May 15, 2008

Thought Broth 01

Nakakatuwa ang isipan ko. Marami siyang mga bagay na sinasabi sa akin sa tuwing naglalakad ako o di kaya eh nakasakay sa sasakyan pauwi. Madami siyang kwento at mga aral na pilit niyang ipinaiintindi sa akin. Mga bagay na nakapagtatanggal ng ngiti sa labi ko upang palitan ng mga katagang "oo nga naman no?", "dapat nga pala..." , at mga kung anu-ano pang kaseryosohan na makapagpapaunawa sa akin sa mga bagay tungkol sa buhay. Pinamumukha niya sa akin mga katotohanan na hindi ko nakikita kapag nakangiti ako o di kaya ay nagsasaya.

Salamat sa isipan ko, ibinabalik mo ako sa realidad.

========

Habang naglalakad ako sa underpass ng Rufino papuntang PBCom Towers, naisip ko kung gaano ka-simple ang buhay noong bata pa ako. O di kaya naman nung ipinagbubuntis pa ako ng nanay ko. Kahit wala akong maalala, ang alam ko lang nakalutang lang ako nun habang humihigop ng mula sa nanay ko, gamit yung pusod kong parang fancy straw lang ang dating.

Siguro marami nang nakarinig nito, at maski ako eh maraming beses ko na ding naririnig sa mga kapatid ko at ilang mga tao na mas masarap ang mag-aral at maging estudyante kaysa sa magtrabaho. At ako naman eh nakatyempo ng mga kapatid at talagang pinaniniwalaan ko ang mga sinasabi dahil makikita mo sa kanila mukha nila ang pagod sa tuwing galing sila sa trabaho. Pwede na silang commercial model ng Stresstabs at Sustagen Premium at the same time.

Mahirap ang ginagawa kong trabaho kapalit ang mababang halaga ng sweldo. Palaging nag-iisip at nag-iisip pa lalo. Hindi ko gusto pero pinipilit kong gustuhin sa kagustuhan kong magkaroon ng kaalaman sa mga bagay na gusto kong matutunan. Alam kong mas malaking reward ang makukuha ko dito pagdating ng panahon kaya naman sinisikap kong matuto.

Pero sa halaga ng kinikita ko, mukhang magagamit ko ang ideyolohiya ng pagtitipid. Nararamdaman ko na ang mga halimaw na papel sa bahay na tinatawag na BILLS. Kuryente bills, tubig bills, internet bills, cable bills. Sana kamag-anak ko na lang si Uma Thurman para ipa-kill bills ko na ang mga lintek na gastusin yan. Automatic na yun syempre, ang pagbabayad ng mga gastusin sa bahay. Tulong na lang sa ate kong naghihikahos na sa pagbabayad niya sa karamihan ng mga bayarin sa aming araw-araw na pangangailangan. Minsan sa gamot ni ermat at sa mga miscellaneous fees na kailangan nila.

Ang oras, sadyang mabagal sa tuwing wala kang ginagawa. Yung tipong hinihintay mo na lang ang buong araw para matapos at makauwi ka na dahil wala ka nang kabulastugang magawa at wala ka pang maisulat sa blog mo. Pero kapag tambak ang trabaho at may deadline, parang sinindihang mitsa ng paputok ang oras. Nagmamadali ito at kumakaripas na ubusin ang buong araw at lakaran ang lahat ng number nung maikli niyang kamay. Mapasulyap ka lang ng isang beses eh tatlong oras na agad ang nakalipas sa parang dalawang minuto mo lang na pagtatrabaho.

Ang sarap tuloy kung totoo man na ang plano ng buhay ay pabaligtad [tulad ng isang quote na natanggap ko sa text] na ang buhay daw ay mas mainam kung magsisimula tayo bilang mga matatanda, papunta sa kabataan. Mabubuhay ka bilang isang matandang ulyanin hanggang sa maging maayos na ang kalagayan mo upang magtrabaho ka sa loob ng marahil ay mga 40 taon. Magtatrabaho ka para may panggastos ka sa kabataan mo. Magtatrabaho ka hanggang makaabot ka sa punto na bata ka na at puro pambabae, pag-aaral sa eskwelahan, kabulastugan, kalokohan at bisyo ang aatupagin mo. Tapos mag-aaral ka hanggang makaabot ka ng highschool, elementary, kinder at bumata ka para alagaan ka ulit. Wala kang iisipin kundi ang mga pambatang bagay tulad ng pagligo sa ulan at pagkain ng candy ng patago. Ang pag-aaral na bumangon sa gabi upang huwag maihi sa kama, pati na din ang pagiging bibo sa harap ng mga kamag-anak. Pagkatapos ibabalik ka sa sinapupunan at lulutang ka sa loob ng siyam na buwan. Ang pinakahuli ay ang matatapos ang cycle ng buhay mo bilang isang orgasm.

