April 20, 2008

Office Chronicles: Busy

Ang hirap sa mga tao na medyo matagal na di nakapagpost dito sa mundo ng blogging eh aakalaing patay na o di kaya eh nakabuntis ng kung sinong anak ng miyembro ng militar na may mataas na posisyon at hinding-hindi na muli pang makakakita ng sinag ng araw. O kaya naman eh nag-quit na daw dahil sa kakulangan ng bigas o kaya eh dahil sa pagbabalik ni Gabby Concepcion. O kaya naman eh iisipin na napaka-magarbo ng susunod na post mo kasi napakatagal mong pinag-isipan para mapaganda at maging kaiga-igaya sa mata ng mga mambabasa.

Pero ako lang naman ang nag-iisip niyan. Hunghang lang naman ako kung iisipin kong lalampas sa kinse [ang kapal, kinse daw] ang magbabas ang blog ko. Ang kadalasan lang naman dito ay ang mga pinakamamahal kong mga kaibigan na walang sawang [putangina, sana nga] patuloy na nagpapaka-martyr na magkomento sa akin. Mahal ko kayo, pa-cheeseburger naman kayo.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Ang putanginang trabaho ito. Sobrang delayed na talaga. Buntis na siguro. Charot.

Malapit na ako ma-extinct dahil ngangatain na ako ni boss at kinakailangan ko na ng madaming tubig na pambanlaw dahil baka lahat na lang ng klase ng sabon -- bareta man o powder -- eh maikuskos na sa akin.

Sobrang apektado na ng porn hobbies ko. Namimiss ko na sila Tera, Cytherea at Maria. Namimiss na din nila ako. Kailangan na nila ang aking katas at kalinga. Yung mga ungol nilang dulot ng aking hot na hot na pandesal[sal].

Pati nga blogs ko di na updated kaya naman naisipan kong magsulat bago pa tuluyang magunaw ang kaisipan ko at lamunin ng mga numero at mga linya ng codes na hindi ko naman inisip pero pinasasakit ang mga ugat ng utak ko.

Ayun lang naman. Nakakaurat lang. Nginangasab na ako ng panlulumo.

Akala ko eh magandang bagay ang hindi pagpapatalsik sa akin nung unang beses na inakala ko ng sisipain na ako palabas ng building namen nung bumagsak ako sa eksaminasyon. Natuwa naman ako dahil nabiyayaan kameng mga natitirang "trainees" [trainees na lang ang term ko kesa naman sa BUMAGSAK, para di masakit sa mata] ng pagkakataon na mapahaba pa ang buhay-empleyado namin sa opisina. Bukod sa di pa ako mawawalan ng kabuhayan eh makakasilay pa ako araw-araw kay Jerome at makakakurakot pa ako ng free supplies sa opisina gaya ng Milo, kape, at libreng Munchkins at flavored-pandesal.

Samantala, ano nga ba ang pinagkakaabalahan ko at ganoon na lang ako ka-"dedicated" sa trabaho ko?

Pero gaano ba ang "dedication" ko aber?

Wala naman, simple lang. Yung tipong papasok ka lang ng dalawang Sabado ng walang bayad para lang matapos mo yung trabaho. Ganung lebel lang naman. Gusto ko kasi talaga tong trabaho, kaya kahit walang bayad papasukan ko na. Mahal na mahal ko ang ginagawa ko at ayaw kong napapabayaan ito.

Tangina, bat ko ba nasabi yun? Kalokohang bulsiyet yun ah.

Sabi nga sa akin nung mga kausap ko tuwing andito ako sa opis ng Saturday eh ang sipag ko daw.

Iisa lang ang isinasagot ko sa kanila: "Kung masipag ako, di na ako papasok ng Sabado kasi ilang araw pa lang tapos na ang work."

