April 30, 2008

Saging Lang

Madalas ang usapang saging tuwing tanghalian dito sa opisina. May dala kasing saging si opismeyt number 123.

Kaya ang kadalasang nagiging usapan eh yung mga tipong ganito:

"Opismeyt, paabot naman nung saging ko diyan. Wag mo ibabagsak kasi baka lumambot"
"Medyo payat ata ang saging mo ngayon ah..."
"Gusto mo bang kumagat sa saging ko?"
"Antaba ng saging mo ngayon ah! Mas malaki pa kesa sa dun sa kahapon"
"Balatan mo nga yan ng makain na."
"Wag mo isubo lahat. Tirahan mo naman ako ng konti"
"Patikim naman ako ng saging mo"
"Ay, bakit ganyan ang saging mo ngayon? Ang liit."
"Na-try mo na isubo yan lahat sa isang kagatan lang?"
"Mapakla pa. Dapat di mo muna nilabas."

At kung ano-ano pang saging-related na statements na kung hindi mo makikita ang saging na prutas eh kung ano-anong mga images ang lalabas sa isipan mo.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Father I-forgot-his-name sa recollection noong nagbanggit siya tungkol sa larangan ng paghahalaman na tinatawag na... [teka i-Google ko lang ha]

Ayun! Basta either Marcotting or Grafting ang proseso na pagsasamahin mo ang dalawang specie ng rosas para makabuo ng ibang specie.

Tulad na lang halimbawa ng amazonang puti at amazonang kahel...

Gago, mali. Rosas na puti at rosas na pula ay magiging rosas na pink. Ang rosas na puti at pink ay magiging rosas na medyo light pink. Tapos yung orange colored rose eh hindi ko alam. Dilaw ata saka pula. Secondary color yung orange.

Ngayon, ang prosesong ito na Marcotting or grafting ay di lang sa rose ginagawa, sabi ni Father Unknown.

Pwede din nito sa ibang halaman gaya ng mga namumungang halaman, mga gardening plants at specifically niyang sinabi na maaari itong gamitin sa puno ng Saging at sa stalk ng mga Kawayan(Bamboo).

Ako naman ay isang taong may bukas na isipan at tinatangkilik ang kakayanan ng siyensa kaya't kaagad naman akong sumang-ayon sa sinabi ni Father X. Naisip ko kasi na ang kawayan na may matigas na katawan ay maaaring i-graft/i-marcotting sa katawan ng saging upang ito ay tumibay at maging stable.

Ang gusto palang sabihin ni Father Ewan eh ang produkto ng pagsasama ng Kawayan at Saging eh instant Banana-Q kapag namunga.

Tamang patok lang. Ang mga pari talaga, ang sarap gawan ng kasalanan kapag humihirit ng ganun. You should burn in hell together with your heretically funny joke.

Pero saging ang usapan kaya naman ginatungan ko na lang na pwede ding isama sa Kawayan at Saging ang Sugar Cane para mas instant pa sa instant Banana-Q. May asukal nang kasama.

Pwede na ding magsama ng puno ng olive o kaya eh palm o kung ano mang puno na may mantika pati na din ang puno ng kawali isama mo para rektang Banana-Q na agad. Isusubo mo na lang.

Sabi ni Mark Lapid, saging lang ang may puso. Tapos inamin pa niya [habang pumalapag-palag pa] na kung saging lang daw sila, eh ayos lang kasi daw kahit maghanap ka ng puno sa buong Pinas eh saging lang ang may puso. Saging lang ang may puso. Saging lang.

Eh kung di ba naman tanga't kalahati si Mark Lapid (o kung sino mang gumawa ng script nun) eh hindi naman talaga puno ang saging. Isa siyang herb okay? Herb! Ayon sa nabasa kong pambatang magazine na iniisyu sa eskwelahan, wala daw characteristic ang isang "puno" ng saging para maging isang totoong puno. Di ito matigas at wala yung mga kahoy-kahoy dun sa trunk niya. Ang lambot ng puno ng saging at pinatutumba lang namin yun gamit ang mga suntok namin na mala-"Bazooka" AJ Banal ang dating.

Puno lang ang term dito due to popular acceptance of the mass people kasi may dahon, tapos namumunga, tapos ayun, meron ding parang stalk at mataas at may ugat tapos nakatayo.

Sabagay ampangit nga naman ng dialog kung sabihin na, "Maghanap ka ng Herbs, sa buong Pilipinas, Saging lang ang may puso". Nyek.

Kung ako yung kontrabida, baka binaril ko na si Mark Lapid nung mga panahon na yun dahil sa inis ko sa kanya sa pagko-conyo term niya ng saging.

Mark "The Spark" Lapid: "Maghanap ka ng Herbs, sa buong Philippines, Saging lang ang may puso! Saging laaang!".

Kontrabidang Mariano: "PUTANGINANG YAN! HERBS HERBS KA PA DYAN HA!!! ALAM MO NAMANG GRADE SIX LANG ANG NATAPOS KO KAYA GOONS LANG AKO TAPOS MAGIINGLES KA PANG PUTANGINA KA??? *BANG* Mga bata, sunugin na ang lalakeng ito. Tadtarin ng pino ang katawan at ipampataba sa lupa ng mga hhhherrrbs na saging. Bitch."

