April 29, 2008

Pamawi

Mainit nanaman ang kokote ni bossing. Umagang-umaga pa lang eh nag-uusok na ang kanyang mga sentido. Ang ilan sa mga usok ay sumisingaw palabas sa dalawang butas ng kanyang ilong.

May hindi natapos na trabaho. Isang araw na lang ang palugit para sa deadline. Lahat kame parang may mga berdugong naka-ambang at lalatiguhin ka sa oras na ialis mo ang mata mo sa monitor ng computer at ang mga daliri mo sa keyboard nito.

Walang uuwi hangga't hindi natatapos ang trabaho. Ika ni boss nang may conviction. Seryoso siya dito.

Yeah, I know. It may sound like slavery but I like how the boss treats us this way. Pressure surrounds your personality with this type of management.

It's like an unripened boil that you want to squish but then it's not yet time. You have to wait for the right moment to make tiris of the boil. Patuyuin muna tapos saka tirisin. At putangina napa-ingles ako.

*Anong konek nun? Wala. Basta dapat kang tumanggap ng challenge. Yun lang naman talaga ang tunay na pakay ni Boss, diba boss? Kung nagbabasa ka nito ngayon boss eh sana maintindihan mong kailangan namin ng mataas na sweldo okay? Labshu!*

Papalapit na ang alas siyete ng gabi. Makakauwi na din sa wakas. Wala namang naging problema sa pagso-solb ng mga isyu at mga kakulangan sa requirement ng project. Magaling tumira ang mga engineers ng team. Tinapos nila yung trabaho nila tapos tinulungan ako.

Hayup ka talaga Sir A, napakahusay mo. Isa kang halimaw ng Java sa katawan ng tao. Pasasaan pa't balang araw eh titingalain na kita bilang sunod na boss, at ako naman ang papalit sa puwesto mo bilang fastest improving programmer sa opisina.

Natapos ang araw na wala nang katas ang isipan ko. Cactus na lang ang kulang at maaari mo nang tawaging disyerto ang aking utak. Para akong nireyp na babae dahil lutang ang isip ko at hindi ko alam kung ano ang susunod na hakbang na gagawin ko.

Ah oo nga, tama nga pala. Uuwi na nga pala ako. Pasado alas-nuwebe na din, baka naman maaari ko nang pagbigyan ang sarili ko na magpahinga. Wala na ang mga imaginary na berdugong muntik nang manghambalos sa likod ko kanina nung nagkamali akong magdagdag ng isang curly brace.

Daan ng seben eleben, bili ng C2 Green Tea. Pumili ng Peach pleybor at pumila. Nagbayad at naglakad sa sakayan ng bus. Oo na, alam kong hindi mo kailangan ng ganitong klase ng detalye sa kwento ko kaya ipasporward na lang naten.

Bumaba na ako ng bus at naglakad ng may halong pag-iisip at pagmumuni-muni sa paligid. Dahan-dahan kong inihakbang ang aking paa patungo sa pila ng mga jeepney na alam kong buong araw nang dumanas ng init ng sikat ng araw. Pinagmasdan ko ang paligid at tinitigan ang mga halaman sa tabi ng Teleperformance sa may Shaw Boulevard.

Anak ng putangina, sabi nang no more details eh.

Ayun, nakakita ako ng byaheng Taytay. Sumakay na ako, baka maiwan pa ako. Pagsakay ko tinitigan ko yung babae sa kanan ko, tinignan ko kung maganda tapos tinignan naman ako ng kasama niya. Inilihis ko kaagad ang tingin ko. Parang ako na lang ang iniintay nung drayber kaya at kaagad na din siyang umalis matapos kong makapagpahinga.

Hindi ako kaagad nagbayad. Baka kasi masiraan yung jeep, hassle pa. Maya-maya bigla itong bumagal at tuluyan nang tumigil. May sasakay pala.

Nakatingin ako sa sahig at nag-iisip ng kung anong ulam sa bahay dahil kanina pang nagkakainan yung dalawa kong bituka sa tiyan. Sana iwasan nilang ngasabin yung testicles ko. Baka pati yun patusin.

Ayun, may sumakay. Ang bango. Parang hindi galing sa trabaho. Pag-angat ko ng ulo ko at pagtingin ko eh fresh na fresh pa yung babae. Papasok pa lang siguro. Tangina ang ganda. Nabighani ako.

1, 2, 3, 4, 5. Lampas na ata sa 20 segundo akong nakatitig sa mukha niya. Kakaiba ang itsura niya. Parang may lahi siya. Tapos ang damit niya eh simple lang. Jeans na medyo fit tapos white spaghetti strap na parang tank top. Panalong-panalo. Simply bayutipol. De Luxe kumbaga sa sisig, Rizal kumbaga sa bayani, at may sprinkles kumbaga sa ice cream. Perpektong nilalang ka para sa akin, oh babeng misteryosa.