Masipag naman ako. Promise. Oo, talaga. Oo ngaaaa. Ay sus ka, oo nga sabi masipag nga ako. nagkataon lang na mahirap tong naibigay na module sa akin kaya naman dinadaan ko sa papasok-pasok tuwing sabado.

Officially eh 3 and a half weeks na itong delayed.

Eh teka ano ba tong ginagawa ko?

Ayan yun. Edit Project Module. Controller yan nung Edit Project na magdidikta sa pagpunta nung values na kinukuha sa page, papunta sa manager, tapos papunta sa DAO para mailagay o di kaya eh makuha sa database.

Wag ka nang magreklamo kung di mo naintindihan kasi ako din eh hindi.

Hanggang sa mga oras na ito eh tinitira ko pa din ang project na iyan para lang matapos na talaga.

Ibang lebel kasi ang pag-iisip na ginagamit dito eh, yung tipong logical side na ng utak. Sa panahon ngayon, medyo nahihirapan akong humugot ng logic sa isipan ko dahil sa alam ko sa sarili ko noon pa na hindi ako analytical mag-isip. More on artistic side of the mind ang meron ako.

Kaya gagawan ko na lang siya ng maikling tula.

Task
by Mariano

Ang trabaho kong ito
Kayhirap tapusin
Logical reasoning
ang kailangang pairalin

Kaytagal ko na siyang pinaghihirapan
Pero magpahanggang sa ngayon
Lugmok pa din ang kalagayan
Dahil sa hirap ng pinag-iisipan

Inaabot na ako, ng pasado alas-otso
Sa kakakalitkot ng trabahong ito
Gustuhin ko mang tapusin ay hindi ko kaya
Wala akong sapat na kaalaman para siya ay mapagana

Kaya kung matatapos ko man ito
Sa kahit paanong paraan
Asahan mong magpipiyesta
Ang aking kalooban

Sapagkat di biro ang tumitig
Sa proyektong ito sa maghapon
Ang tanging hiling ko lang sana
Ang putanginang ito'y matapos na

Bow

Yun lang muna sa ngayon. Tatapusin ko lang to hanggang sa katapusan ng buwan tapos magpapatalsik na ako dito sa kumpanya para magblog for life.

Sweet.

21 Winners:

Meryl Ann Dulce said...

Syet. Muntik na ko maiyak dun sa part na sinabi mong "...magpapatalsik na ako dito sa kumpanya para magblog for life." Haha. Kasi ba namana... Ang dami mo kasing blogs eh. Tsk tsk. Hahaha. :D

Dakilang Tambay said...

wag ka na lang magtrabaho... hahaha! magpahabol ka na lang sa mga bouncer! hehehehe

Saminella said...

Congrats sa bagong post. Congrats sa pagsurvive sa work. Ako eto kagagaling lang sa putragis na job interview. Nakakatanga magprogram.


























P.S. Ang nerd pero nagets ko yung Edit Module mo. ewness.

Anonymous said...

wow, quatrain. hahaha.. sisinag din ang araw idol matapos ang paglubog ng buwan kasama ng mga bituin at kanya ka nitong yayakapin na parang hangin na dumadapo sa buntot ng isang tiririt.

mr_diaz said...

kaya naman pala hindi mo matapos tapos yan eh ka-chat mo kasi lagi si shoogadiga. hehehehhe


ps.
Cytherea? kilala ko ito ah. sya ba yung nagpatalsik? basta. kilala ko ito hahahahah

Anonymous said...

Nabobo ako sa "nginangasab". Woo!

Para tuloy ayoko nang bumitaw sa kolehiyo - ayokong magtrabaho. Nakakaistorbo pala sa "porn hobbies"!

Anonymous said...

anak ng tinola. kami na nga tong nagtiyatiyagang magbasa, kami pa ang magpapacheeseburger?

paano ka naman kasi hindi matatapos, baka naman nagbbloghop ka lang pag office hours...

