February 14, 2008

Poromosiyones Chapter 03

Ang pag-ibig ay hindi nasusukat sa bilis ng pagtatanggal ng damit sa dilim, sa dami ng ispermang pinakawalan, sa iba't-ibang posisyong dinaanan, at sa tagal ng pagkikiskisan ninyo ng balat. Ang pag-ibig ay hindi pisikal, datapwat ito'y nararamdaman sa kaloob-looban ng ating mga cells. -- Mariano Juancho

Huling yugto na ng poromosiyones ko. Puta, tama si Noime, kung matagal ko na itong sinimulan, hindi na ako nagba-blog at malamang eh nasa kung saang ten-star VIP hotel na ako at umiinom ng champeni...champagne sa jacuzzi kasama ang sangkaterbang super-bitches.

Lalo pa ngayong Valentimes Sison, naku, malamang nauutas na ako sa sobrang dami ng "inaasikaso" kong babae.

Eh ang kaso, pinili kong magblog para sa mga kaibigan ko dito sa internet kaya naman dukha pa din ako at hanggang ideya lang ng business ang kaya ko. Okay lang, masaya naman ang Single's Valentimes ko.

VALENTIMES NA NGAYONG ARAW NA ITO, FEBRUARY 14, 2008, HUWEBES.

Nabasa ko sa diyaryo na nag-uumapaw daw talaga ang mga motel at hotel ngayong panahong ito, kaya ayun, nag-isip ako ng final at talagang kikitang business ngayong sison na ito.

Super Savers H/Motel Promos
-Wala na akong dapat pang ipaliwanag sa aspetong ito ng Valentimes. Di naman maipagkakaila na ito na siguro ang kaisa-isang dahilan ng mga malilibog pa sa kunehong magkasintahan para pagbigyan ang pinipigilan nilang kapusukan. Siyempre, kesa nga naman masabihan sila ng "GET A ROOM PEOPLE!" eh mas gugustuhin pa nilang magtiyaga na lamang sa mumurahing mga lugar-parausan.

Business Proposal01: Super Coupons
Tapyas na tapyas na ang mga discount coupons ng mga beteranong motels. Kaya naman naisipan kong bigyan ng bagong liwanag ang mga magkasintahang mapapakinabangan ang kahayukan nila.

A. Tatak Card - sa bawat panahon na bumabalik ka sa motel ko eh tatatakan ang card mo at kapag napuno mo na ito ay makakapagmay-ari ka ng kwarto na pwede mong gamitin isang beses sa isang taon nang LIBRE! Dapat eh araw-araw kang babalik sa motel ko. Kung wala ka namang card eh gamitin mo na lang ang "frequent fucker" na promo na mukha mo lang ang pagbabasehan dahil sobrang dalas mo sa establishment ko. Ituturing kang isang celebrity sa motel ko dahil sa sobrang loyal mo sa serbisyo namen.

B. Oras Promo - for every 2 hours na ipaglalagi mo sa motel ko, meron kang isang oras na libre. Parang mga computer rental shops lang. Kaya kung may resistensya ka ng leon, kabayo, rhinoceros at hindi ka nanghihinayang na mabalatan ang jetits mo kakabayo eh sulitin mo na ang promong ito. Pwede nga din palang sa ibang panahon na sulitin ang accumulated hours ng popoy sessions para sa susunod na pagbalik ay libre na.

C. Pinaka Promo - dahil uso na din sa mga motmots ang mga may hidden camera, maaari na ding ibase ang promo base sa PINAKA ng mga nangyayare sa loob ng kwarto.

1. Ang pinakamagandang posisyon na para bang isang porn film na naiproduce ni Jenna Jameson at ng Digital Playground o kaya eh Diabolic ay magkakamit ng 3 days free lodging at may libreng Extra Joss, Red Bull, Rhino, Sting, Kobra, Tatlong basket ng Balut at limang banig ng Viagra at sampung sako ng Premiere.

2. Ang pinakamalinis gumamit ng kwarto na tila ba hindi nagkaroon masidhing pagpapakita ng pagmamahalan sa loob ay magkakamit naman ng 2 days free lodging with free brand new bedsheets, pillowsheets, reinforced bed structure at mga original DVD nila Jesse Jane, Sarah Blake at buong season ng Daisy Siete Unrated. Dapat ay walang anumang kalat ng condom, katas ng pagmamahalan sa mga bedsheets, at mga bulbolicious na kalat sa kahit saan sa kwarto.

