November 13, 2011

Earth

Nung una, hindi ko alam kung bakit takot na takot si ate sa bulate Yung bulate na Earthworm lang naman na madalas niyang nakikita sa banyo.

As in kung makatili siya eh tila nasa 8th Octave na at may balak pang makipagkumpetensya kay Mariah Carey, tuwing may bulate sa banyo.

Sa hindi ko rin malamang dahilan eh napapadalas ang paglitaw ng mga bulate sa banyo. Parang may semi-infestation yata sa ilalim ng tiles namin or mula sa drainage na umaakyat papunta sa banyo.

Tapos madalas, nakikita ko sila sa ilalim ng balde, or sa pader na paakyat na.

Pero hindi ito sapat para ikatakot ko, saka hindi naman talaga ako takot sa Earthworm in the first place. Budburan mo lang ng asin yan, magdidisco dance na yan hanggang mamatay.

Until...

Nung isang araw na nagbukas ako ng toilet, eh may nakita akong napakatabang Earthworm sa bowl. Malinis at malinaw yung tubig so kitang kita mo siyang nag-squiggle pataas ng bowl.

Miski ako muntik nang mapatili nung makita ko yun.

Ano bang malay mo na habang nakaupo ka sa bowl at umiire ng pagtae eh sumalisi siya papasok sa pwet ko? Hindi ko na yun mararamdaman siyempre dahil ano ba naman ang pakiramdam ng malambot na katawan nun sa magaspang kong tae.

Hindi ko akalain na ganun na lang ang mental torture na kayang ibigay ng isang Earthworm. Mas malala pa sa ipis.

Tapos hindi ko alam na meron na pala akong bulate sa tiyan, at kasalukuyan siyang nagbi-breed at nangingitlog sa loob ng aking bituka. Minsan isang araw, ako ay magiging isang empty shell na naglalakad sa gitna ng daan na bulate na lang ang pumipiloto sa utak ko, at sa katanghaliang tapat eh bigla na lang akong sasabog at magtitilamsikan ang bulate mula sa katawan ko.

Malay ko ba kung bulate na lang ang nagsusulat nitong post na 'to at hindi talaga ako?

2 Winners:

Traveliztera said...

una kong naisip, ikaw ang nagdala ng mga bulate na yan sa cr nyo... hindi from cr to u . . . hahaha
at baka nga bulate ka :P

M said...

OMG STEPH NAPADPAD KA DITO! Just like old times.

I am sorry, hindi pa ako naiinfest ng bulate sa ulo at talagang yung bulate ang gumapang mula sa ilalim ng toilet papunta sa bowl.

Nangyare nanaman siya kanina.