October 6, 2008

Rescue Me : The Beginning

Habang hindi pa tapos ang pangangalap ko ng impormasyon sa mga magigiting na kaluluwang nagbuwis ng reputasyon ng blog nila para iboto ako, kukwentuhan ko muna kayo mula sa puyat at bagsak kong pag-iisip.

Muli po, lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa akin. Sabihin nyo nang OA, tangina ang sarap malaman na nakakauto ka pala sa pagsusulat tapos magkakaron ka pa ng bonus muse sa proseso ng panloloko mo ng mga bloggers, lalong champion.

= = = = = =

Ang title ng post na ito ay inspired by the fucken pussycat na nasa tapat ng bahay namen.

September 27 nung isinulat ko ito, galing ako sa labas. Alas singko na ako nakarating sa bahay.

*Ngyaw*
*Ngyaw*
*Ngyaw*
*Ngyaw*
*Ngyarrrrw*
*Ngyarrrrw*
*Ngyarrrrw*
*Ngyarrrrw*
*Ewng*
*Ewng*
*Ewng*
*Ewng*
*Ngawr*
*Ngawr*
*Ngawr*

(Uhmn, aaah, ano, kasi yan lang ang text representation ko ng meow ng kuting. So, sorry kung para siyang tunog nagsusuka na sumisirit sa ilong o nandidiring kulehiyala. O kung sa utak na gaya ng sakin, isang sexual mating call ng kapitbahay nameng tigang.)

Yan ang pagkalintik-lintikang tunog nanaman na yan ang sumalubong saken.

*Plasbak muna 3 days ago*

(Uhm, yung may asterisk sa taas, hindi na siya meow ng pusa.)

September 23 nun, Martes ng hapon yata nun. Nagsisimula na ang manaka-nakang rainshowers from the buntot ng cold front (buntot pero front) galing sa bagyong Hagupit.

Wala na akong maalalang iba pang detalye bukod sa bigla ko na lang narinig yung series ng tunog dun sa taas. Ni hindi ko nga maalala kung umuulan na nga ba o hindi. Hindi ko na din maalala kung gwapo ba ako o hindi, so kayo na lang ang magpaalala sa pamamagitan ng pagclick ng link na ito: LINK

O di kaya ang LINK NA ITO.

Kung hindi mo din maalalang guwapo nga akong nilalang o hindi, magteks ka lang, sabihin mo kung sang lugar mo gustong makaeksperyens ng kamatayan at pupuntahan kita dun. Using only my mind.

Okay, so ganito kasi may na-stranded na pusa dun sa tapat ng bahay. Dun sa pagitan ng eskwelahan at kakarampot na espasyo na tinatambakan ng sirang silya. Andun yung pusa sa pagitan ng mga silyang sira na tadtad ng bandalismo ng mga butihin at matatalinong mag-aaral dun sa eskwelahan.

May nagtapon ata ng pusa dun. Kung sino man ang horizontally-intestined, smash-earth, na lalakeng/babaeng anak ng pira-piraso, eh gusto ko lang sabihing kung nagbabasa ka ng blog ko, yung pagtatapon ng pusa mo ang nagpasakit ng batok ko nitong mga nakaraang araw. Nagpupumutok nanaman ang BP ko dahil isa lamang akong hamak na mapagmahal sa mga pussy.

Cat. Sus, putangina sino ba kasing nagpauso na ang terminong pussy eh ginagamit sa puke.

Puke as in vagina. Vagina as in vajayjay.

Basta, ang gusto ko lang sabihin ginawa mong matinding dagok sa pagiging innate na mabuti kong nilalang sa mga pusa, ang pagtatapon ng kawawang kuting na yon.

Sa ibang araw ko na ikukwento ang iba pang kwentong puke ko. Puke cat, sos.

Sa ngayon, problemahin muna natin itong kuting na tatawagin nating Kumukuti.

Knock knock: Who's there?
Kuting
Kuting who?

Kumu-KUTING-kutitap, bumubusi-busilak,
Ganyan ang indak ng mga bombilya
Kikindat-kindat, kukurap-kurap
Pinaglalaruan ang iyong mga mata

Merry Christmas!!! Wala akong pera!

Okay, itong si Kumukuti, sa aking teorya eh itinapon ng kung sinong pussy-hater dun sa espasyo na yun. Malamang may ginawa siyang kababalaghan. Siguro nahuli siyang nakikipag-inuman dun sa dagang dapat na hinuhuli niya. Ewan ko, puta basta malamang itinapon siya dun kasi ang tanga naman niya para mastranded lang dun mag-isa.

At makalipas ang ilang araw, ngyaw ngyaw siya ng ngyaw-ngyaw.

Minsan kahit alam kong hindi naman siya umiingaw, naririnig ko na siya sa isipan ko. Parang LSS pero hindi siya song kasi, putangina naman para naman kasing marunong kumanta yung pusa eh no? Pagpikit ko parang nakikita ko sa mga talukap ng mata ko ang salitang "NGYAW" na isinusulat ng 100 times.

Paulit-ulit sa isipan ko hanggang sa hindi ko na matiis at pinuntahan ko na siya.

Pero hindi ko na makita dahil gabi na din. Kulay itim pa yata ang putanginang yon.

Ang pinakamasaklap na sigurong tanggapin para sa akin bilang pussy-lover... Cat, pussy cat lover, eh ang pagbuhos ng ulan.