The End.

Sabi nila nakakatigas daw ng jebs ang saging, so kontra ito sa pagtatae lalo na sa mga may diarrhea at ulcer [siguro]. Kung medyo lambutin ka eh kumain ka ng madaming saging malamang titigasan ka palage. Ng jebs lang naman siguro.

Madaming health benefits ang saging sa katawan. Mayaman ito sa iba't-ibang bitamina tulad ng Potassium. Carbohydrates din para sa enerhiya ng katawan at pampalakas. Meron ding Vitamin A na pampalinaw ng mata. Maganda din ito sa proper digestion, kaya naman buong-buo ang jebs mo kapag nagpapak ka ng saging. Isama mo na ang Vitamin C kontra sa sakit at pampalakas ng resistensya.

Pwede mo pang makita ang iba pang Saging facts dito sa


Sabi nila nakakakinis din daw ng balat ang Saging, lalo na't isa itong kontra Pimples. Kasi naman ba daw, meron nga ba namang unggoy na may Pimples? Ewan ko, tignan niyo na lang yang litrato sa ibaba [yung mga unggoy photos]. Baka may maaninag kayo eh idemanda ninyo ang nagsabing panlaban sa pimples ang Saging. Pero baka naman kasi iba ang pimples ng unggoy sa tao kaya naman acceptable pa din ang fact na ito.

Kung san daw ba maihahambing daw ang boobs ng isang matandang babae sa isang prutas, sa Saging daw ito maihahambing. Bakit? Eh kasi daw sagging na daw. Kung sino man ang nag-isip ng joke na ito eh gusto kong sungalngalan ng isang buong piling ng saba sa puwet.

Nabalitaan ko dati yung Saging eh pwedeng gawing hamburger patty. Nanalo pa ata ito sa isang science awards. Yung balat ng saging tinadtad tapos nilagyan ng sangkap, ayun, pwede nang ipalaman sa tinapay bilang hamburger patty. Patok diba. Balat na lang hamberger patty pa. Ano ang susunod? Buto ng saging na pwedeng gawing damit? Dahon ng saging na pwedeng gawing bullet-proof vest?

Nakatikim na ako nito kaso lang eh gawa ng katulong namin mula sa tinadtad na puso ng saging. Masustansya at masarap. Kung may gayuma ba yun o laway ng katulong namen eh hindi ko na alam kasi ang sarap. Nainlab ako sa luto niya. Ang sarap talaga. Ang sarap. Repeat 10x.

Ang martyr talaga ng Saging no? Inaalay niya sakin ang puso niya para lang mapasaya ako. Wala siyang pakialam kahit pagtatadtarin ng pino ang puso niya basta ang mahalaga mapaligaya niya ako at nasabi niyang naialay niya ang puso niya sa akin. Sana ganun na lang lahat ng babae. Parang saging. Handang i-alay ang puso nila sa akin mapasaya lang ako. At ang saging ko. Pero sana hindi saging ang boobs niya. At sana wala din siyang sariling saging. Melon na lang o kaya pakwan. O kaya papaya.

Saging lang ang may puso. Sana si Gloria din meron.

Elongate...

April 29, 2008

Pamawi

Mainit nanaman ang kokote ni bossing. Umagang-umaga pa lang eh nag-uusok na ang kanyang mga sentido. Ang ilan sa mga usok ay sumisingaw palabas sa dalawang butas ng kanyang ilong.

May hindi natapos na trabaho. Isang araw na lang ang palugit para sa deadline. Lahat kame parang may mga berdugong naka-ambang at lalatiguhin ka sa oras na ialis mo ang mata mo sa monitor ng computer at ang mga daliri mo sa keyboard nito.

Walang uuwi hangga't hindi natatapos ang trabaho. Ika ni boss nang may conviction. Seryoso siya dito.

Yeah, I know. It may sound like slavery but I like how the boss treats us this way. Pressure surrounds your personality with this type of management.

It's like an unripened boil that you want to squish but then it's not yet time. You have to wait for the right moment to make tiris of the boil. Patuyuin muna tapos saka tirisin. At putangina napa-ingles ako.

*Anong konek nun? Wala. Basta dapat kang tumanggap ng challenge. Yun lang naman talaga ang tunay na pakay ni Boss, diba boss? Kung nagbabasa ka nito ngayon boss eh sana maintindihan mong kailangan namin ng mataas na sweldo okay? Labshu!*

Papalapit na ang alas siyete ng gabi. Makakauwi na din sa wakas. Wala namang naging problema sa pagso-solb ng mga isyu at mga kakulangan sa requirement ng project. Magaling tumira ang mga engineers ng team. Tinapos nila yung trabaho nila tapos tinulungan ako.

Hayup ka talaga Sir A, napakahusay mo. Isa kang halimaw ng Java sa katawan ng tao. Pasasaan pa't balang araw eh titingalain na kita bilang sunod na boss, at ako naman ang papalit sa puwesto mo bilang fastest improving programmer sa opisina.