Tangina, ano ba tong meron sayo darling.

Binusog mo ang pagkagutom ko.
Pinawi mo ang pagod ko.
Pinakalma mo ang isipan ko.
Pinatigas mo ang...
...binti ko.
Pinalaki mo ang pagkakabuka ng mata ko.
Pinakilig mo ang batok ko.
Pinaibig mo ako,
sa pagsakay mo sa jeep na ito.
Harinawa'y malaman ko man lang.
Miski ang ngalan mo.

Tanginang yan. Wala na akong hahanapin pa sa gabing ito. Solb na ang araw ko.

Hindi pa din siya nagbabayad. Ililibre ko na ba? O aantayin ko na lang na kumuha siya ng pera para ako na ang mag-abot sa drayber? Hindi ako pwedeng mag-aaantok nito. Dapat tatanuran ko siya. Dapat ko siyang protektahan sa mga matang nagnanais ding angkinin siya. Mga putangina nyo, magpantasya na kayo sa iba, akin lang ang babaeng ito. Dun na lang kayo sa babaeng katabi ng katabi ko.

Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang purse. Mukhang kukuha na ata ng barya. Ako naman eh inihanda ko na ang aking mga palad. Pinunasan ng bahagya ang pasmado kong mga kamay para naman ma-experience ko kang kutis niya.

Humugot ng foundation. Nagsalamin at nagpahid ng ispongha sa mukha. Anak ng katuray, akala ko barya na. Pero sige, hindi na bale. Mamaya niyan magbabayad na yan dahil kapag hindi siya nagbayad, eh ako na ang sasagot. Ibabayad ko ang bago at malutong kong 100 pesos para isipin niyang bagong sweldo ako at magyaya siya ng kauna-unahang date namin.

Heto na, humugot na ng barya si ateng diwata. Iniabot ang bayad sa katabi. Hindi na siya umimik. Dahil sadyang mabilis ako, agad kong itinutok ang aking mga kamay at bukang-buka ang aking mga palad. Inilapag niya ang bayad sa aking mga kamay. Putanginang shit parang gusto ko na mag-orgasm right then and there. Heaven pareh. parang langit.

Mabuti na lang at malapit lang siya. May sukli pa ang 10 pesos na iniabot niya. Kahit mapunitan pa ako ng litid, ayos lang basta mai-stretch ko lang ang braso ko't makuha ko ang sukli galing mismo kay manong.

Walang napatid na litid pero napangiwi ako sa pagstretch ng kamay ko. Shet eto na, mahahawakan ko na ng mas solido ang kamay niya. Sasapuhin ko sa ilalim at saka ko ilalapag ang barya sa palad niya. Sa pagkakataong ito, ang palad naman niya ang bukang-buka at ang kamay ko naman ay mabagal na iniabot ang sukli.

Oh syet. Ang kinis ng balat. Ang lambot ng kutis! Parang Likas Papaya Soap with matching Perla on the side. Parang binuro sa asin ang kutis niya. Malambot at ang sarap supsupin.

"PAREH, SALAMAT AH. KUYA JESS, DYAN NA LANG AKO SA TABI HA."

Napatigil ang mundo ko. Hindi, mali. NAGUNAW ANG MUNDO KO.
Tumigil kame sa isang kilalang Karaoke Bar ng magagandang bakla.

"Sige Arnel. Teks ka lang mamaya kung sasabay ka ha? Baka abutan pa kita. Dahan-dahan sa supsop ha? "

"GAGA! MARUNONG AKONG MAGTIMPI! O SIYA SIYA, ITETEKS NA LANG KITA. BABOOSH!"


Namutawi sa labi niya ang mga boses na parang pinag-halong Mike Tyson at Inday Garutay.

Saka ko na lang napansin ang balikat niyang malapad, ang tila ba malalaki niyang kamay at ang medyo bigotilyo niyang mga nguso. At lalo na ang kanyang tila bang inipit na mansanas ni Adan sa kanyang lalamunan.

Nanumbalik ang gutom ko at nasusuka pa ako.
Pinabalik mo ang pagod ko't na-over fatigue pa ako.
Ginambala mo ng husto ang ulirat ko.
Pinalambot mo ang tuhod ko dahil nanlulumo na ito.
Pinanlisik mo ang mga mata ko.
Para akong binatukan ng kapre.
Pinatay mo ang pangarap ko,
sa pagkakasakay mo sa jeep na ito.
Hayop ka Arnel, putangina mo.


