January 30, 2008

Complain

Para sa mga nagrereklamo-slash-nakakapansin sa pagkahaba-habang post ko na forever na yata ang kailangan para mabasa eh puwes...


Magpugay kayong lahat. Magdiwang kayo at magpakaligaya. Eto na ang entry para sa inyo.

Elongate...

January 27, 2008

Kuhol

Mga paborito kong kasabihan ukol sa alkohol:


1. Alcohol, helping ugly people have sex since 18XX - Galing sa t-shirt

2. Here's to alcohol, the source and solution to all of life's problem - Homer Simpson

3. Alcohol is the best English tutor there is - ako

4. Drinking they say, is the haven of the weak. We forget a persona that we only have the courage to show when we're drunk enough. We escape reality even if it would risk our health. But I tell you this, the most honest individuals are those who drink to drown because they lose their social mask. NO pretensions, NO limits, NO lies. That's not weakness, that's being fearless. And I guess what they can never fathom is that because of intoxication, we become pure. - Galing sa text ng kaibigan kong lasing

5. GUWAAAAAARRRRRKKKK.... *ubo ubo*.... BWAAAAARRRKKKK.... HUWAAARRRRKKKK.... waaaaarrrkkk... *ubo ubo* ewaaaaaarrrhkkk... - tunog ng nagsusuka dahil sa alak

= = = = = = = = = =

Ahahaaaaay.

Ang alak, para sa akin ay mayroong titulo na "The Best English Language Tutor". Magaling pa siya sa kahit na sinong may Ph.D. na title sa BS o BA na kurso.

Kung titignan mo ng mahusay, kung may panahon ka, magobserba ka ng mga lasing sa kanto or kahit sinong kakilala mo na nalalasing. Tapos kausapin mo ng ingles. Magugulat ka sa mga resulta. Kung kanto boy ang nakausap mo ng lasing eh mababa na ang limang saksak sayo. Pero kapag kainuman mo ang kinausap mo ng English, panigurado eh kalahati ng panahon na magkakausap kayo, ingles na ang gagamitin niyong lenggwahe. Kahit ako, nagkakaron pa ng accent kapag nalalasing, base sa obserbasyon ko. Hindi ko pa naman natatamo ang ISH na accent.

Minsan eh may pagka-conyo pa ang pagsasalita mo. It's like you live in the western country or something pareh. Bakit kasi nakakapagpabaluktot ata ng dila ang alkohol. Must be the denaturizing enzymes in it pareh. Although you speak good ingles, that doesn't make you intellectual, or at least look like one pareh. Wasted ka pa din bro. Nakakatuwa lang tignan kapag yung mga kainuman mo eh nagiinglisan na pareh, it's like they're like you know, so from an elite family kahit medyo mukhang mananabas lang ng pagkain ng baka pareeeeh.

Kaya nga ba't minsan eh magmimistulang Manny Pacquiao ang pagsasalita naming mga lasenggo. Noodle pa nga! Noodle pa!

= = = = = = = = = =

Ah, oo nga pala, isa pang titulo ng alak eh yung magaling siyang "Amnesthetic". Oo, AMNESTHETIC, hindi ANAESTHETIC (pero kabilang na din dito ang aspeto ng pagiging Anaesthetic).

May kapabilidad ang alak na makapagpalimot ng mga bagay na ginawa mo habang meron ka nito sa katawan mo.

AMNESIA.

Kumbaga, sabi nga ng kaibigan kong madalas makaranas ng ganitong bagay eh may kakahayan itong gawin kang werewolf. Gaya sa mga pelikula ng mga werewolf, walang maalala sa umaga yung taong lasing kung ano ang nangyare sa kanya sa panahong nalasing siya ng husto. Blackout ika nga ng mga eksperto.

Minsan ganun din ako, pero hindi naman sa punto na nakakakuha ako ng lamang-loob sa bulsa ko at mga mata ng kung sinong kainuman ko sa loob ng bag. Grabehan naman yun, di ko alam eh nakapatay na pala ako. Scary shit yun, baka nga werewolf ako at hindi lasing. Simple pa lang naman ang nangyayare sa akin na dulot ng amnesthetic effect ng alak. Parang sleepwalking lang. Di ko alam kung papaano ako nakalipat mula sa silya papunta sa kama sa itaas ng bahay.

Ang isa sa mga kaibigan kong tatawagin nating Jon C ay mayroong mas malalang kaso ng pagkakamit ng amnesthetic effect. Nasa resort sila noon nang malasing siya nang husto. Pagkagising niya ay napalitan na lahat ng kanyang damit pati na ang kanyang UNDERWEAR (brief). Hindi din siya makapaniwala sa kwento ng kanyang mga kaklase na tila ba isa siyang katutubong pagulong-gulong sa dalampasigan ng dagat at muntik na din daw siyang maiwanan ng bus papauwi. Wala ni isa man sa mga pangyayaring iyon ang natatandaan ni Jon C.

Minsan naman akala mo eh imahinasyon mo lang ang mga naganap. Yun naman pala eh nangyare na talaga sa true-to-life. Kaya pala na-imagine ko noon eh marunong akong magbreak dance. Pagkagising ko eh puro gasgas na ang mga braso ko at talagang nag-break ang mga ilan sa buto ko. Pero okay na ako pagkatapos nun, feeling wow pa din.

Marami pa akong gustong i-kwento tungkol sa paksa ng pagiging amnesthetic kapag nalalasing pero sa kalungkutan, wala akong maalala sa karamihan sa kanila.

= = = = = = = = = =

Minsan mas gugustuhin mo na lang din tamaan ng amnesthetic effect ng alak. Lalo na kung ubod ng jologs ang itsura nung babaeng kinalantari mo nung panahong lasing ka. O kaya naman eh magandang excuse ito sa mga di inaasahang mga panganay.

"HINDI KO ALAM ANG MGA NANGYARE! LASING AKO NUN! NILASING NIYA AKO!"

Mainam na excuse pero kung di natin alam kung tatanggapin sa hukuman yan at lalo na ng mga magulang na nagmamay-ari ng matataas na kalibre ng baril.

Siyempre, hindi din magandang pagsamahin ang manibela at alak. Duh, di kaya naiinom ang manibela! Sus! Kahit pulutanin mo ang manibela eh para ka lang ungas na nagpipilit tunawin ang leather cover at plastic na materyal nito.

Pero seryoso, madaming kaso na ng namatay sa pagmamaneho ng lasing.

Pero kami ng utol ko? Di namin alam kung papaano kame nakakauwi at kung papaano siya nakakapagmaneho kahit sabog na sabog na sa alak at isang malawak na lupain na ang tingin mo sa isang makipot na eskinita. Nasa pag-iisip din naman yun ng tao. Lasing ka lang at hindi ka naka-droga. Magkaibang bagay ang tama nung dalawa. Kahit kaming dalawa ay nagtataka kung papaano nangyayareng nakakauwi pa kame. Amnesthetic.

