January 27, 2008

Kuhol

Mga paborito kong kasabihan ukol sa alkohol:


1. Alcohol, helping ugly people have sex since 18XX - Galing sa t-shirt

2. Here's to alcohol, the source and solution to all of life's problem - Homer Simpson

3. Alcohol is the best English tutor there is - ako

4. Drinking they say, is the haven of the weak. We forget a persona that we only have the courage to show when we're drunk enough. We escape reality even if it would risk our health. But I tell you this, the most honest individuals are those who drink to drown because they lose their social mask. NO pretensions, NO limits, NO lies. That's not weakness, that's being fearless. And I guess what they can never fathom is that because of intoxication, we become pure. - Galing sa text ng kaibigan kong lasing

5. GUWAAAAAARRRRRKKKK.... *ubo ubo*.... BWAAAAARRRKKKK.... HUWAAARRRRKKKK.... waaaaarrrkkk... *ubo ubo* ewaaaaaarrrhkkk... - tunog ng nagsusuka dahil sa alak

= = = = = = = = = =

Ahahaaaaay.

Ang alak, para sa akin ay mayroong titulo na "The Best English Language Tutor". Magaling pa siya sa kahit na sinong may Ph.D. na title sa BS o BA na kurso.

Kung titignan mo ng mahusay, kung may panahon ka, magobserba ka ng mga lasing sa kanto or kahit sinong kakilala mo na nalalasing. Tapos kausapin mo ng ingles. Magugulat ka sa mga resulta. Kung kanto boy ang nakausap mo ng lasing eh mababa na ang limang saksak sayo. Pero kapag kainuman mo ang kinausap mo ng English, panigurado eh kalahati ng panahon na magkakausap kayo, ingles na ang gagamitin niyong lenggwahe. Kahit ako, nagkakaron pa ng accent kapag nalalasing, base sa obserbasyon ko. Hindi ko pa naman natatamo ang ISH na accent.

Minsan eh may pagka-conyo pa ang pagsasalita mo. It's like you live in the western country or something pareh. Bakit kasi nakakapagpabaluktot ata ng dila ang alkohol. Must be the denaturizing enzymes in it pareh. Although you speak good ingles, that doesn't make you intellectual, or at least look like one pareh. Wasted ka pa din bro. Nakakatuwa lang tignan kapag yung mga kainuman mo eh nagiinglisan na pareh, it's like they're like you know, so from an elite family kahit medyo mukhang mananabas lang ng pagkain ng baka pareeeeh.

Kaya nga ba't minsan eh magmimistulang Manny Pacquiao ang pagsasalita naming mga lasenggo. Noodle pa nga! Noodle pa!

= = = = = = = = = =

Ah, oo nga pala, isa pang titulo ng alak eh yung magaling siyang "Amnesthetic". Oo, AMNESTHETIC, hindi ANAESTHETIC (pero kabilang na din dito ang aspeto ng pagiging Anaesthetic).

May kapabilidad ang alak na makapagpalimot ng mga bagay na ginawa mo habang meron ka nito sa katawan mo.

AMNESIA.

Kumbaga, sabi nga ng kaibigan kong madalas makaranas ng ganitong bagay eh may kakahayan itong gawin kang werewolf. Gaya sa mga pelikula ng mga werewolf, walang maalala sa umaga yung taong lasing kung ano ang nangyare sa kanya sa panahong nalasing siya ng husto. Blackout ika nga ng mga eksperto.

Minsan ganun din ako, pero hindi naman sa punto na nakakakuha ako ng lamang-loob sa bulsa ko at mga mata ng kung sinong kainuman ko sa loob ng bag. Grabehan naman yun, di ko alam eh nakapatay na pala ako. Scary shit yun, baka nga werewolf ako at hindi lasing. Simple pa lang naman ang nangyayare sa akin na dulot ng amnesthetic effect ng alak. Parang sleepwalking lang. Di ko alam kung papaano ako nakalipat mula sa silya papunta sa kama sa itaas ng bahay.

