Hiwa-San
Marami ang naghahanap ng date, nagpaplano ng mga date at nagpapaahit ng mga pubic hairs para sa mas mainam na kiskisan ng balat.
Pero hindi lang naman paghahanap ng espesyal na tao ang kailangan nating gawin. Siyempre kung meron tayong hinahanap, meron din tayong INIIWASAN.
Di naman sila mga galisin at ketongin pero meron talagang pagkakataon na minsan dumadating sa buhay natin na kailangan nating iwasan ang isang tao na malakas ang tama sa atin.
Kahit na alam natin na malakas ang tama nila sa atin at patay na patay sila sa atin, hindi natin sila pwedeng i-entertain sapagkat tayo ay may iniibig na, o di kaya'y ayaw natin sa taong iyon dahil sa kanyang ugali, hitsura, amoy, hugis ng ulo, o di kaya'y pananamit na baduy, psycho killer mentality, o kaya eh ang walang patawad na kundisyon na tinatawag na HALITOSIS.
Sa mga panahong ito natin dapat gawan ng paraan upang layuan tayo ng lubusan ng mga taong ito. Lalo pa't ayaw nating masira ang magandang buwan ng pag-iibigan at mapuno ng pagkayamot at kagustuhang pumatay.
Hayaan ninyong bigyan ko kayo ng ilang mga payo upang maibsan ang inyong problema.
IPINAUUNAWA KO NA ANG MGA HAKBANG NA ITO AY HINDI PA NATE-TESTING.
Sa mga susubok, nawa'y balitaan ako ng inyong mga experience at suhestiyon sa mga naganap sa pagsunod sa mga nasabing hakbang. I shall not be held liable for any damage that may occur to you, or to your household pets.
Mga Posibleng Iwas Tactics by Mariano Juancho
1. Kung ang taong iniiwasan ay nagsabing pupuntahan kayo sa inyong bahay, ipaalam kaagad sa kanya na kayo ay may lakad.
Mahalagang maging kapani-paniwala ang lugar na pupuntahan. Piliin ang Disneyland o di kaya'y Mars o Jupiter (maganda dito sa summer). Maari ding sabihin na aattend ka ng libing ng ninong ng bilas ng asawa ng katulong ng kapitbahay ng katulong nyo. Pwede din naman na ika'y magba-bunjee jumping sa San Juanico, magsurfing sa Siargao, magkipag-sayaw sa Moriones, at mag-hiking sa Apo (tara na, biyahe tayo!). Marapating ipaalam kaagad sa taong iniiwasan araw-araw upang maiwasan ang sorpresang pagbisita.
2. Huwag maligo ng limang... teka, gawin na nating pitong araw hanggang isang buwan. Kung hindi kayanin, magpunas na lang pero wag mag-deodorant.
Ang kakaibang amoy mo ang ang magsisilibing "insect repellant" sa nakakairitang mga insekto, este, taong iniiwasan. Mainam din na magjogging sa loob ng banyo o kabinet upang mabilis na pagpawisan. Kung pati ang pagpupunas ay hindi kayanin, ugaliing linisin ang kuko at huwag hayaang humaba ito. Mabaho ka nga pero at least malinis ang kuko mo. Magpagupit din para hindi mainitan.
Kumain ng bawang, sibuyas, chili food, at luya at lahat ng mga available na spices sa palengke. Ipahid na din ito sa kili-kili bilang pamalit sa deodorant.
3. Magkunwaring may nagbabanta sa buhay mo.
Sabihin mong lahat ng may kaugnayan sayong babae/lalake/bakla/tibo na humihinga, nasa edad 1 to 100 years old, at nasa Pilipinas, at matatagpuan sa alpabeto ang starting letter ng first name ay POSITIBO ding pagtatakangkaan ang buhay. Sabihin mong nakapagtatakang hindi kasama sa bantang ito ang iyong buong angkan.
4. Subukang mag-alaga ng daga, ipis, surot, pulgas, lamok, ahas, bubuyog, buwaya, palaka, langaw, centipede, leon, tigre, wolf, aswang, tikbalang, kapre, dikya at iba pang kaakit-akit at cute na nilalang bilang pets. I-display ito sa parte ng bahay na kung saan tumatambay ang taong iniiwasan sa tuwing andoon sya.
