October 2, 2008

Ting Kyaw


The 2008 Philippines 10 Best Humor Blogs! from Leonard Allan on Vimeo.


Teka lang ha, putangina pano ko ba sisimulan to? Bolsyet, sige ganito na lang.


Aaah, ano kasi di naman ako sanay ng nanalo eh. Parang naoberkam naman ang titulo ko at titulo ng blog na ito ng pagkakalagay ko sa TOP FIVE ng PHILIPPINE TOP TEN HUMOR BLOGS in the PHILIPPINES. Oh yeah, bragging rights. Sweet. Dude. Sweet. Dude.

Kinse mil ang boto ko mula sa mga mahal kong tao, ang karamihan mga ginamitan ko ng hipnotismo at swabeng hubog ng katawan na hinaluan ko na din ng kaunting kagat ng labi at tambok ng puwit para mapagsulat ko ng entry-islas-boto. Mga estrangherong hindi man lang nagbasa ng blog ko eh ibinoto na ako. Joke lang. Mahal ko ang daliri nyong nagsipag-gawa ng mga blog entry ng wala sa panahon para lang sa ikasasangkot ko sa krimeng ito. Ang krimen na maging hindi loser.

Mahal na mahal ko kayong lahat. Walang stir yan, walang kyeme, at lalong-lalo na eh wala ding brip. Ano ba to, hindi naman nakakatawa ang blog na to, ganun lang talaga kasi ako magkwento, parang ano lang ahhhh, parang kalahati lang ng utak ang laman ng panot kong kukote.

Popularity kontes nga, ika ni Rens. Nadaan lang sa paninindak at pananakot. Kung di nyo naitatanong, saken nanggaling ang titulo ng pelikula ni Juday ngayon na tiyak kong panonoorin nyo.

Oo, ako ang nagpauso nun. "Matakot Ka Sa Ulam". Ulam yung orig kaso hindi nila makita yung katatakutan dun kaya pinalitan nila ng kulam. Duh, ikaw ba hindi ka ba natatakot sa ulam kung ako ang magluluto? Mas gugustuhin mo pa sigurog magpatuklaw kay cobra kumpara sa kumain ng ulam na luto ko. Puta, kabaliwan pang baguhin nila yan.

Yan talaga ang sinasabi ko sa mga napilitang bumoto saken kaya ako na ata ang naging isa sa pinamataas na lumundag. Halos parang David Blaine lang ang pag-angat ko sa lupa mula sa naunang round na hindi ako kilala, tapos napapunta sa 29-33rd place, tapos sa third round na pangtrese kamalas tapos eto, nakarating sa pang-apat.

Akalain mong meron palang kakayahang mangiliti ng tinggle ng katatawanan ng tao ang blog na to. Ako nga galit sa may-ari nito, gusto kong paagusin ang mainit niyang dugo mula sa leeg niya [EMO]

Tama na nga to. Napakahabang intro, napakabakla.

Unang-una, gusto kong pasalamatan si Boss Badoodles ng Kwentong Barbero sa pagpapatimpalak ng tulad nito. Nakakilala ako ng mga mahilig sa kakornihan at nalaman kong meron palang mga nagbabasa ng basurang tulad ng mga sinasabi ko sa internet. Oo na sige na, masyado akong humble kaya hindi bagay. Pero salamat talaga sa pagpapakontes ni Badoodles ng tulad nito at nakapagpamalas naman ako ng kakarampot na kaalaman sa paghahayag ng damdaming pinagtatawanan lang ng iba.

Ikalawa siyempre ay ang walang-habas na pagmamahal at pagtangkilik na ibinigay saken ng mga kapwa ko manunulat sa pinilakang-tabing. Mga nagtitiyagang magdadalaw at magtagal ng mga kahit 20 seconds lang dito, mahal ko na kayo. So lalo na ngayon sa mga bumoto saken na sila...

[Teka lang, saka ko na ia-update, hindi pa ako tapos maghanap ng mga tumangkilik sa akin eh, hehe.]

Ikatlo, siyempre special mention diyan ang ating campaign manager na totoong nagboost ng boto ko dahil siya naman talaga ang may kapangyarihang makapanindak. Sa iyo na nagtulak saken sa bangin ng ikaapat, maraming-maraming muchas gracias na pasasalamat at magbra ka naman.

Siyempre, ang aking pamilya ng GreenPinoy people in the neighborhood na madalas kong kakulitan, salamat di kayo nagsawa sa kakornihan ko. Ang lakas ko sa inyo, ahihi. Congrats din sa numero dos nating si GP himself.

Sa mahal na mahal ko ding tropang Chiksilog, salamat sa suporta nyo. Sana makatikim naman ng ambon ng alak ang nanunuyo kong lalamunan mula dun sa namberwan ng patimpalak na ito.

