Office Chronicles : Launch
Ikalawa sa pinakagusto kong oras sa buong araw ng trabaho (una ang uwian) ay ang...
TANGHALIAN/LUNCH BREAK
Di naman halatang matakaw ako, sa totoo lang nagpapapayat ako ngayon at kaunti na lang ang kanin na pinalalagay ko sa nanay ko sa baon ko. Mga kalahating kaldero na lang.
Masaya sa tanghalian, di diyahe ang magbaon. Minsan parang picnic na din dahil sharing-sharing ng ulam kahit pare-pareho namang pritong baboy ang dala nila. Iba-ibang hiwa lang at preparasyon. Minsan nga yung sa akin eh mukhang manok, pero baboy naman pala talaga. Ang galing talaga ng gourmet skills ni nanay.
Masaya nung nakaraang holiday. Tila nag-pyesta ata kaming lahat dahil sa mga tira-tirang ulam nung nagdaang mga pagdiriwang. Walang hingian. Lahat ay puno ang baunan at mabibigat ang bag. May dessert pa nga yung iba. Nung panahon ding yun ay naguumapaw sa ubod ng sustansyang taba at kolesterol ang ulam namin.
Gusto ko nga sanang mag-angas at dadalhin ko ang ulo ng baboy ng lechon sa amin pero baka harangin ako sa gate. Bawal ang deadly weapons.
Masigla sa pantry tuwing tanghalian. Dito kame talaga nagkakasama-sama ng mga kabatch ko ditong mga trainees. Dito kame nagpapalitan ng opinyon sa mga bagay-bagay at mga kuro-kuro sa mga nangyayare sa paligid namin, sa mga issue sa opisina at mga activities.
In short, dito kame nagchichismisan.
Pero dahil bago pa lang kame, hindi namin alam ang nangyayare sa kumpanya. Hindi namin alam kung sino na ba ang naanakan ni Boss Chief Security man o kung sino ang dine-date ni Manong Handyman. Kami-kame din lamang ang napapag-usapan namin. Nakakaumay na na parang ulam ang kwentuhan kapag ganun.
Mga tatlo...hmmm... mga apat ata kameng araw-araw na nagbabaon dito sa opisina. Malaking bagay nga naman sa pagtitipid kung tutuusin. Sa araw-araw, makakatipid ka ng mga halagang 50 pesos pataas.
Di mo naman kailangan ang McDo, Jollibee, o kaya ang Starbucks at kung anong kalokohang sosyal na kainan at magastos na pagkain para makaraos sa araw-araw. Panigurado naman akong itatakwil mo ito pagdating ng panahon.
Di na rin ako bagito sa pagkain ko sa labas. Di naman ako takot sa changes. Kaya ko ang challenge na bumaba tuwing tanghalian at bumili ng pagkain mula sa sikat na Jolli-jeep ng Makati.
*Ang Jolli-jeep ay ang mga karinderya sa likod-likod ng mga building sa mga eskinita ng Makati na parang jeep ang itsura.
Ito ang lokasyon ng Jolli-jeep na malapit sa opisina.
Noong nagsisimula pa lamang kame dito ay sa 6th floor ko sinasamahang bumili si Jerome. Malapit nga ang bilihan dahil sa building din namin at bababa ka lang saglit pero lintek naman kamahal ang ulam. Parang sa mall ka din kumain. Wala akong balak bumili dun dahil ang pinakamahal kong nabili sa tanghalian ko eh halagang 20 pesos lang. Oo, TUWENTI PISOWS lang.
Laging ganun ang putahe -- Ginataang langka + isang kanin o kaya eh kahit anong kinse pesos na ulam at isang kanin sa halagang 20 pesos lamang.
Solb na ako dun. Kung ganun lang ang gagawin ko sa buong buhay ng pagtatrabaho ko, malamang ang sexy ko na at slim na slim dahil sino bang hindi papayat sa halagang 20 pesos na pagkain.