Natapos ang araw na wala nang katas ang isipan ko. Cactus na lang ang kulang at maaari mo nang tawaging disyerto ang aking utak. Para akong nireyp na babae dahil lutang ang isip ko at hindi ko alam kung ano ang susunod na hakbang na gagawin ko.

Ah oo nga, tama nga pala. Uuwi na nga pala ako. Pasado alas-nuwebe na din, baka naman maaari ko nang pagbigyan ang sarili ko na magpahinga. Wala na ang mga imaginary na berdugong muntik nang manghambalos sa likod ko kanina nung nagkamali akong magdagdag ng isang curly brace.

Daan ng seben eleben, bili ng C2 Green Tea. Pumili ng Peach pleybor at pumila. Nagbayad at naglakad sa sakayan ng bus. Oo na, alam kong hindi mo kailangan ng ganitong klase ng detalye sa kwento ko kaya ipasporward na lang naten.

Bumaba na ako ng bus at naglakad ng may halong pag-iisip at pagmumuni-muni sa paligid. Dahan-dahan kong inihakbang ang aking paa patungo sa pila ng mga jeepney na alam kong buong araw nang dumanas ng init ng sikat ng araw. Pinagmasdan ko ang paligid at tinitigan ang mga halaman sa tabi ng Teleperformance sa may Shaw Boulevard.

Anak ng putangina, sabi nang no more details eh.

Ayun, nakakita ako ng byaheng Taytay. Sumakay na ako, baka maiwan pa ako. Pagsakay ko tinitigan ko yung babae sa kanan ko, tinignan ko kung maganda tapos tinignan naman ako ng kasama niya. Inilihis ko kaagad ang tingin ko. Parang ako na lang ang iniintay nung drayber kaya at kaagad na din siyang umalis matapos kong makapagpahinga.

Hindi ako kaagad nagbayad. Baka kasi masiraan yung jeep, hassle pa. Maya-maya bigla itong bumagal at tuluyan nang tumigil. May sasakay pala.

Nakatingin ako sa sahig at nag-iisip ng kung anong ulam sa bahay dahil kanina pang nagkakainan yung dalawa kong bituka sa tiyan. Sana iwasan nilang ngasabin yung testicles ko. Baka pati yun patusin.

Ayun, may sumakay. Ang bango. Parang hindi galing sa trabaho. Pag-angat ko ng ulo ko at pagtingin ko eh fresh na fresh pa yung babae. Papasok pa lang siguro. Tangina ang ganda. Nabighani ako.

1, 2, 3, 4, 5. Lampas na ata sa 20 segundo akong nakatitig sa mukha niya. Kakaiba ang itsura niya. Parang may lahi siya. Tapos ang damit niya eh simple lang. Jeans na medyo fit tapos white spaghetti strap na parang tank top. Panalong-panalo. Simply bayutipol. De Luxe kumbaga sa sisig, Rizal kumbaga sa bayani, at may sprinkles kumbaga sa ice cream. Perpektong nilalang ka para sa akin, oh babeng misteryosa.

Tangina, ano ba tong meron sayo darling.

Binusog mo ang pagkagutom ko.
Pinawi mo ang pagod ko.
Pinakalma mo ang isipan ko.
Pinatigas mo ang...
...binti ko.
Pinalaki mo ang pagkakabuka ng mata ko.
Pinakilig mo ang batok ko.
Pinaibig mo ako,
sa pagsakay mo sa jeep na ito.
Harinawa'y malaman ko man lang.
Miski ang ngalan mo.

Tanginang yan. Wala na akong hahanapin pa sa gabing ito. Solb na ang araw ko.

Hindi pa din siya nagbabayad. Ililibre ko na ba? O aantayin ko na lang na kumuha siya ng pera para ako na ang mag-abot sa drayber? Hindi ako pwedeng mag-aaantok nito. Dapat tatanuran ko siya. Dapat ko siyang protektahan sa mga matang nagnanais ding angkinin siya. Mga putangina nyo, magpantasya na kayo sa iba, akin lang ang babaeng ito. Dun na lang kayo sa babaeng katabi ng katabi ko.

Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang purse. Mukhang kukuha na ata ng barya. Ako naman eh inihanda ko na ang aking mga palad. Pinunasan ng bahagya ang pasmado kong mga kamay para naman ma-experience ko kang kutis niya.

Humugot ng foundation. Nagsalamin at nagpahid ng ispongha sa mukha. Anak ng katuray, akala ko barya na. Pero sige, hindi na bale. Mamaya niyan magbabayad na yan dahil kapag hindi siya nagbayad, eh ako na ang sasagot. Ibabayad ko ang bago at malutong kong 100 pesos para isipin niyang bagong sweldo ako at magyaya siya ng kauna-unahang date namin.

Heto na, humugot na ng barya si ateng diwata. Iniabot ang bayad sa katabi. Hindi na siya umimik. Dahil sadyang mabilis ako, agad kong itinutok ang aking mga kamay at bukang-buka ang aking mga palad. Inilapag niya ang bayad sa aking mga kamay. Putanginang shit parang gusto ko na mag-orgasm right then and there. Heaven pareh. parang langit.

Mabuti na lang at malapit lang siya. May sukli pa ang 10 pesos na iniabot niya. Kahit mapunitan pa ako ng litid, ayos lang basta mai-stretch ko lang ang braso ko't makuha ko ang sukli galing mismo kay manong.

