January 8, 2008

Smokin'

Dalawampu't dalawang taon na din akong namumuhay sa mundo.Halos isang taon na akong tumitikim ng usok. Mahiwagang usok na hindi nanggagaling sa tambusto ng sasakyan. Maputing usok na nanggagaling sa isang maputing stick na may foam sa dulo.

Ito na nga ba ang ikinatatakot ko sa aking sarili. Ang magkaroon ng bisyong hindi maiiwasan. Ang magumon sa isang bagay na alam kong mahihirapan akong tanggalin. Isang bagay na babagabag sa akin sa oras na hindi ko ito magawa.

At hindi ito sex. At hindi din ito self-popoy.

Bisyong sigarilyo lang naman ang nabanggit ko.

Alam kong madami nang namamatay dito, at backstabber ito dahil di mo naman malalaman agad-agad ang resulta sa katawan mo. Kung meron man akong diyes sentimos sa bawat isang tao na namatay dahil sa sigarilyo, bajillionaire na siguro ako. Andami kong napapanood sa telebisyon at mga litratong nakikita sa mga kung saan-saan na nagpapaalam na dapat hindi ka nagugumon sa ganitong klase ng adiksyon. Sino ba naman kasi ang titigil sa pagsisigarilyo kung ang nakalagay sa pakete ng sigarilyo natin eh:

Government Warning: Cigarette Smoking is Dangerous to Your Health

Susmariasantisima, sino ba naman ang maniniwala sa gobyerno? Siguro eh marami-rami nang namatay na aktibista dahil na lang sa warning na nakasulat. Kalokohan ang makinig sa gobyerno.

Mainam pa sa ibang bansa tulad ng Singapore at... iba pang bansa, ang naka-drawing sa harap ng pakete ng sigarilyo eh yung nabubulok na bagang, gilagid, sabog at sunog na baga, pati na din ang madidilaw na pearly whites.

Ayan tuloy, sa kahiligan ko dito sa bisyong ito eh maging sa mga litrato kong ubod ng laki ang mga ngiti ay halatang-halata na ang epekto ng Nikotina.

Pistingyawa naman, bakit kasi ako nagpabaya. Dapat hindi na ako nagsubok. Dapat hindi ako tumikim. Ubod ako ng weak na weak na weak at hinding-hindi ko kayang labanan ang ganitong klase ng bisyo. Dito na marahil ako mamatay ng dilat at puro hangin ang utak.

Kung ang pagjajakol nga na agad-agaran ang resulta sa katawan, hindi ko maitigil eh, ito pa kayang saka na lamang lilitaw ang resulta sa dulo ng aking buhay? Ah, ewan ko. Ipakita mo sa akin ang hinaharap.


Isang malaking BAHALA NA sa pagtigil ko dito.


Nagsimula ako noong mga bandang second year college. Nagsusubok na ako nuong bata pa lang ako, pero di ko naman pinaabot sa lungs. Hanggang mouth lang. Ano ako, bading? Papaabutin ko pa sa lungs? Papaabutin ko pa sa throat at esophagus? Bakit pa eh pwede namang sa mouth lang. Duh? So icky.

Pero ngayong tumanda na ako, abot pa hanggang kaluluwa ang paghithit ko ng usok. Parang smoked ham ang baga ko na kailangan talagang babad na babad na sa tobacco essence. Di pa man din ako relax tuwing nagyoyosi ako kaya para akong nakarespirator na nasa number 3 ang settings. Samahan mo pa ng matinding usok na sumagupa sa baga ko nung nakaraang bagong taon. Para nang pinausukang damuhan ang lungs ko sa panahon ng Dengue. Mas maitim pa sa budhi ni Lolit Solis ang mga gilagid ko at bagang. Pati ang labi ko, sunog na sunog na din dahil dito.

Si Jerome kasi, madalas din siyang magsigarilyo. Siya lang ang nag-iisang dahilan ko ngayon dito kaya ako napapa-yosi. Inaalala ko lang naman din kasi siya para pag sabay kaming maoospital, may kausap siya sa kwarto. Yun lang pareho kameng di makahinga ng maayos. Yung isa kong kasamahan sa trabaho ay nagulat nung magsigarilyo ako ng magkasunod. Chain smoking. Akala niya raw ay nagbago na ako. Akala ko din nga kasi ay nagbago na ako. Pero di naman kasi nagbabago ang epekto as akin ng yosi.

Naalala ko pa nung bisperas ng bagong taon na sinabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa isang stick ng yosi "Ito na ang huling sigarilyo ko".