Maraming choices sa Jolli-jeep, mga regular na ulam tulad ng adobo, sinigang, pritong liempo, manok, chicken curry, gulay at mga lutong bahay pa. Meron ding special na putahe tulad ng special adobo, special sinigang, special chicken curry na lahat eh binudburan ng pagmamahal ni ate cook at malamang ihahain niya lang ito sayo kapag sobrang kupal mong kostomer.
Medyo kailangan mo lang ng kaunting charm para mabigyan ka kagad nila ateng madalas eh parang mga dragon na nagbubuga ng apoy sa sungit. Tipong tatanungin ka na lang kung anong sayo eh mawawalan ka na ng gana. Talk about quality service! Pero kaunting pasensya lamang naman ay makakatikim ka din ng masarap na liempo at chicken legs nila ate.
Nitong 2008, nagbago ng patakaran sa pagtitinda ang Jolli-jeep. Bawal na daw ang tigkalahating ulam. Wala nang 1 gulay + 1 ulam + kanin na combo. Mga bitches, di nila naiintindihan ang kagalayan ng mga manggagawa. Mga imperyalistang jolli-jeepers! Hrumpft!
Minsan nga ay gagantihan ko sila. Guguluhin ko ng lubusan ang kanilang selling ceremonies tuwing rushtime sa tanghali.
"Ikaw, ano ang sa iyo?"
Adobo ate. Dalawang kalahati.
"Dalawang kalahati?"
Oo 'te, dalawa't kalahati.
"Ano ba talaga?"
Dalawang kalahati 'te.
"Ate, dalawang half rice nga."
Dalawa sir?
"Oo 'te, tapos pakipagsama sa isang plastik"
Mahirap kalabanin ang galit na tindera. Marami silang armas. Mainit na sabaw, tinidor, kutsilyo, lighter, at ang kanilang pamatay na titig at matinis na boses na ikamamatay mo sa lutong ng pagmumura.
Nitong mga nakaraang linggo ay nahihiligan nila ang lumpia na tinda ng isa sa mga Jolli-jeeps. Masarap nga naman ang lumpia, walang duda.
Medyo napansin ko lang na hindi masarap sa lunes at martes ang lumpia pero malinamnam na pagdating ng byernes.
ISPEKULASYON:
Biyernes = madaming tirang ulam mula lunes-huwebes
Masarap na lumpia = Biyernes
I Therefore Conclude that mas masarap ang ginataang langka kaysa sa ginisang string beans.
Minsan na ding naging issue dito ang di pantay na pagtrato ng mga tindera sa mga bumibili. May pagkakataon na mas marami ang ulam ng isa kong kaopisina kaysa sa isa pa.
Officemate 01: Bakit mas marami ang ulam na binigay sayo ni ate?
Officemate 02: Ganun talaga boy, paminsan-minsan eh kikindatan mo din si ate!
Basehan yata ang kagwapuhan sa dami ng ulam. Kaya pala halos ibigay na ni ate ang buong kaldero kapag ako ang bumibili [Oh come on...]. Pero maaaring gwapo nga ba talaga ako o kaya eh malapit nang mapanis ang ulam kaya ganun na lang sila kagalante.
Nasabi naman ng kasama ko ritong hindi na daw siya ipagbabaon ng kanyang ina dahil napapagod lamang daw siyang magprepare sa umaga. Yung sweldo daw niya ay napupunta din lang sa baon kaya't mas mainam pang mag-lunch out na lamang din siya. Tama nga naman kung iisipin.
Pero dahil sa mapagmahal ang aking butihing ina ay hindi na din niya iniisip ang bagay na yon. Maaga pa din siyang gumigising para ipaghanda ako ng babaunin ko sa tanghalian.
Noong panahon ng simbang gabi, ilang araw ding kumain sa labas ang kasamahan kong nagbabaon. Hindi kasi siya maipaghanda dahil nasa simbahan ang kanyang ina. Kaya lagi silang nagsasabi na may simbang gabi nanaman daw kapag sa labas kame bumibili ng pagkain.
Mga usapan sa tanghalian:
*Ang mga ito ay aktwal na napag-usapan nung panahong kumakain sa pantry*
Ako: Ang galing nung mga gulay no? Lalo na yung kangkong. Kasi kagabi nung jumebs ako, buong buo pa siya at parang hindi ko naman kinain. Pwede na nga ulit i-serve eh.
