April 30, 2008

Saging Lang

Madalas ang usapang saging tuwing tanghalian dito sa opisina. May dala kasing saging si opismeyt number 123.

Kaya ang kadalasang nagiging usapan eh yung mga tipong ganito:

"Opismeyt, paabot naman nung saging ko diyan. Wag mo ibabagsak kasi baka lumambot"
"Medyo payat ata ang saging mo ngayon ah..."
"Gusto mo bang kumagat sa saging ko?"
"Antaba ng saging mo ngayon ah! Mas malaki pa kesa sa dun sa kahapon"
"Balatan mo nga yan ng makain na."
"Wag mo isubo lahat. Tirahan mo naman ako ng konti"
"Patikim naman ako ng saging mo"
"Ay, bakit ganyan ang saging mo ngayon? Ang liit."
"Na-try mo na isubo yan lahat sa isang kagatan lang?"
"Mapakla pa. Dapat di mo muna nilabas."

At kung ano-ano pang saging-related na statements na kung hindi mo makikita ang saging na prutas eh kung ano-anong mga images ang lalabas sa isipan mo.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Father I-forgot-his-name sa recollection noong nagbanggit siya tungkol sa larangan ng paghahalaman na tinatawag na... [teka i-Google ko lang ha]

Ayun! Basta either Marcotting or Grafting ang proseso na pagsasamahin mo ang dalawang specie ng rosas para makabuo ng ibang specie.

Tulad na lang halimbawa ng amazonang puti at amazonang kahel...

Gago, mali. Rosas na puti at rosas na pula ay magiging rosas na pink. Ang rosas na puti at pink ay magiging rosas na medyo light pink. Tapos yung orange colored rose eh hindi ko alam. Dilaw ata saka pula. Secondary color yung orange.

Ngayon, ang prosesong ito na Marcotting or grafting ay di lang sa rose ginagawa, sabi ni Father Unknown.

Pwede din nito sa ibang halaman gaya ng mga namumungang halaman, mga gardening plants at specifically niyang sinabi na maaari itong gamitin sa puno ng Saging at sa stalk ng mga Kawayan(Bamboo).

Ako naman ay isang taong may bukas na isipan at tinatangkilik ang kakayanan ng siyensa kaya't kaagad naman akong sumang-ayon sa sinabi ni Father X. Naisip ko kasi na ang kawayan na may matigas na katawan ay maaaring i-graft/i-marcotting sa katawan ng saging upang ito ay tumibay at maging stable.

Ang gusto palang sabihin ni Father Ewan eh ang produkto ng pagsasama ng Kawayan at Saging eh instant Banana-Q kapag namunga.

Tamang patok lang. Ang mga pari talaga, ang sarap gawan ng kasalanan kapag humihirit ng ganun. You should burn in hell together with your heretically funny joke.

Pero saging ang usapan kaya naman ginatungan ko na lang na pwede ding isama sa Kawayan at Saging ang Sugar Cane para mas instant pa sa instant Banana-Q. May asukal nang kasama.

Pwede na ding magsama ng puno ng olive o kaya eh palm o kung ano mang puno na may mantika pati na din ang puno ng kawali isama mo para rektang Banana-Q na agad. Isusubo mo na lang.

Sabi ni Mark Lapid, saging lang ang may puso. Tapos inamin pa niya [habang pumalapag-palag pa] na kung saging lang daw sila, eh ayos lang kasi daw kahit maghanap ka ng puno sa buong Pinas eh saging lang ang may puso. Saging lang ang may puso. Saging lang.

Eh kung di ba naman tanga't kalahati si Mark Lapid (o kung sino mang gumawa ng script nun) eh hindi naman talaga puno ang saging. Isa siyang herb okay? Herb! Ayon sa nabasa kong pambatang magazine na iniisyu sa eskwelahan, wala daw characteristic ang isang "puno" ng saging para maging isang totoong puno. Di ito matigas at wala yung mga kahoy-kahoy dun sa trunk niya. Ang lambot ng puno ng saging at pinatutumba lang namin yun gamit ang mga suntok namin na mala-"Bazooka" AJ Banal ang dating.

Puno lang ang term dito due to popular acceptance of the mass people kasi may dahon, tapos namumunga, tapos ayun, meron ding parang stalk at mataas at may ugat tapos nakatayo.

Sabagay ampangit nga naman ng dialog kung sabihin na, "Maghanap ka ng Herbs, sa buong Pilipinas, Saging lang ang may puso". Nyek.