Pero ang nangyare eh yun pala ang huli kong sigarilyo para sa 2007. Meron pa pala akong unang sigarilyo sa 2008. Tapos nasundan pa ng ikalawa, tapos ikatlo, tapos ikaapat, tapos hindi ko na masundan pa ang bilang.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Nakaaliw kasi ang usok. Parang isang busilak na diwatang humahawi sa harapan ng iyong diwa.
Usok na pupuno sa iyong baga sa oras na dumampi ang iyong labi sa malambot nitong likuran.

Mayroong manamis-namis. Mayroong mapait at makati sa lalamunan. Mayroong mabango at amoy strawberry, melon, lemon, at orange.

Merong lights at menthol.

Kapag ako'y naglalakad, si Marlboro ang tangan ko.
Kapag ako'y nakatambay, ang Lights nito ang nasa kamay ko.
Kapag ako'y nag-iinom, Winston Lights ang hinihithit.




Kapag ako'y nauuyam, kahit ano'y pinipilit

Inalok ako ng ka-tropa ko. Isang mahabang stick ang kanyang hinugot. Menthol ang trademark nito. Kadalasan eh mga tatay pa ang nag-yoyosi nito. Nasabi ko na lang: "San ba ang byahe natin? Ako ba ay drayber?"

Madaming brand na akong natikman. Kasalukuyan kong nilalasap ang tamis ni Gudang Garam. Mabango, swabeng-swabe ang amoy. Parang fruit cake ang halimuyak. Throat-buster nga lang ang dating. Parang magaspang na buhangin.

Si DJ Mix, maraming flavor. May melon, lemon, orange, lime, at strawberry. Parang isang kaharian ng prutas ng walang-hanggang kaligayahan. Isang kahon ng mabangong substance na nagbibigay-sigla. Giniling na balat ng strawberry, lemon, melon, at kung ano pang prutas na maisipan nila. Mahusay kung may Durian.

Black Bat naman yung isa. Parang sigarilyo ni Dracula. Parang nakausli ito sa kanyang nguso sa tuwing lumilipad siya sa gabi. Parang ang usok ng Black Bat ang nagmimistulang mist form ni Dracula sa kadiliman. Parang isa itong parte ng utility belt ni Batman na kapag nagpapatakbo siya ng Batmobile ay nakasipit sa kanyang daliri habang sinasagip niya ang gabi. Black Bat ang matamis na stick na kulay itim na maaaring kahantungan ng bawat crevice ng iyong baga. Korteng itim na paniki na ang iyong lungs.

Si Capri, pambabae. Manipis at patpatin. Parang palito ang dating. Pero ganoon din katagal bago ito maubos.

Si West Ice, parang mild menthol lang.

Kung mayaman ka, andyan si Dunhill, si Camel, o si Blue Seal. Di naman ako nakakatikim ng mga yan dahil sa halagang P2.00, solb na ang araw mo.

Lahat sila, iisa ang tema, iisa ang itsura. Isang maliit na stick na may foam sa dulo. Isang stick na nageemit ng smoke. Isang stick na nakakapagdulot ng Lung Cancer, Emphysema, at Laryngitis, Shortness of Breath, and Halitosis.

Nakakadilaw ng ngipin at nakakaadik.

May tamang antas lamang ng nikotina sa utak mo kapag ikaw ay nagsisimula pa lamang. Kapag bigla mong itinigil ang iyong kahibangan sa usok, maghahanap ang utak mo ng paraan para matugunan nito ang pangagailangan sa nikotina.

Nakakamatay.

Ang usok na ito, ang isang panandaliang paraiso para sa pag-activate ng mga ideya at pampagising sa mga nawawalan ng oxygen sa katawan.

Isang masarap na panaginip.

Isang malasang usok.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Kung kailan man ako mapapatigil, ako lang ang may alam. Tama nga naman si FerBert na tumatanda na ang mga tao, kagaya ko. Kung ano man ang tunay na regalo na maiibigay sa akin ng kung sino man ngayong bagong taon, ang gusto ko ay ay yung pampahinto ng kalokohan. Hindi ako si Superman. Namamatay ako unti-unti at hindi ko ito nalalaman. Salamat na lang kung tumigil ito kaagad.

Bigyan nyo ako ng bagong lungs. May donor ba nun?

9 Winners:

Anonymous said...

Ang sigarilyo ang aking siyotang hindi umaalis. Nandiyan kahit meron o wala kang pera. Nandiyan kapag may sakit ka. Nandiyan kahit meron kang ibang babae. Nandiyan kahit magsariling sikap ka o may nagsusumikap para sayo. Pano nga ba siya tinitigil mariano? Dalawang kaha isang araw na ko.Sa loob ng sampung taon, siya lang ang kasama ko.