Mas nakabubuti kung sasanayin ang sarili na lubusang mahalin ang mga naturang alaga. Halik-halikan ito sa harapan ng taong iniiwasan kung sanay ka na. Mahalin ang mga ito upang hindi mag-rebolusyon at mag-rage mode.
PAUNAWA:
a. Huwag pagsamahin ang palaka at ahas, palaka at lamok and/or langaw, daga at ahas, sa iisang kulungan (sabi ni Bob Ong) kung ayaw mong magmistulang food chain chart ang bahay mo.
b. Marapating pakainin ang mga ito ng tatlong beses isang araw o base sa kanilang diet.
c. Ikulong ang aswang sa umaga. Mamatay ito sa sinag ng araw.
d. Siguraduhing laging may supply na damo ang tikbalang sapagkat aanhin pa ang tikbalang kung patay na ito. Gayon din sa "damo" ng kapre.
e. Lagyan ng label ang mga kulungan. Baka pulutanin ang dikya ng mga lasing sa pag-aakalang pusit ito.
f. Kapag unavailable ang mga nasabing hayop due to some DENR issues, maaring kumuha ng pamalit tulad ng litrato ni Diego (ng bubble gang) o di kaya'y ni Madame Auring (joke lang po).
*DISCLAIMER*
This particular step will not be held liable for the damages it will surely bring to you, sa pets (or pest) mo, or sa ninong ng bilas ng asawa ng katulong ng kapitbahay ng katulong nyo. Basta kapag nasunog ang bahay, namatay ang mga tao, at naubos ang lahi niyo eh wala na akong magagawa. Tumulong ako hindi para sirain ang buhay ninyo. Pag nangyare yan, labas na ako.
NOTE: Hindi ako takot sa kahit na ano sa mga alagang nabanggit.
5. Magkunwaring nakakaranas ng matinding nakakahawang sakit.
Magpakita ng mga medical certificates na nagpapatunay na meron kang SARS,HIV, AIDS, Leptospirosis, HPV, STD, Meningococcemia, cancer sa utak, sa atay, sa balun-balunan, sa reproductive system, sa buong katawan, at kulugo sa ngalangala.
Bago magbanggit ng kahit na anong sakit ay alamin din muna ang medical records ng taong iniiwasan upang makapagbigay ka ng sakit na maaaring magpakomplikado sa karamdaman niya.
6. Tulugan siya sa tuwing nasa bahay nyo.
Mas mainam kung magkunwaring may narcolepsy ka para mas kapani-paniwala. Maari ding gumamit ng camping gear (tent) sa loob ng bahay bukod sa lumang style na ang gamit ay kulambo at banig. Siguraduhing matutulugan ang lugar na kinaroroonan ng taong iniiwasan.
7. Umarkila ng pekeng pamilya.
Pag-ensayuhing maige ang mga magulang na inarkila. Maaaring mamili mula sa napakalawak na papel na gagampanan tulad ng patay-gutom na mga kapatid, mahadera at pintaserang ina, at war freak na ama, at suicide bomber na mga tito at cult-leader na mga tita.
8. Mag-pakita ng mga wirdong hobbies.
Mag-aral ng pageembalsamo, meat carving, base jumping, alchemy, cannibalism, knife juggling, pagkain ng apoy, pagkain ng hilaw na manok, pagtawid sa alambre, pagtutusok ng pako at aspile sa katawan, at pagsali sa circus.
9. Kausapin ng maayos ang taong iniiwasan.
Hindi naman masamang manakit ng damdamin ng taong iniiwasan mo, pero kailangan talagang magkaintindihan kayo at maiparating mong ayaw mo sa kanya at kung maaari ay iwasan ka na niya habang may init pang naibibigay ang araw. Wala din namang hindi nadadaan sa maayos na usapan. Maaaring makapagdulot ito ng lubos na pighati at karimarimarim na kalungkutan, subalit mainam ito kaysa sa mahirapan pa ng mas matagal ang taong iniiwasan.
