June 4, 2008

Because It's Bad

Puta, ang sakit ng pwet ko. Hindi lang partikular sa puwet pero all over my (hot) body. Mga braso, mga hita. Kasu-kasuan. Kadalasan masels.

Ang galing kasi nung gay na senior engineer namin dito. Ang lakas tumira. Derecho lagi at intense. Parang action scene lang.

Ang hirap ding harapin eh. Tapos madalas sa mukha ko pa ang patama niya. Hindi ko kayang saluhin. Kaya ayun, minsan lumalampas na lang sa likuran ko at saka naman ako tutuwad.

Ang kulit pa man din nung itsura ko nung titira na siya. Nakanganga pa ako, parang slomo ang mga pangyayare tapos hindi ko naman pala kayang saluhin. Paparating saken yung cock tapos nakanganga lang ako.

Dalawang araw nang nananakit ang katawan ko eh. Napuruhan ata ako, lalo na yung sa puwitan ko talaga, ang sakit eh, lalo na kapag uupo ka tapos yung tuhod at hita ko naman kapag tatayo ka. Nung martes kasi ng gabi naganap ang pangyayareng nakapagpasakit sa katawan ko.

Puwet, braso, hita, pati panga na din nanakit eh.

Ang hirap talaga kapag umuupo, o kaya may pupulutin ka.

Hindi talaga ideal ang hindi nag-warm up eh, todo panghihina ang aabutin mo.

Diyahe talaga kapag sumasabak ka sa badminton ng walang warm-up.

Para sa mga agile na players din kasi yun. Hindi angkop para sa mga kagaya kong couch potatoes na tinutubuan na ng algae ang singit-singit sa sobrang routine ng bawat araw. Opis-bahay sequence.

Kaya naman hindi na nagdalawang-isip ang mga masels ko na umangal dahil kagaya ko, tamad din silang magkikilos at magistrets ng husto. Saka loser din sila sa mga ganitong intense na aktibidades.

Eh susmariano naman, ilan taon na ba ang nakakalipas mula nung pinawisan ako sanhi ng sports o ng kahit anong bagay na maganda sa cardiorespiratory system? Hindi ko na matandaan ang last time na humawak ako ng bola ng betlog, ng basketball pala. Kelan nga din pala ako pumedal ng pumedal ng bisikleta dahil hinahabol ako ng mga aso ng kapitbahay? Pati nga itong badminton nung pasko pa ng 2006 ako last nakapaglaro.

Eh nung gabi nga ng badminton, andaming cock ang nakita ko. Nagulat ako sa dami ng magagaling pumalo ng cock. Natalo pa kame ng mga gurls. Hanep maglaro, propesyunal talaga. Nakaskirt! Yihee!

Malas lang kasi naiwala ko yung isa nung tinira ko ng pagkalakas-lakas at sumabit sa bubong. Bawas na kame ng isang cock pero tuloy ang kasiyahan. Ang gagaling nung mga tao, kaya maaga akong tumigil, nanood na lang din kasi ako dahil baka plasma na ng maipawis ko sa sobrang pagod.

Sa kabuuan ng gabi, masaya pa akong umuwi. Nabakbak ang ilang porsyeto ng taba sa aking katawan at ang ilang piraso ng nikotina sa aking baga.

Pero ngayon, masakit ang katawan ko. Pero ito ang tipo ng sakit na gusto kong ulit-ulitin. Parang nakakakiliti na masakit.

Kaya naman ebri Tuesday, magdadala akong shorts at extra t-shirt para sa mas marami pang sakit ng katawan.

Salamat senior gay boss, tira ka lang ng tira, masasalo ko din ang cock mo. Shuttlecock.

13 Winners:

V said...

wow. congratulations. meron ka nang ibang paguubusan ng energy.

galingan mo. pag natatalo ka na. pabugahin mo na yung sikret weapon mo. eeew gurky

syet. M T V na.. if you know what i mean. mwahahaha.

Maria Sharapova said...

rawr! galingan mong pumalo ng cock. maganda yan. next time, mag-aral ka naman pumalo ng balls. big balls.

para icha-challenge kita mag tennis kung at kpag nakauwi ako. hahaha!

hit that cock!! hahah!

guten tag!

ToxicEyeliner said...

LOL. ang galing mo talaga!!! ayos! masaya ba pag kasama mo si senior gay boss!? hahahahahahhaha

xG said...

pft.
ayun oh may secret codes pa
hahahahaha

e sa air hokey
sino tumalo sa iyo?

LOSER.

GODDESS said...

aba! at nagpapaka-sportsmanship ka na pala ngayon ha! hehehehe!

chroneicon said...

hayuf! konting practice pa pare. gagaling ka din sa pagsalo ng cock katulad ng galing mo sa paghuli ng pussy sa malate. naalala mo un?

iheartmamon said...

tae yan, gurl. akala ko kung anong kabaklaan na 'to. ibang cock pala, nabitin ako. wahahahaha!

go gurl! patira ka na sa pwet. ng bengay. hahaha!

PoPoY said...

ay M ayos yun ha. tama yan magexercise tuwng gabi. para na din maging healthy tas 1 pakete ng yosi after ayos hahaba buhay mo hahaha!!!

adik ka kasi. nagwawarm up muna talaga.

nag PE ka ba nung college? eh di ba nagwawarmup muna bago magsports?

tulad ng finger finger bago mag CHESS,

ikot ikot ang paa pag nagluksong baka, ikot ebwang bago mag hoola hoops hahaha.

maganda sa katawan ang ehersisyo, ipagpatuloy mo kaibigan!!!

The Gasoline Dude said...

Madali na din ako hingalin pagdating sa sports tulad ng badminton. Na try ko last year pucha di ko kinaya. Game One pa lang sumusuko na ko.

Kelangan ko na talaga sigurong mag lose ng weight. Nababalot na ata ng taba ang mga maskels ko. Kelangan careerin ang pagka-cardio.

Maldito said...

wow....kami din..lalaro na din kami ng cock sa sunday...ang saya naman nito....flywieght din ba ang cock niyu?lols.

sana may balls din naman..para equal...

emoterang nurse said...

hahaha...kala ko kung anu ang ginwa nyo ng boss nyo... nagpaluan lang pala kayo ng cock...

dala ka na din ng pau linament...
walang aw sa pau!!!:)

maris said...

nung nabasa ko topic mong ito, nung una akala ko isa na naman ito sa mga episodes mo ng MAriano- gay confessions. anak ng- badminton pala. ahahaaha!


Pero maganda pa rin ang rekomendasyon ni maldito na swimming with cooking combination. hahaha the fck.

lethalverses said...

aba aba...

at isportsmaynded pa ang idolo kong si M!!! asteeeg...

kumusta naman ang mga pagsalo ng cocks??? wehehehe...

...matanong ko lang, bakit ang shuttlecock, kailangan sa left wing lang ng ducks gawa? hmmm...