= = = = = = = = = =

Gusto mo ba ng sample ng isa sa mga nagagawa ko kapag lasing?

sa pusod ng lasing

Ito ang isa sa mga panahon na nagkaroon kame ng basagan ng ulirat. Kasamahan ito nung nangyare sa litrato na may titulong "2 Gin Bilog + 1 Emperador Long Neck = very painful jaw". Hindi tinta ng pulang bolpen ang ginamit ko diyan.

May sasakyan ang kaibigan namin at dahil sa lasing na kame, ayaw na niya kaming isabay dahil mukhang magsusuka lang kame sa kotse niya (na nangyare na din naman, pero sa labas lang). Mukhang seryoso siyang hindi niya kame isasabay kaya naman nagpumilit akong pahangain siya sa kakayanan kong magsulat ng mga mensaheng hindi mo maintindihan.

Nakita ko ang cutter sa lamesa at daglian naman akong sumulat ng mensahe.

PA3Z.

Ano ba ang pa3z? Dahil nga sa nanginginig na ang aking kamay sa kalasingan ay hindi na din nila ipinatuloy ang mensahe.

PASABAY.

Ganun pala dapat ang isusulat ko. Balak ko pa sanang i-cross out ang salitang pa3z pero pinigilan na nila ako. Baka daw makapag-dinuguang lamanloob sila ng wala sa oras.

Sa ngayon, wala na ang peklat kaya't ipinapangako kong aayusin ko na ang pagsusulat sa susunod na pagkakataon para naman magkaintindihan kame.

Elongate...

January 24, 2008

Refresh

When I tried so hard and got so far
But in the end, it doesnt even matter
I had to fall, to lose it all
But in the end, it doesn't even matter

In The End - Linkin Park

Wala lang, gusto ko lang yung title, eh alangan namang yun lang ang ilagay ko. Sama ko na din yung chorus.

Hay nako, nagwakas na. Dumating na ang wakas. The end is here. This is my office life number one, now signing off. Chorva na, olats and eklavu na ako dito sa opisina.

Wala na akong trabaho.

Ano bang trabaho ang sinasabi ko? Ang pagba-blog? Di na nga naman ako magtataka kung sinasabihan ako ng mga kaibigan ko na binabayaran daw ako para makipagchat sa YM at magblog. Paano ba naman eh halos buong araw na akong nakikipagdaldalan at walang paltos ang pagsusulat ko ng entry.

Masaya talaga ang walang social life. Papasok ka lang para magchat at mag-blog, babayaran ka pa.

Pero ngayon, wakas na ito. Magba-blog na ako ng hindi binabayaran, gaya ng ibang tao. Tapos na ang maliligayang pagpapanggap ko dito sa opisina.

Naghihintay na lamang ako ng senyales mula sa mga bossing kung kailan ako sisipain...este bibigyan ng exit interview. Malamang sa katapusan ng buwan. Ayos kung ganun, may sweldo pa ako. May pera pa para panchicks...maghanap ng susunod na trabaho.

Bakit? Ano ba ang nangyare at natanggal ka?

Ah? Eh kasi eh... ano eh. Uhm... ahaha. Wag na lang ba? Dagdag loser reason nanaman to sa katauhan ko. Pero sabagay, self-proclaimed loser naman ako eh.

Kasi ganito yun. May exam. Qualifying exam para matanggap dito sa trabaho. Di lang siya basta exam. Pati nga beteranong instructor at mga kompyutero eh bumabagsak din dito. Animnapu't-limang porsiyento ang kinakailangan upang masabing TANGGAP KA NA MR. JUANCHO!

25% lamang ang nakuha ko. Dalawampu't-limang porsiyento mula sa isandaang porsiyento. Labingwalong tamang sagot mula sa pitumpu't-pitong puting tupa...este, sa pitumpu't-dalawang tanong. Yun ang resulta ng aking pagsusulit.

PATHETIC. Ako ang pinakamababa.

Haaay. Pero ano pa ba ang dahilan pa para magbanggit ng mga katarantaduhan dito? Wala. Kagaguhang magpaliwanag. Miski ang mga may malambot na puso ay matututong pumatay kapag narinig nila ang paliwanag ko. Taas-noo ko na lamang haharapin ang bukas. Baka masermunan pa ako dahil sa paliwanag kong kokey na kokey. Wala na din namang saysay ang dahilan ko sa mga pangyayare. Baka mag-init lang ang ulo ng mga nagdasal para sa pumasa ako.

= = = = = = = = =

Ano pa nga ba ang natitirang paraan para magtagal ako dito? Maganda naman dito sa opisina. Andito pa si Jerome! Pasado kasi siya at siya pa ang highest. Puta, ang galing-galing talaga at ang sipag.

Kung gugustuhin ko mang magtagal dito eh kakailanganin ko ng matinding kaplastikan at ubod ng nag-uumapaw na pagpapanggap. Tipong tatabunan ko ang sarili ko ng mga trabaho at mga dapat aralin tapos di ako manananghalian para lang makita ng mga tao na masipag ako. OO! TAMA! GANUN NA LANG!

O kaya naman eh sosyotain ko na lang si Ma'am Bossing. Mas mainam. Kapag namana ko na ang kumpanya, idedeborsyo ko siya. At babaguhin ko ang bawat patakaran. Bikini uniform para kay Jerome.

= = = = = = = = =

Mga bagay na maganda at di-maganda ngayong nasa bagong yugto na ako ng aking buhay -- ANG BUHAY BUM PERO UBER HOT AND GWAPAPI.

Maganda
1. Kakaririn ko na ang pagiging bloggista: Magsusulat ako ng mga makabuluhang bagay at makikilala ako, lalo na ng mga kakilala ko (ano daw?).
2. Marami na akong panahon para magpapayat dahil malamang eh di na ako pakainin dito sa bahay.
3. Mag-aaral akong magmaneho.
4. Bago ako mag-aral magmaneho, mag-aaral muna akong mang-carnap.
5. Marami akong panahon para manood ng "educational videos".
6. Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino, sa isip, sa salita, at sa gawa.

Di-Maganda
1. Wala akong pera.
2. Hahanapan ako ng sangkaterbang kamalian at magiging masunuring anak nanaman ako.
3. Wala nang silay kay Jerome.
4. Matitigil pansamantala ang opis kronikels kong serye (na ubod ng putanginang haba).
5. Wala na ang mga ulap, malambot na upuan, makisig na computer, at mga asarang walang humpay kasama ang mga ka-opisina.
6. At Marami pang iba.

= = = = = = = = =

Di naman ako magtatagal sa pagka-bum. Alam kong marami namang pwedeng pasukan diyan. Lalo pa ngayon na madali na lang magbenta ng katawan sa internet.

Pwede siguro akong makibakas muna sa mga bigating call boy. Kahit siguro buy one take one, at ako yung take one.

