Kasalanan din ng driver minsan kahit late akong umaalis ng bahay
Alam ko naman na dapat akong umalis ng maaga para hindi ako nahuhuli sa trabaho. Pero masarap tumambay sa bahay, kahit mas mabilis ang internet connection sa opisina.
Bale nung nakaraang linggo, tatlong beses akong saktong-sakto lang sa pagdating sa opisina.
Tumatakbo pa ako nun.
Mula sa "Dito lang po ang babaan/sakayan" part, hanggang sa marating ko ang istasyon ko sa opisina eh tumatakbo ako.
Bale ba eh 3 minuto ko lang dapat takbuhin yung mula 1st floor papuntang 4th floor (na may elevator naman) na layo para umabot ako sa pinakasaktong oras na dapat kong abutan.
Pero nung isang araw, hindi na ako umabot.
Paano ba naman kase eh yung FX na nasakyan ko eh kasama yung pamilya niya sa sasakyan.
Bukod sa focused na focused siya sa paglalambing sa anak niya, bawat tao na makita niyang nag-aabang eh ina-assume niyang sasakay. Nagpapasikat siguro dun sa asawa na masipag siyang mag-trabaho at hindi sila mauubusan ng chicharon sa araw-araw.
Tapos nung bumaba na yung mag-ina, inantay niya pang makatawid sa kabilang side, habang inihahatid niya ng tingin yung dalawa.
Hindi naman siguro mapapaano yung mag-ina mo no? Pwedeng umalis na tayo para miski man lang isang minuto bago ako mag-login eh umabot ako?
Kaso, hindi. Inintay niya munang mawala sa paningin niya yung mag-ina bago tuluyang umandar.
Tapos, isinakto pang may lalaking gumamit ng elevator para lang umakyat mula sa 2nd floor, papunta sa 3rd floor.
Hehe. Facepalm all over the place na lang eh.
3 Winners:
dapat may schedule mga drivers e hahaha
Sana nga ganun na lang. Tapos pipitikin sila sa itlog nung dispatcher nila kapag na-late sila sa pagpila dun sa terminal.
Pretty helpful info, lots of thanks for this article.
Best waterfront restaurant | Stellenbosch Restaurant | stellenbosch accommodation
Post a Comment