Walang napatid na litid pero napangiwi ako sa pagstretch ng kamay ko. Shet eto na, mahahawakan ko na ng mas solido ang kamay niya. Sasapuhin ko sa ilalim at saka ko ilalapag ang barya sa palad niya. Sa pagkakataong ito, ang palad naman niya ang bukang-buka at ang kamay ko naman ay mabagal na iniabot ang sukli.

Oh syet. Ang kinis ng balat. Ang lambot ng kutis! Parang Likas Papaya Soap with matching Perla on the side. Parang binuro sa asin ang kutis niya. Malambot at ang sarap supsupin.

"PAREH, SALAMAT AH. KUYA JESS, DYAN NA LANG AKO SA TABI HA."

Napatigil ang mundo ko. Hindi, mali. NAGUNAW ANG MUNDO KO.
Tumigil kame sa isang kilalang Karaoke Bar ng magagandang bakla.

"Sige Arnel. Teks ka lang mamaya kung sasabay ka ha? Baka abutan pa kita. Dahan-dahan sa supsop ha? "

"GAGA! MARUNONG AKONG MAGTIMPI! O SIYA SIYA, ITETEKS NA LANG KITA. BABOOSH!"


Namutawi sa labi niya ang mga boses na parang pinag-halong Mike Tyson at Inday Garutay.

Saka ko na lang napansin ang balikat niyang malapad, ang tila ba malalaki niyang kamay at ang medyo bigotilyo niyang mga nguso. At lalo na ang kanyang tila bang inipit na mansanas ni Adan sa kanyang lalamunan.

Nanumbalik ang gutom ko at nasusuka pa ako.
Pinabalik mo ang pagod ko't na-over fatigue pa ako.
Ginambala mo ng husto ang ulirat ko.
Pinalambot mo ang tuhod ko dahil nanlulumo na ito.
Pinanlisik mo ang mga mata ko.
Para akong binatukan ng kapre.
Pinatay mo ang pangarap ko,
sa pagkakasakay mo sa jeep na ito.
Hayop ka Arnel, putangina mo.


Elongate...

April 27, 2008

Sunrise

Sa isang kainan sa Intramuros...

Pulubi: Manong, pwedeng makahingi ng pagkain?
Ako: (Tangina manong na pala ang looks ko ngayon) Ay wala na po akong tira-tira, eto na lang ulam ko. Meatballs po ito.
Pulubi: *Umismid at sumimangot* Ay, wala bang kanin?
Ako: (Tangina, choosy tong pulubi amputa) Ayaw niyo to? Karne to, meatballs. Walang kanin dito na libre, binibili ang kanin dito...

Hindi naman ako ang tipo ng tao na tumatalakay ng mga pampublikong usapin pero gusto ko lang magkomento sa kakulangan ng bigas kasi wala na akong makain!

Joke lang.

Masuwerte naman ako dahil isa ako sa mga pamilya na nabiyayaan pang makakain ng bigas na nagkakahalaga ng mahigit sa P30.00+ ang kilo. Hindi ko nararamdaman na nagkukulang ang Pilipinas sa bigas dahil meron kameng taniman sa mga paso namen sa taas ng bubong. Kanya-kanya ang tanim at kanya-kanyang gapas at saing. Mahirap lang sa anihan kaya dapat rotation ang pagtatanim. Medyo maanghit lang minsan kasi tinataihan ng pusa yung paso.

Pero joke lang. Puta, ang hirap naman ng buhay kung ganun. I am so happy na meron tayong mga bayaning mga magsasaka na tila ba naka-hiatus ata dahil nauubusan daw tayo ng bigas. Mahal ko kayo farmers kaya wag kayong manghihina at panghihinaan ng loob.

Pero seryoso, swerte ako dahil ang pinakamalaking baunan ko pa din eh nakalaan sa kanin. Di ko alam kung sinasadya ni inay na damihan ang kanin para tabunan ang kakarampot kong ulam na parang dice lang ang laki. Pero madami talaga ang kanin ko, kaya lalo ako tumataba. Naisip ko na lang din kung di ba pumalakpak ang tenga ng mga tao na nagdi-diyeta dahil may kakulangan sa bigas at di na sila mahihirapan pang maghanap ng rason para hindi kumain.

Grabehan. Dati nasa 20 pesos lang ang kilo ng bigas na binibili ko at masakit na ang braso ko ng pagbubuhat sa halagang 100. Ngayon eh parang hindi na ako magtataka kung maging sinliit na lang ng supot ng tatlong kutsarang ulam ang iabot saken ng tindero sa halagang 100 na bigas.

Nakakalungkot lang para sa akin na maisip na nagkakaubusan ng bigas dito. Kasi naman eh ang bigas ay nagsilbi nang simbolo ng kulturang Pilipino. Nagising na ako na kanin ang kinakain ng mga Pinoy. Kaiba sa mga Amerikano at Europeans na tinapay, mais, burgers, at laman-loob naman sa mga aswang. At pati na din sa mga Asians kasi meron tayong sariling breed ng palay tulad ng Dinorado, Wagwag, Sinandomeng, NFA at Tutong.

