January 30, 2009

Spread The Flawless Love

Oh hello to you fellow mortal friends, how are you doing?!

Nandito nanaman po ang inyong regular na loser blogger upang handugan kayo ng mga bagay na hindi nyo magagamit sa pang-araw araw na buhay!

Tulad na lang ng litratong ito na ibinahagi ni Meryl.

Ang naturang litrato ay natagpuan sa Media Master.




O diba bongga? Ano ang ginagawa ng Superstar na si Marian sa litratong ito?

A. Nagbabalat ng sibuyas gamit ang kanyang paa.
B. Nagpapakaligaya gamit ang Dingdong ni Ding Dong.
C. Nagkakabit ng apron.

Alamin ang sagot! I-click ang link na ITO.

= = = = =

Balik nanaman sa nocturnal na buhay ang systema ko matapos kong matulog ng higit sa apat na oras nung bandang tanghali ng hapon.

Napansin kong marami nanaman sa mga alagad ng kadiring kutis ang naglipana sa malaporselana kong iskin, tulad na lamang nitong pigsa sa aking kaliwang braso.


Medyo nagkulay yellow na yung sentro niya. Pinisil ko at napalabas ko naman yung "mata", or bituka, o cellular membrane, depende sa paniniwala mo nung bata ka pa.

At meron din sa iba pang parte ng katawan ko tulad ng sa likod na nalaman ko lang nung nakamot ko't sumirit ang dugo. Pasensya ka na kung di ko magawan ng cartographic sketch yung nasa likod, ang hirap kasing kopyahin dahil nakakangalay silipin.

So far tuyo na ang nasa braso ko. Di tulad nung isang beses na sa sobrang impeksyon niya eh nag-pink na ang palibot niya na parang ang cute lang kung hindi siya pigsa. Parang rosy cheeks, ganun.

So dahil parang nanlibak ako sa katauhan ni Marian, baka magkaroon ako ng kaunting life-threatening threats dito. Pero feeling ko lang yon, dahil kapag pinatulan nila ang sira-ulong katulad ko, magkakasiraan na ng ulo lalo dito.

Yun lang muna, over and out! xoxo!

Elongate...

January 20, 2009

Aling Maringer Z

Para sa akin, ang mga nanay ang pinakamakapangyarihang nilalang sa mundo. Kaya nilang sakupin ang sangkatauhan sa tindi ng kanilang talino, angas, kakayahan, at ang uber-mega-ultra-electro-magnetic-chenes-everything.

Naikwento sa akin ng kaibigan kong si Tintotz na minsan na daw nagkaroon ng tila ba epidemya sa kanilang sabdibisyon at ang mga nanay lamang ang hindi tinablan ng sakit.

Aba naniniwala ako diyan dahil sapagkat datapwat because ako mismo eh magpapatunay sa pagiging ultimate human being ng mga mothers (not the likes of Ricky Reyes).

Invincible ang mga nanay sa sakit, yan ang paniniwala ko kay Aling Maring. May anting-anting yata tong pinamana pa ng Lola Lilang ko sa kanya eh.

Aba'y mantakin mo yun, aba'y lahat kami'y may sakit na dito sa bahay, ay siya lamang ang walang kaano-anong tinatawanan kameng lahat! Ay oo, tunay na tunay yan kabayan!

Nangyare yata yun nung nag-uwi ako ng itim na pusa sa bahay. Lahat kame tinamaan ng sumpa at nagkasakit. Trangkaso, ubo, sipon, halo-halo na, si Aling Maring lang ang wala at pakape-kape lang sa umaga tapos kame balot na balot ng kumot.

Pati sore eyes, lahat kame dito sa bahay nagsimula sa isang tao at sa isang mata, tapos dalawang mata, tapos lahat na kame may sore eyes, si Aling Maring lang ang namumukod-tanging nakakakurap sa umaga at nakakabangon sa kama ng hindi nakakandado ng muta ang mga mata niya.

Gumaling naman kameng lahat sa kabila ng mga ganitong klase ng sakit dahil siyempre, siya ang nagaasikaso sa amin.