Kay Boss Papa Umleo23 para sa isang matinik at hubad na Vlog presentation ng Awarding para sa pakontes na ito, pinatulo mo ang luha ko at pinakilig mo ang damdamin ko sa pamamagitan ng iyong matinik na vlog! I heartz Umleo23 na!

Sa lahat ng bumati sa blog na ito, sa mga dumalaw at sumilip, sa sumuporta, sa mga ngiti, sa mga pinagjakulan at pinagpinggeran ang mga litrato ko, sa lahat ng nakinabang sa kaalindugan ko,

SALAMAT! PUTANGINANG YAN SALAMAT TALAGA!


Salamat po kay Reyna Elena para sa nakahandang link

Salamat sa lahat ng natawa at tumawa. Sa mga nakornihan, tangina nyong lahat!!!
JOKE LANG!

Teka lang marami pa akong idadagdag dito ha.


Marami pong salamat sa sponsors natin para sa patimpalak na tinaguriang:
GagAtak
T-Shirt Project


Siguraduhing bumisita sa mga tindahan at website nila para sa quality henyong produkto!

27 Winners:

UtakMunggo said...

ay hindi kita binoto. swear.

eh kasi hindi ko naman alam noon na may pakontes. nalaman ko lang this week. hehe

alam mo naman.. birhen pa ako. newbie ba.

yaan mo sa susunod i will keep my eyes and nose (?) peeled sa mga ganitong kaganapan.

*deym. ang hirap maging clueless*

Anonymous said...

Wahaha, mudraks! Nako ayos lang po yon, sosmariya. Bumisita lang kayo dito sa blog ko tapos magsulat din kayo para sa amin ayos na swak nang boto yon para saken, ahihi. Kung nataon na nakilala ko kayo ng maaga-aga baka naisali ko din kayo sa boto ko.

Anonymous said...

Congrats sau!
:)

Hope to see u again on the Lafftrip 2009

RJ said...

hindi rin ako nakaboto. yan ang magandang example ng manyana habit. boboto dapat ako before september end pero di ko na nagawa. pero ill be voting for you sana for sure. dahil dun sa multitasking pic mo nyeta. hahaha!

congrats pare.

Anonymous said...

Boss Umwaleo, salamat sa pabati. Ang ganda talaga ng bidyo mo. Kapag gusto ko maturn on, ipapasporward ko dun sa may hita mo at may frontal exposure. Salamat! Salamat sa magandang bidyo!

Boss RJ, hehe, salamat! Kahit anong habit pa yan basta wag yung nasa Lord of the Rings pwede na yan! Hehe. Malaki pala ang epekto ng paghuhubad ko sa boto boto dito eh, yaan mo dadagdagan ko. Salamat!

Anonymous said...

siguro naman hindi ako kasama sa category na nagtagal ng dalawampung segundo sa blog mo...

aba basahin lang ng buong buo ang mga entry mo eh aabot na ng isang oras...

oo hindi exaj yan kasi bobo akong magbasa...wahihihihi...

aylabyu anak, ang galing mo!

-ahhhlllliinnngggg mahhhhrihhnnng-

Anonymous said...

Oy Aling maring, nagkokompuyter ka pala! Kaya pala ang tagal mong magsampay, sinisingitan mo pala ng pagkokompyuter sa taas ng bahay yun! haha, maraming maraming salamat sa pagbabasa ng higit pa sa 20 seconds! salamat salamat!

ayzprincess said...

potek! si aling maring, nagiinternet!! ahhahaha

congratumalesyons m!!

at imperness, sumasagot ka sa mga comments :p

Anonymous said...

dumaan lang po to congratulate you for a job well done! hahaha!

chroneicon said...

aling mariiiiiingggg!!!


gusto namin kayo mameeeeeet!!!!!

Anonymous said...

kahit di ako bumoto, isa pa rin akong stalker ng blog mo, at blog ng iba.
ahihi

hindi ka na talaga ma-reach!
isa ka nang icon!

astig ka gurl!

Anonymous said...

hahah! si mr_D na lang di pa nagpo-post ng ganto ah. kelangan tawagan nyo ang birthday boy para makapag-thank you din sya sa mga bumoto. aba. hahah!

congrats sayo Poncy! akalain mo, ngayon loser ka na winner pa. astig!

aheheh! apir!

Anonymous said...

xmpre congrats uli..wehehe.. pero ikaw tlaga ang may pinakamataas na lundag.biruin mo ambilis.tsktsk..

Anonymous said...

aminin mo man o hindi nakakatawa ka mariano!

potah! tignan mo nga naman top payb tayo ng mga friendshipss naten.. hameizeeeng!

sikat ka na gurl.. like crazy!