Mag-aaral ako ng mga bagay na makapagbibigay-ligaya sa mga babae, gayon din sa mga mas marami pang babae upang tumaas ang presyo ko.

Mag-aaral ako ng ninjutsu para mas madali na lang magnakaw.

Mag-aaral din ako ng hipnotismo para makalibre ako sa Jollibee.

Magtatrabaho ako bilang alalay ni Inday.

Mamamasukan ako bilang isang professional na tagapag-alala. Alam kong maraming tao ang may kanya-kanyang mabibigat na problema pero wala silang panahon para dito, kaya ako na lang ang gagawa nun para sa kanila.

At syempre, babaguhin ko na ang kapalaran ko. Di na ako magiging loser. Sa susunod na pagdalaw niyo dito, iba na ang tema nito.

Ulirat Ni Mariano: The Losest Realm.

Lose.
Loser.
Losest.

Mas malala pala.

Elongate...

January 22, 2008

Ritrato

Dahil sa katamarang magsulat ng may-ari ng blog na ito ay naisipan na lamang niyang maglagay ng mga samu't-saring mga litrato na nakunan(parang bata lang) nung mga panahong nasa kanya ang camera ng kanyang kapatid.

Halina't tuklasin ang ilan sa mga litratong nakuhanan ni pseudo-magaling na photographer na si Mariano.



payong: never leave home without it..it..it...it

macroshot 01 - ang sikreto ng puwit ni baby

macroshot 02 - anong oras na ba?

macroshot 03 - time of arrival is 1:22pm

macroshot 04
Langgam 01 : Pare, smile naman diyan!

Langgam 02: Oo nga pare, smile tayo oh! Camera daw!

Ako: Tangina nyo, yung otap ko!!! FUCKING ANTS!

2 Gin Bilog + 1 Emperador Long Neck = very painful jaw

hiyas ng ahas - malutong at malansa
Ahas ni Mariano, para lamang kay Eba
san ba napadpad ang mga kukong ito?



Ayan po, napagtripan ang camera. Sana may bago man lang, kahit babae, hehe.

Maraming salamat po!

Elongate...

January 21, 2008

Tag 05 from Fer Bert

Bilang panlibang sa ka-loser-an ng blog na ito ay isa munang tag mula sa kaibigang alien na si Fer Bert! Maraming salamat sa pagpapaunlak ng pagkakataon kaibigang Fer Bert


· Pag nasa CR ba kayo, hindi kayo naiilang sa katabi nyo?
+Depende kung nakatitig sayo ang katabi mo ng namumungay ang mata, kumikindat at kagat-labi pang itatanong ang pangalan mo.

· Ano ang sekreto nyong mga gwapo? (ano meron sa kikay bag?)
+ Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutan ito dahil hindi din naman ako gwapo. Pero kung sakali man eh sasabihin kong ang sikreto ay ang hindi pagsusuklay at ang hindi paghihilamos. Magkutkot ng muta pero mag-toothbrush. Saka magpahid ng kaunting pabango kapag medyo mabaho ang t-shirt. Syempre, smile lang palagi.

· Nakapasok na ba kayo sa girl’s CR?
+Isang beses pa lang, sa CR sa school, nung tumae ako dun. Exciting kaya napabilis lalo ang pagjebs ko.

· Bakit pag nakakita kayo ng magandang legs tumutulo laway nyo?
+Sino bang babae ang nagtanong nito? Tanga ba ang salivary glands ko at tutulo sa bagay na hindi naman pwedeng kainin? Sus. Hindi tumutulo ang laway ko sa legs pero kaya kong gawing naglalaway ang kung ano mang nasa pagitan ng legs ng girls.

· Bat ang hilig nyo mag-inuman? Masarap ba malasing?
+Depende kung anong klase ng okasyon. Kapag lamay, di naman dapat masarap malasing nun dahil baka makitagay pa ang pinaglalamayan. Kapag lasing ka, umiikot ang ulo mo at madaming ideya ang naiisip mo. Minsan nga lang nasasagasaan lang at nasasaksak ang lasing. Walang masarap sa paglalasing, ang masarap eh yung kasiyahan na natatamo mo kasama ang mga kaibigan mong lasenggero din.

· Ano feeling ng tinititigan kayo?
+Depende pa din. Kapag lalake ang tumititig, medyo asar kasi baka nangungursunada. Kapag magulang ng nililigawan mo ang tumitig, medyo nakakailang, baka kasi gusto ka na kaagad nilang ipapatay eh. Pero pag chicks, syempre proud, kahit ba ano pang katarantaduhan ang dahilan at tumititig sila sa akin.

· Eh paano kung bading yung tumititig?
+Kapag bakla, mas lalong asar at gugustuhin mong mandukot ng pupils at cornea para lang tumigil na sila, minsan nanghedtuput pang titig eh. Pero wala naman akong karapatan kung gusto nilang mang-appreciate ng nagugustuhan nila. Karapatan nilang titigan ang mga katakam-takam na nilalang kahit pa mas mainam na nagtrabaho na lang sila bilang construction workers pagdating sa itsura.

· Do you really keep “secrets”?
+Ah, oo naman. Lahat tayo ay may kagustuhang magtago ng lihim. Ang mismong blog na ito ay bunga ng lihim at pagkukubli.

· Nagwa-gwapuhan din ba kayo sa ibang lalaki?
+Kapag medyo maganda ang porma, masasabi kong gwapo yun at tila ba parang napatapat lang ako sa salamin kapag nakakita ako at nasabi kong gwapo yung lalake.

· Ano feeling? Nakakabading ba?
+Walang kabadingan dun sa ganung ideya. Tama lamang na malaman mo ang kalidad ng kauri mong mga gwapo din.

· Gwapo ba si Richard Gutierrez
+Gwapo si Richard. Minsan ko na ding pinangarap na maging kagaya niya at maging isang Gutierrez pero lagi akong pinalalayas ng gwardya nila sa village nila kapag dumadalaw ako para magpaampon. Mas lalake pa ang dating ko sa kambal niya. Pero OO, gwapo siya.

· Baket ang hilig nyo sa wrestling? Scripted lang yun di ba.
+Noong kasagsagan nila The Rock at ng D'X, hilig na hilig ako diyan. Ngayon hindi na ako nakakasubaybay dahil nawala na ang channel na may wrestling. Bakit, yung mga babae eh nahihilig sa mga kakilig-kilig na telenobela at pelikula, may karapatan din kameng mahilig sa wrestling. Soap Opera for Men ang wrestling.

· Umiyak ka ba nung namatay si Ultimate Warrior, si Bret Hart o si Eddie Guerrero?
+Si Ultimate Warrior eh bata pa ako nung namatay siya at matanda na ako nung nalaman kong patay na siya kaya wala nang puntong umiyak. Tanga kasi eh, binuhat si Andre the Giant. Si Bret Hart buhay pa, si Owen Hart ang patay na. Di ako umiyak sa kamatayan nilang lahat, lalo na sa kamatayan ni Chris Benoit the family killer.