Kung ako yung kontrabida, baka binaril ko na si Mark Lapid nung mga panahon na yun dahil sa inis ko sa kanya sa pagko-conyo term niya ng saging.

Mark "The Spark" Lapid: "Maghanap ka ng Herbs, sa buong Philippines, Saging lang ang may puso! Saging laaang!".

Kontrabidang Mariano: "PUTANGINANG YAN! HERBS HERBS KA PA DYAN HA!!! ALAM MO NAMANG GRADE SIX LANG ANG NATAPOS KO KAYA GOONS LANG AKO TAPOS MAGIINGLES KA PANG PUTANGINA KA??? *BANG* Mga bata, sunugin na ang lalakeng ito. Tadtarin ng pino ang katawan at ipampataba sa lupa ng mga hhhherrrbs na saging. Bitch."

The End.

Sabi nila nakakatigas daw ng jebs ang saging, so kontra ito sa pagtatae lalo na sa mga may diarrhea at ulcer [siguro]. Kung medyo lambutin ka eh kumain ka ng madaming saging malamang titigasan ka palage. Ng jebs lang naman siguro.

Madaming health benefits ang saging sa katawan. Mayaman ito sa iba't-ibang bitamina tulad ng Potassium. Carbohydrates din para sa enerhiya ng katawan at pampalakas. Meron ding Vitamin A na pampalinaw ng mata. Maganda din ito sa proper digestion, kaya naman buong-buo ang jebs mo kapag nagpapak ka ng saging. Isama mo na ang Vitamin C kontra sa sakit at pampalakas ng resistensya.

Pwede mo pang makita ang iba pang Saging facts dito sa


Sabi nila nakakakinis din daw ng balat ang Saging, lalo na't isa itong kontra Pimples. Kasi naman ba daw, meron nga ba namang unggoy na may Pimples? Ewan ko, tignan niyo na lang yang litrato sa ibaba [yung mga unggoy photos]. Baka may maaninag kayo eh idemanda ninyo ang nagsabing panlaban sa pimples ang Saging. Pero baka naman kasi iba ang pimples ng unggoy sa tao kaya naman acceptable pa din ang fact na ito.

Kung san daw ba maihahambing daw ang boobs ng isang matandang babae sa isang prutas, sa Saging daw ito maihahambing. Bakit? Eh kasi daw sagging na daw. Kung sino man ang nag-isip ng joke na ito eh gusto kong sungalngalan ng isang buong piling ng saba sa puwet.

Nabalitaan ko dati yung Saging eh pwedeng gawing hamburger patty. Nanalo pa ata ito sa isang science awards. Yung balat ng saging tinadtad tapos nilagyan ng sangkap, ayun, pwede nang ipalaman sa tinapay bilang hamburger patty. Patok diba. Balat na lang hamberger patty pa. Ano ang susunod? Buto ng saging na pwedeng gawing damit? Dahon ng saging na pwedeng gawing bullet-proof vest?

Nakatikim na ako nito kaso lang eh gawa ng katulong namin mula sa tinadtad na puso ng saging. Masustansya at masarap. Kung may gayuma ba yun o laway ng katulong namen eh hindi ko na alam kasi ang sarap. Nainlab ako sa luto niya. Ang sarap talaga. Ang sarap. Repeat 10x.

Ang martyr talaga ng Saging no? Inaalay niya sakin ang puso niya para lang mapasaya ako. Wala siyang pakialam kahit pagtatadtarin ng pino ang puso niya basta ang mahalaga mapaligaya niya ako at nasabi niyang naialay niya ang puso niya sa akin. Sana ganun na lang lahat ng babae. Parang saging. Handang i-alay ang puso nila sa akin mapasaya lang ako. At ang saging ko. Pero sana hindi saging ang boobs niya. At sana wala din siyang sariling saging. Melon na lang o kaya pakwan. O kaya papaya.

Saging lang ang may puso. Sana si Gloria din meron.

15 Winners:

Anonymous said...

hahah!!

zeusdemet! what a way to start the morning. di ako makahinga.

saging lang ang may pusoooooooooo!!

Anonymous said...

sinong gloria?daming gloria sa mundo..kahit labandera...ahahaha...saging lang ang may puso.ahaha...parang bagong motto ng mga emo?lols..ngaun ko lang nalaman..icon mo pala si mark lapid.

Anonymous said...

mark the spark..haha! yan ang isa sa mga bagong box office king natin sa Pinas..kasama si jinggoy estrada at mikey arroyo.

anong panama ni aga muhlach sa mga yan?

