February 7, 2008

Poromosiyones Chapter 01

Kung meron lang business na just-add-one-egg ngayong darating na Balentayms eh bumili na ako ng sampu.

Impak, kahit naman anong klaseng business na instant na sisibol sa anumang okasyon na patok na patok at umuusok eh bibili ako. Krismas Season, Holloween Season, Rainy Season, Balentayms Season, Marco Sison, Chavit Singson, at corny na ako.

Di naman ako businessman pero business-minded akong tao.

Monkey-business-minded.

Kailangang sulitin ang bawat okasyon sa pagkakataong kikita ka ng moolah. At BALENTAYMS ang pinakamalapit.

Meron akong ilang naisasaisip na madalas na sigurong nangyayare tuwing Valentimes Sison.

Kaya naman minarapat kong likumin ang ilan sa aking mga business catalysts...ehem, analysts upang makapag-isip ng maaaring mga pagkakitaan ngayong panahong ito at kung ano ba ang kailangan talaga ng mga tao.

Narito ang ilan sa aking mga Business Proposals para sa panahon ng Valentimes.


Nagmamahal ang bulaklak
Lagi na lang ganito. More than half the price ang dagdag sa mga presyo ng bulaklak. Sabagay, ganitong season lang naman bumabawi ang mga DUPE-pliers, este SUPPLIERS. Yung presyong 200 na bouquet(buket?) eh nagiging 500 na. Sa Dangwa pa yun, bagsakan ng flowers galing everywhere in the Pinas. Kahit ilang kindat mo pa sa tindera eh todo ang tanggi nilang bawasan dahil panahon naman daw ng pagmamahalan yun at wag ka nga namang mangunguripot sa panliligaw.

Business Proposal: Choco-Flowers

Dahil sa mahal nga ang bulaklak at ideal din naman ang tsokolate bilang panregalo, naisip kong patok at bagong bagong ideya ang pagsamahin sa pagbebenta... ha? Ano? Ay ganun? Putangina, dating idea na ba ito? Hindi nga? Sa tv mo nakita?

Potangena. Sige, iba na nga lang! Pota.

Business Proposal 01: Lantang Bulaklak

Dun din naman kasi ang punta nung bulaklak na ibibigay mo, at panigurado eh makakamura ang mga bibili sa akin nito dahil one-fourth the price lang ng fresh. Putangina, anong sweet-sweet ka diyan? Pareho din yun ulul! It's the thought that counts. Magandang panregalo ito sa mga nagkakalamigang magsing-irog. Tuyo Na'ng Damdamin ang symbolism nito. Kakakilig!

Business Proposal 02: Stem ng Bulaklak

Eto mas mahal kesa sa lantang flower kasi itinatapon na ang bulaklak na nakakabit dito kaya kapresyo ng normal na bulaklak. Pero mas meaningful ito dahil kapag binigyan mo ang babae ng stem ng bulaklak eh ibig sabihin eh GUSTO MO ANG KANYANG FLOWER KAPALIT NG MATIGAS MONG STEM. Mas maganda kung long stem ang bibilhin mo, panigurado sasagutin ka na agad.

Business Proposal 03: Bulaklak ng mga Gulay

Sino ba naman ang hindi maantig kung malaman ng minamahal mo na concerned ka sa kanya nang lubos at binigyan mo siya ng isang bouquet ng BULAKLAK NG KALABASA! Mga talbos ng kamote, katuray, kantutay, mga herbal plants at mga bulaklak ng Abs Bitter Herbs (lalo na kung bitter ka din sa kanya). Kung nililigawan mo yun at medyo sakitin at lampayatot, malamang kapag ganun palagi ang binigay mo kada Balentayms eh gaganda na siya sa mga susunod pang taon dahil sa epekto ng gulay. Mura lang dahil kaibigan naman ng nanay ko si Aleng Mameng na biyahero ng gulay.

Business Proposal 04: Bulaklak na may Hidden Camera

Epektibo talaga ito dahil syempre naman eh pwedeng-pwede mong ipuwesto sa loob ng kwartong-harutan ang bulaklak na ito, lalo na't Maria Clara si ineng at ayaw magpa-video. Sweet ka sa paningin niya dahil sa flowers at ngising demonyo ka naman dahil sa videong makukunan nito. Siguraduhin mo lang na ikaw ang magpupwesto ng bulaklak sa kwarto kapag nag-get it on na kayo ng kasintutan mo for more efficient viewing. Matutuwa sayo ang uploads.ph at ang pinayscandal ng Yahoo Groups. Medyo mahal din dahil kailangan ko pang kontakin si James Bond para sa mga kaukulang gadgets.

Business Proposal 05: Bulaklak Ng Suicide Bomber

Sa oras na kaliwain ka niya o di kaya ay itapon niya ang bulaklak na bigay mo dahil baka magtanong ang kabit niya ay sasabog ito at mabubura sa Earth ang anumang nasa palibot nito within 100 meters. Wag lang sana niyang ibato ito sayo kapag nag-aaway kayo. Imported from Iraq, at Sulu kaya medyo mapresyo. Personal Design and Arrangement by Osama Bin Laden.


At ito na muna ang mga business proposals ko para sa bulaklak ngayong Valentimes. Iba naman sa susunod na chapter.

12 Winners:

Anonymous said...

Nakakatawa naman ang bulaklak na may gulay.hehehehe. Ako wala pang regalo. kailangan nang magisip ba anong petsa na. Godbless

Anonymous said...

gagu yung number 2
sa confe ito diba?
hahaha

agawero ng ideya
tsk tsk

Anonymous said...

ha haha..

alm mo kahit minsan hindi pa ako naka pag regalo ng bulaklak sa babae..

lalo naman sa lalaki

Mariano said...

Ahaha, ganun talaga yung Zkey, mas mainam ang gulay at nakakain kesa sa simpleng bulaklak lang.

Xienah, galing pa ang SMS na yun sa teacher ko nung hayskul, matanda na yun.

Ahaha, KDR, wag na wag kang magbibigay ng bulaklak sa lalake, lalo naman ang sabihin mong para sa lalake ang bibilhin mong bulaklak dahil gagawan ka ng issue ng mga tindero.

Meryl Ann Dulce said...

Agawero. Hehe.

Mahusay ang mga ideyang 'to ah. :)

Anonymous said...

tangena. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA ( repeat 10000000000x)

namiss ko 'tong blog mo kuya. :)

Anonymous said...

sa kaunaunahang pagkakataon.. napatawa mo ako mariano mula sa una hanggang sa huling letra ng entry mo... Mahusay!!!

Dakilang Tambay said...

napatawa mo ako mariano.. ang galing.. apir!

Bulaang Katotohanan said...

nyahahaha! parang ni isa sa suggestion mo ayaw kong matanggap.

Duroy said...

Sir, kung bulaklak ng... ay, wag na nga...

Anonymous said...

Meryl, patok ba? Sige nga, magpundar tayo at ikaw muna ang popondo,haha.

HOY NOIME!!! HAHAHAHAHAHAHAHAHA (10^100x) ka din! Salamat! Miss ko na din ang blog mo.

Hoy FerBert, congrats naman sa akin kung ganun. Salamat naman sa papuri. Date tayo sa Valentines! Libre kitang flowers, ahaha.

Apir tayo Mia! TY! :D


Tanggapin mo na BK, okay yan, patok yan!

Sir Duroy, bulaklak ng ano ba yan? Nambitin ka pa.

Duroy said...

Mas mabuting wag na ituloy, baka magkaleche leche pa sa date ko hahahah!