Abad said...

Tsktsk. mamatay kang maaga. Mamamatay ka. WAHAHAHAHA. ang kapal ngmukha ko eh mauuna pa akong mamatay sa'yo. Ang hirap talagang magquit.

Anonymous said...

tama na yan
mambabae ka na lang
mas mainam pa na bisyo yun

hithit buga
hithit buga

Anonymous said...

oo nga, oo nga. mambabae ka na lang kesa manigarilyo. haha.

ako, naaasar ako sa erpat ko kapag nakikita ko siyang naninigarilyo. parang hindi niya kais kami iniisip eh. pano kung mgkasakit xa? pano kame, dba? hindi ko naman siya masumbatan dahil ama ko siya. pero xmpre, ms pipiliin ko na lang na maghirap kami kesa may sakit yung isa samin. duh! haha.

kuya, pwede ko ibigay sayo lungs ko. :D

Anonymous said...

masaktuhan ko bang tungkol sa paninigarilyo pa talaga ang topic dito? kulang ang espasyo ng comment box kung maglilitanya ako dito kaya hindi na lang. (ang sabihin mo mnel, tamad ka lang magtype)

buti na lang at may asthma ako. sa kabutihang palad ay sa usok ng sigarilyo ako allergic kaya hindi man lang sumagi sa kukote ko ang manigarilyo.

please lang naman no. gusto ko pang mabuhay. hindi ko na kailangan pang hintaying mangitim ang baga ko bago ako mamatay. mga sampung minuto-worth ng usok ng sigarilyo lang at tiyak ang kamatayan ko. (sa mga galit sa akin, ayan, may idea na kayo kung paano ako patayin)

di rin ako sang-ayon sa pambababae. pero matatanda na kayo. kayo na bahala dun. ang sa akin lang ay safe sex. haha. walang sense.

Meryl Ann Dulce said...

GOVERNMENT WARNING:
Smoking Kills.

gerrycho said...

ang lalim pala ng syensya ng paninigarilyo neh?? umaabot sa malalim na balintataw!

Mariano said...

Ignoramus, mahirap magmahal ng sigarilyo. Kahit siya lang ang maasahan mo sa lahat ng oras, di siya mapapakagtiwalaan sa matagal na panahon. Mahal mo siya pero unti-unti ka niyang pinapatay. Kung may katauhan lamang ang sigarilyo, gugustuhin ko siyang maging si Elisha Cuthbert, pero sa ibang paraan niya ako papatayin!

Abad! Ahaha, talagang mamamatay na ako ng maaga, mas maaga pa sa inaasahan kong panahon ng pagkamatay ko which is 80. Siguro mga 1 day before ako mag 80 ako mamatay.

Xienah, maganda talaga ang mga payo mo kahit kailan. Gusto ko siyang sundin kaso lang ang problema eh sino naman kaya ang may gustong manlalake sa panahong ito? Di nga ako nakakapagyosi, wala naman din akong makikilala! Quits lang! Haha.

Noime! Salamat sa lungs mo! For sure masustansya pa yan kahit may langis-langis na, ahaha. Ganun talaga ang mga magulang. Kung ako ganun din ako, ayoko ng napapagsabihan eh, eh pano pa kaya yung mas matanda sa atin diba? Haha. Yaan mo, matututo din siyang magquit, sana lang maaga pa.

Doc, hikain din ako dati pero nawala siya. Ang kapal ko nga, galing ako sa lahi ng mga hikain pero eto ako at sige lang nang sige. Safe sex na lang siguro ang patutuunan ko ng panahon ngayon. Pwede mo ba akong bigyan ng tips? Tutal duktor ka naman.

Meryl! Lumang kahon na ang nakita ko kaya siguro ganun pa ang nakalagay na warning! Ahaha. Sige, sa susunod yung bagong kahon na ang bibilhin ko.

Gerrycho, first timer! Salamat sa syensa ng yosi at napa-comment ka dito. Di lang sa balintataw kundi sa bawat sulok ng ugat eh umaabot siya.

FerBert said...

see you in heaven.. 2 days ago di ko napigilan sarili ko.. nanigarilyo ulet ako.. wala talaga akong disiplina...

nung araw na yun di din ako hinalikan ng gi ep ko kase amoy sigarilyo ako.. tsk tsk tsk

ayoko ng black bat, gusto ko ng gudang.. hahaha...