Pasok
Alay ko ang lathalang ito sa mga...
Mag-aaral na bumabalik sa silid na kanilang araw-araw nanamang pupuntahan at tatambayan hanggang sa susunod na taon.
Nagdadala ng ga-bahay na bag laman ang crayola, pencil case, sangkaterbang aklat at kwaderno, packed lunch, at goodmorning towel.
Nastranded sa baha, lumusong sa baha, inanod ng baha, nagkasakit dahil sa baha at malakas na ulan.
Nagdiwang dahil suspended ang klase.
Nagpalusot sa magulang para sa simpleng night out.
Naka-kickback sa extra tuition.
Nakaranas ng scholarship.
Na-late sa klase dahil sa tanghaling paggising at sobrang bagal na daloy ng trapiko.
Nadisgrasya ng masasamang-loob at nawalan ng gamit.
Kabataan na naghihinagpis sa init ng kwarto tuwing tanghali. Para sa mga madadaldal na hapon at bakanteng oras na pinagbibidahan ni Prince Caspian, Naruto, LA Blue Girl, o ni Iron Man.
Kabataang napakaasintado sa sago na mahirap tanggalin sa uniporme.
Eroplanong papel. Para sa yoyo, sa trumpo, at sa sipang tingga na napakahirap habulin lalo na't hustler sumipa ng black magic si classmate.
Nag-aagawan-base sa school grounds. Para sa amoy araw na after lunch subjects dahil sa mga naglalaro ng basketball.
Nangain ng isaw sa kanto, pisbol, kikiam, ice scramble, gulaman, at sangkaterbang chichirya.
Napagalitan sa pagiging tamad.
Nagliligawan sa ilalim ng puno at sa loob ng walang taong classrooms.
Napatayo sa sulok, nabulyawan, napalo, nabato ng eraser, napadala sa guidance office, nakipagsagutan sa teacher, at sa naipatawag ang magulang.
Nakasira ng ceiling fan at plastic na figurine ng Mama Mary, dahil sa pagba-volley ball sa loob ng classroom.
Nakabasag ng test tubes at flasks, at nakasunog ng chemicals at kaklase.
Bumagsak, bumagsak, bumagsak, at bumagsak pa.
Hindi natulog ng halos isang linggo para lang sa walang kwentang resulta at sa mga pumetiks pero perpek ang iskor.
Naadik sa gimik, sa yosi, inuman, tambay, babae, computer games, bilyar, at pag-aaral (wushuuuu).
Nakipagpersonalan sa mga instructor at nabigo sa laban, sumipsip at nagkamit ng tagumpay.
Naging butihing mag-aaral na walang ibang hinangad kundi ang kabutihan ng magulang at pamilya at nagtagumpay ng lubos.
Nag-angas at walang mabuting idinulot sa kapwa mag-aaral na naghahanap ng matinding negative karma sa buhay.
Naging mag-aaral, one point in their lives...
Pasukan na naman!
14 Winners:
pasukan na nmn...
pasukan na pero wala pa rin akong trabaho...
nmn!!!makapasok na lng ulit...
poncy naman. pinahirapan mo naman ako. nilabas ko pa dictionary ko. zeusdemet. pero astig.
welcomebacktoschool sa mga di maka-graduate. heheh!
Nagliligawan sa ilalim ng puno at sa loob ng walang taong classrooms.
all girls school kami.
paano ito?
para sa mga nangodigo at nagpakopya... ipagpatuloy ang tradisyon!
nanghunting din kami dati ng mga magsing irog na panandaliang pumupuslit sa mga kwartong walang estudyante..sa gabi naman, sa mga kasuluksulukan ng lagoon..exciting talaga pumasok sa eskwelahan
kulang ka pa M,
para sa mga mahilig tumae sa siar ng school na punong puno ng ebak at uuod.
sa mga estudyanteng masipag magfloorwax at magbunot ng sahig ng koridor.
hehehe :)
awww gagraduate na ako next year at marami akong mamimiss sa buhay estudyante. unless itutuloy ko ang pagmamasteral pero iba na ata un. hahaha... nakakamiss ang highschool days! oh yeah...elementary days.AY HINDEH--LAHATTTT NG STUDENT DAYS KO!!!!!!!!!!!!!!! garrrrrrrrrrrrrrrr
naalala ko tuloy yung nakabasag kami ng fluorescent light noong hayskul dahil naglaro kami ng balibol sa loob ng klasrum.. hehe!
pasukan na naman! malamang sa malamang, october ko pa marerealize na pasukan na pala talaga.. hahahaha!!
walang kinalaman ang comment na to sa post mo tungkol sa mga batang naguumapaw ang estrogen at testosterone sa katawan. pero ang sarap nga naman talaga maging estudyante. binabaunan ka para pumasok. di gaya ng nagtratrabaho. aalilain ka muna bago ka bigyan ng pera.
parang.. nagcomment din ako tungkol sa post mo ano? ahaha. erase erase.
matumal na ang nagcocomment sayo huwantso dahil suplado ka daw.
akalain mo nga namang naisisingit mo pa ang makapag isip ng mga bagay na yan sa kabila ng buong araw na PM?
elibs na talaga ako sayo. hihi.
cowawa nabungga!!
Hindi na ata uso ang habulang base etc.
hahay.
dami kong naalala sa post mo na to. pero bakit ganun, sa pamagat pa lang ibang 'pasok' ang naisip ko. langya.
pasukan na! yipeee..
Naka-kickback sa extra tuition.
base ba to sa tunay na karanasan? hehe.
woow.. sa listahang nasa taas ay:
TATLO (3) ang hindi ko naranasan.
ISA (1) ang sana nga'y maging ako.
DAREST (errmmm bilangin nyo na lang) ang SAPUL ako!!!
ang saya talagang maging estudyante.
just enjoy....parang take lifer lang yan...hehehe
Post a Comment