January 10, 2008

HU U

LOSER REASON UPDATE:
+ Mali-mali magbasa ng mga usapan sa YM
+ Mas matindi pang magpakipot kaysa sa babae



Ayoko na ng mga masyadong review ng year 2007. Sa ibang araw ko na lamang yun ilalagay dito dahil maarte akong tao at isang taon pa ang selebrasyon ko ng new year kaya wala kang pakialam, tseh.

Dun tayo magkikita sa dating tagpuan.
Alas tres ng hapon, sa tabi ng Jollibee
Dalhin mo na yung epektos
Wag ka masyadong pahalata
Mainit tayo sa parak ngayon!

-Wrong send


HU U ang kadalasang reply sa mga messages na di mo alam kung sino ang nagpadala. Kahit sino pa yan, kahit isang taong humihingi ng tulong, si Ehra Madrigal, o hari ng Abu Dhabi, HU U ang kadalasang reply dyan.

Pero di ito tungkol dyan. Tungkol ito sa...


KUNG SINO NGA BA SI MARIANO



Oo, ganun na nga. Sino ba itong si Mariano at tila ba isang utot na basta na lang sumibol galing sa puwitan ng kung sino, parang si Toadstool na di naman cute at mistulang serial killer na basta na lang dumating sa neighborhood at nagsimula nang magkaroon ng misteryosong kalagiman.

Ano nga ba ang motibo ko sa pagba-blog?

Pagpapasikat? Malabo. Naunahan na ninyo ako.
Therapeutic purposes? Maaari. Soothing ang tunog ng lagitik ng keyboard at nakakakalma
Pakikipagkaibigan? Yes yes yo to the max. Dami ko nang kakilala gaya ni ano...basta kayo na yun.
Pagkakakitaan? Semi-oo. Kaso napakatagal naman ng usad, lugi pa sa puhunan.
Pag-ibig? Hihihi, uhm..ahaha..hihihi.
Sex? May blogger bang nagtatrabaho sa Pegasus(o)?



Bloggista Name: Mariano Juancho
*San ito galing? -- Hindi ko alam, naisip ko na lang bigla kahit di naman ako mahilig sa mga Espanyoles Y Telenovela*

Location: Makati, Manila, at Rizal
*Alam mo yung Antipolo, Rizal? Hindi kame tagadun*

Collegiate Education: Somewhere Intramuros Manila pare, like you know. it's a school pare.

Age: 22 going 23 this 2008.
Birthday: November





= = = = = = = = = = = = = = = = = =

Masakit mang tanggapin na madami akong napalampas sa buhay-bloggista ko sa loob marahil ng mga anim hanggang tatlong taon. Ako naman ay lubos na nagagalak sa mainit na pagtanggap sa akin ng Blogosphere, lalong lalo na ng dyosa nito. Iba't-iba ang character, iba't-iba ang ideyolohiya at pananaw sa mga bagay, pero lahat sila'y biniyayaan ng angking talento sa panggagago ng mambabasa. Ang kadalasan kong makasalamuha, maliban sa dyosa ay isang alien, isang bum na babaeng nurse, isang prinsesa ng Saudi, isang lalaking may kinalaman kay Tina Moran, isang babaeng may pierced na dila, isang babaeng parang bacteria ang pangalan, ang idlip-era, isang lalaking may first name na parang last name, at isang duktor-to-be. Gustuhin ko mang lagyan ng link ang bawat isa sa pangalan nyo eh naisip kong kayo-kayo lang ang magpupunta dito at magkakaugnay naman kayong mga baliw.

Sa araw-araw na pakikisalamuha ako sa mga ito, wala akong natututunan. Nasasayang lang ang buhay ko at panahon. Sana nagjakol na lang ako o kaya eh nagpakamatay, mas exicitng. Pero gago ka pag naniwala ka dun. Sa puntong ito ng buhay ko, masasabi kong mahalaga na ang mga kung sino mang linsyak na mga tao ito sa aking online life.

*insert dramatic music here*

Noon pa din kasi ako naglalagi sa internet. First year college pa lang nakakatambay na ako sa mga chatroom. Nakikipag-cyber... games sa mga kausap, pati na din ang di matapos-tapos na bangayan sa mga putanginang caucasian racists na yan. May ilang beses na din akong kinilig sa mga iniisip kong babaeng kausap ko at nakipagpalitan ng litrato na naging dahilan ng ilang chatters sa mundo na tumungo sa Pilipinas upang makatagpo ako.

Nauna kong bigyan ng pansin ang pagsusulat ko sa Multiply pero silang mga kaibigan ko lang ang nakakapagbasa at nakapagkokomento dahil bawal ang estrangherong commentator sa Multiply.

Ayos lang naman yun, gaya ng sikat na kataga sa Blogosphere na "I write to express, not to impress", dapat magsulat lamang para sa pagpapahayag. Bonus na lang ang may mga mambabasang natutuwa. Pero gusto ko talagang may comment ang mga entries ko dahil naglululundag ang puso ko sa tuwa kada may nagkokomento.