10. If all else fails, ibigay ang contact details kay Mariano Juancho at siya na ang bahala.
Ang tip na ito ay applicable lamang kung ang taong iniiwasan ay babae, 18-23 years old, sexy, cute, maganda, mabait, masayahin, masarap magluto, magaling kumanta, pasensyosa, maalalahanin, at sweet, at maganda, walang psychological issues(maliban sa pagiging hayok na hayok sa sex), at walang kakaibang ugali. Optional na lamang kung kamukha sila ni Angel Locsin, Katrina Halili, Christine Reyes, Marian Rivera, at ni Tera Patrick at Cytherea.
Maaring ipagbigay alam sa marianojuancho@yahoo.com, at sa site na ito ang contact details ng babae.
Garantisadong hinding-hindi na kayo gagambalain pa ng naturang babae.
At nariyan nga po ang mga Iwas Tips na maaaring gawin sa pag-iwas sa mga taong iniiwasan. Maging ito man ay stalker, naniningil ng utang, biyenan o di kaya'y manliligaw.
Nais ko pong ipagbigay-alam na patuloy pong nadaragdagan ang mga tips na iyan sa pagdating ng panahon. Maaari din po kayong magbigay ng sariling suhestiyon.
Maraming salamat po.
11 Winners:
pareng mariano.. ang liit ng font...
sumakit yung mata ko.. lol
Masyado nga yatang maliit, ahaha. Teka, lalakihan na natin.
hmm dapat may hipon option (kain katawan tapon ulo)- kumuha ng plastik bag butasan ayon sa mga vital holes sa mukha, pag nakita ang iniiwasan isuot ito bigla sa kanya...magpatuloy sa paglalakad na parang walang nangyari.
mawawala ako
sa valentine season
pero hindi ko gagawin yan
:|
bakit ako mawawala?
mahirap tumanggi
sa mga lalake
na aalok na lumabas
>:)
Puwede nga bang manakot na magsusuicide ka kapag lumapit ang taong iniiwasan mo? astig na entry! napasaya ako neto.
haha. pinakagusto ko yung #4 xka #2. Hindi ko na lang alam kung lalapitan pa rin ako ng iniiwasan ko. hehe. :)
Tawa ako ng tawa dahil sa post mo :)) Parang how to lose that valentine date in 10 days ang dating. Buti at wala naman akong kelangang iwasan. If ever meron, ma-apply nga ang mga suggested tactics mo :p
Ahaha, BK, matinik na plano yun ah. Mukhang dapat eh magarang supot ang isusuot mo, kagaya ng paper bag ng F&H, o kaya eh Marks & Spencer para at least fashionista ka pa din!
Xienah, subukan mo na din, kahit yung number 9. Testingin natin kung gagana. Madami ka palang pagkakautangan ng date sa balentayms no? Tisk tisk tisk.
Salamat Idol, hehe. Dapat nga naman eh suicidal tendencies. Kaso baka naman pag ikaw na ang maghahabol eh maging dahilan ito ng pag-iwas sayo ng ibang tao.
Ahaha, madali lang gawin yung number 2 para sayo Noime! Ang bilis mong magpapawis diyan sa summer kapag di ka nakaligo! Saka madami ding pagkaing arabo na pwedeng makapagbigay sayo ng amoy na hinahanap mo, ahaha.
Bea, haha, maraming salamat sa pagtawa! HAHAHA! Ayan, nakitawa din ako, ahehehe. Subukan natin ito one time. Ako ang test subject at ikaw ang gagamit ng tips ko. How to painfully reject a valentimes date in ten tips!
Meron bang advice para sa mga umiiwas sa hindi babae?
toink! tawa naman daw ako ng tawa...
hehe..
pero ang super tagos ng imlikasyon nito...
"kung meron tayong hinahanap, meron din tayong INIIWASAN.
Wala din namang hindi nadadaan sa maayos na usapan. Maaaring makapagdulot ito ng lubos na pighati at karimarimarim na kalungkutan, subalit mainam ito kaysa sa mahirapan pa ng mas matagal ang taong iniiwasan."
anganda..ü
imlikasyon===parang ngongo, implikasyon yun..ü
Post a Comment