Yung tutong na uri ng bigas nakakapagtaka kasi minsan lang ako makakain at kadalasan pa kapag yung ate ko ang nagluluto. Rare specie pala siya ng bigas.

Yung Dinorado at Sinandomeng, eh feeling ko dalawang lahi sila ng mga magsasaka na Pioneer sa pagtatanim at pag-ani ng mga palay kaya in honor to their clans, sa kanila naipangalan. Kung nasan man ang mga anak na babae ng mga clans na ito eh malamang sa kanila nanggaling ang istilo ng mga lalaki na mag-iwan ng palay sa keps ng mga asawa nila at kapag naging bigas daw ito habang sila ay wala ibig sabihin ay may bumayo sa asawa nila.

Sa tingin ko mas mainam kung pulbura na lang ng paputok ang ilalagay nila sa keps ng asawa nila habang wala sila para sa sobrang friction nun eh maglikha ng spark para mapasabog ang mga putanginang ahas na nakiapid sa asawa nila.

Sabi ko nga nakakalungkot at nabalitaan ko pang nag-aangkat tayo ng American at Vietnamese rice.

Naisip ko kasi na kapag sinabi mong nag-angkat ang Pinas ng bigas [wow rhymers!] eh parang sinabi mo na din na nag-angkat ang Saudi ng langis mula manufacturers ng baby oils, tapos nanood at nilabasan sa African Porn ang mga Japanese, tapos nagpatayo ang Egypt ng pyramide gamit ang buhangin mula sa Antarctica, tapos tinalo ng Resiklo si Optimus Prime, tapos nasarapan yung mga French bakers sa pandesal, tapos nanood ng Dyesebel ang mga Koreans tapos natakot sa Shake Rattle and Roll Nth Edition si Sadako.

Walang feeling ng pagiging Pinoy kung ibang bigas ang isasaing namin. Kung di rin lang dito galing ang bigas, wag na lang magkanin.

Pero binabawi ko na yun. Mahirap na baka mabasa ito ni Gloria, i-ban pa ang pamilya namen sa pagkain ng kanin. Alam mo naman si Gloria, masyadong makapangyarihan.

Sa totoo lang hindi ko alam ang tunay na sanhi ng kakulangan ng bigas pero nalulungkot akong malaman na bigas na pala ng America at Vietnam ang kakainin natin sa mga susunod na buwan. Di ko feel ang kumain ng bigas na di pinaghirapan ng kapwa ko Pilipino pero dahil mas mahalaga ang gutom sa patriotism eh putangina, lafang lang nang lafang kahit bigas pa ng Neptune yan o Mars.

Pero para saan pang magkaroon tayo ng Bocaue Rice Terraces? *Tama ba?*

Banaue. Banaue ang ibig kong sabihin. Carol Banaue.

So para saan pang magkaroon tayo nito kung kukulangin din lang tayo. Ano ba yung Banaue? Pang display lang ba yun? Hindi ba tayo pwedeng umani ng bigas dun? Uunahin mo pa ba ang pagiging aesthetically wonderful mo sa pagiging tag-gutom ng Pinas? Wonder of the World daw ang Banawe Rice Terraces kaya pinapanatili itong preserved at posturang-postura para sa foreigners na nakikikain din ng bigas dito. Saka yung rice bowl ng Pilipinas sa Gitnang Luzon? Anong nangyare dun? Nabasag na?

Tila ba nagsawa na ang mga magsasaka sa awiting "Magtanim ay di biro" at sineryoso na talaga nila ito't na-realize nila na di talaga biro ang magtanim ngayon. Masakit sa likod, delikado sa balat, at madumi sa kuko.

Nakakalungkot isipin na baka sa future, mag-aangkat na talaga tayo ng bigas dahil wala nang gustong magtanim. Naalala ko tuloy yung sinabi ng isa sa mga idol kong si Santong Busabos sa kwento niyang De Lata at naisip ko ang tungkol sa kinabukasan ng rice-planting industry. Hindi na daw nagtatanim ang mga magsasaka dahil natuto na sila ng Ingles at telemarketing kaya naman nagaasikaso na lang sila ng calls galing sa iba't-ibang bansa kung papaano magtanim ng masarap na bigas.

Di na siguro ako magtataka kung maging call center agents na ang magsasaka at call center na ang IRRI.

Kung ano nga ba naman ang tunay na dahilan ng pagkakulang ng bigas, di ko alam. Gusto ko sanang hingin ang opinyon ng mga CSI Las Vegas, Miami, at New York, Imbestigador at Tulfo Twins eh mukhang mas uunahin ko na lang magtrabaho para may maipambili ako ng bigas. Wala din naman akong magagawa kung nagkakaubusan ng bigas.

Hindi na ako kukuha ng sobra pa sa kaya kong ubusin at sisiguraduhin kong clean plate ako kada kakain para naman makiramay sa kakulangan ng bigas. Ayoko kasing dumating sa punto na mamimiss ko ang kanin di dahil sa nasa ibang bansa ako pero dahil wala na talaga tayong mabili.


Elongate...

April 24, 2008

Araw ng Mundo

Earth Day daw nung nakaraang araw. April 22, 2008.

