Mariano Juancho is not here anymore. He is there anymore.
This review is brought to you by my many many many dreams and plans in life.
Rating:
1-Lowest
10-Highest
Sleep[10]- I am garnering about an average of the best adult sleep time in the world even though I look like I haven't had a decent sleep in ages. It may be fun to not wake up into any rush hour in the morning, but hell it's hard to sleep at night.
Morning Preparation[5]- Let's just say that there's nothing to prepare because there isn't anything to prepare to.
Work[?]- I can't actually give a decent score here. Am I supposed to be grateful because I don't have one. But of course, it's a necessity that is why I can't quite pertain to what score that's supposed to be. Intiendes? No? Tonto.
Blogging[1] - No doubt about it. My drive as of the moment to relay information and deliver life lessons in detail and in full color has ceased to exist. I have no more adventures and less life observations. I have killed my drive to narrate stories of everyday foul-ups.
Life[5] - Hey, look and watch as I fail in life. But everything around me is great. Only I fail at it.
Friends[10] - My friends, all around my life, in Plurk and everywhere else, they're the best. 'Nuff said.
Neighbor[2] - That neighbor's dog is utterly annoying, and does not possess any kind of indifference from his master. Remember, in times like these, Ajinomoto does not only bring the joys of umami to our food, but it also brings doom to our four-legged canine friend.
And so the blog of life rants ends here. Nothing new, just your old pal, Mariano in his daily quest to conquer and fuck life's endless misery.
Elongate...
Shorten...
Ang post na ito ay inihahatid sa inyo ni Mang Lucio.Dahil kung hindi dahil sa kanya, di na ata ulit ako makakahawak ng laptop para makapaginternet.
Hindi ko maisip ang sarili kong tumatanda kasama ang kung sino mang swerte (o ubod ng malas) na babae na makikilala ko sa balat ng lupa ng mundong ibabaw at pati na din sa ilalim.
Siguro kaya hindi ko maimagine eh naapektuhan na ang utak ko ng paniniwalang Benjamin Button.
Pero sa palagay ko, bilang isang nagmamahal na tao, karapatan ko din naman ang magmura.
PUTANGINA ANG SARAP NG SOPAS NI ALING MARING!!!
Aling Maring: "Dahil valentines ngayon, ibinuhos ko na lahat ng puso ko sa sopas na yan..."
Ako: "Eeeew"
Ganun ata talaga ang epekto ng pagmamahal sa tao. Ebriting pasitib.
Maganda at makinis ang kutis.
Blooming.
Masayahin.
Laging pagod at puyat.
Sakang.
Buntis.
Yan ang pagmamahal.
Marami pa din ang nagkakamali sa ganitong bagay. Minsan nga may mga taong mas aaminin pa nilang sila ang umutot sa harap ng limpak-limpak na sinungaling kaysa sa ang aminin nilang sila ang nagmamay-ari ng bunga ng pagmamahal nila. At iilan lamang dito ang pinandigan ang pagmamahal nila.
Red. Ang sarap magpakawala ngayon ng patabaing toro na iniangkat mula sa espanya. Sabog lahat ng bulaklak. Butas lahat ng lobo. Basag lahat ng bungo ng matatandang tuluyan pa ding nagpapaswit at dumadakila sa diwa ng Kabalentaymsan.
Pag-ibig. Sintamis ng kalabasang may kaukulang paggalang at walang bahid na malisya.
Pagmamahalan. Sintibay ng bato, sintigas ng semento. Yan ang mga magulang ko. Mahigit na sa N bilang na ng taon sila ikinasal.
Tapos minsan gusto ko na lang pumikit kapag nakikita kong nakahawak ang tatay ko sa dede ng nanay ko.
Pipikit para magpantasya? Salamat sa suhestyon.
Pagsisintahan.
Aling Maring: "Nako, baka maiwanan ko pa itong organ (electronic piano) ko dito. Ito na lang ang natitirang libangan ko sa tanghali (nung wala pang Wowowee).
Mang Lucio: "Wag mo talagang iwan yang organ, at ang iwan mo eh ang iyong "organ".
Sweet kung tutuusin para sa mga may edad na tao na kakitaan pa ng pagbibiruan na ganito na parang mga binata't dalaga pa lamang sila sa ilalim ng puno ng mangga.
Minsan din ayaw kong makapanood sa Rated K ni Korina Sanchez ng mga legendary love stories, tried and tested and can totally withstand the test of time and test of mic.
Dahil hindi ko alam kung ako lang yun o talagang kakaiba ang eksena ng dalawang mga ultra lolo at ultra lola na nagsisiping.
Jurassic Love Affair. Scrumptious.
Elongate...
Shorten...
Dear blog,
Ano ang isa sa magagandang eksena sa loob ng jeepney?
Sige, ganito ha.
Isipin mo, umuwi ka ng madaling-araw. Medyo iritable ka na dahil may halos kwarenta minutos ka nang nag-aabang ng jeepney at may pagkaaga-aga pang trapik patrol na nambubuwaya sa mga jeep kaya napalayo ang sakayan.
Pagkatapos mong mabulok sa kakahintay, nagpasya kang sumakay na ng byaheng malayo sa dapat mo talagang bababaan.
Pagsakay mo't umakma ka ng mainam na upo sa jeep para mangulangot nang masigasig eh biglang may tatalsik sayong malamig na likido galing sa katabi mong babae sabay halinghing ng "Ayyy!"
Aakalain mong sipon ang tumalsik dahil kita mo sa gilid ng mata mo na parang may pinupunas siya. Bahagya mo at medyo pasimpleng ipupunas sa pantalon mo ang tumalsik na likido sa iyong braso.
Ah, buti na lang at suka lang pala ng lumpia yung tumalsik sayo. Ang husay kase netong babaeng to eh, humaharurot sa singkwenta kilometro kada oras ang jeepney eh kakain ng lumpiang binabaran ng suka sa plastik.
Pero okay lang, the cycle of bad morning goes on kasi yung katabi ko naman eh nangangain na ng tuyot at patay na buhok galing sa ulo ko.
So ano ngayon ang point ng kwento ko?
Wala, salamat na lang sa oras mo blog.
Nagmamahal,
Juancho
Elongate...
Shorten...