Nasa mga nanay ang kakayahang maging supreme ruler of the entire everything. Mother knows best, the worst, the good, the bad, and the ugly at kung ano pa mang drama meron ka dyan sa kuyukot mo alam nila yan. Life decisions at mga diskarte, alam nila yan. Budgeting and finance, alam nila yan. Chismis at Wowowee, alam ni Aling Maring yan.

Kanina nga nanonood siya ng Wowowee, napanood niya si Saicy. Nagtataka kung bakit daw di matambok ang puke eh. Napayuko na lang ako sa nasabi niya. Ang lagay ba dapat eh matambok yun? Enlighten me please.

= = = = =

Nung kausap ko naman si Saminella eh gusto pa yatang magpunta dito at ipaghanda ko siya gamit ang 300 pesos kong nalalabing salapi. Aba naman ang swerte mo hija kung ganun ang kaso!

Sana pala iniregalo ko na lang tong shades mong naiwan dito sa bahay, o di kaya isinanla ko para may pampapizza naman ako sayo diba?! Ahihi.

Semenelle: "Dapat pinapaglaba mo ng panty ang nanay mo, birthday naman niya eh!"
Ako: "Gumalang ka ah, panty ng nanay ko ang pinaguusapan dito..."

Aba nung nasa taas ako eh nakita kong nagsasampay ng panty si Aling Maring.

Ako: "Sabi po ng kaibigan ko dahil birthday nyo eh ipaglaba ko daw kayo ng panty..."
Aling Maring: "Aba kamo eh hindi ako nagpapanty at katsa lang ng ang ginagamit ko, yung sa sako ng harina kamo. Sabihin mo sa kanya eh kaya dahan-dahan ang pag-akyat niya eh baka mahulog yung katsa."

Hindi ko alam kung para saan ang impormasyon na yun pero eto na nga't naiibahagi ko na sa inyo dito sa Loser's Realm with a Winner Mother.

= = = = =

Sa nakaraang mga taon ng pagiging Wonder Woman ni Aling Maring at sa pagyayabang niya palagi siya lang ang namumukod-tanging nilalang na hindi nagkakasakit sa bahay eh minarapat kong basagin ang kanyang angas at sabihin sa kanya na...

"Eh paano, kapag nagkakasakit kayo, ospital na agad. Sa dalawang beses na nagkasakit kayo, ayun, na-confine kayo agad"

Totoo nga naman na di nagkakasakit ang nanay pero parang hamon naman ng tadhana na matindi ang ibinibigay sa kanilang sakit. Accumulated ba kumbaga. Salamat sa Diyos at sa mga pagkakataong ito, di pa din nawawala ang pagka-imbinsibol ni Aling Maring.

Nung unang beses kasing nagkasakit siya eh nadulas pa siya sa banyo at nauntog sa sahig. Hayblad kasi siya nung mga panahon na yun kaya naman kasabay ng pagkakadulas niya eh ang hilo mula sa altapresyon.

Nung ikalawang beses na nagkasakit siya, ibinibintang pa niya na nakulam siya nung kapit-bahay nameng nakaaway niya dito sa hindi ko malamang dahilan. Naospital naman siya dahil sa matinding kaso ng ulcer, di kasi nagkakakain, palaging kape at palaging busog. Eh lumang sakit na niya yung ulcer. Ayun, ospital nanaman.

= = = = =

Anyway, sa lahat naman ng dapat kong ipagpasalamat sa mundo eh wala nang iba pang mas hihigit pa sa biyaya ng langit na isinasakatawan ni Aling Maring.

Salamat sa iyo Aling Maring, sa pagluluwal ng isang taong tulad ko. Kayo na din naman ang nagsabi eh...

"Salamat at may anak akong kagaya mo. Siguro madalas akong napapanisan ng laway kung walang anak na tulad mong kailangan kong laging pinagsasabihan dahil hindi naman nakikinig!"

O diba ang drama.

Iba pa din kapag nasa paligid kayo. Nakakaramdam ako ng ibang klase ng okayness ng mga bagay. Sa totoo lang napakalaking kayabangan ang sabihin naming kaya nameng magpalakad ng bahay kapag wala kayo samantalang puking-inang yan parang tanga lang ako na walang alam lutuin na hindi instant.