Nagulat ako kaya naman daglian kong binungkal ang paso namin para batiin ang mga lupa ng Happy Earth Day. Medyo nagkislutan lang ang mga bulate kasi nabingi ata sila sa sigaw ko. O baka naman sa hininga ko. I do not alam.

Nakakagulat na nakakalungkot. Alam kong merong pagdiriwang ng Earth Day at meron naman akong pakialam sa Earth pero ngayong significant na araw na ito na dapat eh may ginawa ako para sa kanya eh di ko man lang nagawa. Ang hirap ng hindi nanonood ng TV. Hindi ko na-update ang sarili ko dun sa napanood kong commercial sa National Geographic Channel.

Oh syet, yun pala! Di ako nanonood ng TV kaya masasabi kong nagtitipid ako ng kuryente. Sweet ko naman. Bless me Mommy Earth.

Kaya nga nung nalaman kong Earth Day kahapon eh daglian kong binuksan ang tatlong ilaw, ang PC, isang bentilador, ang aircon, at pati na din ang TV kahit ako lang ang manonood para malaman ko kung ano pang ibang details sa Earth Day.

Kaso lang nakatulog ako ng bukas ang lahat ng mga bagay na binuksan ko kaya naman ayun, siguro minumura na ako ni Mother Earth sa pag-aaksaya ko ng precious energy ng mundo.

Pinalampas ko lang ang pagkakataon na naibigay sa akin ng Wonderful Earth at hindi ko man lang siya nagawan ng kabutihan sa araw niyang yaon. Tinagurian pa man din akong candidate dati bilang si Ginoong Kalikasan dahil sa mukha daw akong nature, natural ang beauty. In short, mukha daw akong ugat at mga bark ng punungkahoy, pero ang pagiging makamundo [maka-Earth], eh hindi ko nagampanan ng husto.

At dahil nga sa napalampas ko ang ilang araw na pagbibigay-pugay sa kabaitan ng Earth sa akin at di pa niya ako pinatatalsik sa ibabaw niya eh naisipan kong magsulat ng mga bagay na maari kong gawin sa susunod na taon para sa Earth Day.

Kaya ito na ang ilan sa mga maari kong gawin neksyir, kung may Earth pa nga tayong gagalawan.

*Katok sa kahoy mga misis*

Hmmm, teka lang, lemme think...

Mga Mungkahing Paalala para sa Earthday Next Year ni Mariano

1. Wag na munang manigarilyo. Kung Maninigarilyo, itapon ang balat cigarette ass sa semento at huwag sa lupa kung saan nandun nang nakatambak ang 200 na iba pang cigarette asses. Ganun din ang balat ng kendi, balat ng chichirya, balat ng McCheeseburger, at balat sa puwet. Nyek.

Alam ko namang mahirap ang hindi magyosi para sa kagaya kong contributor sa global warming. Pero isipin mo na lang na isang araw lang naman yung hindi mo paghithit ng dalawang kaha ng yosi. Kung hindi kayang wag magyosi, lunukin ang second-hand smoke. Kung hindi kayang lunukin, singhutin. Kung hindi kayang singhutin, ilagay sa plastic at isaklob sa ulo ng kaaway. Naperwisyo mo na ang kaaway mo, nakatulong ka pa sa Earth.

Sa pagtatapon naman ng upos ng yosi, ugaliing itapon ito sa tamang lugar - which is everywhere.

Duh, syempre dun sa basurahan na NON-BIODEGRADABLE. Bat kasi di na lang sila gumawa ng edible na sigaret butts para menos kalat. Siyempre kapag nagyosi ka, magekekendi ka, kaya dapat mo na din itong itapon sa tabi ng sigaret butts, mga 2.03 mm ang layo sa tabi nung sigarilyo.

2. Mag-contribute sa pagpapalago ng halaman.

Carbon dioxide ang isa sa pangunahing kailangan ng mga halaman. Kaya ugaliing kausapin ang halaman at magbigkas ng mga salitang mayaman sa syllables na "HAH", "BAH", "NAH", "KAH", "KAH", "BAH", "SAH", "NAH", "PAH", "LAH", "KOH", "TAH", "EH", "NAH", at "FOREVER". Ituring din na Carbon Dioxide ang utot at hindi Methane. Mainam ito sa halaman kaya naman maghanap ng malapit na plant box at doon magpakawala ng gaseous excess sa katawan. Minsan lang ito sa isang taon kaya naman paghirapan na natin itong ibigay sa halaman at wag na sa silya ng FX, bus, opisina, at cubicle ng katabi, o di kaya eh sa elevator. Kung walang malapit na halaman eh itabi muna ito sa sisidlan tulad ng microwavable containers ng kaaway mo sa opis at magdasal na wag niyang makilala ang utot mo.

3 Pumili ng environment-friendly na sasakyan.

Pumili ng mga sasakyan na gumagamit ng biodiesel at kakapatingin lang sa emission testing center. Maging matiyaga sa pagtatanong sa driver ng mga requirements na yan kahit na alam mong wala miski isa man sa mga tinanong ang sumagot ng OO sa dalawang kondisyon na ito. Uso naman yung dekuryenteng jeep sa Makati, baka sakaling makatyempo ka nun, sakyan mo na kaagad.

