Araw ng Mundo
Nagulat ako kaya naman daglian kong binungkal ang paso namin para batiin ang mga lupa ng Happy Earth Day. Medyo nagkislutan lang ang mga bulate kasi nabingi ata sila sa sigaw ko. O baka naman sa hininga ko. I do not alam.
Nakakagulat na nakakalungkot. Alam kong merong pagdiriwang ng Earth Day at meron naman akong pakialam sa Earth pero ngayong significant na araw na ito na dapat eh may ginawa ako para sa kanya eh di ko man lang nagawa. Ang hirap ng hindi nanonood ng TV. Hindi ko na-update ang sarili ko dun sa napanood kong commercial sa National Geographic Channel.
Oh syet, yun pala! Di ako nanonood ng TV kaya masasabi kong nagtitipid ako ng kuryente. Sweet ko naman. Bless me Mommy Earth.
Kaya nga nung nalaman kong Earth Day kahapon eh daglian kong binuksan ang tatlong ilaw, ang PC, isang bentilador, ang aircon, at pati na din ang TV kahit ako lang ang manonood para malaman ko kung ano pang ibang details sa Earth Day.
Kaso lang nakatulog ako ng bukas ang lahat ng mga bagay na binuksan ko kaya naman ayun, siguro minumura na ako ni Mother Earth sa pag-aaksaya ko ng precious energy ng mundo.
Pinalampas ko lang ang pagkakataon na naibigay sa akin ng Wonderful Earth at hindi ko man lang siya nagawan ng kabutihan sa araw niyang yaon. Tinagurian pa man din akong candidate dati bilang si Ginoong Kalikasan dahil sa mukha daw akong nature, natural ang beauty. In short, mukha daw akong ugat at mga bark ng punungkahoy, pero ang pagiging makamundo [maka-Earth], eh hindi ko nagampanan ng husto.
At dahil nga sa napalampas ko ang ilang araw na pagbibigay-pugay sa kabaitan ng Earth sa akin at di pa niya ako pinatatalsik sa ibabaw niya eh naisipan kong magsulat ng mga bagay na maari kong gawin sa susunod na taon para sa Earth Day.
Kaya ito na ang ilan sa mga maari kong gawin neksyir, kung may Earth pa nga tayong gagalawan.
*Katok sa kahoy mga misis*
Hmmm, teka lang, lemme think...
Mga Mungkahing Paalala para sa Earthday Next Year ni Mariano
1. Wag na munang manigarilyo. Kung Maninigarilyo, itapon ang balat cigarette ass sa semento at huwag sa lupa kung saan nandun nang nakatambak ang 200 na iba pang cigarette asses. Ganun din ang balat ng kendi, balat ng chichirya, balat ng McCheeseburger, at balat sa puwet. Nyek.
Alam ko namang mahirap ang hindi magyosi para sa kagaya kong contributor sa global warming. Pero isipin mo na lang na isang araw lang naman yung hindi mo paghithit ng dalawang kaha ng yosi. Kung hindi kayang wag magyosi, lunukin ang second-hand smoke. Kung hindi kayang lunukin, singhutin. Kung hindi kayang singhutin, ilagay sa plastic at isaklob sa ulo ng kaaway. Naperwisyo mo na ang kaaway mo, nakatulong ka pa sa Earth.
Sa pagtatapon naman ng upos ng yosi, ugaliing itapon ito sa tamang lugar - which is everywhere.
Duh, syempre dun sa basurahan na NON-BIODEGRADABLE. Bat kasi di na lang sila gumawa ng edible na sigaret butts para menos kalat. Siyempre kapag nagyosi ka, magekekendi ka, kaya dapat mo na din itong itapon sa tabi ng sigaret butts, mga 2.03 mm ang layo sa tabi nung sigarilyo.
