Beep Beep
Syempre, yung di pa pinanganganak. Nyeh.
O sige, kahit hindi na lang sa Pilipinas, kahit sa Manila na lang at Makati, sino pang hindi nakakasakay ng jeepney?
Yun nga mga wala pang binyag eh nakasakay na ng jeep. Papaano kasi eh yun ang gamit nila papuntang simbahan sa araw ng binyag ng mga bata.
Bukod sa bus at taxi, ang jeepney ang pinaka-major mode of transportation dito sa mga lunsod sa atin, maging sa mga lalawigan at mga bukiran.
Nakagamit na din pala ako ng jeep sa bukiran nung minsang mag-aral akong magmaneho. Inararo ko lahat ng tanim na patola, sitaw at kalabasa at buco nung may ari ng bukirin kaya naman tuwang-tuwa sa akin ang tatay kong gusto na akong itapon sa bangin.
Anyway, ang jeep nga ang pinakamadaling gamitin para makarating mula sa isang lugar papunta sa isa pang malayong lugar. Medyo risky minsan pero wala ka namang choice.
Gaya na lang kapag napapuwesto ka sa likod ng driver bandang mga hapon at malapit na siyang umuwi. Delikado yun. Para kang asong sinabuyan ng katas ng sibuyas sa ilong. Super-sensitive smelling skills plus superpatok na putok with matching Jabar on the side equals I-want-to-fucking-jump-out-of-the -window-of-your-jeepney.
Nobody is compelled to smell the scent of the driver (whose job is stay under the searing heat of the sun with all these smoke and dust all around him), but it's just inevitable.
Mabait akong pasahero ng jeepney. Ako lagi ang tagaabot ng bayad at sukli. Minsan dalawang kamay pa ang gamit ko. Halos magkabuhol na ang braso ko kaka-juggle ng sukli at bayad ng pasahero. Alam kong di ko naman dapat ginagawa yun pero nakakahiya naman sa katabi kong nagtutulug-tulugan para di mag-abot ng bayad.
Salamat sa mga pasaherong may pakisama at nagpapasalamat naman kapag naiabot ng maayos ang sukli at bayad nila.
Gusto ko din ang sumasabit. Lalo na sa umaga kasi fresh at malinis pa ang hangin at preskong presko. Pero joke lang yun kasi tamad talaga akong pumila lalo pa't tatlong layer na ang pila.
Sumasabit na lang ako kapag ganun. Professional sabitero na ako at sanay na ako sa iba't ibang paraan ng pagsabit.
1. Standard - eto yung nakayuko ka sa loob ng bubong ng jeep para di ka masyadong mahamugan ng smog sa labas. Pwede kang kumapit dun sa bakal sa loob o kaya eh dun sa nasa taas ng ulo mo. Magandang posisyon kapag walang nakasabit.
2. Semi-standard - nakalabas na ang ulo mo kasi medyo masikip ang entrance ng jeep at dalawa na kayong nakasabit. Pinakaiiwasan ng mga driver sa tuwing mainit sila sa pulis dahil malayo pa lang eh kita na ang ebidensya na nagpasabit sila. Magaling din ang style na ito kung gusto mong makatikim ng iba't-ibang uri ng insekto sa daan.
3. Spartan mode - dito matetesting ang tibay ng katawan at kalooban mo. Sa tuwing rush hour at hindi na magkandaugaga ang mga tao sa pagsakay na talagang magpapasagasa na sa jeep sa kakasalubong at para lang makasakay eh madalas nasa anim hanggang pito na ang nakasabit. Oo, PITO na yata ang pinakamarami kong nakasabay sa sabit. Spartan mode dapat ang braso mo dahil sa oras na bumitaw ka, mawawalan ka ng puwesto at maiiwan ka ng jeep. Patatagan sa ngalay at pagandahan ng puwesto. Minsan parang ninja na ang dating ko kasi isang kamay na lang ang nakakapit sa bilis na halos 80kph. Goodluck sa buto ko sakaling bumigay ang bakal o bumugso ang pagkapasma ko.
Nakakatulong talaga ang hindi pagjajakol pagdating sa pagsabit mo sa jeepney. Bukod sa malakas na ang resistensya mo eh hindi ka pa pasmado.
Minsan medyo awkward na maging semi-standard ang posisyon mo sa sabit dahil nakatuwad ang lalake sa harapan mo. Buti kung sumasabit ang mga hot chicks eh matutuwa pa akong tuwaran ako ng mga ito. Kaso baka maiba ang reputasyon ko sa madla kapag nakita nilang para kong tinitira ang nasa harap ko.
Mahirap talagang umupo sa jeep na ISA NA LANG, ISA NA LANG ang isinisigaw ng dispatcher. Uneven ang sukat ng mga balakang ng tao at kapag medyo nagmamadali ka eh hindi mo mapapansin na nakasakay pala ang isang big momma sa loob.
1/4 na lang ng puwit mo ang nakaupo at pinupuwersa mo na ang paa mo sa sahig para di ka mahulog. Mas mainam pang nakastandard sabit dahil mas kumportable.
Merong jeepney na patok ang tawag. Mga byaheng Cubao minsan. Parang diskuhan sa loob, sobrang todo ng bass at megabaga-boom ang tugtog na pati ang bingi eh mapapaindak. Yung mga driver na habol talaga eh karera at hindi ang kita. Parang mga butete yung mga jeep na yun na todo ang swerving from left-most lane to right-most lane.
Kung sila ang isasabak sa racing circuit, malamang champion palagi ang Pilipinas.
Maangas ang mga jeepney driver. Humingi ka ng sukli, ikaw pa ang papagalitan. Magbayad ka ng kulang, galit pa din. Magbayad ka ng buo, galit. Magbayad ka ng late, galit. Kaya pagtanda ko, ayokong maging driver na galit. Gusto ko driver na kwela at sweet lover. Parang si Vic Sotto sa mga driver roles niya.
Nung nag-aaral pa ako eh may duda pa sila sa katauhan ko kung estudyante ba ako o hindi. Hindi naniniwalang estudyante ako. Minsan gusto ko silang sumbatan.
"Kaya driver lang ang trabaho mo eh wala kang pagpapahalaga sa edukasyon. Hindi lahat ng estudyante may kaya para hindi magjeep. Wag kang magagalit kung estudyanteng bayad lang ang ibinigay ko kasi kailangan kong magtipid para may pambaon ako."
Pero hindi. Mas kailangan ko ang jeep. Mahirap ang taxi at mahirap maglakad. Di lahat ng bus nakakadaan sa lahat ng ruta. Mahirap maglakad ng mahigit labinlimang kilometro araw-araw, tapos balikan pa yun.
Sabi nung isang drayber nung sinabihan siya nung babae na "mama, pakibaba na lang po sa may Sta. Lucia ha?"
Sabi nung drayber eh "Kayo na lang po ang bababa ha? Hindi ko na po kayo ibababa..."
Tama nga naman.
Yung isa namang drayber, nung may pumara ng pasutsot sabi niya "Wag na po kayong sumutsot, tao po yung drayber..."
Tama nga naman.
Mama, para po sa tabi.