4. Maglakad

Noon pa man, noong mga panahon ng Nomads eh malinis pa ang mundo kasi walang mga usok na galing sa sasakyan. Naglalakad ang mga Nomads kasama ang mga Egyptians kapag gusto nilang magpunta sa Glorietta o kaya eh sa Trinoma.

Hindi naman kailangang maglakad ng mga 400 kilometers lalo na kung taga Novaliches ka at sa Maynila ka pa pumapasok. Pwede ka namang maglakad dun sa mga distansyang praktikal, tulad ng mga 2000 steps o di kaya eh 50-minute walk. Kayang-kaya mo na yun, for the love of Mudraks Earth no! Bawas sa fats at toxins ng katawan yung ganung klase ng activity pwera na lang siguro kung sa kahabaan ng edsa mo naisipang maglakad. Para makasigurado na makakapaglakad ka sa Earth Day, magdala lamang ng saktuhang pera mula bahay hanggang dun sa point na gusto mong simulang maglakad. Magbaon din ng makapal na tuwalya.

5. Magtanim ng halaman

Makakatipid ka na, makakatulong ka pa sa paglaganap ng Green Earth. Mag-isip ng halaman na madaling tumubo tulad ng kugon, damo, lumot, at pati yung mga orange na deadly kabute na tumutubo sa bulok na kahoy. Ilang araw lang ang iintayin mo para tumubo ang mga ito, tapos matagal pa bago mawala. Wag ka nang mag-asam na magtanim ng weed kasi baka hindi mo din naman maintay na tumubo ito. Kung ako nga baka buto pa lang ngatain ko na yun eh. Kaya dapat gulay na lang o kaya palay para masulusyunan ang krisis sa pagtaas ng presyo ng bigas.

Wag ka na nga palang magpapa-uto dun sa mga galing sa institusyon ng kung anong klase na nagpupunta sa eskwelahan para magbenta ng buto ng pakwan, munggo, togue, kalabasa, ampalaya, pechay, sunflower at kangkong. Kasi nung bumili ako ng buto ng kamatis, nabulok lang, Di effective lalo na kapag ibinudbod mo lang sa lupa tapos hahayaan mo lang siyang tumubo. Yah, like that.

Yun lang para saken ang mga bagay na pwede kong gawin sa Earth Day neksyir. Sana ikaw din meron kang magandang magawa sa Earth sa susunod pang taon.

Pero ang mas mahalaga, make Earth Day like Christmas day. Everyday is Christmas day. Everyday okay.

Sige, magtatapon lang ako ng toxic vile sa imburnal namen. Paalam muna.

Elongate...

April 20, 2008

Office Chronicles: Busy

Ang hirap sa mga tao na medyo matagal na di nakapagpost dito sa mundo ng blogging eh aakalaing patay na o di kaya eh nakabuntis ng kung sinong anak ng miyembro ng militar na may mataas na posisyon at hinding-hindi na muli pang makakakita ng sinag ng araw. O kaya naman eh nag-quit na daw dahil sa kakulangan ng bigas o kaya eh dahil sa pagbabalik ni Gabby Concepcion. O kaya naman eh iisipin na napaka-magarbo ng susunod na post mo kasi napakatagal mong pinag-isipan para mapaganda at maging kaiga-igaya sa mata ng mga mambabasa.

Pero ako lang naman ang nag-iisip niyan. Hunghang lang naman ako kung iisipin kong lalampas sa kinse [ang kapal, kinse daw] ang magbabas ang blog ko. Ang kadalasan lang naman dito ay ang mga pinakamamahal kong mga kaibigan na walang sawang [putangina, sana nga] patuloy na nagpapaka-martyr na magkomento sa akin. Mahal ko kayo, pa-cheeseburger naman kayo.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Ang putanginang trabaho ito. Sobrang delayed na talaga. Buntis na siguro. Charot.

Malapit na ako ma-extinct dahil ngangatain na ako ni boss at kinakailangan ko na ng madaming tubig na pambanlaw dahil baka lahat na lang ng klase ng sabon -- bareta man o powder -- eh maikuskos na sa akin.

Sobrang apektado na ng porn hobbies ko. Namimiss ko na sila Tera, Cytherea at Maria. Namimiss na din nila ako. Kailangan na nila ang aking katas at kalinga. Yung mga ungol nilang dulot ng aking hot na hot na pandesal[sal].

Pati nga blogs ko di na updated kaya naman naisipan kong magsulat bago pa tuluyang magunaw ang kaisipan ko at lamunin ng mga numero at mga linya ng codes na hindi ko naman inisip pero pinasasakit ang mga ugat ng utak ko.

Ayun lang naman. Nakakaurat lang. Nginangasab na ako ng panlulumo.

Akala ko eh magandang bagay ang hindi pagpapatalsik sa akin nung unang beses na inakala ko ng sisipain na ako palabas ng building namen nung bumagsak ako sa eksaminasyon. Natuwa naman ako dahil nabiyayaan kameng mga natitirang "trainees" [trainees na lang ang term ko kesa naman sa BUMAGSAK, para di masakit sa mata] ng pagkakataon na mapahaba pa ang buhay-empleyado namin sa opisina. Bukod sa di pa ako mawawalan ng kabuhayan eh makakasilay pa ako araw-araw kay Jerome at makakakurakot pa ako ng free supplies sa opisina gaya ng Milo, kape, at libreng Munchkins at flavored-pandesal.

