Nung una, nagpunta daw sila sa 50-peso boxers. Tapos sumunod naman, sa 20-peso each pero mga low quality daw ang dating.
Tapos ang good buy daw nila eh dun sa 3 for 100 na boxers.
Umabot sila ng 500 pesos worth of boxers. Kung wrestler ang mga boxers, Boxermania nang matatawag ang event na yun.
Tapos yung suot kong boxer ngayon, hindi pa nalalabhan.
Iniisip ko ngayon kung gaano na karaming kamay ang humawak sa boxers na ‘to at ilan dun ang:
* Chicks - which is malabong mangyare, unless nautusan silang bumili ng magulang nila or buying it for teh boypren
* Nanay - sana man lang MILF
* Lola - sana LILF
* May galis ang kamay
Dapat na siguro akong kabahan kapag nakakita ako ng rashes sa singit ko, tapos papakuluan ko na yung iba pang boxers na isusuot ko sa mga darating na araw.
Elongate...
Shorten...
Nagpalit ng pwesto si Papa Jack at ang isa sa mga Tulfo Brothers?
Papa Jack on a show tungkol sa pang-aabuso ng kapitbahay: “EH AYAN KASI ANG TANGA-TANGA MO! BAKIT KA KASI NAGPAPAABUSO? DON’T YOU KNOW IT’S AGAINST THE LAW ITONG MGA GINAGAWA NG NEIGHBORS MO? YOU SHOULD NOT BE ABUSED LIKE THIS! WAG KANG TATANGA-TANGA PAGDATING SA MGA GANYANG BAGAY! IT'S YOUR RIGHT TO BE VALUED AS A HUMAN BEING! DO NOT LET YOUR RIGHT BE TRAMPLED UPON AND LAMBASTED BY ABUSIVE PEOPLE AROUND YOU! GAWAN MO NG AKSIYON OKAY?!"
Tulfo Brother on a love show for a radio station: “EH ANO BANG GUSTONG MANGYARI NG PUTANGINANG BOYFRIEND MO NA YAN? YANG DEMONYONG YAN ANG NAGPAPAHIRAP NG PUTANGINANG BUHAY NIYO EH DAPAT DIYAN BINUBULOK SA KALUNGKUTAN AT BINIBIGYAN NG KAUUKULANG AKSYON! HARASSMENT YAN ALAM MO BA? MYRNA PAKISAMAHAN NGA ITO SA DSWD!”
And so on, and so forth.
Elongate...
Shorten...
It’s not really my friend, since it’s totally disgusting and it’ll definitely be a source of cringe-fest for all the women in the office.
It appears that I have bad blood (which is not related to being a bad-ass), and this is the second boil that I got this year.
If you do not want to get one of these, you better stay healthy. Eat more vegetables and be more hygienic, exercise regularly, and lessen the amount of masturbations you do each day. I think that’s the main source of this boil.
Come to think of it - this may not actually be a boil, but a product of my mismanaged sperm squirt. Could it be that I have suddenly inseminated my own arm?
I do not wish to know if a child suddenly springs out of my hand, thus I am extracting this with the help of Kath’s medicine from Dubai.
Good side: This will produce a nasty scar, which will be a good reason for a tattoo.
Elongate...
Shorten...
Bale may nasagap pa akong balita.
Nagkaroon daw ng matinding misunderstanding sa relasyon ni Piolo at KC.
Nung minsan daw na magkakaroon sila ng sexy time eh pumwesto na daw si KC at tumuwad.
Naghihintay na siyang pasukin ni Piolo nung maisip niya na masyado yatang matagal.
Patay ang ilaw nung mga oras na yun kaya naman pumunta si KC sa switch at binuksan niya ang ilaw.
Kaya naman pala matagal si Piolo dahil parehas pala silang nakatuwad ni KC.
*Yung joke ng parehong nakatuwad eh nakuha ko lang sa joke ng bakla sa comedy bar at hindi talaga orihinal ang mga ideya ko*
Elongate...
Shorten...
So here's how I interpret things that's listed on my payslip:
The Money I Earn:
Overtime pay - The total hours of work that I have been ordered to complete due to other's incompetence which is also good since it gives me extra time to earn money and slack off simultaneously.