Officemate 01: Haha, dapat pala hinila mo yun boy. O kaya parang yung ginagawa ng mga aso kapag nakakain sila ng plastic, yung nagkakaskas ng puwitan sa sahig.
Officemate: Anong baon mo? Parang ang bango naman!
Ako: Ah, ganun pa din. Ulam lang din, pareho ng sa inyo. May rekado, may karne, may kaunting vetsin...
Officemate: ...(gago tong tarantadong to ah)
Officemate 01: Ano bang usual na ginagamit sa Generics? Kapag ba Integer ang ginamit di ba conflict yun sa super class na dapat eh nag-override sa kanya?
Ako: Putanginang yan. Nakakawalang-gana.
Hangga't kaya ko, magbabaon ako. Sayang ang sarap ng lutong bahay. Kahit pa sabihin mong mahal ako ng tindera at niyang ibigay ang kanyang katawan para lang ulamin ko, gugustuhin ko pang matikman ang luto ni inay sa tanghalian.
6 Winners:
dati rati nung di pa ako nagpapapayat buong isang rice cooker ang kinakain ko.. kasama na pati wire at saksakan.. tsk tsk tsk
nadiri ako dun jebs ek ek.. nawalan na ako ng ganang magbasa... haha
yan ata yung pampapayat na usong-uso ngayon. yung kangkungis?
Tangina niyang si ate, makakatikim din yan sayo minsan.
magkaroon ka na ng social life
hahaha
ang haba
tae
pero natawa ako
sa dalawang kalahati
patok
:)
oo nga naman. dalawang kalahati. WAHAHAHAHA! naalala ko yung chaka naming tindera sa kantin namin,. pucha, kung hindi lang talaga siya matanda, baka 'bitch' na tawag ko dun. nakakaloka eh. grabeng magsalita. haha. sarap turukan ng injekshon. :)
Naalala ko yung prof ko, imbes na talong cup ng kanin daw ang kinakain niya ay isang cup na lang at apat na half cup na extra rice. parang ikaw.
Napangiti ako ng mabasa ang lunch break, ewan ko ba kung bakit, wag ka ng magsuggest ng rason kung ayaw mong masaktan. haha. Parang masaya mag baon. Sana pwede din yan ngayong college.
Sa padamihan naman ng ulam, madalas akong mabigyan ng mas madami. Siguro kasi nalalakihan sa akin yung tindera at naiintindihan na mas malaki ang pangangailangan ko. Ayos nga eh, kahit hindi naman ako regular na kumakain sa kanila parang automatic na na pag nakita ako ay nadagdagdagan lagi ang ulam.
Mahaba ang comment ko, akma lang sa post mo. iklian mo naman minsan. haha.
Wahaha, ang haba-haba pala talaga nito, the bitch entry! Pero baka dahil lang ng layout ko? Ewan.
Ahaha, ganun talaga ang usapan sa opisina FerBert, nakakawalang-gana. Pero mas nakakawalang-gana pag-usapan yung trabaho. Goodluck sa diet mo! Electrical diet.
Kankunis, luma na yun Igno! Haha, dati pa yung slimming tea na yun. Di ko alam kung ako ba ang makakatikim kay ate o si ate ang makakatikim saken. Basta ako nakakatikim ng ulam niya.
Meron akong SOCIAL LIFE. BLOGGING SOCIAL LIFE, that is. Di ko pa talaga natetesting yung dalawang kalahati, baka triple ang singilin saken pag ginawa ko yun.
May ganun talagang mga gagong tindera Noime, ang sungit sungit sungit! Ahaha, parang lahat na ng ampalaya eh kinain nila.
Mas marami ata yung kinakain ng prof mo Abad, kasi minsan sobra sa kalahati ang takal ng kanin kapag kalahati lang. Ambait ng tindera mo, daig yung kay Noime. Salamat sa pagkomento ng mahaba Abad, iiklian ko na ang post ko minsan.
Post a Comment