2. Mag-contribute sa pagpapalago ng halaman.
Carbon dioxide ang isa sa pangunahing kailangan ng mga halaman. Kaya ugaliing kausapin ang halaman at magbigkas ng mga salitang mayaman sa syllables na "HAH", "BAH", "NAH", "KAH", "KAH", "BAH", "SAH", "NAH", "PAH", "LAH", "KOH", "TAH", "EH", "NAH", at "FOREVER". Ituring din na Carbon Dioxide ang utot at hindi Methane. Mainam ito sa halaman kaya naman maghanap ng malapit na plant box at doon magpakawala ng gaseous excess sa katawan. Minsan lang ito sa isang taon kaya naman paghirapan na natin itong ibigay sa halaman at wag na sa silya ng FX, bus, opisina, at cubicle ng katabi, o di kaya eh sa elevator. Kung walang malapit na halaman eh itabi muna ito sa sisidlan tulad ng microwavable containers ng kaaway mo sa opis at magdasal na wag niyang makilala ang utot mo.
3 Pumili ng environment-friendly na sasakyan.
Pumili ng mga sasakyan na gumagamit ng biodiesel at kakapatingin lang sa emission testing center. Maging matiyaga sa pagtatanong sa driver ng mga requirements na yan kahit na alam mong wala miski isa man sa mga tinanong ang sumagot ng OO sa dalawang kondisyon na ito. Uso naman yung dekuryenteng jeep sa Makati, baka sakaling makatyempo ka nun, sakyan mo na kaagad.
4. Maglakad
Noon pa man, noong mga panahon ng Nomads eh malinis pa ang mundo kasi walang mga usok na galing sa sasakyan. Naglalakad ang mga Nomads kasama ang mga Egyptians kapag gusto nilang magpunta sa Glorietta o kaya eh sa Trinoma.
Hindi naman kailangang maglakad ng mga 400 kilometers lalo na kung taga Novaliches ka at sa Maynila ka pa pumapasok. Pwede ka namang maglakad dun sa mga distansyang praktikal, tulad ng mga 2000 steps o di kaya eh 50-minute walk. Kayang-kaya mo na yun, for the love of Mudraks Earth no! Bawas sa fats at toxins ng katawan yung ganung klase ng activity pwera na lang siguro kung sa kahabaan ng edsa mo naisipang maglakad. Para makasigurado na makakapaglakad ka sa Earth Day, magdala lamang ng saktuhang pera mula bahay hanggang dun sa point na gusto mong simulang maglakad. Magbaon din ng makapal na tuwalya.
5. Magtanim ng halaman
Makakatipid ka na, makakatulong ka pa sa paglaganap ng Green Earth. Mag-isip ng halaman na madaling tumubo tulad ng kugon, damo, lumot, at pati yung mga orange na deadly kabute na tumutubo sa bulok na kahoy. Ilang araw lang ang iintayin mo para tumubo ang mga ito, tapos matagal pa bago mawala. Wag ka nang mag-asam na magtanim ng weed kasi baka hindi mo din naman maintay na tumubo ito. Kung ako nga baka buto pa lang ngatain ko na yun eh. Kaya dapat gulay na lang o kaya palay para masulusyunan ang krisis sa pagtaas ng presyo ng bigas.
Wag ka na nga palang magpapa-uto dun sa mga galing sa institusyon ng kung anong klase na nagpupunta sa eskwelahan para magbenta ng buto ng pakwan, munggo, togue, kalabasa, ampalaya, pechay, sunflower at kangkong. Kasi nung bumili ako ng buto ng kamatis, nabulok lang, Di effective lalo na kapag ibinudbod mo lang sa lupa tapos hahayaan mo lang siyang tumubo. Yah, like that.
Yun lang para saken ang mga bagay na pwede kong gawin sa Earth Day neksyir. Sana ikaw din meron kang magandang magawa sa Earth sa susunod pang taon.
Pero ang mas mahalaga, make Earth Day like Christmas day. Everyday is Christmas day. Everyday okay.
Sige, magtatapon lang ako ng toxic vile sa imburnal namen. Paalam muna.
12 Winners:
natawa ako
ok na sana
yung una
hanggang sa ikaapat
na paragraph
pero pagskrol down ko
ayun na
zzzZzz
hahaha
may 10 o higit pa
palang paragraph
loser.