Nung naiwan kameng dalawa ni ate dito at tamaan siya ng stress-related na sakit na pangmayaman kahit di naman tayo mayaman, wala akong alam gawin kundi magkompyuter lang at mag-astang mayaman na akala mo eh may dadating na duktor para kay ate kahit wala naman. Di ko maasistehan si ate nun. Tapos nung dumating kayo nabanggit ko na lang sa sarili ko na "haaaay, salamat at andiyan na din siya." Kahit sampung doktor pa ang dumating, mas mura pa din ang singil nyo kasi libre at may pagmamahal at mother's touch of pink and warmness.

Marami pong salamat sa pagmamahal. Kulang ang buong buhay ko para masuklian ko yun sa inyo kaya kapag nagkapera ako eh saka ko na kayo susuklian, may interes pa.

Para sa'yo, pinakamamahal kong inay, Maligayang Happy Birthday sayo! 26 ka lang sana kung di ko na inedit itong sinulat ko diba!

Happy Siksti-toot Birthday to the one of the most prominent and powerful force in our house! Aling Maring!



Caption # 1: "SINABI NANG MAGDILIG KA NA NG HALAMAN EH!"
Caption # 2 by JimG: "HUDAS KA MARIANO, SAN MO TINAGO ANG CONTRACEPTIVES KO?!"

Elongate...

January 19, 2009

Holy Deliciousness

Linggo ng gabi nun nung maisipan kong magsimba.

*Para sa kaalaman ng lahat, ako po ay Katoliko at may pagmamahal sa kinikilala kong Diyos. Wag kang mabibigla kung nagkasalubong tayo isang beses sa simbahan at nag-aantanda ako.*

Naglalakad kame ni Aling Maring, ni Ate, at ako papasok sa entrada ng simbahan.

Sabi ni Aling Maring: "Wala nang masarap na pari ngayon..."

Ako:"........"

Translation ng "Wala nang masarap na pari ngayon" by Aling Maring: "Ang ibig kong sabihin, wala nang pari na magaling mag-misa ngayon. Lahat sila eh parang nakakaantok na at walang buhay magmisa."

Aaaaah, okay po. Wala na akong iba pang sasabihin. Magulang ko kayo at mahal ko kayo anopaman ang masabi ninyong hindi mauunawaan ng ibang tao.

Elongate...

January 15, 2009

Accusations

Pwede nyo akong akusahan na ni-reyp ko ang katulong, kinain ko ang huling Fudgee barr sa ref na sana babaunin na nila Mico para sa kinabukasan, ang hindi pagdidilig ng halaman, ang hindi pagpapatay ng laptop sa oras na kailangang magtipid ng kuryente, at ang hindi paghahanap ng trabaho...

Pero utang na loob, wag ninyo akong aakusahan ng hindi pagpa-flush ng tae sa inyodoro dahil please lang, kahit hindi ko tae pina-flush ko yun!

Aling Maring: "Isarado mo nga yang pintuan ng CR! Hindi ka nanaman nagbuhos ano?!"

Sosme, kahit yung ga-braso na jebs ng mga apo ninyo nakukuha kong palubugin kahit hindi naman talaga ako tumae at nagsepilyo lang ako ng bibig ko lang ang ginamit ko para huminga tapos nakita kong may floaters sa toilet tapos ginamit ko ng buong lakas ko ang pambomba para lang magkapira-piraso ang jebs na halos 30 hours ang ni-gugol para madigest at miski inconsiderate sila't isinasabay na nila ang pagpapalubog ng sarili nilang jebs sa ibang tao eh inaako ko na at pinapasan ko, parang awa na ninyo Aling Maring wag ninyo akong aakusahan na hindi nagpapalubog ng sarili kong jebs!!!

Elongate...

January 12, 2009

Commercial

Eksena:

Nagtitimpla si Aling Maring ng Milo para kay Andie at hindi pa muna ibinibigay ni Aling Maring ang Milo kay Andie dahil hindi pa ito nahahalo.

Nagreklamo si Andie na ibigay na ang Milo.

Pagkainom ni Andie ng Milo, sabay flip ng hair at sinabing: "From Nestle".

Ang mga kabataan nga naman talaga ngayon.

Elongate...

January 8, 2009

Thanks So Much From The Bottom Of My Heart

Gusto ko lang pasalamatan ang mga minamahal kong mga pemilees sa mundo ng Internets dahil sa kanilang pagmamahal sa akin at naisipan nila akong regaluhan-islas-limusan ng mga mumunting bagay na magpapatibok sa aking bayag.