· Bakit ang dami nyo pick-up lines? San nyo ba napupulot yan?
+Natural na lang sa mga lalake ang maging magiliw. Kung babae ang nagtanong nito, kaylangan mong magpakatibo para malaman mo ang tunay na dahilan.

· Bakit ang hilig nyo sa hentai or porn?
+Isang natural na bagay na lang para sa mga tao ang mahilig sa isang work of art. Kung titignan mo ang mga palabas na ito in an artistic manner, makikita mong ang kalaliman ng palabas at mapapapalakpak ka pa sa ganda ng pagkakagawa. Isa pa eh it's nature's way of educating the minds of men.

· Ano meron sa “boys talk”?
+Isang lihim na usapan na punung-puno ng aral at malalalim na kaisipan na mapapakinabangan ng lipunan. Parang itong question and answer portion na ito.

· Natotorpe ka ba? Baket?
+Kung medyo intimidating ang babae, katorpe-torpe siya. At lalo na kung seryoso ang katauhan at mahirap patawanin, malabong magkaroon ako ng lakas ng loob.

· Bakit kayo nagpupuyat?
+Mas madaming mga bagay na matatagpuan sa gabi kaysa sa umaga. Mas tahimik at payapa ang lugar, at mas masarap ang kape kapag sa gabi iniinom. Para din makatikim ng Extra Joss at Red Bull, pati kadalasan ng mga nagsho-show sa webcam eh gabi ginaganap.

· Ano gusto nyo gawin ng girl pag hindi talaga kayo gusto maging bf?
+ Sabihin na lang ng harapan at honestly. Di naman ako magagalit. Mapayapa akong tao at maiintindihan ko kung tumatanggi na sa grasya ang mga kababaihan.

· Bakit kayo mahilig sa blue?
+Originally, ayon sa history, ang blue ay kulay ng mga babae at pink ang sa lalake. Ngayon, kung pagbabasehan ko ang historical fact na yan eh masasabi kong mahilig ako sa babae kaya mahilig ako sa blue.

· Di ba pink is a masculine color? bakit ayaw nyo mag-pink?
+Hindi ko naman ayaw sa pink. May damit akong pink at medyo paborito ko yun. Ang ayaw ko eh yung magiging paboritong kulay ko na ang pink pati na din sa sapatos, make-up at lipstick. Ayokong umabot sa puntong pink na ang dugo ko.

· Natatakot ba kayo sa dilim?
+Kung sa lansangan na madaming nababalitang nasasaksak, nakakatakot yun. Pero kapag maganda ang setting, may kama at makinis na bedsheets pati na din kung may katabi kang makinis ang balat at ubod ng libog eh gugustuhin ko nang mamatay dahil sa kawalan ng sunlight basta dun lang kame sa dilim na yun forever.

· Pag nag-aaway kayo, bakit gusto nyo suntukan?
+Katangahan lang ang makipagsuntukan. Masasaktan ka lang pero wala kang mapapatunayan. Mas mainam kung daanin na lang sa usapan.

· Eh pano kung babae? di naman pwede suntukan.
+Kung babae? Malamang sigawan yun o kaya eh asarang matindi. Masarap masampal ng babae lalo na't galit na galit na sila. Pero bahala na ang babae sa kung anong gusto niyang paraan ng away. Mas maganda kung psy-war.

· Ano ang definition niyo ng “makulit”?
+Parang buni. Makati sa balat at paulit-ulit na bumabalik.

· Bakit ang hilig nyo magregalo ng stuff toys? Last resort ba yun pag wala ng maisip?
+Depende. Hindi naman last resort. Pero sa panahon ngayon, hindi ko alam kung okay pa ba ang stuff toy. Minsan napapabayaan lang sa sulok nung pinagbigyan mo. Medyo nag-iisip na din ako ngayon kung stuff toy ba ang dapat ibigay. Pero kasi may symbolism naman ang stuff toy, ibig sabihin nito gusto mong magbigay ng comfort sa taong pinahahahalagahan mo kaya ka nagbigay ng stuff toy.

· Gusto nyo ba regaluhan din kayo ng stuff toy?
+Baka matuwa pa ako kung F-Doll na lang.

· Do you really keep secrets? ganun?
+Secret.

· Baket defensive kayo madalas?
+Mainam na ang may initiative kaysa sa pabagal-bagal ka. Hindi defensiveness ang tawag dun, ang tawag dun eh explanatory initiativeness.

Sa mga magbabasa, kuhanin niyo lang ito.

Elongate...

January 15, 2008

Office Chronicles : Launch

Ikalawa sa pinakagusto kong oras sa buong araw ng trabaho (una ang uwian) ay ang...


TANGHALIAN/LUNCH BREAK

Di naman halatang matakaw ako, sa totoo lang nagpapapayat ako ngayon at kaunti na lang ang kanin na pinalalagay ko sa nanay ko sa baon ko. Mga kalahating kaldero na lang.

Masaya sa tanghalian, di diyahe ang magbaon. Minsan parang picnic na din dahil sharing-sharing ng ulam kahit pare-pareho namang pritong baboy ang dala nila. Iba-ibang hiwa lang at preparasyon. Minsan nga yung sa akin eh mukhang manok, pero baboy naman pala talaga. Ang galing talaga ng gourmet skills ni nanay.

Masaya nung nakaraang holiday. Tila nag-pyesta ata kaming lahat dahil sa mga tira-tirang ulam nung nagdaang mga pagdiriwang. Walang hingian. Lahat ay puno ang baunan at mabibigat ang bag. May dessert pa nga yung iba. Nung panahon ding yun ay naguumapaw sa ubod ng sustansyang taba at kolesterol ang ulam namin.

Gusto ko nga sanang mag-angas at dadalhin ko ang ulo ng baboy ng lechon sa amin pero baka harangin ako sa gate. Bawal ang deadly weapons.

Masigla sa pantry tuwing tanghalian. Dito kame talaga nagkakasama-sama ng mga kabatch ko ditong mga trainees. Dito kame nagpapalitan ng opinyon sa mga bagay-bagay at mga kuro-kuro sa mga nangyayare sa paligid namin, sa mga issue sa opisina at mga activities.

In short, dito kame nagchichismisan.



Pero dahil bago pa lang kame, hindi namin alam ang nangyayare sa kumpanya. Hindi namin alam kung sino na ba ang naanakan ni Boss Chief Security man o kung sino ang dine-date ni Manong Handyman. Kami-kame din lamang ang napapag-usapan namin. Nakakaumay na na parang ulam ang kwentuhan kapag ganun.

= = = = = = = = = = =

Mga tatlo...hmmm... mga apat ata kameng araw-araw na nagbabaon dito sa opisina. Malaking bagay nga naman sa pagtitipid kung tutuusin. Sa araw-araw, makakatipid ka ng mga halagang 50 pesos pataas.

