February 7, 2008

Poromosiyones Chapter 02

Okay, para naman sa susunod na naisip ko at ng aking mga Business Analysts eh ngayong Valentimes Time eh marami ang mga taong magugutom. Kaakibat na din ng panahong ito ang romantic dinner date na naglipana sa kanto-kanto. Pati yata karinderya eh nagkakaroon na din ng mga promo kaya naman namimigay sila ng extrang piraso ng lumpia o kaya naman eh libreng PINAKULUANG TUBIG para sa mga parokyano nila.

Gusto ko ding magtayo ng kainan sa dahilang ito:

-Discounted Prices for Pagkain
Talagang kahit ang mga sosyal na kainan tulad ng Via Mare, Italianni's, Le Soufflé, Old Manila at Chowking eh naguumapaw ang promo sa pagkamura(?) ng tinda nila. Mukhang inilabas na nila ang kanilang murang stocks na panahon pa nang ancient times para masolusyunan ang kumakalam na sikmura ng magkasitahang kakatapos lang magkantu-wentu-han. Kung magbebenta ako ng sosyal na pagkain, dadaigin ko sila syempre.

Business Proposals: Romantic Dinner Package

Pwede ko ding lagyan ng mga promo-promo ang mga pagkain at lagyan ng catchy na mga pangalan. At dahil likas na matipid ang mga magsing-irog eh malamang na kakagat talaga sila sa mga lover's package pagdating sa pagkain.

Mga para sa nag-aayos ng nanlamig na pag-iibigan, meron tayong meal combo diyan:

Divorcer's Delights
Abused Wife's Specialty
Salawahan Specials
Kabit Combos

Para sa mga maiinit at mapupusok na kabataan:

Threesome Table Meals
Orgylicious Order
Quickie Culinary Specials

Para sa mga nagsisimula pa lang ng paglalandian:

First Timers Plates
Mahinhing Putahe
Pakipot Platters

Para sa matagal na pagsasamahan:

Sawana Servings
Ibanaman Native Dishes

Meron ding special dishes para sa mga SINGLE na nangahas maghanap ng date at nabigo.

Ox Tongue with Gravy/Mushroom Butter Sauce (Lengua Con Champignon) - tutal naman eh nabigo ka sa paghahanap mo ng kalampungan eh di ibawi mo na lang dito sa pagkaing ito ang pakikipaglaplapan buong gabi. Wag mo nang ipa-slice sa maliliit na piraso ang dila ng baka para sa maximum satisfaction kahit walang sugar.

Soup Number Five - Sino bang hindi pa nakakarinig sa Soup Number Five? Para sa mga bakla at dalagitang malumbay eh nandiyan ang soup na ito para pawiin ang gabi ninyong makati, este, malungkot. Wag na lang gamitin sa mismong restaurant. Magpunta muna sa CR at siguraduhing FROZEN ang oordering soup para sa mas maligayang gabi.

Pati mga inangkat kong Caviar at mga sangkaterbang ginintuang pagkain eh ibebenta ko na ng mura para lang sa susunod na taon eh kikita na ako para balik-balikan ako ng customer.

Syempre naman eh di naman ako nanamantala ng mga customers kaya naman sisiguraduhin kong affordable pero quality-checked ang mga sangkap at hindi mga galing sa China na triple kill na mga karne.

Mas mainam kung sasamahan ko ng romantic na ambiance ang restaurant na itatayo ko.

At dahil gusto ko ding magtayo ng sariling linya ng mga M/Hotel ngayong darating na Valentimes Sison eh lalagyan ko ng magandang design ang restaurant ko na paniguradong maiisip nilang magpunta na agad dun.

Gagawin kong vibrator ang mga kandila.
Lalagyan ko ng mahahalay na painting ang paligid.
Mga ungol ng nagtatalik ang papatugtugin kong music.
Syempre naman ang mga serbidora at mga serbidoro ay nakasuot ng kaakit-akit na kasuotan -- which is WALA.

Walang OP sa restaurant ko. Walang mahihiyang magpakita ng tunay nilang nararamdaman dahil madilim ang lugar at maglalagay ako ng night-vision goggles para sa magkasintahan para di sila mahiya sa mga tao sa labas. Parang Paris Hilton Sex Scandal lang yun.

Sino ba naman ang hindi gaganahan sa ganitong tipo ng restaurant. Pati ata sila lolo at lola ay manunumbalik ang kabataan nila sa sobrang ganda ng lugar at pagkain.


Goodluck sa customers ko! Magkainan kayo nang maige!

*Nawa'y pumatok naman ang aking business at alam kong likas na malilibog ang mga tao kahit ayaw nilang ipaalam kaya ang susunod na ipo-promote ko eh ang aking linya ng H/Motels.

Chapter 3, abangan...*

6 Winners:

noime said...

kuya. siguro kung tototohanina mo yan, baka milyonaryo ka na ngayon. wahaha.

kuya mariano, wag ka aalis a! please? :(

my-so-called-Quest said...

"Gagawin kong vibrator ang mga kandila.
Lalagyan ko ng mahahalay na painting ang paligid.
Mga ungol ng nagtatalik ang papatugtugin kong music.
Syempre naman ang mga serbidora at mga serbidoro ay nakasuot ng kaakit-akit na kasuotan -- which is WALA."
iba tlaga imahinasyon mo mariano! wapak! hehe

FerBert said...

may putahe ang mga ilokano na tawag ay PUKE PUKE.. dahil single naman ako yun na lang kakainin ko.. ang tawag din namin sa patola sa probinsya ay KABATITI... tsktsktsk

Tama ka! Likas na malilibog ang mga tao.. Malibog din ako.. Salamat sa redtube at nakapaghiatus na ako.. Sa buong blog break ko eh panonoorin ko lahat ng videos dun.. Salamat Pareng Mariano hapi VDAY! :D

Duroy said...

Sir, tignan mo to...

http://bp3.blogger.com/_wlKO8gT95JU/R37X4vJpymI/AAAAAAAAAD0/JF4pekGoN5g/s400/carenderia2ni8.jpg

Appealing siguro kung katulad nyan ang catchphrase ng restaurant mo.

Meryl said...

Aba, at talagang kinakarir mo na ito ha! May Part 3 pa! Adik ka talaga!

Miss Kurdapya said...

Gagawin kong vibrator ang mga kandila.
Lalagyan ko ng mahahalay na painting ang paligid.
Mga ungol ng nagtatalik ang papatugtugin kong music.
Syempre naman ang mga serbidora at mga serbidoro ay nakasuot ng kaakit-akit na kasuotan

------parang ayaw na kita makita.. kakatakot! bwahahaha!