October 26, 2008

Testing

I'm not a sporty type of person. To be honest, I just like to bum around and flick those up and down buttons on that remote, without any channel to settle on or any good show to finish. With me watching, it's like you're up for a slideshow of pictures or something more of a hypnotic video with random images flashing in front of your eyes.

But I do play sports, not just the sporty spice kind of sporty.

Elongate...

October 22, 2008

King

Galing ako sa super sosyal at eleganteng-eleganteng Ever Gotesco Mall diyan sa may Ortigas upang magdala ng tindang sapatos ng ate ko.

(Kung gusto ninyong mag-retail, kontakin nyo lang ako.)

At dahil meron siyang libreng coupon sa Greenwich Pizza Restaurant eh umorder siya ng mga pagkaing nakalagay sa putanginang mga nakakapasong lalagyan na imbes na matatakam kang kumain eh mas uunahin mo pang dilaan yung braso mong napaso.

Umorder siya nung tinatawag nilang Chicken Ala King.

At aba! Masarap! Pero may kulang. Parang puro kabute ang nakalagay ah. Nawawala ang chicken.

Kaya pala Chicken Ala King ang tawag dahil ALA is acronym for "Apat lang ano?" na patungkol sa bilang ng piraso ng manok na parang pinagtabasan sa Andoks ang size. Kumbaga kapag nagtadtad sila ng manok sa Andoks, yung mga piraso na tumalsik, binibili nila para ihalo sa Chicken Ala King.

Makapal din ang dila ko at ang paligid ng bibig ko dahil sa kung anong klase ng harina ang halo ng Chicken Ala King. Di ko akalaing pagkain lang sa restawran ni John Lloyd ang makakapagpatutbras saken ngayong araw na to.

October 16, 2008

Gentleman

Sabi nila, ang basehan ng pagiging isang gentleman ay ang pisikal na kaanyuan niya: ang postura nito, tamang tikas, may makisig na katawan, tamang tikwas ng buhok, bagong ahit ang bigote at kilay, bango ng katawan at hininga na nakabubuntis, nakamanicure, pantay na tabas ng mukha na parang kinatam, kwadradong baba, diretsong titig na nakapagpabukaka ng hita, matalas na tingin, taas-noo, makintab na sapatos, pormal na pananamit, yung tipong nakabarong o di kaya'y naka-Americana, at may makislap na pagngiti. At siyempre, nagsepilyo, naligo, at bagong-bihis sa oras na nakita mo ang kanyang magandang porma.

Elongate...

October 10, 2008

Rescue Me : The Part Two Of Rescue Me : The Beginning

September ano nga ba yun? 23? Ayun, oo.

Nabubuwisit na ako na naawa kasi maingay siya at isa pa, basang-basa sa ulan.

Baka kapag pinatagal ko pa sa tubig yun, magiging catfish na yun.

At sa sobrang tagal pa niya dun eh baka tatlo na lang ang buhay niya. Nabawasan ko na kakahiling kong mamatay na lang siya at bumaho na lang kesa magngangawa nang magngangawa dun.

Sa lahat ng basang pussy na nakita ko, dun lang ako naantig at naawa. Kapag mga sabog at pisat na pussy naman ang nakikita ko, di naman ako ganung naawa. Yung ulo pisat na na parang artwork ng elementary gamit ang water color. Minsan yung bituka nagkalat na at tapi-tapisak na yung tae. Yung mata eh nakakabit na lang sa ulo nyo niya sa pamamagitan ng isang hibla ng laman.

Elongate...

October 9, 2008

Frank

"Puwedi bah, kung wala kang magawa, magdukit ka na lang ng puki moh!"

-Marie, dating househelp


Yan ang bungad ni Marie dun sa dating manloloko sa telepono namen. May sakit ata sa utak yun.

Yung manloloko ha, hindi si Marie. Pero pwede na din. Ikaw ba naman ang katulong ng bahay na naatasang magbantay ng kapayapaan at kaayusan sa buong sangkapamahayan eh sasamahan mo ang anak ng amo mo at barkada niya sa panonood ng traypuleks na bidyo.

Malabo na sa memorya ko kaya kung basa ba ang upuang tinayuan niya matapos ang naturang palabas eh hindi ko na talaga maaalala. Baka sa sobrang pilit ko pang alalahanin eh makalikha pa ng di-makatarungang imahe ang isipan ko't magamit ko pa sa pagpapatiwakal. At oo, kame yun ng mga barkada namen na tawa kame ng tawa sa reaksiyon ni Marie na parang nakanood ng 2girls1cup na palabas.

Ang bersyon na napanood niya eh 1guy1girl, The Barurot Cup.

= = = = = =

Elongate...

October 6, 2008

Rescue Me : The Beginning

Habang hindi pa tapos ang pangangalap ko ng impormasyon sa mga magigiting na kaluluwang nagbuwis ng reputasyon ng blog nila para iboto ako, kukwentuhan ko muna kayo mula sa puyat at bagsak kong pag-iisip.

Muli po, lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa akin. Sabihin nyo nang OA, tangina ang sarap malaman na nakakauto ka pala sa pagsusulat tapos magkakaron ka pa ng bonus muse sa proseso ng panloloko mo ng mga bloggers, lalong champion.

= = = = = =

Ang title ng post na ito ay inspired by the fucken pussycat na nasa tapat ng bahay namen.

September 27 nung isinulat ko ito, galing ako sa labas. Alas singko na ako nakarating sa bahay.

Elongate...

October 2, 2008

Ting Kyaw


The 2008 Philippines 10 Best Humor Blogs! from Leonard Allan on Vimeo.


Elongate...