Di mo naman kailangan ang McDo, Jollibee, o kaya ang Starbucks at kung anong kalokohang sosyal na kainan at magastos na pagkain para makaraos sa araw-araw. Panigurado naman akong itatakwil mo ito pagdating ng panahon.

Di na rin ako bagito sa pagkain ko sa labas. Di naman ako takot sa changes. Kaya ko ang challenge na bumaba tuwing tanghalian at bumili ng pagkain mula sa sikat na Jolli-jeep ng Makati.

*Ang Jolli-jeep ay ang mga karinderya sa likod-likod ng mga building sa mga eskinita ng Makati na parang jeep ang itsura.

Ito ang lokasyon ng Jolli-jeep na malapit sa opisina.

treasure map

Yung Centro Escolar University, sa tapat lang ng dalawa pang JJs. Masarap bumili ng tanghalian kung busog ka na sa makikita mong dalaginding, dalagita, at dalagang nakauniporme.*

Noong nagsisimula pa lamang kame dito ay sa 6th floor ko sinasamahang bumili si Jerome. Malapit nga ang bilihan dahil sa building din namin at bababa ka lang saglit pero lintek naman kamahal ang ulam. Parang sa mall ka din kumain. Wala akong balak bumili dun dahil ang pinakamahal kong nabili sa tanghalian ko eh halagang 20 pesos lang. Oo, TUWENTI PISOWS lang.

Laging ganun ang putahe -- Ginataang langka + isang kanin o kaya eh kahit anong kinse pesos na ulam at isang kanin sa halagang 20 pesos lamang.

Solb na ako dun. Kung ganun lang ang gagawin ko sa buong buhay ng pagtatrabaho ko, malamang ang sexy ko na at slim na slim dahil sino bang hindi papayat sa halagang 20 pesos na pagkain.

Maraming choices sa Jolli-jeep, mga regular na ulam tulad ng adobo, sinigang, pritong liempo, manok, chicken curry, gulay at mga lutong bahay pa. Meron ding special na putahe tulad ng special adobo, special sinigang, special chicken curry na lahat eh binudburan ng pagmamahal ni ate cook at malamang ihahain niya lang ito sayo kapag sobrang kupal mong kostomer.

Medyo kailangan mo lang ng kaunting charm para mabigyan ka kagad nila ateng madalas eh parang mga dragon na nagbubuga ng apoy sa sungit. Tipong tatanungin ka na lang kung anong sayo eh mawawalan ka na ng gana. Talk about quality service! Pero kaunting pasensya lamang naman ay makakatikim ka din ng masarap na liempo at chicken legs nila ate.

Nitong 2008, nagbago ng patakaran sa pagtitinda ang Jolli-jeep. Bawal na daw ang tigkalahating ulam. Wala nang 1 gulay + 1 ulam + kanin na combo. Mga bitches, di nila naiintindihan ang kagalayan ng mga manggagawa. Mga imperyalistang jolli-jeepers! Hrumpft!

Minsan nga ay gagantihan ko sila. Guguluhin ko ng lubusan ang kanilang selling ceremonies tuwing rushtime sa tanghali.

"Ikaw, ano ang sa iyo?"
Adobo ate. Dalawang kalahati.
"Dalawang kalahati?"
Oo 'te, dalawa't kalahati.
"Ano ba talaga?"
Dalawang kalahati 'te.

"Ate, dalawang half rice nga."
Dalawa sir?
"Oo 'te, tapos pakipagsama sa isang plastik"

Mahirap kalabanin ang galit na tindera. Marami silang armas. Mainit na sabaw, tinidor, kutsilyo, lighter, at ang kanilang pamatay na titig at matinis na boses na ikamamatay mo sa lutong ng pagmumura.

Nitong mga nakaraang linggo ay nahihiligan nila ang lumpia na tinda ng isa sa mga Jolli-jeeps. Masarap nga naman ang lumpia, walang duda.

Medyo napansin ko lang na hindi masarap sa lunes at martes ang lumpia pero malinamnam na pagdating ng byernes.

ISPEKULASYON:

Biyernes = madaming tirang ulam mula lunes-huwebes

Masarap na lumpia = Biyernes

I Therefore Conclude that mas masarap ang ginataang langka kaysa sa ginisang string beans.

Minsan na ding naging issue dito ang di pantay na pagtrato ng mga tindera sa mga bumibili. May pagkakataon na mas marami ang ulam ng isa kong kaopisina kaysa sa isa pa.

Officemate 01: Bakit mas marami ang ulam na binigay sayo ni ate?
Officemate 02: Ganun talaga boy, paminsan-minsan eh kikindatan mo din si ate!

Basehan yata ang kagwapuhan sa dami ng ulam. Kaya pala halos ibigay na ni ate ang buong kaldero kapag ako ang bumibili [Oh come on...]. Pero maaaring gwapo nga ba talaga ako o kaya eh malapit nang mapanis ang ulam kaya ganun na lang sila kagalante.

= = = = = = = = = = =

Nasabi naman ng kasama ko ritong hindi na daw siya ipagbabaon ng kanyang ina dahil napapagod lamang daw siyang magprepare sa umaga. Yung sweldo daw niya ay napupunta din lang sa baon kaya't mas mainam pang mag-lunch out na lamang din siya. Tama nga naman kung iisipin.

Pero dahil sa mapagmahal ang aking butihing ina ay hindi na din niya iniisip ang bagay na yon. Maaga pa din siyang gumigising para ipaghanda ako ng babaunin ko sa tanghalian.

Noong panahon ng simbang gabi, ilang araw ding kumain sa labas ang kasamahan kong nagbabaon. Hindi kasi siya maipaghanda dahil nasa simbahan ang kanyang ina. Kaya lagi silang nagsasabi na may simbang gabi nanaman daw kapag sa labas kame bumibili ng pagkain.

Mga usapan sa tanghalian:

*Ang mga ito ay aktwal na napag-usapan nung panahong kumakain sa pantry*

Ako: Ang galing nung mga gulay no? Lalo na yung kangkong. Kasi kagabi nung jumebs ako, buong buo pa siya at parang hindi ko naman kinain. Pwede na nga ulit i-serve eh.

Officemate 01: Haha, dapat pala hinila mo yun boy. O kaya parang yung ginagawa ng mga aso kapag nakakain sila ng plastic, yung nagkakaskas ng puwitan sa sahig.

Officemate: Anong baon mo? Parang ang bango naman!
Ako: Ah, ganun pa din. Ulam lang din, pareho ng sa inyo. May rekado, may karne, may kaunting vetsin...
Officemate: ...(gago tong tarantadong to ah)

Officemate 01: Ano bang usual na ginagamit sa Generics? Kapag ba Integer ang ginamit di ba conflict yun sa super class na dapat eh nag-override sa kanya?

Ako: Putanginang yan. Nakakawalang-gana.

= = = = = = = = = = =

Hangga't kaya ko, magbabaon ako. Sayang ang sarap ng lutong bahay. Kahit pa sabihin mong mahal ako ng tindera at niyang ibigay ang kanyang katawan para lang ulamin ko, gugustuhin ko pang matikman ang luto ni inay sa tanghalian.