Ang isa sa mga kaibigan kong tatawagin nating Jon C ay mayroong mas malalang kaso ng pagkakamit ng amnesthetic effect. Nasa resort sila noon nang malasing siya nang husto. Pagkagising niya ay napalitan na lahat ng kanyang damit pati na ang kanyang UNDERWEAR (brief). Hindi din siya makapaniwala sa kwento ng kanyang mga kaklase na tila ba isa siyang katutubong pagulong-gulong sa dalampasigan ng dagat at muntik na din daw siyang maiwanan ng bus papauwi. Wala ni isa man sa mga pangyayaring iyon ang natatandaan ni Jon C.

Minsan naman akala mo eh imahinasyon mo lang ang mga naganap. Yun naman pala eh nangyare na talaga sa true-to-life. Kaya pala na-imagine ko noon eh marunong akong magbreak dance. Pagkagising ko eh puro gasgas na ang mga braso ko at talagang nag-break ang mga ilan sa buto ko. Pero okay na ako pagkatapos nun, feeling wow pa din.

Marami pa akong gustong i-kwento tungkol sa paksa ng pagiging amnesthetic kapag nalalasing pero sa kalungkutan, wala akong maalala sa karamihan sa kanila.

= = = = = = = = = =

Minsan mas gugustuhin mo na lang din tamaan ng amnesthetic effect ng alak. Lalo na kung ubod ng jologs ang itsura nung babaeng kinalantari mo nung panahong lasing ka. O kaya naman eh magandang excuse ito sa mga di inaasahang mga panganay.

"HINDI KO ALAM ANG MGA NANGYARE! LASING AKO NUN! NILASING NIYA AKO!"

Mainam na excuse pero kung di natin alam kung tatanggapin sa hukuman yan at lalo na ng mga magulang na nagmamay-ari ng matataas na kalibre ng baril.

Siyempre, hindi din magandang pagsamahin ang manibela at alak. Duh, di kaya naiinom ang manibela! Sus! Kahit pulutanin mo ang manibela eh para ka lang ungas na nagpipilit tunawin ang leather cover at plastic na materyal nito.

Pero seryoso, madaming kaso na ng namatay sa pagmamaneho ng lasing.

Pero kami ng utol ko? Di namin alam kung papaano kame nakakauwi at kung papaano siya nakakapagmaneho kahit sabog na sabog na sa alak at isang malawak na lupain na ang tingin mo sa isang makipot na eskinita. Nasa pag-iisip din naman yun ng tao. Lasing ka lang at hindi ka naka-droga. Magkaibang bagay ang tama nung dalawa. Kahit kaming dalawa ay nagtataka kung papaano nangyayareng nakakauwi pa kame. Amnesthetic.

= = = = = = = = = =

Gusto mo ba ng sample ng isa sa mga nagagawa ko kapag lasing?

sa pusod ng lasing

Ito ang isa sa mga panahon na nagkaroon kame ng basagan ng ulirat. Kasamahan ito nung nangyare sa litrato na may titulong "2 Gin Bilog + 1 Emperador Long Neck = very painful jaw". Hindi tinta ng pulang bolpen ang ginamit ko diyan.

May sasakyan ang kaibigan namin at dahil sa lasing na kame, ayaw na niya kaming isabay dahil mukhang magsusuka lang kame sa kotse niya (na nangyare na din naman, pero sa labas lang). Mukhang seryoso siyang hindi niya kame isasabay kaya naman nagpumilit akong pahangain siya sa kakayanan kong magsulat ng mga mensaheng hindi mo maintindihan.

Nakita ko ang cutter sa lamesa at daglian naman akong sumulat ng mensahe.

PA3Z.

Ano ba ang pa3z? Dahil nga sa nanginginig na ang aking kamay sa kalasingan ay hindi na din nila ipinatuloy ang mensahe.

PASABAY.

Ganun pala dapat ang isusulat ko. Balak ko pa sanang i-cross out ang salitang pa3z pero pinigilan na nila ako. Baka daw makapag-dinuguang lamanloob sila ng wala sa oras.