Samantala, ano nga ba ang pinagkakaabalahan ko at ganoon na lang ako ka-"dedicated" sa trabaho ko?

Pero gaano ba ang "dedication" ko aber?

Wala naman, simple lang. Yung tipong papasok ka lang ng dalawang Sabado ng walang bayad para lang matapos mo yung trabaho. Ganung lebel lang naman. Gusto ko kasi talaga tong trabaho, kaya kahit walang bayad papasukan ko na. Mahal na mahal ko ang ginagawa ko at ayaw kong napapabayaan ito.

Tangina, bat ko ba nasabi yun? Kalokohang bulsiyet yun ah.

Sabi nga sa akin nung mga kausap ko tuwing andito ako sa opis ng Saturday eh ang sipag ko daw.

Iisa lang ang isinasagot ko sa kanila: "Kung masipag ako, di na ako papasok ng Sabado kasi ilang araw pa lang tapos na ang work."

Masipag naman ako. Promise. Oo, talaga. Oo ngaaaa. Ay sus ka, oo nga sabi masipag nga ako. nagkataon lang na mahirap tong naibigay na module sa akin kaya naman dinadaan ko sa papasok-pasok tuwing sabado.

Officially eh 3 and a half weeks na itong delayed.

Eh teka ano ba tong ginagawa ko?

Ayan yun. Edit Project Module. Controller yan nung Edit Project na magdidikta sa pagpunta nung values na kinukuha sa page, papunta sa manager, tapos papunta sa DAO para mailagay o di kaya eh makuha sa database.

Wag ka nang magreklamo kung di mo naintindihan kasi ako din eh hindi.

Hanggang sa mga oras na ito eh tinitira ko pa din ang project na iyan para lang matapos na talaga.

Ibang lebel kasi ang pag-iisip na ginagamit dito eh, yung tipong logical side na ng utak. Sa panahon ngayon, medyo nahihirapan akong humugot ng logic sa isipan ko dahil sa alam ko sa sarili ko noon pa na hindi ako analytical mag-isip. More on artistic side of the mind ang meron ako.

Kaya gagawan ko na lang siya ng maikling tula.

Task
by Mariano

Ang trabaho kong ito
Kayhirap tapusin
Logical reasoning
ang kailangang pairalin

Kaytagal ko na siyang pinaghihirapan
Pero magpahanggang sa ngayon
Lugmok pa din ang kalagayan
Dahil sa hirap ng pinag-iisipan

Inaabot na ako, ng pasado alas-otso
Sa kakakalitkot ng trabahong ito
Gustuhin ko mang tapusin ay hindi ko kaya
Wala akong sapat na kaalaman para siya ay mapagana

Kaya kung matatapos ko man ito
Sa kahit paanong paraan
Asahan mong magpipiyesta
Ang aking kalooban

Sapagkat di biro ang tumitig
Sa proyektong ito sa maghapon
Ang tanging hiling ko lang sana
Ang putanginang ito'y matapos na

Bow

Yun lang muna sa ngayon. Tatapusin ko lang to hanggang sa katapusan ng buwan tapos magpapatalsik na ako dito sa kumpanya para magblog for life.

Sweet.

Elongate...

April 9, 2008

Back to Basics with Pepe Smith

mga kaibigan, meet Hugh, ang kapatid ni Kiko Matsing. So pwede natin siyang tawaging Hugh Matsing. Tangina, ang banana lame-ass shit naman ng name na yun.
Ito ang isa sa mga pinagmulan ng lahi ng tao pero dahil ako lang yan, sasabihin kong ang gwapo ko pala kahit unggoy ako.
The famed Juan Dela Cruz band front man and legendary Pinoy Rock Icon Pepe Smith making his appearance on my blog.

Pwede niyo ring gawin ito sa sarili ninyong mukha kung maatim ninyong magmukhang unggoy na kagaya ko.
Hindi ko na ilalagay ang original na photo na pinagkunan ng mga ito kasi panigurado naman akong mag maa-appreciate niyo pa din ang mga litratong ito kumpara sa original.

Para sa mga gustong gumaya ng mga images na ito, maaari kayong magpunta sa faceofthefuture.org.uk


Elongate...

April 5, 2008

Walang Social Life Series : Wrecked Star

Hindi ko hilig ang maglagay ng mga bagay na alam kong di makikinabang ang kabagalan ng DSL speed ko pero dahil sa mga rich-ass friends ang mga tao dito sa links ko at matutulin ang internet nila eh minarapat ko na itong ilagay. -- Mariano

Third item for the WSLS. Enjoy


Wrecked Star from Mariano Juancho on Vimeo.




I'm on my way to stardom! But first, I gotta learn the basics of rockin'on! So, I practiced my stage dive with the ever-so-popular tune of Kiss From A Rose by Seal! So rockstarish! Dive on dudes!!!
-Mariano

Elongate...