Elongate...

January 10, 2008

HU U

LOSER REASON UPDATE:
+ Mali-mali magbasa ng mga usapan sa YM
+ Mas matindi pang magpakipot kaysa sa babae



Ayoko na ng mga masyadong review ng year 2007. Sa ibang araw ko na lamang yun ilalagay dito dahil maarte akong tao at isang taon pa ang selebrasyon ko ng new year kaya wala kang pakialam, tseh.

Dun tayo magkikita sa dating tagpuan.
Alas tres ng hapon, sa tabi ng Jollibee
Dalhin mo na yung epektos
Wag ka masyadong pahalata
Mainit tayo sa parak ngayon!

-Wrong send


HU U ang kadalasang reply sa mga messages na di mo alam kung sino ang nagpadala. Kahit sino pa yan, kahit isang taong humihingi ng tulong, si Ehra Madrigal, o hari ng Abu Dhabi, HU U ang kadalasang reply dyan.

Pero di ito tungkol dyan. Tungkol ito sa...


KUNG SINO NGA BA SI MARIANO



Oo, ganun na nga. Sino ba itong si Mariano at tila ba isang utot na basta na lang sumibol galing sa puwitan ng kung sino, parang si Toadstool na di naman cute at mistulang serial killer na basta na lang dumating sa neighborhood at nagsimula nang magkaroon ng misteryosong kalagiman.

Ano nga ba ang motibo ko sa pagba-blog?

Pagpapasikat? Malabo. Naunahan na ninyo ako.
Therapeutic purposes? Maaari. Soothing ang tunog ng lagitik ng keyboard at nakakakalma
Pakikipagkaibigan? Yes yes yo to the max. Dami ko nang kakilala gaya ni ano...basta kayo na yun.
Pagkakakitaan? Semi-oo. Kaso napakatagal naman ng usad, lugi pa sa puhunan.
Pag-ibig? Hihihi, uhm..ahaha..hihihi.
Sex? May blogger bang nagtatrabaho sa Pegasus(o)?



Bloggista Name: Mariano Juancho
*San ito galing? -- Hindi ko alam, naisip ko na lang bigla kahit di naman ako mahilig sa mga Espanyoles Y Telenovela*

Location: Makati, Manila, at Rizal
*Alam mo yung Antipolo, Rizal? Hindi kame tagadun*

Collegiate Education: Somewhere Intramuros Manila pare, like you know. it's a school pare.

Age: 22 going 23 this 2008.
Birthday: November





= = = = = = = = = = = = = = = = = =

Masakit mang tanggapin na madami akong napalampas sa buhay-bloggista ko sa loob marahil ng mga anim hanggang tatlong taon. Ako naman ay lubos na nagagalak sa mainit na pagtanggap sa akin ng Blogosphere, lalong lalo na ng dyosa nito. Iba't-iba ang character, iba't-iba ang ideyolohiya at pananaw sa mga bagay, pero lahat sila'y biniyayaan ng angking talento sa panggagago ng mambabasa. Ang kadalasan kong makasalamuha, maliban sa dyosa ay isang alien, isang bum na babaeng nurse, isang prinsesa ng Saudi, isang lalaking may kinalaman kay Tina Moran, isang babaeng may pierced na dila, isang babaeng parang bacteria ang pangalan, ang idlip-era, isang lalaking may first name na parang last name, at isang duktor-to-be. Gustuhin ko mang lagyan ng link ang bawat isa sa pangalan nyo eh naisip kong kayo-kayo lang ang magpupunta dito at magkakaugnay naman kayong mga baliw.

Sa araw-araw na pakikisalamuha ako sa mga ito, wala akong natututunan. Nasasayang lang ang buhay ko at panahon. Sana nagjakol na lang ako o kaya eh nagpakamatay, mas exicitng. Pero gago ka pag naniwala ka dun. Sa puntong ito ng buhay ko, masasabi kong mahalaga na ang mga kung sino mang linsyak na mga tao ito sa aking online life.

*insert dramatic music here*

Noon pa din kasi ako naglalagi sa internet. First year college pa lang nakakatambay na ako sa mga chatroom. Nakikipag-cyber... games sa mga kausap, pati na din ang di matapos-tapos na bangayan sa mga putanginang caucasian racists na yan. May ilang beses na din akong kinilig sa mga iniisip kong babaeng kausap ko at nakipagpalitan ng litrato na naging dahilan ng ilang chatters sa mundo na tumungo sa Pilipinas upang makatagpo ako.

Nauna kong bigyan ng pansin ang pagsusulat ko sa Multiply pero silang mga kaibigan ko lang ang nakakapagbasa at nakapagkokomento dahil bawal ang estrangherong commentator sa Multiply.

Ayos lang naman yun, gaya ng sikat na kataga sa Blogosphere na "I write to express, not to impress", dapat magsulat lamang para sa pagpapahayag. Bonus na lang ang may mga mambabasang natutuwa. Pero gusto ko talagang may comment ang mga entries ko dahil naglululundag ang puso ko sa tuwa kada may nagkokomento.

At ngayon naman eh narito na ang Blogspot para sa kagalingan ng mga madadaldal na kagaya ko. Lahat maaaring magsulat, lahat nakakapagpahayag ng gusto nila. Lahat ay manunulat.

= = = = = = = = = = = = = = = = = =

Bukod sa deklarasyon ng dyosa ng Blogosphere na isa akong loser, hayaan ninyong bigyan ko kayo ng ilan...sige, MARAMING dahilan kung bakit nga ba ako naging loser.

Pumili sa mga ito kung ano ang paniniwalaan:

+ Nagdidiwang ng kaarawan sa sementeryo
+ Napapapila ng dalawang oras sa pila ng NBI CLEARANCE para lamang malaman na FOR CLAIMING ang napilahan at hindi FOR REGISTRATION
+ Napapapila sa mahabang pila ng grocery para lang bumili ng isang bote ng green tea dahil nagsara na ang "2 items or less" na pila
+ Nagsusuot ng pantalon na dalawang linggo nang hindi nalalabhan
+ Sumasakay sa sasakyan na lagi na lang 90% chance ang pagdaan sa gasolinahan
+ Nakakakain sa pinggan na di mahusay na nabanlawan at may sabon pa
+ Walang tiyak na desisyon sa buhay sa kung ano ang dapat niyang tahakin
+ Lumalampas sa dapat babaan dahil natutulog pa kahit wala nang 100 meters ang layo sa dapat pagbabaan
+ Bumibili ng fruit shake sa halagang 90 pesos sa halip na 48 pesos lang dapat
+ Bulol sumagot sa job interviews
+ Paboritong motto ang "ewan ko", "bahala na", at "sana pala "
+ Naglakad ng limang kilometro dahil na-stranded sa estasyon ng LRT noong minsang umulan ng malakas
+ Palagi na lang natatalisod sa mga nakausling bato at semento sa daan kahit ang lawak na ng daan
+ Natatalisod sa pag-akyat ng hagdan
+ Laging last na uupo sa jeep at makakaupo lamang ang 1/4 na bahagi ng puwitan
+ Nasusuklian ng kulang sa pamasahe sa tuwing nagmamadali
+ Hindi alam kung kakaliwa o kakanan sa paghakbang sa tuwing nakakasalubong ng bisikleta
+ Nawalan ng school ID ng apat na beses(ID = P400.00)
+ Nagugulat sa sariling repleksyon sa salamin
+ Nahuhuli ng pinsan na nagjajackol sa salas
+ Nalalaglagan ng selpon kapag ilalagay ito sa bulsa
+ Nagbabanggit ng mga kagaguhan sa harap ng magandang chicks
+ Nagba-blog imbes na nag-aaral
+ Nag-engineering pero ang baba naman ng logic at math skills
+ Napapagkamalang nangmamanyak dahil lang sa napaabante sa pila at napatutok ang armas sa babae sa harapan dahil sa pagbabasa ng menu sa McDonald's
+ Laging nauunahang jumerbaks sa office toilet at nagtitiis sa paghinga sa bibig. Putangina, mas malala pa pala yung lintiang-yawa na yan. Taena, sa bibig ang punta ng amoy
+ Ubod ng emo kahit hindi naman dapat at wala na sa lugar
+ Nalalaglagan ng huling piraso ng ulam na isusubo na lang
+ Nakakatanggap ng walang kwentang exchange gifts tulad ng alkansyang walang takip, baby cologne-powder-sabon-shampoo-cotton buds combo na Johnson's & Johnson ang tatak, at picture na walang stand na di naman pwedeng isabit
+ Napapagalitan sa kasalanan ng iba
+ Sintunado ang kanta
+ Nagmo-mall ng baligtad ang damit
+ Nagjo-joke ng corny at mahabang joke
+ Palpak ang mga blog entries

= = = = = = = = = = = = = = = = = =

HU ME? DIS ME. I KRAS U. PAKDATSYIIIIT.

Nawa'y makilala ko din kayo ng lubusan sa pagsasama natin dito sa Blogosphere. Happy New Year!

Elongate...

January 8, 2008

Smokin'

Dalawampu't dalawang taon na din akong namumuhay sa mundo.Halos isang taon na akong tumitikim ng usok. Mahiwagang usok na hindi nanggagaling sa tambusto ng sasakyan. Maputing usok na nanggagaling sa isang maputing stick na may foam sa dulo.

Ito na nga ba ang ikinatatakot ko sa aking sarili. Ang magkaroon ng bisyong hindi maiiwasan. Ang magumon sa isang bagay na alam kong mahihirapan akong tanggalin. Isang bagay na babagabag sa akin sa oras na hindi ko ito magawa.

At hindi ito sex. At hindi din ito self-popoy.

Bisyong sigarilyo lang naman ang nabanggit ko.

Alam kong madami nang namamatay dito, at backstabber ito dahil di mo naman malalaman agad-agad ang resulta sa katawan mo. Kung meron man akong diyes sentimos sa bawat isang tao na namatay dahil sa sigarilyo, bajillionaire na siguro ako. Andami kong napapanood sa telebisyon at mga litratong nakikita sa mga kung saan-saan na nagpapaalam na dapat hindi ka nagugumon sa ganitong klase ng adiksyon. Sino ba naman kasi ang titigil sa pagsisigarilyo kung ang nakalagay sa pakete ng sigarilyo natin eh:

Government Warning: Cigarette Smoking is Dangerous to Your Health

Susmariasantisima, sino ba naman ang maniniwala sa gobyerno? Siguro eh marami-rami nang namatay na aktibista dahil na lang sa warning na nakasulat. Kalokohan ang makinig sa gobyerno.

Mainam pa sa ibang bansa tulad ng Singapore at... iba pang bansa, ang naka-drawing sa harap ng pakete ng sigarilyo eh yung nabubulok na bagang, gilagid, sabog at sunog na baga, pati na din ang madidilaw na pearly whites.

Ayan tuloy, sa kahiligan ko dito sa bisyong ito eh maging sa mga litrato kong ubod ng laki ang mga ngiti ay halatang-halata na ang epekto ng Nikotina.

Pistingyawa naman, bakit kasi ako nagpabaya. Dapat hindi na ako nagsubok. Dapat hindi ako tumikim. Ubod ako ng weak na weak na weak at hinding-hindi ko kayang labanan ang ganitong klase ng bisyo. Dito na marahil ako mamatay ng dilat at puro hangin ang utak.

Kung ang pagjajakol nga na agad-agaran ang resulta sa katawan, hindi ko maitigil eh, ito pa kayang saka na lamang lilitaw ang resulta sa dulo ng aking buhay? Ah, ewan ko. Ipakita mo sa akin ang hinaharap.


Isang malaking BAHALA NA sa pagtigil ko dito.


Nagsimula ako noong mga bandang second year college. Nagsusubok na ako nuong bata pa lang ako, pero di ko naman pinaabot sa lungs. Hanggang mouth lang. Ano ako, bading? Papaabutin ko pa sa lungs? Papaabutin ko pa sa throat at esophagus? Bakit pa eh pwede namang sa mouth lang. Duh? So icky.

Pero ngayong tumanda na ako, abot pa hanggang kaluluwa ang paghithit ko ng usok. Parang smoked ham ang baga ko na kailangan talagang babad na babad na sa tobacco essence. Di pa man din ako relax tuwing nagyoyosi ako kaya para akong nakarespirator na nasa number 3 ang settings. Samahan mo pa ng matinding usok na sumagupa sa baga ko nung nakaraang bagong taon. Para nang pinausukang damuhan ang lungs ko sa panahon ng Dengue. Mas maitim pa sa budhi ni Lolit Solis ang mga gilagid ko at bagang. Pati ang labi ko, sunog na sunog na din dahil dito.

Si Jerome kasi, madalas din siyang magsigarilyo. Siya lang ang nag-iisang dahilan ko ngayon dito kaya ako napapa-yosi. Inaalala ko lang naman din kasi siya para pag sabay kaming maoospital, may kausap siya sa kwarto. Yun lang pareho kameng di makahinga ng maayos. Yung isa kong kasamahan sa trabaho ay nagulat nung magsigarilyo ako ng magkasunod. Chain smoking. Akala niya raw ay nagbago na ako. Akala ko din nga kasi ay nagbago na ako. Pero di naman kasi nagbabago ang epekto as akin ng yosi.

Naalala ko pa nung bisperas ng bagong taon na sinabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa isang stick ng yosi "Ito na ang huling sigarilyo ko".