At ngayon naman eh narito na ang Blogspot para sa kagalingan ng mga madadaldal na kagaya ko. Lahat maaaring magsulat, lahat nakakapagpahayag ng gusto nila. Lahat ay manunulat.

= = = = = = = = = = = = = = = = = =

Bukod sa deklarasyon ng dyosa ng Blogosphere na isa akong loser, hayaan ninyong bigyan ko kayo ng ilan...sige, MARAMING dahilan kung bakit nga ba ako naging loser.

Pumili sa mga ito kung ano ang paniniwalaan:

+ Nagdidiwang ng kaarawan sa sementeryo
+ Napapapila ng dalawang oras sa pila ng NBI CLEARANCE para lamang malaman na FOR CLAIMING ang napilahan at hindi FOR REGISTRATION
+ Napapapila sa mahabang pila ng grocery para lang bumili ng isang bote ng green tea dahil nagsara na ang "2 items or less" na pila
+ Nagsusuot ng pantalon na dalawang linggo nang hindi nalalabhan
+ Sumasakay sa sasakyan na lagi na lang 90% chance ang pagdaan sa gasolinahan
+ Nakakakain sa pinggan na di mahusay na nabanlawan at may sabon pa
+ Walang tiyak na desisyon sa buhay sa kung ano ang dapat niyang tahakin
+ Lumalampas sa dapat babaan dahil natutulog pa kahit wala nang 100 meters ang layo sa dapat pagbabaan
+ Bumibili ng fruit shake sa halagang 90 pesos sa halip na 48 pesos lang dapat
+ Bulol sumagot sa job interviews
+ Paboritong motto ang "ewan ko", "bahala na", at "sana pala "
+ Naglakad ng limang kilometro dahil na-stranded sa estasyon ng LRT noong minsang umulan ng malakas
+ Palagi na lang natatalisod sa mga nakausling bato at semento sa daan kahit ang lawak na ng daan
+ Natatalisod sa pag-akyat ng hagdan
+ Laging last na uupo sa jeep at makakaupo lamang ang 1/4 na bahagi ng puwitan
+ Nasusuklian ng kulang sa pamasahe sa tuwing nagmamadali
+ Hindi alam kung kakaliwa o kakanan sa paghakbang sa tuwing nakakasalubong ng bisikleta
+ Nawalan ng school ID ng apat na beses(ID = P400.00)
+ Nagugulat sa sariling repleksyon sa salamin
+ Nahuhuli ng pinsan na nagjajackol sa salas
+ Nalalaglagan ng selpon kapag ilalagay ito sa bulsa
+ Nagbabanggit ng mga kagaguhan sa harap ng magandang chicks
+ Nagba-blog imbes na nag-aaral
+ Nag-engineering pero ang baba naman ng logic at math skills
+ Napapagkamalang nangmamanyak dahil lang sa napaabante sa pila at napatutok ang armas sa babae sa harapan dahil sa pagbabasa ng menu sa McDonald's
+ Laging nauunahang jumerbaks sa office toilet at nagtitiis sa paghinga sa bibig. Putangina, mas malala pa pala yung lintiang-yawa na yan. Taena, sa bibig ang punta ng amoy
+ Ubod ng emo kahit hindi naman dapat at wala na sa lugar
+ Nalalaglagan ng huling piraso ng ulam na isusubo na lang
+ Nakakatanggap ng walang kwentang exchange gifts tulad ng alkansyang walang takip, baby cologne-powder-sabon-shampoo-cotton buds combo na Johnson's & Johnson ang tatak, at picture na walang stand na di naman pwedeng isabit
+ Napapagalitan sa kasalanan ng iba
+ Sintunado ang kanta
+ Nagmo-mall ng baligtad ang damit
+ Nagjo-joke ng corny at mahabang joke
+ Palpak ang mga blog entries

= = = = = = = = = = = = = = = = = =

HU ME? DIS ME. I KRAS U. PAKDATSYIIIIT.

Nawa'y makilala ko din kayo ng lubusan sa pagsasama natin dito sa Blogosphere. Happy New Year!

14 Winners:

Anonymous said...

Never Explain yourself your friends don't need it and your enemies won't believe it (mula sa entry ko na Sino si FerBert). hahaha

Hindi ko kailangan ng eksplanasyon sa iyong pagkatao o pagiging loser basta alam ko sa sarili ko mabuti kang tao, sapat na yun. wala ka ng dapat i-explain. Para kay FerBert si Mariano Juancho ay isang taong nagtatago at nagkakalat ng lagim sa blogosphere, mukhang bato pero malambot ang puso. Alam kong intelekwal kang tao, alam ko rin na busilak ang iyong puso.