Sweet.

14 Winners:

PoPoY said...

kala ko hindi ka seryosong tao mariano pero iniba mo ang pagkakakilala mo sa akin.

ikaw yata yung nakikita ko sa underpass ng rufino eh, yung isp ng isip?? hahaha piz!!!

seriousli, tama ka. ang hirap nga ng buhay ngayon dahil sa mga lecheng bills na yan. liit naman ng sahod. INCREASE!!! INCREASE!!! Pootek, 20php lang daw.

dati iniisip ko mas gusto ko pang magwork kesa magaral pero ngayon parang mas gustoko na ulit magaral. namiss ko nga yun. namiss kong makakilala ng mga bagong kaibigan. bagong iaadd sa friendster. bagong KaYM at bagong uutangan.

kung tutuusin, madali lang mabuhay. tao lang ang nagpapakomlikado. diskarte lang minsan ang dapat gawin. ang maliit na sahod, ipangSUGAL para lumago, para lumiit ang kuryente, magJUMPER sa kapitbahay, ang malaking internet bills, magHACK sa mga payphone. BIRO LANG. pero totoo, tyaga lang at sipag. pag may opportunity sau mariano at pwde kang makapunta ng ibang bansa at malaki ang pasahod, cge grab the opportunity, yown ay kung gusto mo magabroad. :)

parang offtopic ako?? hahaha

Anonymous said...

hwaw! serhiyoso nga. Nice.

konting tiyaga lang M...:D

Anonymous said...

heehee. kill bills ampotah. okay lang yan M. babangon ka at dudurugin mo ang bills.

alam mo may punto yung tumatandang bata. parang mas maalwan siguro kung ganun nga.

alam ko na kung bakit ganyan post mo. sweldo kasi. hehe.

+3

Anonymous said...

rawr. ako lang tatawag sayo ng P. hahaha!

lecheng mga bills talaga. kahit kelan wala pang tao ang napangiti dahil nakatanggap ng bills. nyarr! sana pwede na lang sunugin at kalimutan para chillax na lang, pwede naman, pero madming mawawala. rawr. lecheng mga bills talaga!

i can imagine it already, if we all lived backwards, the last stage of my life would consist of the words, "OH! HARDER! HARDER! YES! YES! FAAASTER! YEEEEES!"

hahhaha! lalang, i like that quote. astig.

Anonymous said...

magfa-flood din ako d2. comment sa sabi ni popoy.

poncy, punta ka na ng Amsterdam!

---

gusto mo tawagan ko ang aking close friend na si uma thurman to kill bills? hahha! lalang.

napunding alitaptap... said...

onting onting onti nalang po, idol na talaga kita. . .ahehe. . .

hmmmmm, ako naman, masyadong mapagisip, ayun, nataon pa na ayaw ko pa nga magwork, ayun tuloy, tuloy tuloy ang pagfire ng mga neurons ko. . . kung anuanog naiisip ko. . .

bills, and so we are talking about money here. . . nakakairita, bakit pa kasi naimbento ang pera, nakakairita. . .edi sana nagagawa na ng tao ang mga mahal nilang gawin.

kuya, wag ka ng mangibang bansa, may mas madaming mahalagang bagay kesa maraming pera.

at sa totoo lan, mawawalan ng silbi ang buhay kung babaliktad ang sistema ng pagkabuhay ng tao. . . paano sya susulpot sa mundo>? basta nalang, as in, POOF!! at para saan pa ang magiging sakripisyo ng nanay mo sa sinapupunan nya kung mawawala ka na din. . .

oh well, nantabla nanaman ako, hanep na buhay ko to. pasensya na po. tambay kasi...

flyfly!!

magandang blog THOUGH...