Basic pay - The amount of money which I am very much unsatisfied with and is also the amount of money that I have agreed to be paid in place of my services but keep up with it since it is easier to stay than look for another job.
Night differential - The payment that I receive for not receiving pleasurable sleep and could also be the compensation for the amount of brain and blood cells that I lose each night.
Other premiums - The payment that I receive to let me believe how intellectually adept I am to handle this kind of job and will be used to equate the deductions that will eat up most of my salary.
Total Deductions A.K.A. The Total Destructions Of My Dreams:
HDMF Premium (Pag-ibig) - Deductions for my future house and lot, not entirely significant due to the amount deducted every cut-off.
Philhealth Premium - Deductions that will pay for my hospital bills for eating and drinking too much or basically living my life and abusing my normal bodily functions and is usable at the age of 50 and above.
SSS Premium - Deductions which will make me feel secure at the chance that my kids will abandon me at my senile years and will be the money that I will use to pay for Internet subscription when I am old and useless.
Withholding tax - The punk-ass bitch that I think is not necessary since the government does not give me what I want which is the entirety of my salary and things that I apparently use everyday but does not improve in spite of the fact that I work my ass to pay for these so-called government plans.
HMO Deduction - The payment I provide for the security of my beneficiaries and I wish the withholding tax would just be transferred under this category.
Additional allowances:
Rice subsidy - The peak of all the allowances which provides sustenance to my daily hunger and does not equate to the amount of rice that we buy each month and the money that I most probably have spent on cigarettes and alcohol.
Meal allowance - The insignificant amount of money that I get since I don't buy meals at the office and should be renamed into "cigarettes and alcohol" allowance.
Laundry allowance - The amount of money that I should be paying my mother for the laundry that she does for me.
Uniform and clothing allowance - The amount of money that I should be using to replace all my daily-worn Artwork shirts and is also the amount of money that I should be spending to look more like a working professional/human being rather than a mindless hobo.
Elongate...
Shorten...
Nung isang beses, hindi namin naabutan nung kasama ko sa shift yung naglagay ng chocolate mallows sa lamesa nung bisor ko.
Gusto na sana naming lantakan habang wala pa yung bisor namen.
"Arvin, enjoy your shift!", ang nakasulat dun sa lalagyan.
Napaisip na din kame kung kakainin na ba namin.
Okay pa kung sa babae nanggaling. Ang pinakalalang pwede lang naman nung gawin eh ipunas sa maselang bahagi ng katawan niya yung mallows, bago niya iregalo.
Kaso, KASO! Meron ding mga baklang nagkakagusto sa bisor ko.
Tapos kanina, pinaghati-hatian na naming lahat yung chocolate mallows.
Bahala na kung basta na lang magkaron ng appeal sa akin ang kunsinomang bakla dito sa opisina.
Elongate...
Shorten...
Alam ko naman na dapat akong umalis ng maaga para hindi ako nahuhuli sa trabaho. Pero masarap tumambay sa bahay, kahit mas mabilis ang internet connection sa opisina.
Bale nung nakaraang linggo, tatlong beses akong saktong-sakto lang sa pagdating sa opisina.
Tumatakbo pa ako nun.
Mula sa "Dito lang po ang babaan/sakayan" part, hanggang sa marating ko ang istasyon ko sa opisina eh tumatakbo ako.
Bale ba eh 3 minuto ko lang dapat takbuhin yung mula 1st floor papuntang 4th floor (na may elevator naman) na layo para umabot ako sa pinakasaktong oras na dapat kong abutan.
Pero nung isang araw, hindi na ako umabot.
Paano ba naman kase eh yung FX na nasakyan ko eh kasama yung pamilya niya sa sasakyan.
Bukod sa focused na focused siya sa paglalambing sa anak niya, bawat tao na makita niyang nag-aabang eh ina-assume niyang sasakay. Nagpapasikat siguro dun sa asawa na masipag siyang mag-trabaho at hindi sila mauubusan ng chicharon sa araw-araw.
Tapos nung bumaba na yung mag-ina, inantay niya pang makatawid sa kabilang side, habang inihahatid niya ng tingin yung dalawa.
Hindi naman siguro mapapaano yung mag-ina mo no? Pwedeng umalis na tayo para miski man lang isang minuto bago ako mag-login eh umabot ako?