Anonymous said...

natawa ako doon sa motibo mo
tungkol sa pagibig
puta
anlanding gago

hanep
WALA KA NATUTUNAN?
sa akin wala?
tadyakan kita e
pakamatay ka gago

hindi ako naniwala
nyahaha
:)

nagugulat sa sariling
repleksiyon sa salamin--
THE BEST
:)


ps
HINDI AKO NANGGAGAGO NG MAMABABASA
all caps

Anonymous said...

Sometimes lang yan mariano. Mahirap talaga kapag dumadalas ang sometimes.

Advanced ata 'to para sa 2009?

Anonymous said...

sus pagka haba-habang entry.. Pagka LOSER lang naman ang pinagkwekento.. Wala Talagang Kwenta!!

wehehe.. PEACE!

Ayan nagkomento na at nagagalak ka pala pag may karagdagn na komento ang entry mo..wehehe..Natawa lang ako sa entry mo...

oi idagdag mo pa sa listahan mo:
+ hindi marunong magbasa ng TAMA sa YM!

ayan at nagcontribute pa ako! ttfn!

Anonymous said...

pa-comment!

nakatatlong balik na ako dito sa blog mo sa loob ng isang linggo dahil kapangalan mo ang tatay ko, aktwali Mario ang tatay ko pinagpipilitan lang ng nanay kong tawaging MARIANO.

kewl diba? wala lang.

link kita pare... pwede? pag hindi, link pa din kita. :P

Meryl Ann Dulce said...

Napakalandi mo. Hindi mo ba naisip na parang giveaway masyado 'yung presyo ng ID mo? Hmm.

Hindi mo man lang ako naalalang isama dito...
+ Nasabihan ng "para kang babaeng nagpapakipot sa manliligaw."

Hmpft.

At, hindi "HU U" ang reply ko sa mga hindi ko kilala, usually, "SINO ITICH?," ang nirereply ko. Dati ko pa ginagawa 'yan para maiba naman. At para maiwasan ang mga lalaking walang kwenta, iniisip nila na bading ako. HAHAHAHA!

Anonymous said...

na miss kita mariano.. haha.. matagal na ding panahon.. :p

Anonymous said...

isang babaeng parang bacteria ang pangalan


-Salamat ha! Pota, wala bang mas matinong deskripsyon? Hayup.



Loser! Loser! hehe.

Anonymous said...

hihi. namention ako. *giggles*

Mariano said...

Oo nga Ferbert, tama ka diyan! Haha. Totoo ang mga sinasabi mo. Natats naman ako sa binanggit mo sa akin, sana nga totoo na lang sila, haha. Pusong malambot? Wag sanang pusong-mamon.

Dyosa, kaylangan ang kalandian sa araw-araw para umusad ang malamya kong buhay. Wag ka nang magreklamo, lagi akong may natututunan sa iyo araw-araw. Ewan ko lang kung useful, haha.

Sometimes nga lang ata talaga yun Igno, sometimes I run... sometimes I hide. Para sa '08 ito.

Aleli, idadagdag na natin yan para mabago. LOSER talaga, pero kahit ganun, winner ako sa mga friends ko! Oh diba, ang drama!

Miss Jojitah, salamat sa pagbisita! Malapit naman ang Mariano sa Mario, kaya okay lang. Di tulad nung pangalan ko, sobrang layo dito.

Meryl, idadagdag na natin yan, hehe. Ayos lang sa presyo ng ID, andami-daming ganyan ang presyo ng ID. Lagi naman atang bading methods ang iyong style, haha. Buti na lang gurlash ang looks mo.

Jeniffer, di kita maalala. Baka gusto mong makipagmeet para maalala kita.

Saminella, ganun na lang talaga ang mga kagaya mong heavy ang dating, dapat kakaiba ang deskripsyon.


Doc, libre na ako sa consultation fee.

Anonymous said...

watdapakiningshit!. haha.
hindi ko nabasa 'to dahil sa sobrang kabisihan. watdapakiningmyusik.

haay. kuya! wala lang. hahaha. magiingat ka na sa pagpila-pila ah! hehehe. thank you rin pala kasi kasama ako. (yata) :)

Abad said...

Hayup, ang babait ng mga chic ng blogosphere sayo ah. it seems dat they krass yu bak.

Hindi ka naman gaanong loser, ilang id na din ang nawala ko. pero alam ko naman na alam mong hindi ka loser. kasi kung malakas ang loob mong mag self deprecate ay ibig sabihin lang na malawak ang pagkakaintindi mo sa sarili mo.

alam mo may sinasabi sa akin ang psychic powers ko.

UMAMIN KA, KRASS MO SI XIENAH NO?

uyy.

Anonymous said...

Maraming salamat Noime! Kasama ka talaga, bat ka naman mawawala? Busy ka kase, haha.

Abad, sa pag-unawa sa akin bilang isang loser.

Lahat naman ata tayo kras si Xienah. Ikaw ba? Ahaha.

Anonymous said...

Well written article.