6. mamatay ang kaaway ko
mainam para mapataba ang lupa
at magkislutan ang hayok na uod
*baka yung tinutukoy mo
sa akin na komento
sa datkom e
madami bumabato sa puno
kapag hitik sa bunga
hehehe... aawardan ka na ni mother earth kasi nagbibigay ka ng mga tips.. mamahalin ka na niya..
pdeng pdeng ilagay sa kontitusyon ang mga plano mo na yan.ibigay mo kay santiago.ahe he he...mas mabuti if indi nalang uutot ang mga tao for one year..pwde ding i sealed sa plastic at hithitin na parang rugby.lols.
alam mo.. adik ka, pero may sense
hahahha potah naman pati ba naman yung mga bulate pinatulan mo. nananahimik eh hehehhehe. tama si xG. kakatawa nga sa una. pero natawa pa rin naman ako sa huli hehehe. pa bigmac ka naman. bigmac bigmac!
tado ka!!!! (inulit ko lang dito ang pagmumura ko sayo sa YM hehe)
nabuga ko ang coke ko sa laptop dahil sa "binungkal ang paso namin para batiin ang mga lupa ng Happy Earth Day"...
hahaha henyo ka ng kakulitan. astig!
tado ka!!!! (inulit ko lang dito ang pagmumura ko sayo sa YM hehe)
nabuga ko ang coke ko sa laptop dahil sa "binungkal ang paso namin para batiin ang mga lupa ng Happy Earth Day"...
hahaha henyo ka ng kakulitan. astig!
lam mo tlagang nkatulong kc earth day.. sobrang effort ang ginwa mong partisipasyon upang mkatulong dito.. grabe.. super uber haba ng post mo.. buti na lang mhilig akong magbsa at dahil sa wakas natunton ko rin tong bhay mo... grabe ang pagkadapa ko...
p.s.
sa susunod magtoothbrush ka muna bgo batiin ng earth day ang mga paso ng di ka mkadagdag sa polusyon na dahilan ng global warming.. buwahahaha
Ayos sa plano mariano! Sulit talaga basahin tong mahahabang mga posts mo.
maglakad! taenang yan.. hahaha..
pag naglalakad ako ikaw lagi naalala ko.. hahaha.. ikaw nagturo sakin na maglakad. subukan ko rin minsan lakarin mula dito sa bahay hanggang cubao..
XG namaaaan, di ka na nasanay. Alam mo naman na laging bumubulaga sayo ang mga pampaantok posts ko eh. Sus ka. Magandang tip yun! Gusto ko yun. Tara na't maglibing ng mga kaaway!
Boss Jep, gusto kong mahalin ako ni Mother Earth at bigyan niya ako ng fairy na sex slave, ahaha.
Boss Maldito, baka mahirapan ako sa pagpapasa nito eh, hindi maka-tao yung payo ko, makamundo talaga. Yung pag-utot ng ganun katagal dahil baka sumabog yun, as in atomic explosion.
Miss Vera, minsan kapag napaparami ang inom ko ng gasolina, nagkakaroon ako ng adiktus disorder, salamat naman at nakakitaan mo ng sense ito.
Mr_D, sana nga di ako masyadong pagkakainin ng mga bulate kapag namatay ako kasi sinigawan ko ang tirahan nila. Salamat MR_D, karangalan para sa akin ang mapatawa ang isang institusyon.
Boss LV, sasabihin ko din dito na paumanhin sa pagkakabuga ng coke mo kaya naman ilalagok na lang kita ng isang lagok bilang pambawi. *LAGOK* Aaaah. Sarap.
Repah, maraming-maraming salamat!!! Nagpapasalamat ako at matiyaga kang magbasa ng mga hinayupak kong posts. Kumpara sa mga nagbuwis ng buhay para kay Mudraks Earth eh walang kwenta pa yung ginawa kong ito. Hayaan mo sa susunod magfloss pa ako para lang makatulong sa Earth.
Ahaha, talagang mahahaba yan Abad, tsk tsk. Salamat sa pagtitiyaga. Yaan mo susulitin ko din minsan kahit maikli.
FB, alam mo naman na dakilang tagapaglakad ako eh, mahilig akong maglakad. Pati ikaw napilitan dahil saken, ahaha. Pati si Idol Igno naglakad din, ahaha. Good for the Earth naman kaya okay lang.
Dapat ang araw na ito ay Araw ng Kamunduhan
kasi dapat Earth day kami pupunta sa Gay Bar (GB).
Post a Comment