Pero ang nangyare eh yun pala ang huli kong sigarilyo para sa 2007. Meron pa pala akong unang sigarilyo sa 2008. Tapos nasundan pa ng ikalawa, tapos ikatlo, tapos ikaapat, tapos hindi ko na masundan pa ang bilang.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Nakaaliw kasi ang usok. Parang isang busilak na diwatang humahawi sa harapan ng iyong diwa.
Usok na pupuno sa iyong baga sa oras na dumampi ang iyong labi sa malambot nitong likuran.

Mayroong manamis-namis. Mayroong mapait at makati sa lalamunan. Mayroong mabango at amoy strawberry, melon, lemon, at orange.

Merong lights at menthol.

Kapag ako'y naglalakad, si Marlboro ang tangan ko.
Kapag ako'y nakatambay, ang Lights nito ang nasa kamay ko.
Kapag ako'y nag-iinom, Winston Lights ang hinihithit.




Kapag ako'y nauuyam, kahit ano'y pinipilit

Inalok ako ng ka-tropa ko. Isang mahabang stick ang kanyang hinugot. Menthol ang trademark nito. Kadalasan eh mga tatay pa ang nag-yoyosi nito. Nasabi ko na lang: "San ba ang byahe natin? Ako ba ay drayber?"

Madaming brand na akong natikman. Kasalukuyan kong nilalasap ang tamis ni Gudang Garam. Mabango, swabeng-swabe ang amoy. Parang fruit cake ang halimuyak. Throat-buster nga lang ang dating. Parang magaspang na buhangin.

Si DJ Mix, maraming flavor. May melon, lemon, orange, lime, at strawberry. Parang isang kaharian ng prutas ng walang-hanggang kaligayahan. Isang kahon ng mabangong substance na nagbibigay-sigla. Giniling na balat ng strawberry, lemon, melon, at kung ano pang prutas na maisipan nila. Mahusay kung may Durian.

Black Bat naman yung isa. Parang sigarilyo ni Dracula. Parang nakausli ito sa kanyang nguso sa tuwing lumilipad siya sa gabi. Parang ang usok ng Black Bat ang nagmimistulang mist form ni Dracula sa kadiliman. Parang isa itong parte ng utility belt ni Batman na kapag nagpapatakbo siya ng Batmobile ay nakasipit sa kanyang daliri habang sinasagip niya ang gabi. Black Bat ang matamis na stick na kulay itim na maaaring kahantungan ng bawat crevice ng iyong baga. Korteng itim na paniki na ang iyong lungs.

Si Capri, pambabae. Manipis at patpatin. Parang palito ang dating. Pero ganoon din katagal bago ito maubos.

Si West Ice, parang mild menthol lang.

Kung mayaman ka, andyan si Dunhill, si Camel, o si Blue Seal. Di naman ako nakakatikim ng mga yan dahil sa halagang P2.00, solb na ang araw mo.

Lahat sila, iisa ang tema, iisa ang itsura. Isang maliit na stick na may foam sa dulo. Isang stick na nageemit ng smoke. Isang stick na nakakapagdulot ng Lung Cancer, Emphysema, at Laryngitis, Shortness of Breath, and Halitosis.

Nakakadilaw ng ngipin at nakakaadik.

May tamang antas lamang ng nikotina sa utak mo kapag ikaw ay nagsisimula pa lamang. Kapag bigla mong itinigil ang iyong kahibangan sa usok, maghahanap ang utak mo ng paraan para matugunan nito ang pangagailangan sa nikotina.

Nakakamatay.

Ang usok na ito, ang isang panandaliang paraiso para sa pag-activate ng mga ideya at pampagising sa mga nawawalan ng oxygen sa katawan.

Isang masarap na panaginip.

Isang malasang usok.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Kung kailan man ako mapapatigil, ako lang ang may alam. Tama nga naman si FerBert na tumatanda na ang mga tao, kagaya ko. Kung ano man ang tunay na regalo na maiibigay sa akin ng kung sino man ngayong bagong taon, ang gusto ko ay ay yung pampahinto ng kalokohan. Hindi ako si Superman. Namamatay ako unti-unti at hindi ko ito nalalaman. Salamat na lang kung tumigil ito kaagad.

Bigyan nyo ako ng bagong lungs. May donor ba nun?

Elongate...

January 7, 2008

Tag 04 from FerBert

Muli nanaman nating pakikialaman ang blog na ito at susugpuin ang katamaran

1. Name one thing you do everyday.
- tumunganga maghapon

2. Name two things you wish you could learn.
- teleportation
- magbreakdance

3. Name three things that remind you of your childhood.
- sugat
- laruan
- pagtulog sa hapon

4. Name four things you love to eat but rarely do.
- blueberry cheesecake
- mamon
- caviar
- pakwan

5. Name five things that make you feel good.
- drugs(?)
- pornograpiya
- tsokolate
- pagtulog
- makapanood ng feel-good movie tulad ng Hostel

Elongate...

January 3, 2008

Espesyal

Bago pa man ako magsulat ng mga 2008-related posts eh gusto ko lang basagin ang katamaran ng blog na ito sa pamamagitan ng pagbubunyag ng isang malaking bagay na bubulaga sa buong Blogosperyo.

Alam kong marami ang naghahangad nito kaya naman nagpaka-stalker mode ako at nangalap ng impormasyon tungkol sa babaeng itatago natin sa pangalang




Kaya nga ba't hindi naman ako binigo ni Mr. Google at talagang nakita ko ang nais kong makita.

Syempre, ano pa nga ba ang hinahanap ko kundi ang...

(+(PICTURE NI XIENAHGIRL)+)
    

Sa sobrang kabaitan talaga sa akin ng tadhana ay mas pinalad pa akong makakita ng mas malaking kayamanan. Talagang tinalo pa nito ang Yamashita at El Dorado dahil sa tindi ng halaga nito para sa kagaya kong "mapaghanap".

Ito naman ay ang...

)*~SCANDAL NI XIENAHGIRL~*(


Madami naman akong natagpuan. Talagang ako ay sobrang biniyayaan dahil lang sa aking kabutihang-loob. Kita mo naman, pati larawan ng dyosa binibigay na sa akin. Putangina talaga, mapapajakol ako ng husto nito. Pero hinay-hinay lang. Baka kasi kung sang demanda mahantong ang kabulastugang ito.

Pakitignan na lamang sa aking BlogRoll ang link upang mapuntahan ang website.

Nakakapaglaway talaga. Ahaaay.

*DISCLAIMER*
Ang nasabing scandal ay walang kasiguraduhan at maaaring virus lamang. I-click sa sarili ninyong kagustuhan. Walang kinalaman ang site na ito sa panahon na i-download ninyo ang video at sumabog ang hard dicks... *ehem* hard discs nyo.

Wala akong kinalaman dun, intiendes? Bahala na kayo dyan everrrr. Manood na lang kayo ng pictures ni Xienah na walang kasing-HOTTT with at triple T.

ang post na ito ay pawang kabulaanan at katuwaan lamang. ungas na lang ang maniwala.

Elongate...