Sa ngayon, wala na ang peklat kaya't ipinapangako kong aayusin ko na ang pagsusulat sa susunod na pagkakataon para naman magkaintindihan kame.

13 Winners:

FerBert said...

"HINDI KO ALAM ANG MGA NANGYARE! LASING AKO NUN! NILASING NIYA AKO!"
hahaha... may nalala lang ako dito

argh! tae! di ka na invited sa bday ko.. papainumin ko pa naman sana ang mga blogger prens ko.. argh!

my-so-called-Quest said...

tagay pa! hehe.
buti di ko pa nasisisi yang alak
kapag ako'y nagkakalat! lol

Anonymous said...

nakooow... linsiyak!! parang performance art pala yang ginawa mo sa tyan mo. talo mo pa isang artist sa hirit.

aleli said...

sus ko.. ang tindi ng entry mo, nagawa nitong magkaroon ako ng fashbacks..

Nailagay ko nun sa isang tag ni ced saakin. At dahil dun pinagtawanan ako ni FB. At naging rason para tumigil na aking sa mga kalokohan ko.wehehe..

Siguro naman tama na ang rason na "Nagising ako na hindi ko alam kung kaninong damit ang suot ko. At may dalwang Bedsheets na akong dapat labahan".. yuck!! ahaha..

Anonymous said...

kakalbuhin kita
>:)

Anonymous said...

FerBert, ayaw mo ba ng showman sa birthday mo? Isama mo na ako!

Hello Ced, maraming salamat sa pagkomento! Alak ang may gawa sa lahat ng kalat na naibigay ko sa kainuman ko kaya wala akong dapat hindi isisi sa kanya.

Palma, medyo abstract nga lang pero pasensya ka na.

Aleli, sana naman hindi naging magulo ang flashbacks na naidulot ng entry na ito. Magsuot ka na ng damit mo nekstaym ha?

Xienah, sa next lifetime mo na lang ako kalbuhin okay? Wag muna ngayon!

Anonymous said...

ang haba..

napunding alitaptap... said...

wahaha... wahaha... ang saya.. natuwa ako, naaliw...

may kwentong lasing ako, dapat ngayon ko ipopost kaso di ko mahanap sa saving device ko, nasa pc ata... pero boring... hehe..

wag ka na kasing uminom..

wag ka na rin mag-inggles, nakakapanginit ng dugo..tsaring! hehe...

magandang gabi..

Duroy said...

Sir, nasubukan mo na ba ang Gin na may kasamang extra joss? Sarap nun hahaha!!!

Bea said...

Hala, buti hindi tumagos sa butika mo 'yung sinulat mo sa tiyan mo, Mariano! :p

I don't drink, laging tikim lang. But I've been wondering ever since I stepped into college what it feels like to be drunk and tipsy. 'Yung tipong wala ka sa sarili, at nag-iingles din tulad ng sabi mo :)) Siguro in the future, ma-try nga. Nyahahaha :D

Enjoyed reading your post! :)

Mariano said...

Noime! Ahaha! Pasensya naman! Ahaha.

Ms Napunding Alitaptap, salamat at wahaha, natuwa ka at naaliw! Sige, hanapin mo na ang kwentong lasing mo nang magkakwentuhan na tayo. Gusto kong uminom! Masarap siya kahit nakakahigh-blood. Di naman maiwasan mag-english! It comes natural! Ahaha.

Sir, natikman ko na din yan at pati ang tama niyan natikman ko na. Masarap ang lasa pero di masarap ang tama.

Bea! Salamat sa pagkomento! Hehe. Actually eh medyo parang di matino ang aking digestive tract matapos ang nangyare. Pwede naman ang social drinking eh, saka kapag sosyal ang alak masarap namnamin! Try mo na din habang bata ka pa, para mabilis maubos ang atay natin! Ahaha. Salamat sa pag-enjoy!

Cipa said...

I play poker online

Skalbimo mašinų remontas Vilniuje said...

Meistras daro, klientas laimingas