26 Winners:

chroneicon said...

LOL! nabiktima ka pare! ahahaha!!!! sablay ni Mariano!

FerBert said...

hahahaha.. kilig na sana eh.. taenang yan.. ano number ni arnel? hahaha

L ka talaga mariano LOSER! hahaha..

M said...

Boss Chroneicon, ahaha. Sablay ba? Hindi naman! Fiction lang yan, fiction!!!

Ferbert, fiction lang to no, ahahaha. Akala nyo naman totoo!

jep said...

hahahaha natawa ako dun ha.. wag na kasing masyadong init dugo eh.. hahaha.. buti na lang narinig mo na agad ung boses... pag nagkataon at hiningi mo ang number nya tapos saka lang nagsalita.. ipit ka!! hahaha.. kakahiya un.. hahaha... kukunin mo ba? - a million dollar question... hahaha...

linglingbells said...

hahaha!! natawa talaga ako! na-imagine ko kung pano siya nagsalita.. katakot!

napadaan lang dito at malamang ay babalik ako lagi dito.. :D

lunes said...

tae nakakaingit ang ibang ganyan.. may mga cleavage pa..ahaha..

jan sa alimall sa booth ng mga cellphones. meron jang perpek! ang ganda nga nya tlaga, lagi pang naka sphaghetti straps!

lethalverses said...

nampucha, totoong istorya ba to?

kakantahin ko na sana ang mis U tapos akalain mo nga namang.. mis Gay pala dapat nyahahahaha...

teka lang, hindi mo tinapos ang kwento: ANO NGA ANG ULAM NIYO SA BAHAY PAG-UWI MO? :D

Vera said...

buti nalang hindi to totoo, ako nalang yata ang natitira dito sa mga readers mo na may konti pang respeto sayo dahil at dahil lang may sense yung bigas entry mo.

zzz..

in fairness miss vera tawag mo sakin. +2 ka mariano.

Procky said...

zeusdemet poncy! ang landi mo kasi.

natawa ako ng labis. you made my day. ahahaha!! hohmyzeus talaga. di ako makahinga.

rawr. mahirap na talaga malaman kung sino ang mga totoong babae ngayon. hay...

damdam said...

wahahaha! may lahi nga! sabi na e, nung nag bukas ng foundation, huli na.. hehe, real girls wont dont that, or rarely.. ingats na lang mga katoto.. kahit ako nabiktima na nyan, parang ganun na rin.. sa bilyaran pa! nung sumargo ako, nagulat yung ka date ko.. lecheng yun.. di sinabi sa akin pareho pala kami ng type!

Maldito said...

damdam ko ang pagkawala ng libog mo dahil sa boses niya..lols..next tym sayatin mo ang pang babang part ng katwanng babae..kung may bukol means lalaki..kung wala, retokado..lols..ang taray..masakit sa bang ang pangalang arnel..barakong barako..parang bigote.lols

The Gasoline Dude said...

Hahaha! Natawa naman ako sa hirit ng drayber na "Dahan dahan sa supsop ha?" Putangina! Isa syang Darna! DARNA! = P

mr_d said...

hahahahha!!! nabighani kay arnel. arnel talaga ang potah hahahaha. yon lang gusto kong sabihin. babush

joseph said...

kasi naman
gabi na
hindi mo alam ang diprensiya ng bading sa babae
may ganun kang sakit e
alam mo yun?

pakiss nga repah
-joseph

utakGAGO said...

"De Luxe kumbaga sa sisig, Rizal kumbaga sa bayani, at may sprinkles kumbaga sa ice cream. Perpektong nilalang ka para sa akin, oh babeng misteryosa."

WATDAPAK ang diskripsyon! Haha.

Nakikita ko yung teleperformance sa shaw, sa may edsa. Ano bang meron dun? Lolz

gasti said...

hahaha! arnel naman pala. lols! ayos na sana sa description..naiimagine ko na eh tapos..tagudoinks! bading pala.

lagi kong nababasa ang word na Loser at Corny dito sa blog mo...ahahha! ipagtanggol mo naman ang sarili mo.

Mariano said...

Jep! FICTION ITO HA! Ahaha. Pero hindi naman ito nalalayo sa mga bagay na naranasan ko na. Hindi lang directly ako ang naka-experience, pero andun ako sa scene. Kung hihingin ko ba ang number? Kailangan ko minsan ng mga alay sa Aztec gods eh, baka kailanganin ko silang mga baklush.

