe, ayos! Naku, eh ganun talaga ang buhay estudyante, 15 percent ata ng buhay eh nakalaan sa pagsakay ng jeep. Wag ka nang sumabit, baka dun ka pa ma-deads.
Sa lahat ng gustong sumabit sa jeep, isipin nyo muna kung mayroon kayong sapat na training kung ayaw ninyong magaya kay Ben Tisoy na nalaglag sa jeep dahil nakasabit eh pumara siya.
Di niyo kilala si Ben Tisoy? Ask your uncle, ahaha.
Basta kailangang magingat sa pagsabit kung ayaw ninyong magaya kay igno, ahaha.(joke lang idol)
Oo nga pala, di lang sa pagsabit ako nagiging Spartan Mode. Minsan gusto ko talagang maging ala-Leonidas at pagtatagain ang mga bwakanang galunggong na mga singitero't singitera. Buti sana kung isa eh. Kaso isang tropa! Sus!
Pero di ko naman sinasabi na di ako singitero. Nagdaan na ako diyan, lalo na sa MRT, pero di araw-araw, hehe.
Estudyante: Uy, dali-dali, dito ka na! Bilis! Save na kita dito!
Ako: SINGIT? MAY-RONG, PILAAAAAAAARRRGGGHHH!!!!
*sabay sipa sa dibdib ng mga estudyante papunta sa bangin*
:))
may pasave-save pang nalalaman. putaena. parang may pangalan na eh noh. buiset. haha. kuya. maguuste na talaga ako. kaso dalawang buwan lang. HAHA.
.noi.
ang ganda ng infographics.
yung magsyota ba at manyak pareho ng ginagawa?
Nako Mr_D, sinasabi ko sayo eh parehas lang ang ginagawa nung manyak at nung lalake sa magsyota kaso lang sa magsyota merong consent nung babae.
Hahaha. Matatalinong drayber pala nasasakyan mo! Angas!
Meryl,haha, hindi naman matalino yun. Maangas lang siya.
Dalawang buwan sa USTE? Makakapagsanay ka nang sumabit nun Noime, sus, kayang kaya basta araw-araw!!!
I'll right away clutch your rss feed as I can not find your email subscription link or newsletter service. Do you've any?
Kindly permit me recognize in order that I
may subscribe. Thanks.
Feel free to visit my web site : apartments for rent
Post a Comment