February 17, 2008

Walang Social Life Series : Kwarto

Ehem ehem ehem.

At dahil sa nakapulot ako ng camera dito sa bahay na pakalat-kalat at walang gumagamit, minabuti kong sulitin itong camerang ito bago pa man ito mainsanla kung saang pawnshop.

I PRESENT TO YOU...

Walang Social Life Series
-title inspired by the one and only dyosa ng Blogosphere-





Hindi ko naman talaga hilig ang maglagay ng mga bagay sa blog ko na alam kong di papakinabangan ng mabagal na speed ng DSL ko. Pero dahil alam kong mga filthy rich ang mga tao dito sa links ko at can afford nila ang high-speed internet service eh minarapat ko na itong isalpak dito.

Ang unang item(at maaaring huli na din) sa WSLS.

Pinamagatang "Kwarto".

Enjoy.

"Ang video na ito ay maaaring malagay sa FAMAS sa mga dadaang araw"
-Sancho Delubyo

16 Winners:

Anonymous said...

tsktsktsk... bat parang di ako nagulat??? pag nakatalikod ka para kang si Robin Padilla sa pelikula nyang Mista.. Yung ending parang si chucky? si chucky ba yun o si chaka doll? ye ye ye wateber

Mariano said...

Haha, pwede ding Chucky. Yung nasa Chocolate drink para cute, hehe.

Wala namang kakaiba dyan eh.

Anonymous said...

dugyot!

Saminella said...

Ang panget mo P. Muka kang saging saba.



















yun lang.

Abad said...

Jesus Christ!

Anonymous said...

putangena

wag mo ako banggitin
sa kawalang kwentahang ito

ayaw ko mapabiliang
sa mga loser tactics mo

putangena

anong klaseng kuto yun?
at nakailang kamot ka
sa ulo mo?
:)

boo.

Anonymous said...

Doc, salamat. Tatanggapin ko bilang constructive criticisms yun.

L, bakit saging na saba? Parang malayo naman! Sus. Dapat saging na bulok.

Abad, sabi nga din nga nila yun eh...

Xienah, sorry naman. Pag ito sumikat, ike-credit pa din kita. Kutong Cainta nga pala yun.

Anonymous said...

madami man ang nagkritiko sa unang episode ng iyong balak na teleserye, para sa'kin ok nmn ang bidyow mo.

malinaw mong naisalarawan ang epitome ng isang certified loser na walang sosyal layp.

keep it up.
rating: 9/10

(note: this is a paid rating.)

Anonymous said...

nagulat ako doon...

Dakilang Tambay said...

may kuto ka na or dandruff? kamot ka ng kamot.. hahaha..

reregaluhan kita ng suklay ha.. hehe..

walang social life, kawawa ka naman.. hahaha..

kontrabidang kontrabida ang itsura mo a.. hahaha

loudcloud said...

mapagkakitaan to! pagkatapos ng video lagyan natin ng tasa ng kape, logo tsaka tagline "wake up!"

Anonymous said...

ito ba ay blairwitch project II?
magaling mgaling=]

bibgyan kita ng social life! ahehehe. sosyalan pla ha!

ingats lagi ka mariano!

Anonymous said...

HK, maraming salamat sa pagkritiko ng POSITIBO. Ano bang kapalit nito? Puri? Ahaha.

Jack, di ka nagulat. Imagination mo lang yun.

Mia, useless ang suklay sa akin kasi ever since humaba yan, di na ako nagsusuklay! Baka kainin lang ng buhok ko yung ibibigay mo, haha. Contravida ba? Cool yon, parang Paquito lang.

Loud! Haha, oo syempre, Manager na kita. Ako na sa publicity, ikaw na bahala sa mga offers nito. Haha, salamat sa pagkomento!

Ced! Bitchwitch Project ito! Ahaha. Kulang na lang eh yung witch, andyan na yung bitch! Ahaha. Sige, enge ako ng kahit dalawang social life lang.

Anonymous said...

wahahaha! ngayon alam ko na hindi ka talaga rocker. mukha ka lang papa jesas na moderno..ahahaha! *peace brother*

sama kita sa blogroll ko. okies cookies, thanks! :D

Bulaang Katotohanan said...

nyak parang nakita ko nato ah!
parang naghahanap ka lang ng cr at di mapatae! hehehe! joke! in fairness, malinaw ang kuha!

Mariano said...

Hindi talaga ako rocker Jeck! Classical nga ang mga music ko eh, ahaha. Papa Jessie Alarcon? Di pa kita na-add, teka lang.

BK, nakita mo na ito sa dreams mo dati. Di mo lang maalala, haha. Salamat sa camera.