Lyzius said...

aba, sa halip na sa limbo mapunta ang end of life natin mapupunta na lang sa orgasm...hmmm lemmetinkobit... ayus nga naman yun...

me tanong lang ako, bakit minsan ang pangalan ko sa blog roll me eh ganito ang itsura:

>*Lyzius*<

ano po ang ibig sabihin nun?

chroneicon said...

naman e, uma thurman! classic mariano! haha

Anonymous said...

naka-receive na din ako ng ganyang txt message.. napaisip nga ako eh.. mukhang mas okay nga kung ganoon ang buhay natin.. :)

Anonymous said...

now you know why i choose to be in med school. hahahaha.


teka, yang message na yan ba ay sa akin galing a loooooong loooooong time ago? o nagaassume lang ako? =P

Mariano said...

Ahihihi, hindi naman sobrang seryoso Boss Popoy. Kung seryoso ako, wala na ako sa Pilipinas. Asa ibang bansa na ako at hindi nagba-blog, ahihi. Putek, paano ba nalalaman sa itsura ng tao ang isip nang isip? Haha. Puro increase ngayon. As of now, habang sinusulat ko tong reply ko sayo eh nagtaas na daw ang pamasahe. Masarap mag-aral, lalo na kung iskolar ka tapos anak ka mayamang probinsyano. At syempre, sa tao naman nakadepende ang lahat. Nasa atin ang kasagutan sa sakit ng sariling tiyan. Seryoso ka masiyado Boss Popoy, ahaha. Karir mode sa reply! Salamat! Maraming salamat!

Beth, seryoso no? So not me, ahaha. Tiyaga lang nang tiyaga, kontra bukaka!

Vera, kill bills natin! Tara dali! Babangon ako't pupunitin ko ang mga bills na yan. Sweldo ba? Ano yung sweldo? Ahaha.

Tisay, leche talaga no! Buti nga di ako sinisingil sa bills ng kuryente! Ang laki nun! Pasawsaw-sawsaw lang ako sa gastusin, ahehe. HARDER AND FASTER! Parang naglalagari lang ng tabla, ahaha. Sige, tara, Amsterdam tayo! Red Light District na agad!

Nako naman NA, pumili ka na ng ibang idol please, ahaha. Pwede namang wag magwork, kung mayaman ka o di kaya eh pensionado ka ng kung anong institusyon, haha. Ang pera, hindi naman importante, pero kailangan talaga siya. So kahit piraso lang ng papel yan, wala tayong magagawa, susunod tayo sa paraan para kumita tayo niyan. Aalis ako kung may chance. Pag wala, eh di wala, ahaha.

Yung sinasabi kong paraan na pagmumulan naten eh parang kay Mr. Bean. Mula sa spotlight ng kalangitan. Ahaha, salamat NA, apir tayo dyan!

Miss Lyzius, totoo yun. Paatras ang buhay, mas epektibo. Mas maappreciate ko sigurong mabuhay sa ganun, ahaha. Isipin mo na lang, paano kung hindi ka makapasa ng college, eh di babata ka nang babata tapos walang choice kundi palipatin ka na sa HS o kaya eh prep kasi bata ka na eh, hindi ka na pwedeng mag-aral ng college lessons! Para po sa updates ng site yung mark! :D

Boss Chroneicon, classic talaga yun. Paborito ko yung palabas na yun eh.

Linglingm, hehe, ang kulit ng thought diba? Ang saya.

Mnel, sa iyo nga galing ang quote na yun. Naisalba ko iyon mula sa namatay kong sim. Tama ka, sayo nga galing yun. Oo, sayo nga. Oo, sayo. Hindi ka nag-aassume. Ano kaya kung sinubukan ko ang med school? Hmmm...

Anonymous said...

gusto ko yang ideya mo na pabaliktad ang buhay..looking forward to a great night of sex..hehe!

badtrip talaga magtabaho! nakakabaog!

Mariano said...

Oo, sinabi mo pa Boss Gasti. Wala na bang ibang paraan para makaranas ng maginhawang buhay? Minsan gusto kong makitang mangyare talaga yung pabaligtad na buhay eh, exciting.

Anonymous said...

後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