-_-

o siya tapusin mo na yan...

xs: natawa ako sa reply ni igno. hehehe

chroneicon said...

at pag nagpiyesta ang kalooban mo, buger naman! Burger pala! Burger!!

damdam said...

haays! kung kailan naman ako nag papaka active na sa blogging world tska ka naman nag papaalam..

pag natapos mo yan, burger namin ni chroneicon ha!?! burger! burger!

o sya, good luck sa iyo.. actually natutuwa naman ako sa iyo.. talagang kakaiba dedication mo for work.. sana lang e mapansin nila yan at bigyan ka ng promotion.. :) good luck ulit!

Anonymous said...

rawwr! mr_D wag mo sisihin si shoogadigga! ahahah!

wow poncy, dedicated ka pala talaga, kahit saturday... harr, ang lakas ng powers mo. baka sunog na utak mo.

alam ko na gagawin mo pag natapos ang buwan para makapunta ka sa hollywood kasama ko... bili ka ng camera at ikaw ang magiging personal papparazzi ko. ahihii! apir!

p.s.

speaking of your porn hobbies, binilhan ako ng mommy ko ng playboy, akalain mo yun? gulat nga ako eh. harharhar! isa-scan ko na para sayo.

ToxicEyeliner said...

dedicated ka talaga a... ayos... ikaw na siguro a dream employee ng ibang mga employer dahil sa katiyagaan mo... ayos yan!

may nagbabyad naman para sa pagbablog dba? i-sideline mo! haha

Mariano said...

Oy Meryl, wag kang maiiyak, ahaha. Puta, kawawa naman ako kung ganun na lang ang gagawin ko. Di sapat sa araw-araw na pamumuhay ko ang blogging. Dapat may drugs din at alak. Konti lang yun, di ko na nga na-update eh.

Isa ka pa Mia, haha. Di lang pang-bouncer ang beauty ko, pang-sports din. Pang Manny Pakyu din.

Salamat sa pag-gets ng module mama Sam. Salamat sa pagwelcome sa kambakshitass na post na ito.

Sa palagay ko idol, mas inaasam ko pa ang pagliwanag sa dilim sa tuwing babayuhin ng alulong ng hangin ang dila ng tiririt. Kaya dapat eh maghugas ako ng kamay para sa ikauunlad ng ating postura.

Mr_D, ahaha. Di naman si shoogadigga ang may kasalanan nun. Inspirasyon ko nga siya para magwork at makarating na kame sa Hollywood. Yihee. Si Cytherea nga ang grand squirter na nakita ko. Meron pa yung meron siyang target.

Depende sa work environment UtakGago. Kapag naman maganda ang work environment eh pwedeng-pwede ang porn hobbies mo at walang makapipigil sa iyong self-help methods.

Doc namaaaaan, syempre naman no! Natagalan niyo ang hachipatuchi long posts ko! Di pa ba sapat na cheeseburger reason yun? Konti lang yang blog na yan, sus. At nagtatrabaho talaga ako tuwing work hours.

Boss ChroneIcon, haha. Ganun na lang talaga ang buhay naten, inuubos ang energy sa trabaho kaya cheeseburger party naman tayo minsan minus the food fight.

Damdam, salamat sa pagtutuwa sa akin. Di naman ako aalis, madami naman akong iniiwang bakas. Minsan lang talaga eh di ako masyadong mahilig magkomento at magsulat kaya akala eh wala na ako.

Procky, wahahay!!! Playboy! Puteeeeek, enge ako ng scans!!! Sus, papparrazzi? Ay nako, kulang ang 100GB na memory para sayo kung ikaw lang ang kukunan ko for 1 day, ahaha. Mabenta ka, like Kobe Beef! Ahaaay!