Kaso, hindi. Inintay niya munang mawala sa paningin niya yung mag-ina bago tuluyang umandar.
Tapos, isinakto pang may lalaking gumamit ng elevator para lang umakyat mula sa 2nd floor, papunta sa 3rd floor.
Hehe. Facepalm all over the place na lang eh.
Elongate...
Shorten...
Nung una, hindi ko alam kung bakit takot na takot si ate sa bulate Yung bulate na Earthworm lang naman na madalas niyang nakikita sa banyo.
As in kung makatili siya eh tila nasa 8th Octave na at may balak pang makipagkumpetensya kay Mariah Carey, tuwing may bulate sa banyo.
Sa hindi ko rin malamang dahilan eh napapadalas ang paglitaw ng mga bulate sa banyo. Parang may semi-infestation yata sa ilalim ng tiles namin or mula sa drainage na umaakyat papunta sa banyo.
Tapos madalas, nakikita ko sila sa ilalim ng balde, or sa pader na paakyat na.
Pero hindi ito sapat para ikatakot ko, saka hindi naman talaga ako takot sa Earthworm in the first place. Budburan mo lang ng asin yan, magdidisco dance na yan hanggang mamatay.
Until...
Nung isang araw na nagbukas ako ng toilet, eh may nakita akong napakatabang Earthworm sa bowl. Malinis at malinaw yung tubig so kitang kita mo siyang nag-squiggle pataas ng bowl.
Miski ako muntik nang mapatili nung makita ko yun.
Ano bang malay mo na habang nakaupo ka sa bowl at umiire ng pagtae eh sumalisi siya papasok sa pwet ko? Hindi ko na yun mararamdaman siyempre dahil ano ba naman ang pakiramdam ng malambot na katawan nun sa magaspang kong tae.
Hindi ko akalain na ganun na lang ang mental torture na kayang ibigay ng isang Earthworm. Mas malala pa sa ipis.
Tapos hindi ko alam na meron na pala akong bulate sa tiyan, at kasalukuyan siyang nagbi-breed at nangingitlog sa loob ng aking bituka. Minsan isang araw, ako ay magiging isang empty shell na naglalakad sa gitna ng daan na bulate na lang ang pumipiloto sa utak ko, at sa katanghaliang tapat eh bigla na lang akong sasabog at magtitilamsikan ang bulate mula sa katawan ko.
Malay ko ba kung bulate na lang ang nagsusulat nitong post na 'to at hindi talaga ako?
Elongate...
Shorten...
Hindi na niya pinairal ang kanyang kunsensiya. Nagparaya siya sa tawag ng laman — at ng dugo. Wala nang kung ano mang makapipigil sa kanyang kahayukan.
Nang makita niya ang dalaga na bumababa ng traysikel, kaagad niya itong hinawakan sa braso. Mahigpit. Higpit na makakapatid na ng ugat.
“Aray ko! Bitawan mo ako! Masakit!”, hiyaw ng dalaga.
“Pare, ano bang ginagawa mo?! May problema ba?”, pasigaw na tanong ng traysikel drayber.
Hinila niya ang dalaga papunta sa bangketa at kaagad na sinikmuraan. Namilipit ito sa sakit at napahiga sa may semento.
Hindi nakakilos sa gulat ang drayber. Habang tinitignan niya ang dalaga’y napansin niyang nasa likod niya na ang binata.
Naramdam siya ng kakaibang sakit sa kanyang likuran. Maya-maya’y nakita niyang may mga daliring sumibol mula sa kanyang kaliwang tadyang. Darili na mabilis na nabuo bilang braso. Ang braso ay punum-puno ng litid, piraso ng laman, at binalot ng dugo.
Nakaramdam siya ng panghihina ng katawan at paninikip ng hininga. Pinilit niyang intindihin ang mga pangyayare, ngunit huli na ang lahat. Nawala ang braso sa kanyang tagiliran at nagdilim na ang kanyang paningin.
Dinukot ng binata ang kanyang bimpo at kaagad pinunasan ang dugo’t mga piraso ng laman sa kanyang braso.
Bumaling siya sa dalaga.
“Kamusta ka na Maria?”
Elongate...
Shorten...