Sino bang may malambot na puso ang hindi mawiwindang sa sitwasyon nung si Kumukuti? Umuulan, tapos parang nagmamakaawa na siyang kunin siya dun at pakainin ng hasang ng isda o kaya ng Purefoods hotdog na hindi sunog, at balutin ng tuyong tela, at painumin ng gatas, at halikan, at haplusin, at pulbuhan, at ipagburda ng pagkaganda-gandang medyas. Tapos ingaw pa siya ng ingaw tapos siguro ginulpi pa yun ng nagtapon sa kanya o di kaya eh nireyp.

Ewan ko kung sino ang may malambot na puso na yun pero wala sila sa street namen. At lalong hindi ako yun kasi naiirita na lang ako kaya ko siya nilapitan.

At yun na nga, September 24, Miyerkules ng gabi nung una kong pinuntahan ang area niya at sinilip. At dahil napakaprotective ng Felix Memorial National Highschool sa mga mag-aaral nila, napakatayog ng bakod. Hindi ko makukuha ng ganun ka-simple si Kumukuti.

Kung sa ibang bansa sing simple lang ng pagtawag sa bumbero ang ganitong klase ng insidente, dito sa lugar naman hinahayaan na lang mamaho at mabulok ang mga ganitong klase ng insidente. Wala naman kasing potensyal na PeTA member dito kundi ako lang. Lahat puro adik na.

Kaya ayun, nakaisip ako ng paraan at sinubukan ko kung uubra ba para makuha ko si Kumukuti

Teka lang ha, tulog lang ako...

10 Winners:

Anonymous said...

natatawa talaga ako dito
paramis
haha

youre back!
:)














.xienahgirl

FerBert said...

LOL!

mabuhay tayong mga Pussy Lovers!

may persian cat ako.. ibibigay ni samieboi.. bwaahaha

merry xmas na lang sayo..

anne curtis ♥ said...

some weird guy told me stuff about felines. para din silang tao.

cats are direct opposite of dogs
cats will go away if you don't tend to them
but they'll say they don't need tending
they'll go away if they think they can't/won't get what they want from you
they won't come near even if you call them
they're way too independent
cats demand much too, if they feel like it
mangangalmot sila kapag hindi mo pinansin
pero kung sa tingin nila hindi mo mabibigay, kahit kaya mo naman at a later time iiwanan ka nun

they make good human nature case studies


o sana makatulong sa future quests mo sa pagsave ng mga pussies.

teka, bakit bombilya? parang sexbomb lang. bombay. ganon?

UtakMunggo said...

una sa lahat, isang tili: ayyyy pink na pink ang blog sa unang link.. at seryosong seryoso ang nakalathala!

pangalawa sa lahat, may prendster account ka pala at doon may expose ang pagiging "slimer"-slash-plastic bottle collector-slash-emaciated hagrid look ni mariano juancho. kung iyong mamarapatin ay ia-add kita mamaya.

(kasi sanggol ka pa lang siguro noong nauso ang cartoons na "ghostbusters", si "slimer" eh yung alaga nilang ghost na tirador ng anumang pagkaing nakabalandra..)

pangatlo, hindi bitin ang kwento mong ito ano?

pang-apat, because there.

Saminella said...

Kawawa naman si mingming kayutipay. Malambot din ang aking pussy este puso sa mga mingmings.



























GO rescue the pussy.

P.S. nagligtas na rin kami ni Venice ng miming na nasa bubong. Binuhat ko siya tapos siya yung nanghila sa miming. Inihan ako nung miming.

PoPoY said...

kawawa naman yung pussy, BASANG BASA na sya. por sure kapag kinuha mo yun M madulas sya. GO RESCUE THE PUSSY!!!!

Axel said...

Syet wet pussy... Yan din ba ay ginagamit sa siopao??

Mariano said...

Oh, dahan dahan lang, salamat naman sa pagtawa, haha. magtrabaho ka muna!

Merry krismas din FB! Pahingi din ako ng persian pussy kung sakaling magkakasupling ang pussy mo. Persian Ferbert siguro yun, ahihi.

Hoy Anne Curtis the dyosa, salamat sa impormasyon mo sa pusa. At oo tama, independent sila at walang loyalty. Layas ng layas matapos mong arugain at pakainin ng maraming galunggong. sekisbam, bombilya, oo ganon!

Pink for POSH yan mudraks UtakMunggo at oo kilala ko si SLIMER susmaryosep, kilala ko yun no! Nanonood ako nun! Isama mo na ang newspaper seeker na look diyan. Hindi siya bitin kasi may kasunod pa to no! And yah, because.

OO mama sam, nakwento mo yun dati yung pinasan mo si venice sa balikat mo para makuha lang yun. Katangitanging parangal ang dapat sayo. Pussy Parangal!

OO Popoy, basang-basa na talaga siya! Sobra! Kawawa na nga eh, gusto ko nang patayin.

Axel, yan ang wet pussy na may sarsa na. Instant kainan na agad.

ZsaZsa said...

BWAHAHHAHAHAHHAHHAHAHAHAHAHAH!! x 1 billion.

ngayon lang ako tumawa ngayong araw na to. tawa pa ko ng tawa. hanggang ngayon tumatawa pa rin ako.

langyang pukecat yan.

ahm... san pa ba ko natawa...

natawa din ako sa kumukuting-kutitap.

natawa din ako sa LSS mong sound effects ni Kumukuti.

at natawa ako sa lahat. ahaha! sana okay na si Kumukuti.

kung ganto palagi nakakatawa ang entries mo, ang saya saya lalo magbasa, kahit na mahaba. hihi! apir!

ZsaZsa said...

p.s.

MABUHAY TAYONG MGA PUSSYLOVERS!

RAAWRRR!