Steph, walang kwentang dedication to. Pwede nating sabihin na dedicated akong wag pagalitan kaya ako pumapasok ng sabado at mas mabilis ang internet sa opis tuwing ganitong araw. Gusto ko na ngang i-sideline paminsan-minsan kaso baka maapektuhan ang bulok ng quality ng blogs ko, haha.

pb said...

oo nga.. ang sweet nga. malay mo pag tapos nyan, ma promote ka. bigyan ka pa ng iba pang trabaho kasi nga masipag ka. hihi. gudlucks. yeah! mhuah.

lethalverses said...

nampucha! bukod sa pagiging rakstar at makulit, MALALALIM NA MAKATA ka din pala??

nice poem parekoy. Jeck, alam mo na kung ano gagawin natin kay mariano?

collab na ito!!!

Anonymous said...

ako kahit kailan indi ko minahal trabaho ko kahit panay sundot saken..mabuti nlang at may mga ka officemate ako na tumakas sa bilibid prison..kaya enjoy ang buhay.pero, nababasa ko sa bolang crystal, malapit na akong mag resign. Napapagod din ako. Charush!

Anonymous said...

walang kupas pa rin sa kahabaan. Akala ko ba uber bc ka. pero kung makpagpost sus..adik!! ahaha..

Anonymous said...

Bakit nakalagay ako sa hanay ng mga winners? yun ba yung record ng mga nag-view sayo? Nakakalito. Nasan ang premyo ko kung gayon? Hmmmm. Bonaks na nga siguro ako, nde ko na alam ang mga anik-anik ng blogging generation.

*handshake* salamat sa papuri mula sa kabilang mundo ng sikreto. Salamat at nakilala kita sa pamamagitan ni xG.

Uuriratin ko rin tong blog mo, waitandsee.

Magmumumog ka ng comments from me. hahaha.Oo, sa edad kong ito ilang libong beses ko nang narinig kay Manoy Eddie at Bayawak ang Hachi Patuchi.

Brilliant mind. :)

Denis said...

wow ayos ang post na ito.

sir, pwede bang makipag ex link?

na link na kita

salamat

Mariano said...

PB, salamat naman kung matuwa sila saken eh ako na ata ang isa sa pinakamalakas magconsume ng internet bandwidth sa opis.

Boss LethalVerses, haha. Nagkataon lang yan, di naman talaga ako ang gumawa niyan. Nag-auto generate lang ng tula yung computer ko,ahaha. Collab? Ayos din yun.

Boss Maldito, enjoy talaga ang trabaho dahil sa mga katrabaho mo at hindi dahil sa mismong trabaho. Mas enjoy sana ako kung limpak ang perang kinikita ko kaso hindi. Sabay na tayo magresign.

Lunes, haha. PASENSYA NAMAN OKAY??? Ahaha, busy pa ako niyan. Paano kaya kung di ako busy?

Bossing Unstrung, iyang mga winners lang na yan ang namumukod-tangi dahil wala silang premyo. Wag kang mag-alala sa anik-anik, madali lang makasunod. Mga 2 months lang ng walang alisan sa harap ng PC makakasunod ka na. *APIR* Salamat po sa pagbisita, alamat na din siguro kayo sa blogging world. Mag-urirat lang po kayo, wag kayong mahihiya. Pag may di naintindihan, magPM saken, para lalong maguluhan. HACHIPATUCHI!!! Salamat po bossing.

Menace, walang problema. Teka bubuksan ko lang ang blogroll ko. Talamats!

Anonymous said...

makikiramay na lang ako sayo pards..ganyang ganyan dina ng kaulayaw ko magdamag nung college life ko eh. potek java pa! hindi nalalayo sa mga java man ang itsura ko pag nagpo-program eh.


pero plano ko ring magpakabihasa dyan balang araw. sa ngyon dito muna ako.

Mariano said...

Boss Gasti, kung mapapansin mo yung post sa ilalim nito, ganyan na ang itsura ko ngayon, di na nalalayo. Java Man na ang itsura ko ngayon, ahaha.

Kung di lang nakakapagpayaman ang Java, baka di ko na siya pinansin. Kaso kaylangang magpakabihasa eh, hehe. Salamat boss Gasti!