Knife Fight
I. Pupunuin mo ng strawberries yung bibig ko, habang nakatitig ako sa mga mata mo. Yung mata mo na parang may poot na gustong kumawala kada susubuan mo ako ng strawberries.
II. Kukuha ka ng kutsilyo sa kusina. Tig-isa tayo. Pagkatapos mo akong subuan ng maraming strawberries, aalis ka na. Pagbalik mo, meron ka nang dalang kutsilyo, tapos i-iitsa mo sa akin yung isa. Iwawasiwas mo yung kutsilyo na habang nakangisi ka. Yung mga mata mong may poot na gustong kumawala, mas nagniningas yung kinang. Yung kinang ng karahasan na nakakapagpatigil ng paggalaw. Parang yung titig na ginagawa ng mga pusa sa daga bago nila ito sunggaban.
III. Hindi ko masasalo yung kutsilyo dahil nakagapos ang dalawa kong kamay sa silya. Humihiling na lang ako na hindi mapalakas ang pag-itsa mo ng kutsilyo at hindi tumama sa anumang parte ng mukha ko. Tatawa ka ng malakas pagkatapos mong i-itsa yung kutsilyo. Nakakahiya tuloy sa mga kapitbahay.
IV. Maginaw sa kwarto mo dahil nakatodo ang aircon. Hindi pa nakakatulong na bra’t panty lang ang suot ko. Patuloy mong iwinawasiwas ang kutsilyo habang marahan mong hinahaplos ang buhok ko. Nandun pa din ang kinang sa mata mo, pero ngayon, parang umamo na sila ng bahagya. Hindi tulad kanina na parang gusto mo nang ihagod ang kutsilyo’t tanggalan ako ng balat.
V. Habang hawak mo yung buhok ko, ihinagod mo ang talim ng kutsilyo sa balikat ko. Pababa sa bewang, hanggang sa pusod. Paunti-unti mong itinatarak yung dulo ng kutsilyo mo sa pusod ko. Ako naman, napapapikit sa sakit dahil medyo napapadiin at napapalalim sa yung kutsilyo. Nanggigigil ka siguro. Patuloy ang paghaplos mo sa buhok ko.
VI. Sinipa mo yung silya at natumba ito kasama ako. Hindi tumama ang ulo ko sa sahig dahil hawak mo ang buhok ko. Binitawan mo ang buhok ko, at nawala ka saglit. Maya-maya, may naramdaman akong lamig na pumasok sa pagkababae ko. Lamig na dahan-dahang naging sakit. Sakit na hindi ko pa nararamdaman sa buong buhay ko. Sa tantya ko, malapad at mahaba yung pumasok. Parang kutsilyo. Malamig sa una, tapos natabunan na ng maantak na sakit yung lamig. Napaluha ako at napasigaw sa sobrang sakit.
VII. Tumawa ka ng malakas. Tawa ka nang tawa habang ako naman eh halos mamilipit na sa sakit pero hindi ko magawa. Nakagapos kasi ako. Unti-unti nang humina ang malakas mong tawa. Unti-unti na ding dumilim ang paligid, pero yung sakit, nandun pa din.
VII. Nagising akong punung-puno ng strawberries ang bibig ko.
0 Winners:
Post a Comment