Binata, Dalaga, Tricycle Driver
Hindi na niya pinairal ang kanyang kunsensiya. Nagparaya siya sa tawag ng laman — at ng dugo. Wala nang kung ano mang makapipigil sa kanyang kahayukan.
Nang makita niya ang dalaga na bumababa ng traysikel, kaagad niya itong hinawakan sa braso. Mahigpit. Higpit na makakapatid na ng ugat.
“Aray ko! Bitawan mo ako! Masakit!”, hiyaw ng dalaga.
“Pare, ano bang ginagawa mo?! May problema ba?”, pasigaw na tanong ng traysikel drayber.
Hinila niya ang dalaga papunta sa bangketa at kaagad na sinikmuraan. Namilipit ito sa sakit at napahiga sa may semento.
Hindi nakakilos sa gulat ang drayber. Habang tinitignan niya ang dalaga’y napansin niyang nasa likod niya na ang binata.
Naramdam siya ng kakaibang sakit sa kanyang likuran. Maya-maya’y nakita niyang may mga daliring sumibol mula sa kanyang kaliwang tadyang. Darili na mabilis na nabuo bilang braso. Ang braso ay punum-puno ng litid, piraso ng laman, at binalot ng dugo.
Nakaramdam siya ng panghihina ng katawan at paninikip ng hininga. Pinilit niyang intindihin ang mga pangyayare, ngunit huli na ang lahat. Nawala ang braso sa kanyang tagiliran at nagdilim na ang kanyang paningin.
Dinukot ng binata ang kanyang bimpo at kaagad pinunasan ang dugo’t mga piraso ng laman sa kanyang braso.
Bumaling siya sa dalaga.
“Kamusta ka na Maria?”
0 Winners:
Post a Comment