Ugali ko ang mag-alarm ng telepono kahit alam kong hindi ko naman siya papansinin. Ang pagse-set ng alarm ng telepono ay isang paraan para ipaalam ko sa sarili kong isa akong responsableng tao at kaya kong gumising ng mag-isa, ng walang tulong ni Aling Maring o ng kung sino man.
Sadly, lahat ito ay kathang-isip lamang at ang totoo ay merong sariling pag-iisip ang kamay ko para kumilos ng wala kong pahintulot, at patayin ang maingay na alarm.
Kaya naman narito ang ilang payo sa pagse-set ng alarm ng orasan/telepono.
- Huwag pumili ng tunog ng alarm ng telepono/alarm clock na ayaw mo: Yung tipong maingay at nakakairitang tunog na alam mong magigising ka. Magigising ka nga pero mataas ang tyansa na dahil ayaw mo ang tunog, papatayin mo agad ang alarm.
- Huwag pumili ng tugtog na gusto mo bilang alarm: Dahil sa gusto mo ang tunog at nakapagbibigay ito ng inner peace, gagaan ang kalooban mo't marerelax ka, ergo hindi ka magigising at babalik ka sa pagtulog.
- Kung nagkaroon ka na ng katipan at mayroon kayong theme song dati, marapating ito ang piliing tunog ng alarm: Ang pagpili ng tugtog na may kinalaman sa mapait na nakaraan ay makakatulong sa madaliang pagbangon mo sa kama, pagmumuni-muni sa nakaraan, pagsama ng kalooban at pagmumukmok. Ipinapayong huwag palaging gamitin ang ganitong tunog ng alarm dahil maaari itong magdulot ng mabilisang pagbangon mula sa kama, at pagkuha ng lubid na pambigti, o di kaya'y blade na panlaslas.
- Maaaring gawing alarm ang recording ng sariling boses na naglalahad ng mga bagay na gusto mong makamit sa pamamagitan ng paggising ng maaga, na magdudulot ng pagkakaroon ng magandang record ng attendance sa opisina/eskwelahan. Mga bagay na tulad ng PSP Vita, bagong damit at pabango, bagong buhay, at bagoong.
- Igapos ang mga kamay bago matulog upang hindi mapatay ang alarm gamit ang muscle memory, at ilagay ang alarm clock/telepono sa noo bago matulog.
- I-alarm ang relo/telepono ng nanay mo.
0 Winners:
Post a Comment