Puso pala, sa puso.

Hindi ko lubos na maipaliwanag ang ligayang nadama ko nung inabutan nila ako ng tanda ng kanilang mapagbigay na puso.

Para sa inyong mga mahal kong kaibigan, iaalay ko ang post na ito sa mga kabutihang-loob nyo sa isang refugee na tulad ko.

Mula kay Lowla Ami

Isang thermal mug na pwede kong gawing tagayan tuwing may inuman o di kaya eh paglagyan ko ng patis! Shet, it's so thermal it makes me hotttt like that! Salamat lowla at hindi na ako makakahigop ng malamig na kape evar!



Isang bote ng patis para kay Aling Maring (na pinaghirapan daw pigain ni Lowla mula sa kanyang mga pores para lang sa amin! How sweet naman lowla and how salty naman the patis!)



Mula kay Damdam

Dahil sa nawalang naunang regalo ni Damdam para sa akin eh pinalitan na lang niya nito! Isang bonggang-bonggang tisiert na isusuot ko tuwing gabi para madama ko ang kanyang yakap! Yiheeee! Pero sa totoo niyan parang kapatid ko lang din ang yayakap saken dahil magkasing-taray ang ate ko at si Damdam. Aylabsyu Damdam! Ahihi!



Pero look do we have here! Nakita ni Damdam ang nawawalang regalo! At dahil nainspire si Damdam sa remark kong masarap magtanggal ng tutuli gamit ang metal ear cleaner o ang cerumen spoon, minarapat niyang ihandog sa akin ang isang kumpletong grooming kit! Kulang na lang bikini wax eh patok na ang kagandahang-lalake ko nito! May kasamang pantanggal ng tutsang na gusto palaging makiusyoso sa mga nginingitian kong bagay at litaw nang litaw.



Pero parang bakit ganun ang naibigay ni Damdam, pang kabayo lang ang dating. Puro brush ang laman! Dibale bagay pa din yan sa sobrang cute na mane ko dito sa aking bumbunan. Wish ko lang lumakad yang brush na yan sa buhok ko at hindi ma-tangle to the max.

Mula kay Goddess

Aba akalain mo nga namang ang isang piraso ng papel ay magdudulot ng ubod ng ligaya at tigas sa aking mga kalamnan sa panahon ng kapaskuhan!

Hindi ko lamang mailagay ang mensaheng nakapaloob sa card dahil masyado itong personal at makakapaglagay ng ubod ng tinding isyu sa amin ni Goddess. Ayaw kong sabihin na isang indecent proposal ang nakalagay sa loob dahil alam kong marami ang magagalit at magaaklas sa naturang mensahe.

Mula kay Ayzprincess

Isang makabagbag-daming produkto ng teknolohiya! Ang male vibrator!!!

Pero syempre each sold separately yan at batteries not included. Mini Racer na talaga namang mapapapadyak ang paa mo kakapaandar sa kanya. Wag mo lang ipadyak ang paa mo kapag dumadaan na siya sa pagitan ng paa mo dahil baka maging 1000 piece puzzle racer yan.


Mula kay LethalVerses


Sino ba naman ang hindi maantig sa ganitong klase at kainit na regalo sa malamig na pasko? Isang bunsen burner!

Yan ang makabagong bunsen burner equipped with dual illuminating rocket propulsion system na talaga namang magagamit ng kahit na sinong mahilig magsigarilyo. Kahit isang milya pa ang layo ng lighter na ito sa sigarilyo, tiyak masisindihan yun.


Sa totoo niyan, maligaya na ako at masaya na makapiling kayo sa nagdaang taon ng buhay ko. Masaya ako sa samahan natin kahit ganito lamang akong hampas-lupang amoy lupa na hindi naliligo.

Pero syempre mas maganda pa din ang may gift! Ahahaha! Salamat guys! I heartz you all! Mwuah!


*Ang naturang mga litrato ay hindi ang tunay na litrato ng mga regalo bagkus nakuha lamang sa internet sa kadahilanang hindi naregaluhan ng digicam ang may-ari ng blog nito.*


Elongate...