3. Pinaka Disiplinado - Alam naman natin na madami ang hyperactive at bayolente kapag nagkakantutan, at madalas eh sobrang kalat pa, kaya dapat may reward ang disiplinadong customers kagaya nila Father at mother superior. Walang nasirang gamit, walang nakupit na shampoo, sabon, tutpeyst. Walang nagamit na condom at walang ginamit na anumang tela para isagawa ang bondage. Magkakamit ng 1 day free lodging at libreng koloretes mula sa kwartot tipong bring all you can bring.

C. Motel Chain Combo - uso na din ang motel hopping sa ngayon. Kumbaga, dito kayo sa place # 1 kakain, sa sunod na lugar kayo magpapahinga, sa sunod na lugar kayo maliligo, sa kotse kayo magyayarian, at sa sunod na hotel naman magbibihis. Mas makakatipid dito dahil matagal na panahon ang gugugulin mo sa Valentime Urge mo kesa sa pagkain, pagligo, at pagpapahinga, kaya naman bring your own car and we provide ample parking space for your vehicle.

Isa pang plano ko eh...

Business Proposal02: Drive-Thru
McDo, Jollibee, Burger King, lahat sila merong drive through. Ano naman ang pwede kong ilagay sa motel ko? Eh puta, lahat naman yang mga lugar na yan eh may nagaganap na KAINAN kaya naman sa motel ko dapat may drive-thru na din. Tipong 30-45 minutes ang maximum dahil maraming nakapila.

Business Proposal03: Single's Night
Para sa mga walang ka-deyt, loser na kagaya ko at walang social life eh meron ding motel na para sa amin. May "kasama" kang pwedeng ikama...este ISAMA sa kwarto upang maka-oral... este, makausap at maka-bondage...este bonding. Kung nagtitipid ka, merong self-popoy set na kung saan marami kang DVD Special Collection na ako pa ang pumili. Kapag medyo may kaya ka at takot makabuntis at magkasakit eh andito naman ang CREATE YOUR OWN FUCK DOLL kung saan maaari kang mamili mula sa pinakapaborito mong celebrity tulad ni Madame Auring at Eagle. Ang sa akin eh si Cassandra Ponti. Reminds me of someone eh. Sa mga babae naman eh ganun din. create your own dildo kung saan pwedeng ilagay ang litrato ng paboritong celebrity sa dulo ng dildo. Sana lang wag maiwan sa loob ng iyong katawan

Luma na ang sangkaterbang mga discount cards na parang buhok na ni Rapunzel ang haba na isasaksak mo sa wallet mo. Facial value na ang mahalaga kaya naman wag kang magkailang magpakilala at ipakita ang mukha mo sa motel na paborito mo. Sana lang wala silang "CUSTOMER OF THE MONTH" na ididisplay ang mukha mo sa counter at makikita ka pa ng magulang, mga gelpren mong sangkatutak ang mukha mo dun na talaga namang ikasisikat mo ng wala sa panahon.



Sana nga lang naman eh di na lubos pang makadagdag ang panahon na ito sa lumalalang krisis ng Pinas. Ang gusto ko lang naman eh pagkakitaan ang okasyon at hindi mag-udyok sa pagpapalaki ng populasyon at tiyan.

Happy Valentimes to all and always practice safe sex, and love all that is to be loved.

7 Winners:

XienahGirL said...

practice safe sex?

NO TO SEX.
gago.

magtigil kaaaaaa
:)

Bulaang Katotohanan said...

patok na entry!
bakit ko pa imomotel pwede naman sa madilim na park! nyahahaha!

Noime said...

Ang sa akin eh si Cassandra Ponti. Reminds me of someone eh.

haha. ang tawa ko na lang nung nabasa ko'to. saker. hehehe.

lamo mo kuya, sana sayo na lang ako nagpagawa ng business plan ko. project namin eh. baka nakakuha pa akong perfect 98 na score. tsk. hehehe.

nays entry. Happy VDay!

Mariano said...

Xienah, sayang naman ang NO TO SEX. Di naman drugs yun.

BK, sa madilim na damuhan para medyo malambot ang sahig!

Noime! Perfect na pala ang 98 sa inyo? Sus, kung sinabi mo kagad eh di naging 150 percent ka pa. Salamat Noime! Go Cassandra!

Dakilang Tambay said...

natawa naman ako.. parang sanay na sanay kang magpunta dun a

mr_d said...

ang lupet nito. parang thesis paper / business proposal na ah. extensive research chuvanes hahahha

Anonymous said...

hi all

http://www.tor.com/community/users/olnaresze1980
http://www.tor.com/community/users/rectfermnemi1986
http://www.tor.com/community/users/childrimrabu1982
http://www.tor.com/community/users/deobolighgab1975
http://www.tor.com/community/users/compblontotel1986