LingLingBells, salamat sa pagdalaw dito ha! Ahaha, ang tibay ng imahinasyon mo, mukhang exposed ka din sa mga ganitong people, ahehe. Salamat sa pagbalik mo palagi! :D

Lunes!!! Todo cleavage yung nakikita ko eh. Ang lalim pa nung iba, mga 3 feet deep ang lalim! Tapos perpek beauty pero wala namang pekpek! Uhzar!!!

Boss LV, KATHANG-ISIP! FICTION! NON-REALISTIC! Yan ang kwento ha? Miss G pala ang kinalabasan: Miss disGusting, ahaha. GINATAANG SITAW NA MAY KALABASA!!!

Miss Vera, salamat-salamat talaga ng todo sa respeto. Pinahahalagahan ko ito kaya naman wag kang magsasawang magbigay ng respeto saken, pramis ko di ko to sasayangin. Salamat sa Plus two.

Procky!!! Hindi ako malandi, ahaha. Salamat for letting me make your day. Sana we can make out as well, AHAAAAAY! Mahirap talaga, advanced na ang kanilang mga equipment eh.

Damdam, haha. May lahi talaga, lahing FILIPINO MALE!!! ganun na nga lang siguro ang mga fake na babae, mas conscious pa sa itsura kesa sa mga trulalu na girlies. Natakot pala sa sargo yung kadeyt mo, haha. Paano pa kaya sa sunod sunod na tira na.

Boss Maldito, sino ba kasing makakapagmentena ng libog sa mga ganung tipo diba? Parang disappointment to the MAX times 1000 pa yun eh. Kung pwede lang munang tanungin kung babae siya bago mo siya pagkalibugan eh ginawa ko na. Parang sinabi mo na din na BOUNCER ARNEL, ahaha.

Boss GasDude! Ahaha, Darna talaga, mahilig sa mga pahabang bato.

Mr_D, FICTION ito ha? Ahaha. Langya yan, kawawa tuloy ang mga may pangalang Arnel, baka ma-tag silang mga mapanlinlang.

Alam ko naman Joseph, ahaha. Sa dami ba naman ng mga nakita ko nang ganyan, hindi ko pa ba malalaman? Kiss lang nang kiss repah.

UtakGago, ahaha. Perpekto sa unang tingin pero sa kilatis eh sablay na sablay. Teleperformance, call center ata.

Boss Gasti, Arlene siguro ang name niya sa loob nung bar, haha. Badingger Z talaga yan. Masanay ka na sa Loser at Corny dahil itong dalawang salita ito ang bumubuo sa katauhan ko, ahaha. Hayaan mo na lang sila, dun sila masaya, eh di pagbigyan! :D

maris said...

aha aha ahahahahahaahhahahahahaha!



ayan kasi. mahilig. hahahahahahha!



sabi nga ni badoodles dapat nag mga tao ngaun may sex organ sa noo, kasi mahirap nang i dipirinsiyeyt ang lalaki sa babae. hahahahahaha! pero ang sagwa naman nung kung ganun. hahaha!

Mariano said...

Mahilig talaga ako Maris, mahilig akong magkamali, ahaha. Susmaryosep, ang hirap naman kung magkakaroon tayo ng mga keps at etits sa noo! Mas masakit ata kung ang leeg mo ang mastrain at hindi ang balakang mo kakabomba! The shit!

saminella said...

Nagcomment na ba ako?























Hindi pa pala.

Anonymous said...

oo nga no! hahahahha! tapos paano kung dinatnan kami ng buwanang dalaw namin itsura pala namin duguan. wahahahha! that'll be so ewwwwwyyyy u know! hahahaha!

maris said...

ako pala yung anonymous dun nagkamali ako ng napindot. Mahilig pumindot eh! hahahaha!

ToxicEyeliner said...

sabi na e... inaantay ko 'yung huli mong birit e hahahaha! ... dude malas mo! lolllllllllllllll

mnel said...

sige, magpantasya ka pa! hahahaha!

halfway through this eh naisip kong bading tong nakita mo.

sabi ko na. ang lakas talaga ng instincts ko. mwahahaha!

mnel said...

inspired ba to by some gay friend na dating nagttrabaho sa teleperformance? mwahahaha!

marianong binakla said...

Nagkomento ka na Sam. Ayan na nga eh.

Maris, buti na lang di na niya naisipan pang sabihin na di siya pwede dahil meron siyang buwanang imaginary dalaw.

Steph, haha. Napredict mo ba? Marami na bang ganung kwento? :D

Marinel, ahaha. Sobra ka naman! Di mo pa nababasa ng buo eh nalaman mo na agad. Inspired by a Teleperformer? Ahahaha, naisip ko lang. Tutal andun na din naman siya dati, isingit na natin. Teleperformance saka bakla? Makes a sensible connection, ahaha.