The Gasoline Dude™ said...

Hindi din kita binoto. Pati nga si Greenpinoy hindi ko binoto eh. Whattafriend di ba? Huhuhu.

Matagal na kasi ako bumoto, hindi ko pa kayo kilala. 'Nung maisip kong magpalit ng votes, hindi na daw pwede.

Tama na ang paliwanagan. Wala ako sa presinto. Hehehe.

Hayaan mo next year... *LOLz*

Anonymous said...

walang anuman.

Anonymous said...

Aydol! congratulerer!
..sana gawin mo ulit ang office chronicle.


congratz din kay
XG at Mr D

Anonymous said...

magaling magaling magaling... isa ka sa mga top, ang taas mo na as in nakakahigh! keep on aiming high! so high that you can almost touch the sky, thank you... thank you... OO!corny... o CONGRATULATIONS namu. un lang naman tlga ang point!=)

PoPoY said...

Mariano, you deserve it. Congrats. puchak ilang beses na ba ako nagcongrats?hahahaha

Mariano said...

Teka magrereply ako sa inyo promise! Maliligo lang ako.

Mariano said...

Sino ba tong mga anonymous pagkarami-rami nyong anonymous!

Mariano said...

Ayz, sumasagot ako sa comments pero dahil mahina ang signal dito, hindi dumadating agad. Salamat ng marami Ayz! oxoxooxoxox to you!

Madam Reyna ELena! Maraming salamat sa pagbisita! Hehe. Congrats po sa pagkapanalo!

Boss Chie, sana magustuhan nyo ang luto ni Aling Maring kung mapadayo kayo dito.

Hoy Anonymous01, salamat salamat! Okay lang na hindi ka bumoto, naiintindihan ko yon. Pramis naiintindihan ko talaga kung di mo ako binoto kase di naman ako nakakatawa, pramis talaga naiintindihan ko. At ayaw kong maging icon, baka i-click ako nang i-click ng mga tao! Salamat salamat sayo!

Apir apir tayo Procky! Si Mr_D kasi umalis na eh, di na siya nagbabay. Birthday pa man din talaga niya. Ako lang ata ang winner na loser Procky, salamat!

Oi Lunes! Maraming salamat sa boto mo. Ginawa nga akong pulgas eh, ang tindi ng lundag ko dahil sa boto niyo. Maraming maraming salamat!

Oy FB! Congrats! Wahaha! Hindi ako nakakatawa, nakakainis lang ako kaya wala ka nalang magagawa kundi tumawa kasi naaawa kang basagin ang mukha ko, ahaha. Pero malakas ang team Chiksilog, winnie cordero to the maxaloo!

Haha, boss GD, walang anuman yun, ayos na ayos lang. friends for life naman tayo at lalong naiintindihan kong ayaw mo saken kaya di mo ako binoto. Charot! Okay lang yun! wahaha, salamat salamat sayo sa congrats! Sana pasok pa din tayo sa susunod na taon!

O tuldok, many thanks ah! Alam mo na yun.

Nako, Idol Norway Person! Salamat salamat sa pagtangkilik! May rason ako kung bakit wala na ang opis chronicles ko eh, hehe. Salamat! Congrats sa lahat ng nanalo!

Hoy Sah, nakakatakot ka naman bakit ka kumakanta ng ganyan! Idaan mo na lang sa pagligo yan, para mapraktis! Ahahay! Salamat Sah, thanks thanks to you!

Sobra ka na sa isang congrats Popoy, may bayad na yon! Salamat, salamat ng marami! Ahihi!

Anonymous said...

huwawaweee! kongrats! ayan nanalo yung 2 kong ibinoto.. asteg, paberger kayo ni madam X.

Holy Kamote said...

winner ka, loser mariano!

oo alam ko. late na. kaya nga i congratu-late you.

Kirk said...

nakakahiya ka! susme, hindi kita kilala, wala akong kabigang talunan! ni top 3 hindi ka umabot :D HAHAHAHAHA! peace congrats! 15k votes, wala pa ako dun, sayang!

Anonymous said...

Sir Bleue! Thanks thanks a lot! Haha sorry late na. Sana makasama ka din namen sa susunod na mga lakaran at CineMalaya para hastig! Sige sige, salamat!

Holy Kamote,thanks! Nagsusulat ka na ba ulit? Wala akong balita, haha. Dapat kasama ka din dito eh!

Oy Kirk, salamat sa pagtangkilik mong hindi ka naman talaga nagbabasa, haha. Oo, hindi kita kilala dahil hindi ako umabot sa top 3!!!

Quinten said...

It can't work in reality, that is exactly what I suppose.
camouflage dresses | Parkville MD | edit videos