Lost in Conversations
Narito ang ilan sa nalikom kong mga pahayag na naisalin na mula sa iba't-ibang tao subalit napanatili pa din nilalaman sa orihinal nitong konteksto.
Ang mga usapang ito ay sinasabing nagmula sa inang bayan kong probinsya ng nanay at tatay ko doon sa amin, sa malayo mula dito sa Makati.
Halina't ating alamin ang ilan sa mga kakat'wang pahayag ng mga taong itatago natin sa pangalang "person".
Sa kadahilanang hindi mauunawaan ang mga pahayag sa unang pagbasa, minarapat kong dagdagan ng translation ang bawat isa sa mga pahayag.
Scenario 01:
Minsang tinuturuan ni Person One ang pamangkin niya ng mga "children skills and tricks" ay sinubukan niya itong kausapin sa English.
Person One: "Halika baby, increase mo si tita, increase mo."
Translation: Increase = Embrace, Hug
Scenario 02:
Nagyayabang si Person Two sa mga nabili niyang piyesa para sa kanyang sasakyan.
Persone Two: "Ay ako'y bumili ng piyesa sa hogwire, ay regional parts ang aking nabili eh!"
Translation:
Hogwire - Hardware
Regional - Original
Scenario 03:
Inuman. Nag-uusap si Person Three at tatay ko tungkol sa sports sa beach.
Person Three: "Ako'y nakapasyal sa dagat, ay kadami pala ng namamangka doon eh!"
Tatay: "Ay oo, marami nga. Lalo na yung mga naka-speed boat pa."
Person Three: "Oo! Ay meron pa nga akong nakita eh! Ay pagkakabilis! Lintik ang tulin eh! Yun gang sharping! Ay anong tulin! Yung may layag!"
Translation:
Sharping - Surfing, Wind Surfing
Scenario 04:
Merong handaan (i.e. Piyesta, kasalan, etc) sa isang baryo at walang masyadong tao para tumulong kaya't kinakailangan nilang bumili ng mga plastic na kubyertos
Person Four: "Ala, wala naman tayong katulong na makukuha. Magaling pa't bumili na lamang tayo ng disposal na mga kutsara."
Translation:
Disposal - Disposable
Scenario 05:
Tatae si Person Five. Naghahanap ng tabo.
Person Five: "Iabot mo nga sa akin yang mobile, at ako'y tatae."
Translation:
Mobile - Container ng langis ng makina na may brand na Mobile Oil na ginagawa nilang tabo. Maaari ding maging Del Monte, Promil, Nido, basta't depende sa tatak ng lalagyan.
At hayan lamang po ang ilan sa mga naulinigan at naihayag sa aking usapan sa mga panahong naroon ako sa inang probinsiya ko. Nakakatuwa mang pakinggan, hindi mo naman maitama sapagkat nakakahiya din sa panig ng mga nagsasalita. Alam kong mas lalong magiging mali kung hindi itatama pero wala naman akong ikukwento kung itatama nila, ahaha. Selfish-ass bastard.
Yun na lamang ngayon at sana'y may maibahagi pa akong iba pang mga nakakatuwang pahayag mula sa iba't-ibang mga tao na nakakasalamuha ko.
Thanks y'all. Peace out.
12 Winners:
batangueno ka ba?
----
sabi ng lolo ko eh masarap daw ang ispagaroti sa jalibeh.
translation:
ispagaroti - spaghetti
wow. walang halong kabastusan ah. ahaha. minus 5.
Potek Vera, panalo yun ah! Ahaha. Parang yung tita ko lang dati, Greenwitch daw!
Greenwitch = Greenwich (Greenitch)
Sa kanya kasi eh grinwits, ahehe!
natawa ko sa post mo na 'to...as always! daan lang ako. :D
kung makapagsalita ka kala mo di ka malabong kausap. hahahaha
ala eh, taga saang ba ga ang mga ire??
ala eh, nakaka-tuwa naman.
hahhaa! ang kulet.
poncy, pag umuwi ako, sharping tayo sa probinsya nyo! weee!
Bethelyn, may blog ka naman pala eh! Haha, salamat. Balik ka lang ng madalas.
Xg, di ko naman sinabi na perpekto akong kausap pero meron pang mas nakakababa sa antas ko ng imperpeksyon.
Hottie Tin, salamat sa pagbisita. Tama ka ineng, dine nga sa Batangas nagpapagay-on at nagparine ang mga kuwan...
Procky, magiipon na ako ng pangsharping natin. Mahal din yun, haha.
nyahaha...at ikaw pala ay isa ring ala-eh... ay doon din sa amin ang matatanda lagi na la-ang papuntang munisipyo para kumuha ng abit-abit
Translation: abit-abit = affidavit
basta panalo ung MOBILE..ahaha.
naku mariano. nag-aalala pala ako saiyo ngaun. kasi maikli ang entry mo.baka may ibang dinaramdam ka jan na sakit.wehehe.
Miss Lyzius, haha. Ako nga'y ala eh din. Pagkakakulit ga niyang abit-abit na yan, ahaha. Ay talagang kay inam eh!
Hoy Lunes, wala akong dinaramdam FYI, ahaha. Inaantok lang ako.
後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮
Post a Comment