Anonymous said...

sus kong entry na eto. parang walang hinaharap na katapusan.

ako ang gusto ko sa saging.. saging split.. ung umi-split na saging..ahaha.

Anonymous said...

iba ka tlaga mariano... iba kaaaaaaaaaa!!! pati ba naman ang nananahimik na saging? hahaha.. tawa ako ng tawa sa iyong entry.. grabe pati si mark lapid join sa entry mo ha.. babarilin ko rin siya kung coño siyang magsasalita ng 'herbs sa philippines' grabe ka gusto kong isa-isahin lahat ng parte ng entry mo na nakakatawa pero ito nlang para cute - lahat eh.. hahaha.. isa pa akong corny eh.. hahaha..

isa pa.. hahahahaha...

chroneicon said...

si mark the spark, jinggoy the unggoy and mikey the monkey. may common denominator. ayos to ah!

Dakilang Tambay said...

naalala ko tuloy ang entry ko na papaya naman! hahaha! :)

maganda ang line mo na

Saging lang ang may puso. Sana si Gloria din meron.

ayzprincess said...

haba naman ng post! hahaha

Anonymous said...

ay yabang nito. eh corny ka rin kaya. =P

Anonymous said...

hear hear kay mnel. korny ka din. as in.



















anyhoo ang haba na naman ng post mo as always. lam mo hanga ko sa yo saging lang eh napapahaba mo usapan. peyborit mu bang sumali sa essayraytingkontest? yihi. natutuwa ako sa mga tibak linya mo. hayup ka gloryang kapit tuko ka sa malacañang hayup ka.

PoPoY said...

mariano, ayos ang kwentong saging mo. pero nawirduhan ako sa balat ng saging patty na yan ha? parang nakakadiri.hahaha

Mariano said...

Oy Tisay, huminga ka naman kahit kaunti. Relax, have a banana.

Boss Maldito, si Gloria yun. The greatest Gloria ever, that infested and defiled the Philippines. Oh yeah, kala mo naman aktibista talaga eh no? Mas trip ko yung tatay ni Mark, ang galing sa barilan eh.

Ahaha, panalong panalo yan Boss Gasti. Akalain mo ba namang pumatok din yang mga linya niyang ganyan no? Malupet siguro kung magkaka-movie ang tatlong yan.

Lunes, ang gusto mo atang saging eh yung gawa ni Mystica eh. Mystical ang lasa dahil gawa sa ubod ng special at premium na split.

Boss Jepp, maraming salamat sa pagtawa. Akala ko saging lang ang may puso, pati pala ikaw meron din at nagustuhan mong tumawa dito. Sige lang, libre ang magsaya.

Combo talaga yun Boss Chroneicon, yung tatlong yagit na yan ang magpapataob kay Robin Padilla at FPJ sa larangan ng bakbakan.

Mia, salamat at nagustuhan mo ang linyang yun, dedicated yun para sa mga ice-hearted people, ahaha. Papaya entry ba kamo? Bagay yun ah. Papaya saka saging.

Ayz! Salamat sa pagdalaw. Hindi mahaba yan, malalaki lang ang letters saka siksik ang column nung template.

Uy Mnel, ahaha. Hindi naman ako nagrereklamo dun, ahaha. Wala naman akong sinabing di ako korni eh. Ang korni, galit sa kapwa korni.

Oo na Saminella. Ikaw, gusto mo bang gumawa ng entry tungkol sa paborito mong Ampalaya? Tara, dali, tulungan kita.

Boss Popoy, haha. Salamat naman! Meron akong nakita dati, balat talaga ng saging na ginagawang burger patty. Kaya nga kung magpapa-burger ka, yun na lang. Mas mura yata.

ToxicEyeliner said...

wow... maraming benefits ang saging a! hahahaha!

favorite ko ung sa hamburger patty. lol. kasi nakakataba ang totoong patty. lol!
talaga? ung balat ng saging pdeng gawing hamburger patty? lol ang lam ko ung puso ng saging pwede. lol!!! kaya tama ung ginawa ng katulong nio... sarap nga non e!

Anonymous said...

Oo naman Steph, mas marami talang benepisyo yan at yan ang alternatibo ng mga bakla kung nagsawa na sila sa talong at carrots. Totoo yung napanood ko dati, balat ng saging na tinadtad tapos giniling ng pino. Mas okay din yung puso para hearty meal, hehe.

Anonymous said...

Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
mayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.